You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Learning Area Filipino 6


Learning Delivery Modality Modular Learning

Paaralan Banaba South Baitang Grade 6


Elementary School
Lesson Guro Ms. Jenn Mariz A. Learning Area Filipino
Exemplar Blanco
Petsa Agosto 24-26, 2020 Quarter Una
Oras Bilang ng Araw 3 araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
Pangnilalaman pag-unawa sa napakinggan.

B. Pamantayan sa Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula


Pagganap ang isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.

C. Mga Kasanayan sa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


Pagkatuto napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan

D. Pinakamahalagang Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


Kasanayan sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
Pagkatuto impormasyon at usapan.
F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1

E. Pagpapaganang
Kasanayan

II. NILALAMAN Pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang


pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan

III.
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Alab Filipino 6 pahina 3-7
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

para sa mga Gawain


sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction UNANG ARAW
(Panimula)
What I need to know?

Aalamin ng mga mag-aaral ang layuning nakatakda para sa


tatlong-araw na pagkatuto.

Babasahin ito ng mga mag-aaral:

Pagkatapos ng tatlong-araw na talakayan, ako ay inaasahang


masasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan.

What’s new?

Ang mga mag-aaral ay babalikang muli ang mga akdang


pampanitikan na hilig nilang basahin. Sasabihin ang ilan sa
mga pangyayaring kanilang nagustuhan sa akda.

ANO NGA BA?

Punan ng angkop na impormasyon ang nasa ibaba upang


mabuo ang diwa nito.

 Sa mga nabasa ko ng akda, ang pinaka nagustuhan ko


ay ____________________ sapagkat ____________
___________________________________________.
 Ang mga tauhan dito ay sina ____________________
___________________________________________.
 Ang pinaka hindi ko malilimutang tagpo ay ng ______
___________________________________________.

Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng mga panibagong akda


at magsasagot ng mga tanong na nakapaloob dito.

ORAS NA PARA BUMASA

Basahing mabuti ang mga akda at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

Akda Blg. 1
Ang Tipaklong at ang Paruparo

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang


umagang iyon. Nagsasayawan ang mga puno maging ang
mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay
Paruparo. “Nakalabas pa kasi ako sa aking pinagtataguang
kahoy.”
“Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy.
Wala namang tumatakip sa katawan mo. Bakit sisisihin mo
ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng
kanyang kaibigang Paruparo.
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang
malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi
ka lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi
mo madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay
hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-
ayon. “Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,”
ang sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw
ka pa? Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan.
Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at
pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay
matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan.
Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag
kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay hindi liliparin ng
hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang
mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay?
Paano na ako makalalapit kay bulaklak kung wala na akong
mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang
Paruparo. Ako man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang
bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang aking mga paa
na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang
sabi ni Tipaklong.
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang
mabuti nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang
tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni
Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo.
“Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni
Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay
babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi
malaglag,” ang sagot ni Tipaklong.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si


Paruparo at si Tipaklong.
(Hango mula sa Filipino 6 Unang Bahagi ADM pahina 6-7)

Mga Katanungan:
1. Sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang
katangian ng bawat isa.
2. Bakit nag-aalala ang magkaibigan ng umagang iyon?
3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi lumabas
ng pinagtataguan niyang puno si Tipaklong.
4. Paano naprotektahan ni Tipaklong at Paruparo ang isa’t
isa sa panahon ng unos?
5. Paano mo patutunayan ang pagpapahalaga sa isang
kaibigan?

