You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Petsa: February 12- 16 2024

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga;


b. nabibigyang pansin ang kanilang tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng
pagpapahalaga at birtud;
c. nakabubuo ng sariling opinyon base sa kanilang pagkilala sa kanilang sarili.

II. Nilalaman

Paksang Aralin: Modyul 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud

KAGAMITANG PANTURO:

A: Sanggunian: Edukasyon sa pagpapakatao 7, pahina (7 -16)

Iba Pang Kagamitang Panturo: Laptop, Tv, Kuwaderno, Litrato.

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag- aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat para sa
ating panalangin?
Amen…
2. Pagbati
Magandang Umaga/Hapon sa inyong
lahat. Sabihin nyo nga sa inyong katabi
na “Magandang Umaga/Hapon sayo” “ Magandang umaga sayo”

Bago umupo ang bawat isa, tignan muna


ang bawat sulok ng silid aralan kung
malinis ba ito at kung may kalat man,
pakipulot at ilagay sa tamang tapunan.

Ok, maari ng umupo. Maari ka nang


tumayo (mag-aaral) upang ipahayag ang
iyong pagkaing pang kaisipan.
(ang mag aaral ay nag pahayag ng
kanyang pagkaing pangkaisipan)
Salamat anak.

3. Pagtatala ng pumasok at lumiban sa


klase

May lumiban ba o hindi pumasok


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


ngayong araw?
Wala po ma’am!

4. Pagpapaalala ng mga pamantayan

Ating alalahanin ang ating


pamantayan kapag tayo ay may aralin.
Maaari nyo bang ibahagi ang mga ito?
Umupo ng maayos
Makinig sa Guro
Itaas ang kamay kung may gustong tumayo
o gustong mag salita
Ano naman ang 3W natin tuwing tayo Irespeto ang bawat isa
ay may discussion?
3W-histle Rule

Warning: Pagtahimik o pagtigil sa mga


ginagawang labag sa pamantayan

Watch: Pagbabawal sa mga ‘katabi’ na


sumusuway sa pamantayan ng
matahimik pabulong o sa mahinang
boses

Whistle: Paglilista sa lahat ng mga


nakikitang sumusuway sa pamantayan
Very Good.

B. Balik-Aral sa nakaraang aralin at


pagsisimula ng bagong aralin.

Bago tayo dumako sa ating pag aaralan


ngayong quarter, atin munang balikan ang
napagaral nyo noong unit 2. Maari nyo bang
ibahagi sa akin ang natatandaan nyo?
Ma’am ang mga natandaan ko po ay tungkol sa
isip at kilos- loob
Tungkol po sa dignidad po.
Sa Kalayaan po m’am

D. Pagganyak

Kayo ba ay pamilyar sa kwento ng Alice’s


Adventure in Wonderland? Kung pamilyar man
kayo o hindi ito ay isang kwento ng batang
babae na napunta sa lugar ng pantasya at
nagkaroon ng maramaing karanasan mula sa
kanyang paglalakbay. May isang bahagi ng
kwento nakung saan may nakausap siyang
pusa na nag ngangalang cheshire upang mag
tanong ng kanyang tinatahak na daan.

Meron ako ditong hinandang poster ng


paguusap ni alice at cheshire
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Tatawag ako ng dalawang mag- aaral upang


mabigyan ng aksyon ang kwento.

Alice: Maaari mo bang ituro sa akin ang daan


na nararapat kong tahakin mula rito?
Cheshire: Depende iyan sa nais mong
puntahan at nais mong marating
Alice: Wala naman akong partikular na lugar
na nais puntahan
Cheshire: Kung ganon hindi mahalaga kung
aling daan ang inyong tatahakin
Alice: Ang mahalaga lang makarating ako
KAHIT SAAN
Cheshire: Siguradong mangyayari iyon;
maglakd ka lang ng maglakad.

E. Paguugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

Satingin nyo bakit kailangan pumili ni alice?

Bakit kailangan ni alice ng pagbabatayan kung


alin ang pipiliin?

Ano ang magigig kahihinatnan kung patulay na


naglalakbay si alice na walang sigurado na
patutunguan?

