You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Lesson Exemplar in FILIPINO 2 Using the IDEA Instructional Process

School Alapan 1 Elementary School Grade Level Ikatlong Baitang


LESSON
EXEMPL Name of Teacher Claudine M. Madula Learning Area MTB
Sept. 21, 2021
AR
Teaching Date and Time (10:00-10:45) Quarter Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner demonstrates the ability to formulate ideas following
the conventional format/patterns of written language.

B. Pamantayan sa Pagganap The learner uses expanding knowledge and skills to write clear
coherent sentences, paragraphs, short stories, letters, and poems
from a variety of stimulus
materials.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) - Differentiates count from mass nouns. (MELC 3)
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
- Notes important details in grade level narrative texts: a.
Character, b. Setting, c. Plot (problem & solution) (MELC
4)
- Uses the correct counters for mass nouns (ex: a kilo of
meat). (MELC 5)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN  Pangngalang Pamilang at Pangngalang Di-


pamilang
 Elemento ng Kuwento
 Tandang Pamilang sa Pangngalang Di-
Pamilang
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT BOW R4QUBE IN ALL LEARNING AREAS IN KEY
STAGES 1-4 Pahina 32
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral MTB-MLE 3 Quarter 1, PIVOT 4A Learner’s Materials pahina
12-19
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng (4) Maghugas Ng Kamay "COVID-19 SONG" - Blanktape
Learning Resource (Lyrics) - YouTube
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga powerpoint,mga larawan,video, show me board
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula)
Mga Pagpapaalala:
- Ipaalala ng guro sa mga bata ang mga
panuntunan sa online learning, gaya ng pag-
iwas sa pagbubukas ng mikropono kung hindi
kailangang magsalita at iba pa.

- Ang buong klase ay magkakaroon ng pagbabalik aral


tungkol sa napag-aralan noong nakaraang lingo.

Panuto: Pagmasdang mabuti ang dalawang larawan sa ibaba at


tukuyin ang kaibahan nito sa bawat isa.

Larawan 1 Larawan 2

B. Development (Pagpapaunlad) Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

I. Panuto: Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang


pamilang at DP kung Di-Pamilang.

___1. isang boteng catsup


___2. itlog
___3. isang kilong harina
___4. karne
___5. isang tasang suka

II. Panuto: Piliin ang angkop na tandang pamilang na


ginamit sa sumusunod na pangngalang di pamilang. Ilagay
ang sagot sa patlang.

isang basong isang 1. _______________


platong isang kilong isang tubig 4.
kalderong isang tasang _______________ pansit
2. _______________
karne 5. _______________ kanin
3. _______________ kape

(Babasahin ng guro ang isang kuwento na may pamagat na


“Maalagang Anak Akda ni Ria P. Mateo”.)

Maalagang Anak
Akda ni Ria P. Mateo

Isang Sabado ng umaga, kumakain ng suman at


tsokolateng inumin si Jodi habang nanonood ng paborito
niyang palabas sa telebisyon. Nang matapos na siyang
manood ng telebisyon, pumunta na siya sa kusina upang
hugasan ang kaniyang pinagkainan. Nakita niya na hindi pa
nahuhugasan ang mga pinggan, kaldero, at kawali. “Nasaan
kaya si nanay?” tanong ni Jodi sa kaniyang sarili na may
halong pangamba. Dali– dali siyang pumunta sa silid ng
kaniyang mga magulang. Pagbukas niya ng pinto, nakita
niyang nakahiga ang kaniyang nanay Fely sa kama.
“Maysakit ka po ba nanay?”, nag–aalalang tanong ni Jodi
sa ina. May sinat lang ako at masakit ang aking ulo.
Kailangan ko lamang uminom ng gamot at magpahinga”,
tugon ni Nanay Fely. “Mahiga lang po kayo at
magpahinga, nanay. Ikukuha ko po lang po kayo ng gamot
at inuming tubig. Ipaghahanda ko rin po kayo ng
makakain”, sabi ni Jodi. ”Salamat anak”, wika ni Nanay
Fely. Nagdala si Jodi ng isang mangkok na sabaw, isang
tinapay na may palamang keso, at isang saging. Inalalayan
niya sa pag–inom ng gamot at sa pagkain ang kaniyang ina.
Pagkatapos, bumalik siya sa kusina upang hugasan ang
mga naiwang hugasin. Kinagabihan, binalikan ni Jodi ang
kaniyang nanay upang pakainin ng hapunan at painumin
muli ng gamot. Bago matulog, sinilip muna niya ang
kaniyang nanay upang tingnan ang kalagayan nito.
Natutulog na ito ng mahimbing kung kaya’t dumeretso na
siya sa kaniyang silid. Nagdasal muna siya bago matulog.
Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ni Nanay Fely.
Nagpasalamat siya kay Jodi sa pag–aalaga sa kaniya.
Masayang kumain ng almusal ang mag-ina.