Akda Blg. 2
Sa Kampo ang Bagong Simula
Ma. Debelen R. Magadia

Masayang mag-aaral na nagkukumustahan,mga magulang


na akay-akay ang kanilang anak, batang halos mapatakbo
dahil sa labis na pagkasabik sa kaniyang mga kaibigan, at higit
sa lahat, ang hindi maiiwasang iyakan ng ilang bata na ayaw
bumitaw sa kanilang mga nanay. Ito ang mga tagpo na nakita
ni Claire sa unang araw niya sa Paaralang Elementarya ng
Kampo Nakar, ang kanyang bagong paaralan.
Isa ang ama ni Claire sa mga sundalong naassign sa
Southern Luzon Command o kilala bilang Camp Guillermo
Nakar. Isang linggo bago ang pasukan nang dumating ang
kautusan para dito. Matagal na nilang alam na malilipat ang
ama subalit iba pa rin sa pakiramdam. “Mga anak,
ipagpaumanhin ninyo subalit kailangan na tayong lumipat ng
bagong tahanan. Dumating na kasi ang atas na kailangan
kong malipat sa Lucena. “Alam ko na maninibago kayo, subalit
sana ay maintindihan nyo ang aking tungkulin bilang sundalo.”
Ilang beses na din nalipat ang destino ng kaniyang trabaho
pero pawang sa mga kalapit bayan lamang kung kaya’t ito ang
unang pagkakataon na lilipat kami ng tahanan. “Ayos lang po
Papa, ang mahalaga po ay sama-sama tayo.” ani Claire.
Mamimiss po namin ang mga kalaro at kaibigan namin dito,
pero alam ko po madami po kaming bagong makikilala sa
ating lilipatan.
“Tamang-tama may malapit daw na paaralan doon, kaya
hindi kayo mahihirapan. Tungkol naman sa bago nating
tirahan, may mga bahay na nakalaan para sa aming mga
sundalo sa loob ng kampo” sagot nang kanyang ama.
Makalipas ang ilang araw ay nakalipat na sila sa kanilang

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

bagong tahanan. Tulad ng inaasahan, mga pamilya din ng


sundalo ang kanilang kapitbahay. Kinabukasan ay agad na
namili ang kanyang ina ng mga gamit pang eskwela para sa
kanilang magkakapatid.
Lunes, unang araw ng pasukan. “Claire, Cedie, Charice,
bilisan nyo na ang kilos baka mahuli kayo sa pagpasok. Claire
bilang panganay, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo.
Huwag kayong tatawid sa highway delikado sa mabibilis na
sasakyan. Susunduin kayo ng Papa nyo mamayang tanghali,”,
paalala ni Gng. Antes sa kanyang mga anak. “Opo, Mama,
‘wag po kayo mag-alala, ako na po ang bahala sa kanila. “Uh
sige na, magpakabait kayo at makinig sa inyong guro. Mag-
aral nang mabuti”.
Dahan-dahang inihakbang ni Claire ang kanyang mga paa
papasok sa gate ng paaralan, habang pilit na nilalabanan ang
hiya at kaba. Sino kaya ang mga kamag-aral ko sa kanila?, ito
ang naglalarong tanong sa isipan niya. “Ate Claire, tara na
ihatid mo na kami sa classroom namin. “Okay sige, wag nyo
kalimutan ang bilin sa atin ni Mama”. Hintayin nyo na lang ako
mamaya sa pergula kapag nauna kayong lumabas” bilin ni
Claire sa mga kapatid.
“Magandang umaga! Ako si Bb. Mara Padilla, ang inyong
gurong tagapayo sa Ikaanim na Baitang. Bago tayo magsimula
sa ating aralin, nais ko munang malaman kung sino dito ang
mga bagong mag-aaral. Maaari ba kayong magpakilala sa
unahan?”, pagpapatuloy ni Bb. Padilla.
Tumayo si Claire at nagsimulang magpakikilala. “Inaasahan
ko na maging kaibigan kayong lahat”, pagtatapos niya.
(Hango mula sa Filipino 6 Unang Bahagi ADM pahina 23-24)

Mga Katanungan:
1. Bakit lumipat ng tahanan ang pamilya ni Claire?
2. Saan ang bagong destino ng ama niya?
3. Kung ikaw si Claire, ano ang magiging reaksiyon mo kung
lilipat kayo ng bagong tahanan?
4. Ano ang gagawin mo upang magkaroon ng mga bagong
kaibigan?
5. Mayroon kang bagong kamag-aaral na sa tingin mo ay hirap
sa buhay, paano mo siya tutulungan?

Akda Blg. 3
Pagkain ng Tsitsirya: Nakasasama o Nakabubuti ba?
Jenn Mariz A. Blanco

Likas sa mga bata ang pagkahilig sa pagkain ng tsitsirya.