F. Pagtatalakay

“Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong


gawin ng iba sayo”. “Mahalin mo ang iyong
kapwa katulad ng pag mamahal mo sa iyong
sarili”. (Golden Rule. Sa nakaraang modyul
natutunan ninyo na ang tao ay pantay - pantay
dahil sa taglay nilang dignidad. Binibigyang diin
nito ang paggalang sa kapwa, sapagka’t tulad
mo sila rin ay mahalaga. Nararapat na malinang
sa kaniya ang pagpapahalaga na kailangan
upang matutunan kung paano mahalin, igalang
at pahalagahan ang sarili at kapwa na may
pantay at parehong dignidad.

Ngayong araw naman tayo ay tutungo na sa


modyul na ipauunawa sa mga mag - aaral ang
kaugnayan pagpapahalaga at birtud upang
maging malinaw ang dahilan ng paggawa ng
mabuti at pag - iwas sa masama.

Gusto mo bang maging tunay na mabuting tao?


Yes po Ma’am!
Opo naman ma’am.
Kung ganon ating alamin kung ano nga ba ang
birtud.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ang virtue ay galing sa salitang Latin na virtus


(vir) na nangangahulugang “pagiging tao”
pagiging malakas at pagiging matatag. Ito ay
nararapat lamang para sa tao.

Sa inyong palagay may virtue o birtud ba ang


mga hayop? Wala po ma’am!
Meron po ma’am!

Laging ninyong tatandaan na ang virtue ay


laging nakaugnay sa pagiisip at kilos ng tao,
kung inyong naaalala na ang Diyos ay
pinagkalooban ng isip at kilos loob.

Ang mga birtud din ay hindi taglay ng tao sa


kanyang kapanganakan, dahil syempre malay
sa mundong ibabaw, hindi pa sya mabubuhay
kung walang nag aalaga, mag babantay at
tutugon sa kanyang pangangailangan. Ano pa
sa tingin nyo ang dahilan kung bakit wala pang
birtud ang isang tao ng sila ay ipinanganak?
- Dahil po wala pa silang sariling
isip
- Dahil baby pa nga lang po sya
wala pa po syang alam sa mga
Mahusay, dahil isa palang siyang sanggol wala ginagawa nya
pa siyang kakayahan mag-isip, mangatwiran,
mag-pasya at kumilos ngunit sa paglipas ng
panahon unti unti narin nabuo at nakikita ang
nababago at pag unlad sa kanyang paglaki.

At ito ay dahil sa gawi o habit. Ang habit o gawi


ay mula sa salitang latin na Habere na
nangangahulugang to have o magkaroon o
magtaglay.

Ito rin ay bunga ng paulit - ulit na pagsasakilos


o pagsasagawa ng isang kilos.

Ano ba ang inyong mga gawi o habit?


- Ako po ma’am ang habit ko po ay
uminom ng kape
- Ang habit ko po ay kumain
Alam nyo ba na ang habit o gawi ay isang - Gumising po ng maaga
hakbang upang mapaglinang nyo ang inyong
birtud. Ayon kay arisotle, “kailangan gumawa
ang tao ng makatarungan na kilos dahil sa
pamamagitan nito magiging makatarungan
ang tao.” Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin ni
aristotle dito? - Ang paggawa mo ng mabuting
kilos ng tao ay isang magandang
pagpapakatao.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


Very good, Lagi ninyong tatandaan na
mahalaga na malinang ang tao sa mga
mabuting gawi upang masanay at tao na
gumawa ng mabuting kilos. Subalit ang birtud
ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos
na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang
katwiran.

Papaano nyo ba class, maipapakita ang mga


birtud na taglay nyo sa ating lipunan? Ma’am masipag po ako na
palaging nag lilinis sa aming
kapaligiran.
Mahusay class, alam nyo ba na ang pag
aaksaya ng mga bagay bagay, ang hindi
pagtulong sa ating kalikasan ang mga ganoong
bagay ay nagpapababa sa ating mga birtud
dahil ang mga kilos natin ay hindi mabuti diba
dahil sa hindi ka nag lilinis ng kapaligiran, pag
tatapon ng basura sa hindi tamang basurahan,
pag puputol ng puno dahil sa mga gawain na
hindi maganda, maaaring nagkakaroon ng
climate change.

Ok naiintindihan po ba? Yes po ma’am!


Kailangan po namin ng maingat at
mabuting pag-iisip at kilos para po
hindi lang makakatulong sa sarili
kundi para narin po sa
nakakarami.

