You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

DAILY LESSON PLAN


Paaralan Paaralang Elementarya ng Loob Baitang 5
Guro Christine Ann D. Orense Asignatura ESP
Petsa Enero 23, 2023 Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng
(Content Standards) mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa
kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng
kapaligiran
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang
(Performance Standards) alituntuntunin at batas na may kinalaman sa bansa at global na
kapakanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagampanan ng buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
(Learning Competencies/Objectives) proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan (EsP5P-IIi-29)
II. Nilalaman Tungkulin, Tanggapin at Gawin!

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC – ESP pp. 103


Guro
2.Pahina sa Kagamitang Pang
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p. 98

4. Karagdagang Kagamitan power point presentation, kuwento, papel


mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Self-Learning Module, internet, laptop, video, pictures
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN

Panimulang gawain Balik-aral: Ano ang inyong dapat maging saloobin kung may patimpalak
sa paaralan at alam mong ikaw ay may kakayahan at kaya mong
lumaban?

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

Panlinang na Gawain Pangkatang-gawain: Sa loob ng limang minuto, tulong-tulong na pag-


usapan ang mga dapat gawin ng kasapi ng grupo tuwing
nagpapangkatang gawain upang magtagumpay. Isulat ang mga
kasagutan sa isang malinis na papel. Gumawa ng isang yell na kung
tapos na ang inyong grupo. Ang mauunang grupo ang tatanghaling
panalo.
Pagsusuri (Analysis) Itanong: Sa inyong ginawang pangkatang gawain, ano ang susi sa
pagtatagumpay ng isang pangkat?
Paghahalaw (Abstraction) Basahin ang seleksiyon na ipapakita ng guro:

Tungkulin, Tanggapin at Gawin!


Nagpatawag ng pulong si Gng.Hebrez sa lahat ng kasapi ng Healthy
Environment Club upang pagpulungan ang proyekto ng samahan para
sa taon.
“Magmungkahi kayo ng isang proyekto na makatutulong upang
manatiling malinis ang paaralan at malusog ang mga batang pumapasok
dito,” wika ni Gng. Hebrez.
“Iminumungkahi ko na itaguyod natin ang pagtatanim ng gulay sa
paaralan,” wika ni Alex, ang pangulo ng samahan.
“Sang-ayon ako sa munghahi mo, Alex” sambit ni Liza. “Tutulong kami
na maparami ang mga garden plots upang madagdagan ang mga
pagtataniman sa gayon madaragdagan din ang uri ng gualy na pwede
nating itanim,” dagdag pa niya.
“Maglalagay kami ng posters sa mga pasilyo ng paaralan upang
hikayatin ang mga mag-aaral sa responsableng pagtatapon ng basura,”
wika ni Jun.
“Pwede rin po tayong mag film viewing upang mabigyang ng lubusang
paliwanag ang iba pa nating kamag-aaral tungkol sa kahalagahan ng
kalinisan ng paaralan,” masayang wika ni Anie.
“Maraming salamat mga bata. Inaasahan ko ang pagtanggap at
pagtupad ninyo ng mga nakaatang na tungkulin bilang miyembro ng
ating samahan,” pagtatapos na wika ni Gng. Hebrez.

Sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:


a. Bakit nagpatawag ng pulong si Gng. Hebrez?
b. Paano ninyo ilalarawan ang mga batang kasapi ng samahan?
c. Kung kayo ay isa sa mga kasapi ng samahan, anong proyekto ang
maimumungkahi ninyo upang makatulong sa kalinisan ng paaralan?
Paglalapat (Application) Basahin ang saknong sa ibaba. Isulat ang inyong sariling palagay sa
nilalaman ng saknong sa inyong kwaderno.