Matamis, maaalat, maasim at masarap naman ang

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

karaniwang lasa nito. Bukod rito, pasok pa ito sa bulsa


sapagkat mabibili lamang ito sa murang halaga.
Pero bakit tila ipinagbabawal ang pagkain nito? Una,
kalimitan sa mga ito ay nagatataglay ng tinatawag na MSG
(Monosodium Gluthamate) na kung saan may nrgatibong
epekto sa ating kalusugan. Maaari tayong magkasakit sa bato
dahil sa labis na pagkonsumo nito. Pangalawa, kulang ang
mga ito sa sustansya kaya naman hindi ito nakabubusog. Mas
mabuti na tinapay, prutas at gulay na lamang ang kainin.
Sa tingin ninyo, nakabubuti o nakasasama kaya ito? Nasa
inyo ang huling desisyon!

Mga Katanungan:
1. Tungkol saan ang isyung napakinggan?
2. Bakit marami ang bumibili ng tsitsirya?
3. Bakit naman ipinagbabawal ang labis na pagkain nito?
4. Sa iyong palagay, ito ba ay nakabubuti o nakasasama
sa kalusugan? Bakit?
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka magkakaroon ng
malusog na pangangatawan? Ano-ano ang mga dapat
gawin?

Akda Blg. 4
Oplan Eco-bag, inilunsad!
Jenn Mariz A. Blanco

Inilunsad ng paaralang Elementarya ng Banaba South ang


Oplan Eco-Bag kung saan ang bawat isang mag-aaral ay
hinihikayat na magdala ng sariling eco-bag upang dito ilagay
ang kani-kanilang mga basura sa halip na sa paaralan pa
itapon.

Umani ito ng positibong reaksyon mula sa iba’t ibang mag-


aaral:

Anthonette: Nabalitaan niyo na ba ang bagong lunsad na


proyekto ng paaralan?
Daniela: Aba, oo naman! Ito ang Oplan Eco-bag. Natitiyak
kong malaki ang maitutulong nito sa kalinisan at kaayusan ng
ating paaralan.
Jamaica: Tama ka diyan Daniela. Mababawasan na ang
tambak na basura ng ating paaralan. Ngayon kasi ay
ipinagbabawal na rin ang pagsusunog/pagsisilab kaya naman
nararapat lamang na maging mga responsable tayong mag-
aaral.
Anthonette: Mabuti na lamang at naisipang ilunsad ang
programang ito. Sa aking pagkakaalam, ito ay sa pamumuno
ng ating mga YES-O Officers.
Daniela: Lubos ang aking pasasalamat sa kanila sapagkat

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

natitiyak kong matutuwa ang Inang Kalikasan sa munting


hakbang na ito.
Jamaica: Sana ay suportahan ito ng bawat isang mag-aaral.
Magiging matagumpay lamang ito kung ang bawat isa ay
magtutulungan

Mga Katanungan:
1. Sino-sino ang magkakaibigan sa usapan?
2. Ano ang pinaguusapan nila?
3. Bakit inilunsad ang programang operasyon eco-bag?
4. May maganda ba itong maidudulot sa paaralan?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Sinusuportahan mo ba ang programang ito? Bakit?

B. Development What I know?


(Pagpapaunlad)
Ang mga mag-aaral ay aalamin ang pagkakaiba ng apat na
akdang kanilang binasa.

SAGUTIN MO

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


 Alin sa mga sumusunod na akda ang pabula? kwento?
tekstong pang-impormasyon? dayalogo?
 Paano mo nasabi na ito ay halimbawa ng pabula?
kwento? tekstong pang-impormasyon? dayalogo?

Ang mga mag-aaral ay aalamin ang kahulugan ng mga iba’t


ibang uri ng akdang pampanitikan.

ALAM MO BA?

Piliin ang angkop na kahulugan ng mga salita sa Hanay A sa


kahulugan nito sa Hanay B.

A B
1. Pabula a. salaysay ng mga
pangyayari na maaaring
hango sa tunay na buhay o
kathang isip lamang
2. Kwento b. akda kung saan ang mga
tauhan ay hayop na

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

kumikilos at nag-aasal tao


3. Tekstong c. dayalogo
Pang- d. akdang nagpapahayag o
Impormasyon naglalahad ng mga
4. Usapan impormasyon o kaalaman
hinggil sa isang paksa

IKALAWANG ARAW

Maaaring balikang muli ng mga mag-aaral ang mga akdang


binasa gayundin ang pagkakaiba nito sa isa’t isa.

What’s In?