Isang halimbawa na lang ng birtud at gawi na


may tamang katwiran ay ang pagiging masipag
ay hindi lang dahil sa nakagawin na ngunit ito
ay pinili at pagnanais na maging tapat.

Ang birtud ay bunga ng mahaba at mahirap na


pagsasanay.

May dalawang uri ng birtud ito ay ang


intelektual na birtud at moral na birtud.

( ipabasa sa estudyante) Intelektual na birtud - May kinalaman sa


isip ng tao na tinatawag din na gawi ng
kaalaman o ( habit of knowledge).

Ang intelektual na birtud ito ay may kinalaman


sa isip na kung saan kailangan natin paunlarin
ang ating karunungan
1. Pag-unawa o Understanding
May limang uri ang intelektual na birtud. - Ang pagunawa ang
(Ipabasa sa estudyante.) pinakapangunahin sa lahat ng
birtud na kakapagpapaunlad
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


ng isip. Kung hindi
ginagabayan ng pag-unawa
ang ating pagsisikap na
matuto, walang saysay ang
ating isip. Ang pag- unawa ay
kasing kahulugan ng isip.
Tinatawag ito ni Santo Tomas
de Aquino na Gawi ng Unang
Prinsipyo ( Habit of First
Principle).
So sinasabi dito na walang saysay ang ating
pagkatuto kung hindi natin nilalagyan ng pag-
unawa o understanding ang mga bagay na
nangyayari sa buhay natin, kailangan palawakin
natin ang ating isipan sa kung ano man yung
mga bagay o sitwasyon na nangyayari sa atin.
- Para po mas maintindihan po
Okey class bakit kailangan ng tao ng pag-
natin ang mga bagay o
unawa?
sitwasyon na nangyayari sa
ating buhay.
- Kailangan po natin ito sa ating
sarili upang malaman kung
ano ang mabuti at masama sa
atin.

Mahusay, kailangan natin ang pag-unawa diba


kung wala tayo nito pano na lang tayo.

Ang susunod naman sa uri ng intelektual na


birtud ay ang Agham (Science). Maaari nyo
bang sabay sabay ito na basahin? 2. Agham (Science) - Ito ay
sistematikong kalipunan ng mga
tiyak at tunay na kaalaman na bunga
ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

So from the word science alam na nating lahat


ito. Ito ay systemic so ito ay may standard na
sinusundan para malaman natin ang mga
bagay bagay, at matatamo natin ito sa
a. Pilosopikang pananaw-
dalawang pamamaraan. Ito ay ang pilosopikang
Kaalaman sa mga bagay na
pananaw at siyentipikong pananaw.
kanyang huling layunin ( last
(magtatawag ng estudyante upang mag basa)
cause) o kanyang kabuoan.
Dito sa pilosopikal view isang halimbawa nito ay b. Siyentipikong pananaw -
ang pag aaral sa tao, tungkol sa mga nature ng Kaalaman sa mga bagay sa
tao, tungkol sa pinagmulan at patutunguan. Dito kaniyang malapit na layunin
kasama natin yung mga psychology, social (proximate cause) o sa isang
studies nakung saan ito ay may kinalaman sa bahagi nito.
mga branches ng science.

Dito naman sa Scientific view dito naman ang


mga pagaaral sa kilos ng tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangatlo ay ang Karunungan o Wisdom ito ay


pinakawagas na uri ng kaalaman at pinaka
layunin ng lahat ng kaalaman ng tao. Ang
karunungan ang nagtuturo sa tao upang
humusga ng tama at gawin ang mga bagay na
mabuti ayon sa kaniyang kaalaman at pag-
unawa.
4. Maingat na paghuhusga (Prudence) -
(Basahin ang pang apat) Ito ay nagbibigay liwanag at gumagabay
sa lahat ng mabuting asal o ugali.

- Yes, po ma’am, para po mas maging


Makabubuti ba sa tao na maging maingat sa maingat po sa kung anong gagawin
pag huhusga? o desisyon po

Tama, ito din ay isang gabay sa ating moral na


kilos.
5. Sining ( Arts) - Ito ang tamang
Ang panglima naman na uri ng intelektual na kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat
birtud ay ang Sining. isagawa, ang sining ay tamang kaalaman
tungkol sa mga bagay na dapat gawin.

