You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Lesson Exemplar in FILIPINO 2 Using the IDEA Instructional Process

School Alapan 1 Elementary School Grade Level Ikatlong Baitang


LESSON
EXEMPL Name of Teacher Claudine M. Madula Learning Area MTB
Jan. 11, 2021
AR
Teaching Date and Time (10:00-10:45) Quarter Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
*Demonstrates extending knowledge and use of
appropriate grade level vocabulary concepts
B. Pamantayan sa Pagganap
*uses extending vocabulary knowledge and skills in both
oral and written form.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Identifies metaphor, personification, hyperbole (MELC
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
15)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Pagtukoy sa Tayutay na Personipikasyon


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT BOW R4QUBE IN ALL LEARNING AREAS IN KEY
STAGES 1-4 Pahina 32
MTB CG Pahina 136 and 140
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral MTB-MLE 3 Quarter 1, PIVOT 4A Learner’s Materials pahina
29-32
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga powerpoint, mga larawan , show me board, Video
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula)
Mga Pagpapaalala:
- Ipaalala ng guro sa mga bata ang mga
panuntunan sa online learning, gaya ng pag-
iwas sa pagbubukas ng mikropono kung hindi
kailangang magsalita at iba pa.

- Ang buong klase ay magkakaroon ng pagbabalik aral


tungkol sa napag-aralan noong nakaraang lingo.
B. Development (Pagpapaunlad) Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

Panuto: Tukuyin ang personipikasyon na ginamit sa bawat


pangungusap.

Halimbawa: Hinahampas ng alon ang aking likuran.


Sagot: Hinahampas ng alon

1. Sa dami ng kaniyang ginagawa ay lumipad ng mabilis


ang oras ng hindi niya namamalayan.

2. Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak na


nagsisisayawan.

3. Pagbukas niya ng bintana ay dumungaw sa kanya ang


mga bituin sa langit.

4. Ang ilog ay tila ba nang-aakit na kami ay maligo dito.

5. Napakatamlay ng kalangitan ngayong araw.

Paglalahad ng Konsepto

Ang personipikasyon ay isang tayutay na nag-


uugnay ng mga katangian ng tao sa mga bagay o hayop.
Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-
katauhan.

Basahin ang mga halimbawa ng pangungusap na


ginamitan ng personipikasyon mula sa kuwento. Pansinin
ang may salungguhit.

1. Wala siyang angal kahit palagi siyang tinatawag ng mga


hugasing pinagkainan sa kusina.
2. Pakiramdam niya ay tila sinisigawan siya ng lakas ng
tunog ng tambutso ng traysikel.
3. Katabi niya sa lamesa ang isang maliit na ilawan na
tumitingin sa kaniyang ginagawa.
4. Ang kaniyang mga laruan sa higaan ang kaniyang
tagabantay habang siya ay natutulog.
5. Ang sarap pakinggan ang awit ng munting ibon na
nakahapon sa punongkahoy.

Wala namang kakayahang gawin ng pinagkainan,


traysikel, ilawan, laruan at ibon ang ikinilos sa
pangungusap. Inihalintulad ang mga aksiyon na nabanggit
sa ginagawa o kakayahan ng tao.

Ang pagtawag, pagsigaw, tumingin, magbantay at umawit


ay gawain o kilos na nililikha lamang ng tao. Samakatuwid,
ang personipikasyon ay ang paggamit ng kilos o katangian
ng tao sa bagay o hayop.
C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain:

Panuto: Tukuyin ang personipikasyong ginamit sa bawat


pangungusap. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Halimbawa: Umiiyak ang kandila habang ito ay umiilaw.


Sagot: umiiyak ang kandila

1. Sumasayaw ang mga kawayan sa bawat ihip ng hangin.


2. Ang makulay mong buhok ay naghahanap ng atensiyon.
3. Galit na bumuhos ang ulan kagabi.
4. Tumatakbo ang oras habang ginagawa namin ang
proyekto.
5. Ang mga bulaklak sa hardin ay nakangiting tumitingin sa
akin.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na


personipikasyon upang mabuo ang bawat pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Kumulog nang malakas at __________ ang kalangitan.


2. Hindi naglaba si Aling Helen kayâ ___________ sa
kaniya.
3. __________ dahil nakaligtaan na siláng basahin ng mga
bata, na kompyuter ang laging inaatupag.
4. Nakikiliti ako sa __________ na dumadampi sa aking
pisngi.
5. Maaga pa ay masakit na ang balat ni Mon,
____________________.

D. Assimilation (Paglalapat) Paglalahat:


Ano ang Personipikasyon?
Pagtataya:

Panuto: Tukuyin ang personipikasyon na ginamit sa bawat


pangungusap.

1. Sa dami ng kaniyang ginagawa ay lumipad ng mabilis


ang oras ng hindi niya namamalayan.

2. Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak na


nagsasayawan.

3. Pagbukas niya ng bintana ay dumungaw sa kanya ang


mga bituin sa langit.

4. Ang ilog ay tila ba nang-aakit na kami ay maligo dito.

5. Napakatamlay ng kalangitan ngayong araw.

V. PAGNINILAY  Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio


ng kanilang nararamdaman o realisasyon gaamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

You might also like