You are on page 1of 14

MARIANO MARCOS STATE

UNIVERSITY
College of Teacher Education

Banghay Aralin sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao 8: Mga
Pagpapahalaga at
Birtud sa
Pakikipagkapuwa
Inihanda ni:
Khatlen V. Valenzuela

Inihanda Para Kay:


Bb. Krista Ventura

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katapatan sa salita at sa gawa.
B. Pamantayan sa Pagganap:
2. Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa
katapatan sa salita at gawa.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


1. Nakikilala ang:
a) Kahalagahan sa katapatan
b) Mga paraan sa pagpapakita ng katapatan, at
c) Bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
B. Mga Pagpapahalaga: Pagtutulungan, at pakikipagkapwa

III. Kagamitang Pagkatuto


A. Sanggunian
a) Curriculum guide: Gabay pangkurikulum sa ESP 8 (Batay sa K-12 Kurikulum),
Kuwarter 3 Yunit 3, Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
b) Learner’s Materials: Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakato 8 (Batay sa K-12
Kurikulum), Kuwarter 3 Yunit 3, Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa.

B. Kagamitan
a) Laptop
b) Power point
c) Modyul

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

IV. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paunang gawain

Panalangin

Magandang umaga/hapon Grade 8 (seksyon)! Magandang hapon din po Bb. Khatlen.

Bago natin simulan ang ating talakayan ngayon, Opo, ma’am.


maaari bang simulan natin sa isang dasal?

Kung gayon, pumunta na sa harapan ang (pumunta sa harap ang isang estudyante at
nakatakda na manguna sa pagdarasal. sinimulan na ang pagdarasal)

Umupo na kayong lahat at atin nang sisimulan


ang ating talakayan.

Pagbabalik-aral

Bago pala tayo dumako sa ating topiko, maari ba (Sinabi ng mga estudyante ang kanilang
ninyong sabihin kung ano ang naging topiko pinag-aralan sa kanilang naging diskusyon sa
natin noong nakaraang linggo? nakaraang linggo)

Maraming salamat sa inyong mga sagot.

Pagganyak

Upang may ideya kayo sa ating magiging aralin


ngayon, gusto ko na makipag participate kayo sa
konting hinanda ko na aktibidad. Buoin niyo ang
mga sumusunod:

1. Pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at sa


lahat ng bagay maging sa iyong sarili at sa ibang

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

tao.

ATAKANTAP

KATAPATAN

2.  Tumutukoy sa hindi pagsasabi ng totoo, o


ang pagtatago ng katotohanan,

INGLNGAUNISSIGAP

PAGSISINUNGALING

3.  Isang kilos o pahayag na nagpapaligaw,


nagtatago ng katotohanan, o nagtataguyod ng
isang paniniwala, konsepto, o ideya na hindi
totoo. Ito ay madalas na ginagawa para sa
personal na pakinabang o kalamangan. Ang
panloloko ay maaaring kasangkot sa
disimulasyon, propaganda at pagdulas ng kamay
pati na rin ang paggulo, pagbabalatkayo o
pagtatago.

LANGPAGLILIN

PAGLILINLANG

4. Katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng


katumpakan, katunayan, katiyakan, katapatan,
kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas
din ng salitang totoo ang terminong matimyas.
Ito ang kabaligtaran ng katagang
kasinungalingan.

HATOKATONAN

KATOTOHANAN
B. Panlinang na Gawain

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Gawain

Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang


kwentong pambata na dinownload ko sa yoitube.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang napulot mong aral mula sa
inyong pinanood?
2. Kung ikaw si Vincent, gagawin mo rin
ba ang kanyang taglay na katapatan?

Pagsusuri

Dumako na tayo sa ating aralin ngayong araw.

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang, katapatan


sa salita.

Sabi dito sa modyul niyo, naipapakita ang


katapatan sa pamamagitan ng paggamit ng
matapat na mga salita. Ang katapatan ay
makikiisa sa pagsasabi at pagsasabuhay ng mga
ugali na naaayon sa kung ano ang tinatanggap na
totoo, tama, mabuti at angkop at moral para sa
impormasyon sa sitwasyong kailangang
ipahayag ang katotohanan. Ang tuwirang
pagtataya ng tamang impormasyon upang
baluktutin ang katotohan ay isang panloloko at

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

pagsisinungaling ng isang tao.

Sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo kahit na


alam mo na ikaw ay pwedeng mapagalitan sa
inyong mga magulang?

Sino ang gustong magbahagi ng inyong


karanasan dito?
(Nagtaas ng mga kamay ang mga estudyante)
Pakinggan natin ang kwento ni Kloe.

Maa’am! Ako po.