Kung si maingat na paghuhusga ay tamang


asal, Si sining naman ay tamang pamamaraan.

Ngayon naman puntahan naman natin ang Moral na birtud - Ito ay mga gawi na
Moral na birtud na may kinalaman naman sa nagpapabuti sa tao at nag tuturo sa tao na
iayon ang ating ugali sa tamang katwiran.
ating pag-uugali.

Meron din nakapaloob na uri ng moral na birtud 1. Katarungan (Justice) Ito ay


ito ay nasa kilos natin hindi ito nahahawakan so gumagamit ng kilos- loob upang
isa na dito ay ang katarungan ( justice) ibigay sa tao ang nararapat lamang
para sa kanya, sino man o kung
anuman ang kanyang katayuan sa
buhay.

Dito naman maari nyong ipapply ang - Ito po ay pantay patay na paggalang
dignidad. Ano na nga ang dignidad class? sa tao o kapwa natin.

Tama, dito sa justice kailangan natin maging


fair, ito ang nagtuturo sa atin upang igalang at
hindi kailan lumabag sa anumang karapatan.
Kayo class may mga sitwasyon naba kayong
- Yes po ma’am, nung time po na
naranasan na kung saan naging makatarungan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


nakita ko po yung kaklase ko po na
kayo? kumokopya alam ko po na mali po
iyon kaya nag sabi po ako sa aming
guro.

2. Pagtitimpi - Paggamit ng
Ang pangalawa naman ay ang pagtitimpi
makatwiran sa ating isip, talento,
(Temperance o moderation)
kakayahan, hilig, oras at salapi.

Diba pag sinabi nating pagtitimpi ito ay yung


kakayahan mong kontrolin ang sarili mo,
kailangan dito alam nyo yung priority nyo.

Pangatlo naman ay ang katatagan (fortitute) -


Ito ay nag papatatag at nag papatibay sa tao na
harapin ang anumang pagsubok o panganib. Ito
rin ang nagtuturo sa ating paninindigan na
umiwas sa mga tuksong ating kinahaharap sa
araw-araw. - Para po pag may problema pong
kinakaharap kahit gaano po ito
Bakit kailangan na maging matatag tayo? kahirap hindi po agad susuko.

Mahusay, ang panghuli naman ay ang Maingat


na paghuhusga ( Prudence) - ito ang itinuturing
na ina ng birtud sapagkat ang pagsasabuhay
ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat
na paghuhusga. Kung napapansin nyo meron
din nito sa intelektual na birtud so itong birtud
na ito parang hawak nya lahat ng birtud mapa
intelektual o moral man yan

Ngayon puntahan naman natin ang values o


pagpapahalaga.

Ang pagpapahalaga o values ay nagmula sa


salitang latin na valore na nangangahulugang
pagiging malakas o matatag at pagiging
makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o
kabuluhan.

Ayon kay Max Scheler, ang pagpapahalaga ay


obhetibo ng ating intensyonal na damdamin. Ito
ay hindi iniisip kundi ito dinaramdam.

Ayon sa mga sikoloya ang mga bagay na


kaakit- akit kaibig- ibig, kapuri, puri kahang-
hanga at mga bagay na nagbibigay inspirasyon
satin, nagiging masaya tayo at magaan eto daw
yung mga bagay na pinapahalagahan natin. - Pamilya po ma’am!
- Yung binigay po sakin ni mama
Kayo ba class ano ba ang mga bagay na
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

pinahahalagahan nyo?

Sinasabi ni scheler na ang pagpapahalaga ay 1. Immutable at ojective - Hindi


nag bibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay nagbabago ang mga pagpapahalaga
ng tao. dahil ang mga ito ay nasa higit na
mga antas.
Narito ang katangian ng pagpapahalaga.

(ipabasa ng sabay sabay sa estudyante)

Ibig sabihin lang nito class is kung gusto mo for 2. Sumasaibayo (trancends) sa isa o
example maging healthy dito na yung gagawa maraming individual.
ka ng mga hakbang para makaiwas ka sa sakit
o anumang makakasama sa kalusugan mo.

Sinasabi dito na ang values ay pupwede sa


maramihan or pwede din sa isang tao lamang
so for example yung health ito ay para sa lahat
ng tao pero yung bokasyon na pag papari o
magmadre ay personal na sa isang individual.

