You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

Paaralan Sorosoro Elementary School Baitang 2


Guro BABYLYN R. INTAC Asignatura Filipino
Araw at Petsa Mayo 17, 2023 Kuwarter Q4W3D3

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o
nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan,paaralan at
pamayanan F2WG-IIg-h-5

D. Pagpapaganang Kasanayan
Nagagamit ang salitang kilos gawain tungkol sa iba’t-ibang gawain sa paaralan

II. Nilalaman
A. Paksa: Nagagamit ang salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa paaralan
B. Sanggunian: MELC Filipino 2, pahina 149, Budget of Work (BOW) Filipino 2, pahina 18
FILIPINO 2-Module,
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: laptop, powerpoint presentation, mga larawan
C. Pagpapahalaga:
III. Pamamaraan
A. Balik-aral:
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano –anong gawain sa tahanan ang ipinakikita ng larawan.

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

Pagganyak
Tingnan ang larawan.

Sino –sino ang nasa larawan? Ano kaya ang hawak ng mga bata?

B. Paglalahad
Basahin ang kuwento
“Inay, papasok na po kami sa paaralan,” ang magalang na paalam ng magkapatid na Jenny at Nelson
sa kanilang ina. Pagpasok sa paaralan, isinabay na nila ang kanilang kaklase na si Roy papunta sa silid-
aralan. Tulad ng nakagawian na nila, nagwawalis, at nagpupunas ng mesa at bintana ang magkapatid
bago pa magsimula ang klase. Habang ang kanilang ibang kaklase ay masayang nagkukuwentuhan sa
kanilang nalalapit na bakasyon. Dinatnan ng guro na malinis ang silid-aralan. Nagsimula na ang klase.

Talakayan
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Sino ang isinabay nila pagpasok sa paaralan?
3. Ano ang gawaing pampaaralan ang ginawa ng magkapatid?
4. Ano naman ang ginawa ng iba nilang kaklase?
5. Tulad nina Jenny at Nelson,gumagawa rin ba kayo ng gawaing pampaaralan?Ano-anong gawain ang
inyo ginagawa?

Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Nagagamit ang mga salitang kilos sa
iba’t- ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
Mga halimbawa:
1. Ang mga bata ay nagwawalis sa loob ng silid-aralan.

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin sa kahon at punan ng angkop na salitang kilos ang usapan. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot. maglaro manonood maglinis magsuot susulat

Magandang araw mga bata!


_________ tayo ngayon ng tamang
pamamaraan upang maiwasan natin
ang pagkakaroon ng Covid 19.
Titser,
_________ po
ba kami?
Kailangan lamang tandaan
at gawin ang tamang
pamamaraan.

Dapat din
Dapat tayong tayong
_______ ng _______ ng
face mask.
kamay.
Higit sa lahat
________ tayo
sa ating
kapaligiran.

Paglalahat
Ano ang Pandiwa?

Aplikasyon
Panuto: Tukuyin kung anong salitang kilos ang ginagawa sa bawat larawan.

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

1. 2. 3.

4. 5.

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos sa mga pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Naglalampaso ng sahig ang magkaibigan sa silid-aralan.


2. Ang mga bata ay nag-aaral sa silid-aklatan?
3. Nakapila ang mga bata habang bumibili sa kantina.
4. Masayang nagpipinta ang mga bata gamit ang kanilang daliri .
5. Ang guro ay nagtuturo sa mga bata ng kagandahang asal.

V. Takdang-Aralin:
Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin.

VI. Indeks of Masteri


_______ Pursiyento

VII. Pagninilay
A. _____ Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. _____Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph

You might also like