Kapag po nakakabasag po ako ng mga plato


namin po sa bahay, hindi ko ito tinatapon
Napakatapang mo naman anak para magsabi ng
agad. Sinasabi ko po muna sa nanay ko po na
katotohanan sa iyong ina na ikaw ay nakabasag.
Maraming salamat pala sa iyong pagbabahagi. nabasag ko kahit na alam ko po na magagalit
po siya sakin. Dahil pag hindi ko po sasabihin
ang totoo ay hindi po ako matatahimik,
Ngayon baliktarin naman natin, sino sa inyo ang parang nakokonsensya po ako ganon.
nasubukan ng magsinungaling para lang
masalba ang inyong sarili?

Ano yun anak?

Ako po ma’am!

Natatawa ako na di ko maexplain anak.


Maraming salamat sa inyong pagbabahagi. Noong sinabi ko pong ang kapatid ko ang
nakasira sa aming display na babasagin, kahit
alam ko sa sarili ko na ako po talaga ang
nakabasag.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Ano ang mgma uri ng pagsisinungaling?

Apat na Uri ng pagsisinungaling:


1. Pagsisinungaling upang protaktahan ang
ibang tao.

Magbigay nga kayo ng halimbawa nito?

Maraming ganito ngayon, tama ba?

Pagsisinungaling po na kasama po ang


2. Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili barkada, kahit hindi naman po talaga. Yung
na masisi, mapahiya o maparusahan. sinabihan ka lang na kunwari magkasama
kayo pero hindi pala.

Magbigay nga ulit kayo ng halimbawa? Opo ma’am!

Tama, maraming salamat sa pagsagot anak. Noong sinabi ko pong ang kapatid ko ang
nakasira sa aming display na babasagin, kahit
alam ko sa sarili ko na ako po talaga ang
3. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili nakabasag.
kahit makakasama sa ibang tao.

Magbigay nga ulit kayo ng halimbawa?

Tama, yung kahit alam mo na mali ang iyong


ginawa at alam mo na mapaparusahan ka, kaya

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

ipapasa mo sa iba ang iyong nagawang mali.

4. Pagsisinungaling na sinadya ang Pagpapasa ng kasalanan sa iyong kapwa


intension na makasira o makasakit sa ma’am
kapuwa.

Magbigay nga ulit kayo ng halimbawa?

Tama, chismis ang pinaka magandang


halimbawa dito sa number 4.

Ano ang mga dahilan kung bakit Chismis ma’am.


nagsisinungaling ang isang tao?
1. Upang makamit ang inaasam na
benepisyon sa pamamagitan ng
pagsisinungaling. Sadyang
nagsisinungaling ang isang tao upang
makuha o magkatotoo ang isang inaasam
na benepisyon. Karaniwang may
makasariling layunin o agenda ang taong
nagsisinungaling.
2. Upang makaiwas sa mga hindi kanais-
nais na sitwasyon. Magsisinungaling ang
isang tao upang makaiwas sa mga hindi
kanais-nais na sitwasyon tulad ng
mapahiya, masisi, maparusahan o hingan
ng pagpapaliwanag.

(Pakibasa ang mga sumusunod)

Dalawa lang ang nabanggit na dahilan kung


bakit nagsisinungaling ang ksang tao. Ano na
ulit ang dalawang yon?

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

(Nagbasa ang mga estudyante)


Tama. Kung may gusto ka at ang tanging paraan
na lang ay para masiraan mo ang iyong kapwa,
yun ang unang dahilan ng pagsisinungaling at
ang pangalawa naman ay, kung ikaw ang may Ma’am! Una ay upang makamit ang
benepisyong inaasam at Upang makaiwas sa
kagagawan ng mali, magtuturo ka ng ibang tao
hindi kanais-nais na sitwasyon.
para siya ang masisi ng ginawa mo.

Naiintindihan ba, grade 8?

Ano ang mga mabubuting bunga ng


katapatan sa salita?
May Pitong bunga o benepisyo na
tinutukoy mula sa artikulong “Seven Benefits of
Telling the Truth” mula sa ekhoz.com. na
Opo, ma’am!
kinuha noong Hunyo 20, 2011.

1. Sa pagsasabi ng totoo, hindi mo na


kailangang tandaan pa ang mga
impormasyong sinabi o sasabihin.

Hindi ito tinatandaan.

2. Makukuha mo ang tiwala at paggalang


ng kapuwa bilang isang matapat na tao.

Mahalaga ba ang tiwala na pinagkaloob sayo ng


inyong kapwa?

Kaya ano dapat ang ating gawin upang


maingatan natin ang kanilang pinagaloob na
tiwala?
Opo ma’am
Tama.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

3. Pamamarisan ka ng iyong kapuwa


sapagkat para sa kanila ay isa kang Maging matapat sa kapwa ma’am.
magandang halimbawa.

Kung ikaw ay matapat, palagi ka nilang kasama


ng hindi ka nila pinagdududahan. Yung ganitong
tao ay madalas na pinagkakatiwalaan na din ng
inyong mga magulang. Tama ba?

4. Karaniwang mababa ang stress level


sapagkat malinis ang iyong konsensiya at
kinikilos nang ayon sa wastong Opo ma’am!
pagpapahalaga sa bawat sitwasyong
kinakaharap.