Ang ikatlo naman na values ay ang nag bibigay


direksyon sa buhay ng tao. So dito dahil may
gusto kang makamit ikaw ay nag kakaroon ng
direksyon sa kung anuman ang gusto mong
makamit, so ang isang layunin ay nakabatay sa
pagpapahalaga. Halimbawa mahalaga sakin
ang aking kalusugan kaya nilalayon ko na
maging malakas ang aking pangangatawan
kaya upang makamit ko ito mag eehersisyo ako - Pinapahalagahan ko po ang aking
at kakain ng gulay. pag-aaral kaya nilalayon o inaasam
ko po na maging mataas ang aking
Magbigay nga kayo ng halimbawa class ng marka kaya upang makamit ko po ito
pagpapahalaga na nagbibigay ng direksyon sa mag aaral po ako ng mabuti.
tao?

Mahusay, ang pangapat naman na katangian


ng pagpapahalaga ay ang lumikha ng kung ano
ang nararapat ( out - to - be) at kung ano ang
dapat gawin ( ought - to - do) so dito na yung
iaaply mo na yung alam mong makakabuti sayo
kasi alam mong may kinalaman ito sa kung ano
yung pinahahalagahan mo.

May mga uri ng pagpapahalaga una ay ang


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ganap na pagpapahalagang moral (absolute


moral values)

Ito ay nagmumula sa labas ng tao. Isa itong


pangkalahatang katotohanan (universal truth)
na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga. Ito ay mga prinsipyong etikal.
Sinasabi dito na may limang halimbawa ang
absolute value na kung saan ito yung mga
pangmatagalan na meron na noon at hanggang
ngayon at mga susunod pa. Una na dito ay ang
pag- ibig, dignidad ng tao, katarungan,
pagmamahal sa katotohanan at kapayapaan. 1. Obhetibo - ito ay naaayon kung ano
ito, ano ito noon, at kung ano ito
Merong mga katangian ang Ganap na dapat.
Pagpapahalagang Moral. 2. Pangkalahatan - Sumasaklaw sa
lahat ng tao, kilos at kondisyon o
(Ipabasa sa magaaral)
kalagayan
3. Eternal- umiiral na mananatiling
umiiral

Ikalawang Pagpapahalagang kultaral na


panggawi. (Cultural behavioral values). Ito ay
mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.
Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat
kultural. 1. Subhetibo- Ito ay pansarili o personal
sa indibidwal.
May tatlong katangian ang pagpapahalagang 2. Panlipunan ( Society)- Ito ay
kultural na panggawi. naiimpllowensyahan ng
pagpapahalaga nglipunan.
Ito ay ang subhetibo, panlipunan at sitwasyonal. 3. Sitwasyonal ( Situational)- Ito ay
nakabatay sa sitwasyon, sa panahon
at pangyayari.

Ngayon naman alamin naman natin kung


ano ba ang kaugnayan ng birtud at
pagpapahalaga.

Ang pagpapahalaga ng birtud ang nagbibigay


katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi
anomang nais ng taong makamit sa kanyang
sarili. Ang birtud ay ang mabuting kilos na
ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan. Ito rin ang pinag- isipang
paraan o hakbang upang makamit ang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

pagpapahalaga. “Si angela ay gustong gusto na makapag


tapos ng pagaaral upang matulungan ang
Magbibigay ako dito ng example sabihin nyo kanyang pamilya” - Pagpapahalaga
kung alin ang nag sasaad ng pagpapahalaga at
ng birtud. “dahil dito sya ay palaging nagsusumikap at
nag aaral ng mabuti.” - Birtud
“ Si angela ay gustong gusto na makapag tapos
ng pagaaral upang matulungan ang kanyang
pamilya, at dahil dito sya ay palaging
nagsusumikao at nag aaral ng mabuti.

Ma’am dahil ako po ay isang


F. Pagsusuri manlalaro sa paaralan at gusto ko po
matupad ang pangarap ko maging
Suriin ang mga pangyayari sa iyong buhay table tennis player, ako po ay
at sabihin kung ano ang mga nagsusumikap at masipag di po mag
pinahahalagahan at birtud na nagamit sa ensayo.
pagkakataon na iyon.

Very good anak.

