You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

School MALABAN ELEMENTARY Grade Level


TALA SA SCHOOL
Baitang 4
PAGTUTUR Teacher JULIE C. TANDOC Learning Area ARTS 4
O Teaching Date and Time MAY 18, 2023 8:15- 8:55 Quarter FOURTH QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayangdemonstrates
Pangnilalaman
understanding of shapes, colors, textures, and emphasis by variation of shapes and texture and contrast of co

B. Pamantayan sa Pagganap creates a mask or headdress that is imaginary in design using found and recycled
materials
C. Pamantayan sa Discusses the intricate designs of mats woven in the Philippines:
Pagkatuto(Learning 1. Basey, Samar buri mats
Competencies) 2. Iloilo bamban mats
3. Badjao and Samal mats
4. Tawi-tawi laminusa mats
5. Romblon buri mats (A4EL-IVc)
II. NILALAMAN Paglalala
Paksang Aralin Iba’t-ibang Disenyo ng Paglalala
III. KAGAMITAN PANTURO Powerpoint, Laptop, Pictures, Charts.
A. SANGGUNIAN
Mga Pahina Sa Gabay Guro A. Sanggunian: CG pahina 285
MELC ARTS 4, PIVOT LEAP, PIVOT SLM
B. Kagamitan: mga larawan, colored paper, bond paper, gunting, activity
sheets, meta cards
Mga Pahina sa kagamitang Pang L.M ph. 249-251
mag-aaral Ika-Apat na Markahan
B.Listahan ng mga
Kagamitang Panturo Para
sa mga Gawain sa https://youtu.be/lJruNYQlLVU
Pagpapaunlad at powerpoint, larawan
Pakikipagpalihan
Integrasyon : A. Integrasyon:
Araling Panlipunan – Natutukoy ang mga produkto sa
Pilipinas
EsP – Natututunan ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa gawain.
Naipagmamalaki ang mga produkto sa sariling
pamayanan
Values: PAGIGING MATIYAGA
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) PANIMULANG GAWAIN:
*Greeting/Setting of Class Rules

Magandang umaga sa inyong lahat


Kamusta kayo mga bata?
Kompleto ba ang lahat, wala bang lumiban sa klase?

Handa na ba kayo para sa ating bagong aralin?


Kung handa na kayo ay makinig kayo ng mabuti upang maunawaan nyo ang ating
aralin at makasagot sa mga gawain at pagsasanay.

Naalala nyo pa ba ang ating aralin tungkol sa Tradisyon ng Paglala ng banig?

Tayo ay magbalik-aral muna sa ating nakaraang aralin.

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula sa bagong


aralin(Review)

Panuto: sagutin ang mga katanungan sa ibaba .


ICT ( JUMBLED LETTERS)

Ayusin ang mga ginulong letra upang maipakita ang hinihinging sagot.
1. Ano ang tawag sa isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya
ng buri o pira-pirasong papel na inianyo pahaba at pabalagbag upang
makabuo ng kahanga-hangan disenyo?

AGALPALAL

Sagot: PAGLALALA

2. Saan kinukuha ng ating mga pangkat-etniko ang inspirasyon sa


kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t-ibang
pamayanang kultural?

ALAWININAP

YONSIDART

LUKARUT

Sagot: PANINIWALA, TRADISYON at KULTURA


B. Pagganyak ( Pagsasanib ng aralin sa Math)

. This illustrates observable #.1Apply knowledge of content within and across curriculum.

a.Gawain sa Pagkatuto 1
Buoin ang mga salita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga titik sa
patlang. Gawing batayan ang mga numero na nakalaan sa bawat titik.
Isulat ang iyong sagot sa papel.