Mababa ang stress level mo sapagkat wala ka


namang iniintindi. Tama ba?

5. Makakaharap ka sa salamin na may


maganda at mabuting pakiramdam.

Diba pag natapat ka, magaan ito sa kalooban


Opo ma’am!
6. Higit kang paniniwalaan at
makahihikayat ng kapuwa.

Diba, kung sino ang palaging nagsasabi ng totoo


ay siang pinaniniwalaan agad ng mga tao na
nakapaligid sa inyo.

7. Higit sa lahat pinatutunayan mo na ikaw


ay mapagkakatiwalaan.
Kung ikaw ay matapat, syempre ikaw ay tunay
na mapagkakatiwalaan.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

KATAPATAN SA GAWA
Ang pagiging tapat sa gawa ay
nagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa
katotohanan ng mabuti at matatag na
konsensiya. May layunin itong mabigay sa
kapuwa ang nararapat sa kaniya gabay ang diwa
ng pagmamahalan.

Ang pagiging matapat din daw ay pagpapakita


ng pagmamahal.

Ano ang mga katangian ng taong may


katapatan sa gawa?
1. Hindi siya manloloko, manlilinlang o
nagsisinungaling upang makuha lamang
ang kaniyang gusto sa kapuwa.

Hindi yung, sinisiraan mo yung klasmeyt mo


para lang makuha mo yung gusto mo. Mali iyon.

2. Hindi siya nabubulag sa pera upang


gumawa ng bawal o mali na lalong
ikakahirap ng makakarami.

Kahit gaano pa karaming pera ang maiharap sa


iyo, mas pipiliin mo parin dapat na maging tapat
sa kapwa mo.

3. Hindi binabaluktot ang katotohanan.

Hindi pagsabi ng kulang o sobra sa mga nakita o


narinig.

4. Hindi siya kukuha ng mga bagay na


hindi sa kaniya kahit na may
pagkakakitaan siyang gawin ito.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Tulad na lamang kung nakapulot ka ng wallet,


kahit kaano mo man kailangan ang pera, piliin
mo parin dapat na maging matapat. Tama ba
grade 8?

5. Sisikapin niyang gawin ang kaniyang


mga sinabi o pangako bilang patunay.

Kung ikaw ay nangango, dapat lang na ito ay


tupadin mo. Malaki man ito o hindi.
Naiintindihan ba grade 8? Opo ma’am!

6. Tatanggapin niya, magpapaliwanag at


hihingi ng paumanhin sa pagkakataong
nabigo siya o di nakumpleto o di
nagampanan nang tama ang pangakong
binitawan.
Opo ma’am!
Ang paghingi ng paumanhin ay isa ring
nagpapakita ng katapatan.
Tandaan Grade 8! Ang matapat na tao ay
iniaayon ang kaniyang salita at gawa sa
katotohanan. May komitment siya sa
katotohanan at sa matatag na konsensiya.
Alam niya na ang katotohanan ay ang mga
pagpapahalaga at birtud ng kabutihan na
moral at ayon sa batas ng Diyos. Ibinibigay
niya sa kapuwa ang mga karapatan nararapat
sa kaniya.

Paglalapat

Sa pagtatapos ng aralin, ating pagtibayin ang


mga natutunan mo sa modyul na ito.

1. Bakit mahalaga natayo ay maging


matapat sa ating kapwa?
2. Kailangan ba natin ang katapatan

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

sa ating pang araw-araw na


pamumuhay?Bakit?

C. Paglalahat

Ano ang mabuting dulot sa iyo ng araling


ito sa iyong buhay bilang isang estudyante?

V. Pagtataya

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng iyong mga gawi na nagpapakita ng iyong katapat at hindi
katapatan. Pagkatapos, sagutin ang dalawang tanong sa ibaba. Isulang ang sagot sa isang buong
papel.
MGA GAWING NAGPAPAKITA NG MGA GAWING HINDI NAGPAPAKITA
KATAPATAN NG KATAPATAN
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

VI. Takdang Aralin

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future
MARIANO MARCOS STATE
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Bilang isang mag-aaral, ano kaya sa palagay mo ang maaari mong gawin upang mapaunlad
ang iyong pagsasabuhay ng iyong katapatan sa salita at gawa.
Panuto: Sa ibaba ay isang graphic organizer, isipin mong ikaw ang nasa gitna at sa paligid
nito ay ikaw bilang anak, ikaw bilang kaibigan, kaklase, kapitbahat at kamag-anak. Paano mo
ipapakita ang iyong katapatan sa salita at gawa? Kopyahin ang imahe sa sagutang papel at sa
loob ng mga kahon ay isulat ang sagot sa tanong.

Bilang Anak Bilang Kamag-Aral

AKO Bilang
Kaibigan
Bilang Kapitbahay

Bilang
Kamag-anak

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

MMSU @45: ACHIEVE-ing more


for the future

You might also like