G. Paglalapat

Values at Virtue tsek

Panuto:

Gumawa ng listahan ng itinuturing mong


mahalaga sayo. Sundan mo ang mga
sumusunod na hakbang

1. Itala ang lahat ng kaya mong isulat na


itinuturing mong mahalaga sa iyo.
2. Mula sa mga naitala, pumili ka ng
sampu.
3. Mula sa sampu, pumili ka ng tatlong
pinakamahalaga para sayo.
4. Tukuyin ang aspeto na nais mong bigyan
ng pokus sa iyong itinala na mahalaga
5. Tukuyin din ang gawain na ginagawa mo
sa kasalukuyan na tu,utugma sa inyong
pinahahalagahan
6. Itala ang natuklasan sa resulta ng
gawain. Maaring sundan ang halimbawa
sa ibaba bilang gabay
7.

Pagpapah Aspeto ng Gawaing Natuklasa


alaga pagpapaha kasalukuyang n
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


laga ginagawa na
tugma sa
pagpapahala
ga
Halimbawa: Matiwasay Wala, hindi Hindi
Pamilya na ko nagtugma
ugnayan ginagampana ang aking
sa pamilya n ang kilos at
tgungkulin ko gawain
sa bahay, araw-
kaya nag araw sa
aaway kami pagpapah
ng aking alaga ko
kapatid. sa
ugnayan
ko sa
aming
pamilya.
Diyos Malapit na Nagsisimba Nagtugma
nakikipag- ako tuwing ang aking
ugnayan Linggo at kilos, gawi
sa Diyos. nagdarasal sa aking
bagi matulog pagpapah
at paggising alaga.
sa umaga.

H. Paglalahat - Ang birtud po ay mga mabuting kilos


na nagpapakita ng pagiging tao,
Ano ang inyong naunawaan sa kahulugan pagiging malakas at matatag na
ng birtud? isang individual.
- Magandang katangian po na nag
papakita ng pagiging tao natin.

- Ang pagpapahalaga po ay ito yung


may mga bagay kang
Ano naman ang pagpapahalaga? pinahahalagahan may mga
ginagawa ka o kinikilos mo ang isang
bagay dahil may halaga sya sayo.

- Satingin itoy upang maging mas


makabuluhan ang buhay ng tao at
makagawa sya nang mabuti ay
Bakit kailangan taglayin ito ng tao? maiwasan ang paggawa ng
masama.

Maari kayong mag tanong class kung may


hindi kayo nauunawaan sa lesson natin.

IV. Pagtataya

Sagutan ang sumusunod sa pamamagitan


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

pagsasaayos ng mga titik. Ilagay sa patlang


ang nabuong salita.

______1. Ito ay tumutukoy sa pagiging tao,


mula sa salitang Latin na virtus. (D B U T I R)

______2. Ito ay bunga ng paulit-ulit na

pagsasagawa ng kilos (I G W A)

______3. Ito ay tumutukoy sa uri ng birtud na


nagpapaunlad ng ating kaalaman na siyang
gawain ng ating isip. (W E E T K L I N L A T)

______4. Ito ay isang birtud na gumagamit ng\


kilos- loob upang ibigay sa tao ang nararapat
lamang para sa kanya. (N G K T R U A A A N)

______5. Ito ay birtud na nagpapatatag at


nagpapatibay sa tao na hara

pin ang

anumang pagsubok o panganib. (K T A A T G N


A A)

B. Sagutin ang mga tanong sa ibaba:

1. Isipin ang mga bagay na pinakamahalaga sa


iyo, ilarawan ito gamit ang apat na salita.

2. Sumulat ng pangalan ng sampung taong


pinakamahalaga sa iyo. Sa tapat ng kanilang
pangalan isulat ang birtud na kanilang
tinataglay.

V. Takdang aralin/Kasunduan

Magbigay ng sampung (10) mga halimbawa ng


mahalaga sa iyong buhay. Iranggo ito sa pinaka
mataas hanggang pinaka mababang
pagpapahalaga.

Pagninilay: Ang mga mag-aaral ay natutunan at nauunawaan ang tamang paggamit ng birtud at
pagpapahalaga sa kanilang buhay.

Comment ang Suggestion:

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Inihanda ni:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL
BURGOS AVENUE, CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA, 3100

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


Cherrilyn M. Galvez

Practice Teaching Student

Iwinasto ni:

Aileen B. Corpuz

Cooperating Teacher

You might also like