Sagutin ang mga tanong.


1. Saan nangyari ang kuwento?
2. Sino–sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Anong nangyari sa nanay ni Jodi?
4. Paano inalagaan ni Jodi ang kaniyang nanay?
5. Anong katangian mayroon si Jodi?

Paglalahad ng Konsepto

Ang bawat kuwento ay may tatlong elemento. Ang mga ito


ay ang tauhan, tagpuan, at mga pangyayari.
1. Ang tauhan ay ang mga gumaganap sa kuwento.
2. Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan naganap
ang kuwento.
3. Ang mga pangyayari ay ang mga naganap sa kuwento.
Ipinapakita rin dito ang mga nagging suliranin/ problema at
naging kalutasan o solusyon sa kuwento.

Ang pangngalang pamilang o count nouns ay mga


pangngalang nabibilang ng isa– isa. Ilan sa mga halimbawa
nito ay bag, lapis, baso, at plato.
Samantalang ang pangngalang di– pamilang o mass
nouns ay mga pangngalang di—nabibilang ng isa– isa. Ilan
sa mga halimabawa nito ay bigas, paminta, juice, gatas,at
tubig.

C. Engagement (Pagpapalihan)
I. Panuto: Kumpletuhin ang organizer kaugnay ng
binasang kuwento.

Panuto: Magtala ng 5 halimbawa ng panggalang pamilang


at 5 halimbawa ng panggalang di-pamilang.

Pangngalang Pangngalang
pamilang di-pamilang
1. ______________ 1. ______________
2. ______________ 2. ______________
3. ______________ 3. ______________
4. ______________ 4. ______________
5. ______________ 5. ______________

Panuto: Gawing pamilang ang mga sumusunod na mga


pangngalang di pamilang.

1. suka _____________________
2. harina _____________________
3. bigas _____________________
4. toyo _____________________
5. tubig _____________________

D. Assimilation (Paglalapat) Paglalahat:


Ano ang mga element ng kuwento?
Ano ang tauhan?
Ano ang tagpuan?
Ano ang pangyayari?
Ipaghambing ang pangngalang pamilang at di-pamilang.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga tandang pamilang ng mga
pangngalang di-pamilang.

Pagtataya:

I. Panuto: Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang


pamilang at DP kung Di-Pamilang.

___1. isang boteng catsup


___2. itlog
___3. isang kilong harina
___4. karne
___5. isang tasang suka

II. Panuto: Piliin ang angkop na tandang pamilang na


ginamit sa sumusunod na pangngalang di pamilang. Ilagay
ang sagot sa patlang.

1.isang
_______________
basong isang
tubig
platong4. isang kilong isang
_______________ pansit
kalderong isang tasang
2. _______________
karne 5. _______________ kanin
3. _______________ kape

Takdang Aralin:

Panuto: Isulat ang kuwento ng iyong sariling keranas sa


buhay. Isaalang-alang ang mga elemento ng kuwento tulad
ng tauhan,tagpuan,mahahalagang pangyayari kasama ang
suliranin at kung paano ito nalutas. Gawin ang pormat.
Gawin ito sa bond paper.

Tahuhan Tagpuan Suliranin Solusyon

V. PAGNINILAY  Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio


ng kanilang nararamdaman o realisasyon gaamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

You might also like