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

Tayong mga bata ay may mga tungkulin,


Na pawang mahahalaga at dapat tuparin,
Sa bahay , paaralan, maging sa samahan,
Upang magtagumpay ang mga mithiin
Pagtataya (Assessment) Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa o
pakikilahok sa programa. Ekis naman kung hindi.
1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang
magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa
kanilang paaralan.
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti
sa mga labi habang ginagawa ito.
4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak
sa pag-awit sa kanilang bayan.
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5–A Mabini kahit na hindi
kumpleto ang teknolohiyang ginamit nila.
Takdang Aralin Magtala ng limang katangian ng isang responsableng kasapi ng isang
samahan
V.REMARKS

VI.REFLECTION

Prepared by:

CHRISTINE ANN D. ORENSE


Teacher I/Adviser

NOTED:

KAMILLE L. GARCIA
Teacher-in-charge

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

DAILY LESSON PLAN

Paaralan Paaralang Elementarya ng Loob Baitang 5


Guro Christine Ann D. Orense Asignatura ESP
Petsa Enero 24, 2023 Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng
(Content Standards) mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa
kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng
kapaligiran
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang
(Performance Standards) alituntuntunin at batas na may kinalaman sa bansa at global na
kapakanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagampanan ng buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
(Learning Competencies/Objectives) proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan (EsP5P-IIi-29)
II. Nilalaman Tungkulin, Tanggapin at Gawin!

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC – ESP pp. 103


Guro
2.Pahina sa Kagamitang Pang ESP 5 Q2 PIVOT 4A Learner’s Material pp. 32-36
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan power point presentation, papel


mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Self-Learning Module, internet, laptop, video, pictures
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN

Panimulang gawain Balik-aral: Ano ang inyong mga tungkulin at dapat gawin sa paaralan?
Panlinang na Gawain Hihikayatin ang mga bata na magkaroon ng pagsusuri sa sarili. Ipatala

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

ang mga nagampanang tungkulin na naging daan upang makatulong sa


bahay at sa samahang kinaaniban sa paaralan.
Pagsusuri (Analysis) Itanong: Sa inyong pagsusuri, ano ang katangiang dapat ninyong
taglayin upang magtagumpay sa Gawain sa paaralan?
Paghahalaw (Abstraction) Sa pagkakataong ito, inaasahan na maipapakita mo na ikaw ay
nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay
pakikipagkaibigan at nagagampanan mo nang buong husay ang
anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan. Pagmasdan ang sumunod na larawan. Sila ba
ay nakikilahok sa mga programa o proyekto?

Paglalapat (Application) Basahin ang saknong sa ibaba. Isulat ang inyong sariling palagay sa
nilalaman ng saknong sa inyong kwaderno.
Tayong mga bata ay may mga tungkulin,
Na pawang mahahalaga at dapat tuparin,
Sa bahay , paaralan, maging sa samahan,
Upang magtagumpay ang mga mithiin
Pagtataya (Assessment) Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa o
pakikilahok sa programa. Ekis naman kung hindi.
1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang
magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa
kanilang paaralan.
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti
sa mga labi habang ginagawa ito.
4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak
sa pag-awit sa kanilang bayan.
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5–A Mabini kahit na hindi
kumpleto ang teknolohiyang ginamit nila.
Takdang Aralin Ikaw, sa palagay mo, kailangan bang makipagkaibigan at lumahok sa

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

mga programa o proyekto ng iyong komunidad at lalo na sa iyong


paaralan?
V.REMARKS

VI.REFLECTION

Prepared by:

CHRISTINE ANN D. ORENSE


Teacher I/Adviser

NOTED:

KAMILLE L. GARCIA
Teacher-in-charge

DAILY LESSON PLAN

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

Paaralan Paaralang Elementarya ng Loob Baitang 5


Guro Christine Ann D. Orense Asignatura ESP
Petsa Enero 25, 2023 Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng
(Content Standards) mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa
kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng
kapaligiran
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang
(Performance Standards) alituntuntunin at batas na may kinalaman sa bansa at global na
kapakanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagampanan ng buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
(Learning proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan (EsP5P-IIi-29)
Competencies/Objectives)
II. Nilalaman Tungkulin, Tanggapin at Gawin!

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC – ESP pp. 103


Guro
2.Pahina sa Kagamitang Pang ESP 5 Q2 PIVOT 4A Learner’s Material pp. 32-36
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Self-Learning Module, internet, laptop, video, pictures
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN

Panimulang gawain Balik-aral: Paano Ninyo naipapakita ang pakikilahok sa mga programa sa
paaralan?