5=A 6=B 4=I 9= G

8=L 7=N 10= P

______ ______ ______ ______ _____ _____ _____ ______ ______


( 7+3) (3+2) (5+4) (4x2) (9-4) (4+4) (12-7) ( 16÷2) ( 12-7)

______ ______ ______ _____ _____ _____ ______


( 35÷5) ( 5+4) ( 3x2 ) (10-5) ( 3+4) (9-5) ( 3x3)

SAGOT : PAGLALALA NG BANIG

b. Gawain sa Pagkatuto 2
Kukunin ng mga bata ang idinikit na larawan ng guro sa ilalim ng kanilang desk
at sila ang sasagot sa mga katanungan. Ito ay mga larawan ng iba’t-ibang
disenyo ng banig .

This illustrates observable #.3

Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as well as other higher-order
thinking skills

1.Naranasan mo din bang matulog dito?

2.Ano ang pakiramdam mo kapag nakahiga ka sa banig?

3. Ano ang masasabi mo sa disenyo na iyong nakikita?


4. Ano ang masasabi mo sa pattern na nasa mga larawan/ iyong harapan?
5. Sa palagay mo, saan gawa ang banig na iyan ? saan ka makakakuha ng
materyales na iyan?

Ang mga larawan sa itaas ay ang mga halimbawa ng mga hinabing banig
mula sa iba’t ibang pook dito sa ating bansa maging dito sa ating sariling bayan.
B. Development
(Pagpapaunlad) Ang banig ay katulad ng mga tradisyonal na tatami ng mga Hapon at pay
or chatai ng India, gawa ito sa pinatuyong mga dahon na ginagamit na panlatag sa
pagtulog at pag-upo sa Pilipinas at sa ibang bansa.
.
Itanong:
 Ano ang pagkakaiba ng mga larawan?
 Alam mo ba ang mga lugar na kilala sa paggawa ng banig?
Aalamin natin yan lahat ngayong araw. Handa na ba kayo?

(Pagpapakita ng ibat’-ibang disenyo ng banig gamit ang Powerpoint


Presentation)

Ang banig ay maaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo o yung
kilalang tinatawag na water lily. Gumagamit sila ng iba’t ibang materyales
at dahil dito, iba’t ibang disenyo rin ang nabubuo.

Sa ating sariling bayan dito sa Binan ay mayroon din tayong


ginagawang banig na ginagamitan ng nadiskubreng materyales na dati ay
itinuturing na damo lamang at sagabal sa mga lawa at karagatan. Dahil sa
dami nito ay naisip ng mga taga baybay lawa na gawing materyales sa
paglalala. Ito ay ang kilala sa tawag na water hyacinth o mas kilala sa tawag
na water lily.

Ito ay sa pagtutulungan ng Organik Farm na matatagpuan sa Barangay


Dela Paz at ng GAD o Gender and Development na siyang nangunguna sa
iba’t ibang proyektong pangkabuhayan. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon
ng dagdag na pinagkakakitaan ang ating mga kababayan.

C. Engagement This illustrates observable #.8


(Pagpapalihan) Selected, developed, organized and used appropriate teaching and learning resources, including ICT, to address
learning goals

Nasubukan nyo na bang maglala ng papel o maglala ng banig? Paano nyo ito
pinaganda?

Ngayong araw ay gagawa tayo ng banig na may iba’t-ibang disenyo kaya gusto
kong manood at makinig kayong mabuti sa videong ipapakita ko sa inyo..

Kung kayo ay gagawa ng paglalala ng banig, a nong katangian ang dapat


mayroon ang isang batang tulad nyo sa pagawa ng isang gawain?
(Pagiging Matiyaga)

Ipanuod ang video

https://www.youtube.com/watch?v=vHJuAW_9MYY

INDICATOR 6: Used differentiated, developmentally appropriate learning


experiences to address learners’ gender, needs, strengths, interests and
experiences.

Tayo ay magkakaroon ng Pangkatang Gawain. Bago natin


umpisahan ay ibigay nyo muna ang mga panuntunan sa tuwing
may pangkatang Gawain.
1. Magsalita ng mahinahon
2. Basahin ng mabuti ang panuto.
3. Makilahok sa Gawain ng grupo
4. Pumili ng lider, sekretarya at taga ulat
5. Tapusin ang Gawain sa itinakdang oras

This illustrates observable #4.

Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups, in


meaningful exploration, discovery and hands-on activities within a range of physical
learning environments

3.Gawain sa Pagkatuto bilang 3:


Pagsasagawa ng pangkatang Gawain

(Ipabigay muna ang mga pamantayan sa pangkatang gawain )

Pangkat 1 – Pagtambalin Nyo


Pangkat 2- Irecycle Nyo

Gamit ang banig na yari sa mga recycled material ay gumawa ng


head dress o maskara. Pagkatapos ay ipasuot sa isang miyembro
bilang modelo.
( Ang banig na yari sa recycled materials ay ibibigay na ng guro)

Mga Kagamitan:
Nilalang banig na yari sa dyaryo o magazine
Cardboard
Gunting
pandikit

Pangkat 3- Ven Diagram Group


Gamit ang diagram ay isulat ang mga iba’t-ibang disenyo ng banig na inyong
natutunan.
PANGKAT 4- MAGHAHABI GROUP

Gamit ang mga materyales ay gumawa o maglala ng banig.

Mga Kagamitan:
Strips ng Colored Paper
Glue
Gunting

Tandaan: Maging maingat sa gawain.

RUBRIKS

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Panuto: Basahin nang mabuti and bawat katanungan. Piliin at bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Ito ang pangunahing isaalang-alang sa paglalala ng banig.
A. Uri ng dahon B. Disenyo C. Kulay D. Pattern
2. Ito ay ang damong dagat na maaaring gamiting materyales sa paglalala ng
banig at iba pang produkto tulad ng bag, basket,placemat at kung ano-ano pa.
A. Water Lily B. Buri C. Palay D. Lotus
3. Anong lugar sa Pilipinas ang tinaguriang bagong kapital ng banig?
A. Tawi –Tawi B. Ilo-ilo C. Basey, Samar D. Romblon
4. Ito ay isang uri ng disenyo sa paglalala ng banig na makikita ang mga linyang
pahilis.
A. Zigzag B. Plain C. Stripes D. Checkered
5. Ang disenyong ______________ ay mga kumbinasyon ng mga linyang pahilis,
pahiga, at patayo.
A. Zigzag B. Plain C. Stripes D. Checkered

PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

Ano-ano ang kahalagahan ng paglalala?

Paano ito nakatutulong sa ating buhay?

PAGLALAHAT NG ARALIN

Ang paglalala ay bahagi nang tradisyong Pilipino. Dito makikita


ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba’t
ibang na materyales gayundin ang estilo sa pagdidisenyo.
Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit sa
Silangang Asya at Pilipinas para sa pagtulog. Ang paggawa nito ay may
iba’t ibang pattern. May plain, pa-zigzag, square, stripes at iba pa. At
lumilitaw ang mga disenyo nito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga
kulay.

D. Assimilation PAGTATAYA:
(Asimilasyon)
Panuto: Sagutin ang katanungan. Hanapin sa kahon ang sagot at isulat ito sa iyong
notebook.

1. Nakikita ang mga linyang pahilis sa banig at ang bawat stipes ay nag-iiba
batay sa iba’t ibang kulay na ginagamit sa paglalala.

___________________

2. Mga kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga at patayo.

___________________

3. Karaniwang gumagamit ng dahon ng buri, at pandan. __________________

4. Makikita sa banig sa pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay


upang makabuo ng parisukat na porma._________________

5. Nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang pasigsag gamit ang


parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.__________

Takdang Gawain:

Gumawa ng paglalala ng banig sa bahay at dalhin kinabukasan upang idisplay


ang iyong natapos na proyekto.

V. PAGNINILAY
(Pagninilay sa mga Uri ng PANUTO
Formative Assessment na Ginamit Kumpletuhin ang bawat pangungusap.
sa Araling Ito)
1. Ang natutunan ko ngayon ay_____
2. Nalaman kong _____
3. Gusto ko pang malaman_____

Inihanda ni:

JULIE C. TANDOC
TEACHER
Binigyan Pansin ni:

MASTER TEACHER I

Sinuri ni:

PRINCIPAL II

You might also like