Ang mga mag-aaral ay ilalagay ang iba’t ibang halimbawa ng


mga akda sa angkop nitong kategorya.

PUNAN MO AKO

Ilagay ang mga sumusunod na halimbawa ng mga akda sa


angkop na kahon.

Pabula Kwento Tekstong Usapan


Pang-
impormasyon
1. 3. 5. 7.
2. 4. 6. 8.

Si Pagong at si Matsing
Ang Punong Kawayan
Pangangalaga sa Kalikasan: Isang Dayalogo
Mga Uri ng Insekto
Ang Agila at Ang Maya
Si Maria Makiling
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Oplan Eco-bag, inulunsad (Usapan ng Dalawang
Magkaibigan)

What is it?

Ang mga mag-aaral ay iisiping muli ang pamagat ng mga


akdang pampanitikan na kanila ng nabasa. Ito ay isusulat nila
kung saang akda nabibilang.

NAAALALA KO PA BA?

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Isiping mabuti ang mga akdang pampanitikan na iyong nabasa


o napakinggan na. Punan ng wastong impormasyon ang
kahon sa ibaba.

Pabula Kwento Tekstong Usapan


Pang-
impormasyon
1. 3. 5. 7.

2. 4. 6. 8.

C. Engagement What’s more?


(Pakikipagpalihan)
Ang mga mag-aaral ay susulat ng kanila mismong akda
(kwento) batay sa paksang ibinigay.

MANUNULAT AKO

Sumulat ng isang maikling kwento tungkol sa mga panibago


mong karanasan na naidulot ng COVID-19 pandemic.

What I can do?

Ang mga mag-aaral sa tulong ng kanilang magulang, ay


maghahanap ng isang tekstong pang-impormasyon. Ito’y
kanilang babasahing mabuti upang makagawa ng katanungan
ukol dito.

HALINA’T MAGHANAP

Humanap sa aklat, internet, o iba pang babasahin ng isang

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

tekstong pang-impormasyon. Sipiin ito at pagkatapos ay


gumawa ng tatlong katanungan batay dito.

What other enrichment activities can I engage in?


(Additional Activities)

Ang mga mag-aaral ay susulat ng dayalogo batay sa


sitwasyong babasahin.

KAYA KO ITO

Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Gumawa


ng isang maikling dayalogo/usapan ukol dito.

Mahigpit na ipinatutupad sa inyong barangay ang Enhanced


Community Quarantine (ECQ). May ilang mamamayan sa
inyong barangay ang hindi sumusunod dito.
Ano kaya ang maaaring maging usapan sa pagitan ng punong
barangay at sa mga pasaway na mamamayan?

D. Assimilation IKATLONG ARAW


(Paglalapat)
What I have learned?

Babalikang muli ng mga mag-aaral ang kaalamang kanilang


natutunan sa loob ng tatlong araw.

Ito ay kanilang isusulat sa balangkas sa ibaba.

SUBUKAN MO

Punan ng hinihinging impormasyon ang graphic organizer sa


ibaba.

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

Pagkatapos, kanilang babasahin ang sumusunod.


 Basahin /Pakinggan at unawaing mabuti ang iba’t
ibang uri ng mga akda upang masagutan ang mga
katanungang nakapaloob dito.
 Ang ilan sa mga akdang pampanitikan ay kwento,
pabula, dayalogo at tekstong pang-impormasyon.

What I can do? (Assessment)

Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga katanungan gamit


ang kanilang mga bagong kaalaman at kasanayan na
natutunan.

PAGSUMIKAPAN MO

I. Alamin ang akdang pampanitikan na tinutukoy ng bawat


depinisyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.

A. Pabula
B. Kwento
C. Usapan
D. Tekstong Pang-impormasyon

_______ 1. Ito ay nagpapahayag o naglalahad ng mga


impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa

_______ 2. Ang iba pang twag dito ay dayalogo.

_______ 3. Ito’y isang akda kung saan ang mga tauhan ay


hayop na kumikilos at nag-aasal tao.