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

Panlinang na Gawain Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa inyong tahanan at


paaralan sa pagtupad ng iyong tungkulin sa bahay at sa paaralan?
Pagsusuri (Analysis) Itanong: Paano Ninyo naipakikita ang ibyong pakikilahok sa mga
tungkulin Ninyo sa bahay at sa paaralan?
Paghahalaw (Abstraction) Pagtalakay: Nangangailangan ng pakikiisa ng mga mag-aaral at batang
tulad mo ang karamihan sa mga gawaing pampaaralan upang maging
matagumpay ito.

Ilan dito ay ang mga palaro, paligsahan, pagdiriwang at iba pa.

Ang pakikiisa sa mga gawaing ito tulad ng paglalaro at pakikilahok sa


mga programa ay nakatutulong upang mapagyaman ang sarili sa
kagandahang–asal at pakikipagkaibigan.

Ikaw, bílang kabahagi at miyembro ng isang pamilya at pamayanan ay


may tungkuling dapat gampanan. Ang tungkuling nakaatang sa iyo ay
dapat gawin mo nang buong puso, may kasiyahan at pakikiisa na hindi
naghihintay ng anumang kapalit.

Ang tunay na pakikilahok at pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan ay


nakikita kung ginagawa itong bukal sa kalooban at hindi napipilitan
lámang. Hindi rin ito namimili o umaayaw sa anumang gawain.
Gumagawa ito ng paraan na pagkasyahin o gamitin ang anumang
teknolohiya o gamit na mayroon lámang. Ito ang tatak Pinoy. Ganito ang
tunay na Pilipino. Pinagkakasya at ginagawan ng paraan ang anumang
mayroon at káya. Mabuhay ka! Mabuhay ang kaugaliang Pilipino!

Paglalapat (Application) Buuin ang kaisipan:


Ang pakikiisa sa mga gawaing ______________ tulad ng ____________
at pakikilahok sa mga programa ay nakatutulong upang mapagyaman
ang sarili sa kagandahang–asal at _________________________. Ang
tunay na ______________ at pakikiisa sa mga gawaing ito ay nakikita
kung ginagawa itong bukal sa _______________ at hindi napipilitan
lámang.
Pagtataya (Assessment) Isulat ang WASTO kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang tamang
pagganap at pakikiisa sa mga programang pampamayanan at DI-WASTO
kung hindi.

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

1. Si Franky ay laging pumupunta at sumasama sa ensayo nila para sa


Boy Scout Jamboree.
2. Si Hazel ay ayaw sumali sa grupo ng Girl Scout sa kanilang paaralan.
3. Ang magkakaibigang Jasmin at Jane ay nagkaisang sumali sa
patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay.
4. Ginalingan ni Pedro ang pagsulat ng kaniyang story piece para ilathala
sa school paper ng kanilang paaralan.
5. Si Basel at ang kaniyang buong pamilya ay nakilahok sa Brigada
Eskwela ng kanilang paaralan.
V.REMARKS

VI.REFLECTION

Prepared by:

CHRISTINE ANN D. ORENSE


Teacher I/Adviser

NOTED:

KAMILLE L. GARCIA
Teacher-in-charge

DAILY LESSON PLAN

Paaralan Paaralang Elementarya ng Loob Baitang 5

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Mataasnakahoy
PAARALANG ELEMENTARYA NG LOOB

Guro Christine Ann D. Orense Asignatura ESP


Petsa Enero 26-27, 2022 Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Nasasagot ang mga tanong sa pagsusulit nang may 75% tagumpay
(Content Standards)
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasakatuparan ang katapatan sa pagkuha ng pagsusulit
(Performance Standards)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naisusulat ng wasto at malinis ang mga sagot
(Learning Competencies/Objectives)
II. Nilalaman Ikalawang Markahang Pagsusulit

III. KAGAMITANG PANTURO a. Paghahanda


b. Pagbibigay ng pamantayan sa pagkuha ng pagsusulit
c. Pagsusulit
d. Pagwawasto
e. Pagtatala ng iskor

V.REMARKS

VI.REFLECTION

Prepared by:

CHRISTINE ANN D. ORENSE


Teacher I/Adviser

NOTED:

KAMILLE L. GARCIA
Teacher-in-charge

Address: Brgy. Loob Mataasnakahoy, Batangas


0938-900-7935
107484@deped.gov.ph

You might also like