You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
NATU ELEMENTARY SCHOOL
NATU, ROSARIO, BATANGAS

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: Fourth Quarter Grade Level: Grade II-Success


Week: Week 6 Learning Area: Filipino
Petsa at Oras: May 30, 2022 – 10:25-10:50

MELC:
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol ni/nina, kay/kina, ayon sa, para sa, at ukol sa (F2WG-IIIh—i-7)

Objectives:
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol ni/nina, kay/kina, ayon sa, para sa, at ukol sa

Topic:
Gamit ng mga Pang-ukol na Ni o Nina, Kay o Kina, Ayon sa, Para sa at Ukol sa

Activities

A. Balik-Aral

Punan ng tamang parirala ang pangungusap:

“Ang pagtuturo ng guro ay ________ sa mga kabatang pag-asa ng bayan”.

Bakit ganito ang iyong sagot?

B. Pagganyak

 Pagmasdan ang kapaligiran.


 Ano-ano ang napansin ninyo sa paligid?
 Ano ang pakiramdam mo kung malinis/marumi ang iyong paligid?

C. Paglalahad

Basahin ang kuwento.

Ecosavers para sa Kalikasan

Ang Ecosavers ay isang programang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon para sa kapaligiran.


Ginawa ito upang turuan ang mga bata na magmalasakit sa kalikasan para sa ikagaganda ng paligid, at para

Natu, Rosario, 4225 Batangas


 +63 995 510 1427
 107566@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
NATU ELEMENTARY SCHOOL
NATU, ROSARIO, BATANGAS

sa kaligtasan ng mga mamamayan. Bahagi ng programang ito ang paglimita sa paggamit ng plastik, pagre-
recycle ng mga bagay-bagay, at pagtatanim ng mga halaman at puno sa paligid at paaralan. Ilan lamang ito
sa mga ginagawa sa programang Ecosavers para sa pagpapabuti ng ating kalikasan upang mabuhay tayo
nang masigla at matiwasay.
Para sa Kagawaran, isa itong dakilang gawain. Para sa mga bata, isa itong nakatutuwang gawain.
Para sa mga magulang, isa itong paraan upang magturo sa pamamagitan ng halimbawa. Para sa mga
Pilipino, ito ay isang pagkakawanggawa para sa kalikasan.

 Bakit inilunsad ang Ecosavers?


 Ano-ano ang gawain sa ilalim ng programang ito?
 Ano ang layunin ng programang ito?
 Paano ka makatutugon sa Ecosavers?
 Ano ang bunga nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan?

D. Pagtalakay

Anu anong pang-ukol ang ginamit sa kuwento?

Saan natin ginagamit ang ni at nina? Kay at kina? Para sa? Ukol sa? Ayon Sa?

E. Pakikipagpalihan
Pagyamanin

A.

Natu, Rosario, 4225 Batangas


 +63 995 510 1427
 107566@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
NATU ELEMENTARY SCHOOL
NATU, ROSARIO, BATANGAS

B.

F. Paglalapat

A.

Natu, Rosario, 4225 Batangas


 +63 995 510 1427
 107566@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
NATU ELEMENTARY SCHOOL
NATU, ROSARIO, BATANGAS

B. Piliin sa loob ng panaklong ang tamang pang-ukol sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ginamit (ni, nina, kay) Nina ang bagong tsinelas.

2. (Ayon sa, Para sa, Ukol sa) tanghalian ang ulam sa mesa.

3. Bawal pa ring lumabas ang mga batang may edad sampung taon (ukol sa, para sa, ayon sa ) IATF.

4. (Ukol sa, Ayon sa, Para sa) UK-Variant ang usapin ng Kagawaran sa Kalusugan ngayon.

5. Papunta kami (ni, kay, kina) tiyo at tiya dahil kaarawan ni Nene.

G. Paglalahat

Tandaan:

Mga Uri o Karaniwang Pang-ukol


1. Ni o nina. Ito ay nagpapahayag o nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay.
Halimbawa: Binili ni Ana ang malaking bola.
Binili nina Miel at Mira ang mga lobo.
2. Kay o kina. Ito ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay tumutukoy sa tiyak na tao o mga tao.
Halimbawa: Ang lobo ay dinala kay Rea kanina.
Pumunta sila kina Alexa at Leilin.
3. Para sa. Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan; ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay.
Halimbawa: Ang mga biniling lobo ay para sa kaarawan ni Andrei bukas.

H. Pagtataya ng Aralin
Punan ang patlang ng tamang pang-ukol upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. _______ sa balita, maari nang magbukas ang mga sinehan.


2. Kumain kami ________Angela at Angelo sa kantina.
3. ___________ mga kasali sa rondalla ang miting kanina.
4. Sumabay ka ______ Rey sa pagsisimba.

Natu, Rosario, 4225 Batangas


 +63 995 510 1427
 107566@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
NATU ELEMENTARY SCHOOL
NATU, ROSARIO, BATANGAS

5. Iniipon ___ Ace ang mga bigay na papasko sa kaniya.

I. Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

Prepared by:

SENEN A. DE CHAVEZ
Class Adviser
Noted:

MYRNA M. ALIWALAS
Head Teacher III

Natu, Rosario, 4225 Batangas


 +63 995 510 1427
 107566@deped.gov.ph

You might also like