_______ 4. Ito ay salaysay ng mga pangyayari na maaaring


hango sa tunay na buhay o kathang isip lamang

II. Basahing mabuti ang mga akda at sagutan ang mga tanong
na nakapaloob dito.

Ina ng Biak-na-Bato

Isa sa mga babaeng gumanap ng mahalagang papel sa

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

himagsikan at nagpamalas ng kagitingan at pagmamahal sa


bayan ay si Trinidad Tecson. Sumapi siya sa lihim na
samahan ng mga Katipunero. Mapulang-mapula at buhay ang
dugong tumulo sa bisig ni Trinidad. Isinawsaw niya sa dugong
ito ang pluma at inilagda niya ang kanyang pangalan bilang isa
sa magigiting na Pilipinang kasapi sa katipunan.

Nagsuot kawal si Trinidad Tecson at sumama sa mga


Katipunero sa larangan ng digmaan. Isa siya sa
pinakamatapang na kawal na babae na nakipaglaban sa mga
kawal Kastila. Nakasama siya sa labanan sa San Miguel, sa
San Ildefonso, at sa San Jose, Nueva Ecija.

Siya ay naglingkod sa ilalim ng hukbong pinamunuan ng


magigiting at matatapang na Heneral na Pilipino. Kabilang dito
sina Heneral Mariano Llanera.

Sa ilalim ng pangkat ni Heneral Francisco Makabulos ay


nasugatan si Trinidad sa paa sa paglusob nila sa kampo ng
mga Kastila sa Zaragosa. Nueva Ecija. Napilitan siyang
umurong sa labanan at magpagaling sa Biak-na-Bato.

Sa makasaysayang pook ng Biak-na-Bato itinayo ni


Heneral Aguinaldo ang mga kampo, at ospital ng mga
rebolusyonaryo. Sa pook na ito ginagampanan ni Trinidad ang
tungkulin ng isang nars at ina ng mga nasusugatan at mga
maysakit na Katipunero.

Bagamat may sugat ang binti, ay inalagaan, pinakain at


ginamot niya ang mga sugatang kawal. Bukod sa paggamot at
pag-aalaga sa mga kawal Pilipino ay nanawagan din si
Trinidad sa mga kababaihang Pilipina na tumulong sa pag-
aalaga sa mga sugatang kababayan.

Muling nagsuot ng damit kawal si Trinidad nang muling


sumiklab ang himagsikang Pilipino-Amerikano noong 1898.
Dahil sa kakulangan ng pagkain at sandata ay napilitan silang
sumuko sa Hukbong Amerikano.

Bilang pagkilala sa nagawang pagmamalasakit ni Trinidad


Tecson sa mga kawal Pilipino noong panahon ng Himagsikan,
si Trinidad Tecson ay tinagurian ni Heneral Aguinaldo na "Ina
ng Biak-na-Bato."

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ina-ng-biak-na-
bato/

5. Sino ang tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato?


6. Saang samahan siya sumapi?
7. Anong tungkulin ang kanyang ginampanan noong

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

panahon ng digmaan?

Ang Manok at ang Uwak

Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang


uwak. Madalas dumalaw ang uwak kay inahin at makipaglaro
sa mga sisiw nito.

Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may


magarang singsing ang ibon. "Uy, pahiram naman ng singsing
mo. Ang ganda-ganda!" sabi niya sa uwak.

"Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin


uli," sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli.

Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa


ibang hayop ang singsing niya nang lumapit ang isang
tandang. "Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi
manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan
diyan. Itapon mo ang singsing!"

Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing.


Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di niya suot ito.
"Nasaan ang singsing ko?" tanong ng ibon.

"Ewan ko," takot na sagot ng manok. "Naglalakad lang ako


ay bigla na lang nawala sa mga kuko ko. Luwag kasi."

Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil


nanginginig ito. "Alam ko, itinapon mo siguro dahil ayaw mo na
sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang
hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong
sisiw mo at ililipad ko sa malayo."

Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa


lupa para hanapin ang itinapong singsing. Pati ibang mga
manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag
may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin
sa mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka
danggitin ng uwak.

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-manok-at-ang-
uwak/

8. Ano ang ipinahiram ni Uwak kay Manok?


9. Ayon sa binasa, bakit nagkukutkot ang manok sa lupa?
10. Ano ang aral na nais iparating ng akda?

V. PAGNINILAY Ang mga mag-aaral ay magninilay at bubuuin ang pahayag sa

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
District VIII
BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

ibaba.

Naunawaan ko na __________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
JENN MARIZ A. BLANCO
Guro I

Email Address: banabasouthelementary@gmail.com Building a Sensible and Engaging System

You might also like