You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


Araling Asyano
I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
Napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyunal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)

Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagsasasgawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng
Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-
20 Siglo)

Pamantayan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa kulturang
Asyano
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang mga kontribusyon ng timog-silangang asya sa kulturang asyano
b. Napahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng timog-silangang asya sa kulturang asyano; at
c. Nakabubuo ng Graphic Organizer na nag lalaman ng mga personalidad na nagkaroon ng
kontribusyon sa kulturang asyano sa humanidades at palakasan.

II. Paksang Aralin / Gawain sa Pagkatuto

a. Pangkalahatang Paksa: Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang


Asyano.
b. Ispesipikong Paksa: Mga Kontribusyon ng Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano.
c. Sanggunian: Modyul 7, Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang
Asyano pg. 12-15
d. Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop,Telebisyon,PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
a. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.


(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahan
ang pagdarasal) Handa na ba kayo para tayo ay manalangin?

Handa na po.

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Yumuko at pumikit.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.


. . Amen.
b. Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw din po, Ma’am Leira!

c. Pagtatala ng Liban

Meron bang liban sa ating klase ngayon? Wala po ma’am!

Magaling kung ganon!

d. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dumako sa ating aralin sa araw na


ito ay atin munang babalikan ang ating
napagaralan patungkol sa kontribusyon ng
silangang asya sa kulturang asyano.

May ipapakita akong mga larawan kung saan


inyong tutukuyin ang pinanggalingang bansa
ng nasa larawan at anong larangan nito.
Nauunawaan ba? Opo!

Simulan natin

Kabuki JAPAN (Humanidades)

The Tale of Genji JAPAN (Panitikan)

Jung Koo Chang SOUTH KOREA (Palakasan)

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Yao Ming CHINA (Palakasan)

Jewel in the Palace SOUTH KOREA (Humanidades)


Mahusay!

Bakit nga ba mahalaga ang mga kontribusyon


na ito sa silangang asya? Dahil po mas nakikilala yung kultura nila
Magaling! Ano pa? Dahil po nag bibigay ito ng inspirasyon sa mga
susunod na henerasyon.
Magaling!
Nasagot ninyo ang mga
katungan at natandaan ang ating nakaraang
aralin patungkol sa mga kontribusyon ng
silangang asya sa kulturang asyano

B. Pagganyak

Ngayon ay magkakaroon tayo muli ng isang


maikling aktibidad kung saan ito ay magbibigay
sa inyo ng mga ideya patungkol sa ating
tatalakaying aralin
Pamilyar ba kayo kay Dora the Explorer?
Opo!
Sino nga ba si Dora the Explorer?
Siya po yung batang cartoon character na
naglalakbay sa iba’t ibang lugar!
Mahusay! Siya po ay isang batang
manlalakbay na nakilala natin sa telebisyon.

Magaling!

Dahil kilala ninyo si Dora the Explorer.


Ngayon ay may ipapakilala ako sa inyo si
Ma’am Leira the Explorer!
Si Ma’am Leira the Explorer ay ang bagong
karakter ni Dora the Explorer kung saan ay nag
lakbay si Ma’am Leira the Explorer papunta
dito upang matulungan tayo sa ating sa ating
susunod na aktibidad. May mga larawan na

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

ipapakita si Ma’am Leira the Explorer mula sa


kaniyang bag na siyang magiging gabay natin.
handa naba ang lahat? Opo!

(Ang guro ay mag papakita ng mga larawan)

Ngayon na nakita na ninyo ang mga larawan


ay nais ko na ang lahat ay tumayo at takpan
ang inyong mga mata at makinig ng mabuti sa (Tatayo ang mga mag aaral at tatakpan ang
akin. Huwag tatanggalin ang takip sa mata kanilang mga mata)
hanggat hindi pa sinasabi.

Para sa ating aktibidad, ito ay tatawaging,


Picture Hunt. Sa loob ng silid aralan ay may
mga nakatagong mga larawan. Ang mga
larawan na ito ay ang mga larawang ipinakita
ko sa inyo kanina. Bibigyan lamang kayo ng
hanggang dalawang minuto para hanapin ang
mga ito. Isang larawan lamang sa isang mag
aaral. At kung ikaw ay nakakita o nakakuha na
ng isang larawan ay ididikit mo ito sa pisara
bawat larawan ay may katumbas na premyo
na ibibigay pagkatapos ng klase

Handa na ba ang lahat? Opo!


Tanggalin na ang mga takip sa mata at
simulant na inyong paghahanap (Ang mga mag aaral ay sisimulan na ang pag
hahanap sa mga larawan at ididikit sa pisara)

Nahanap na ba lahat ang lahat ng larawan? Opo!

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Naidikit na ba sa pisara lahat? Opo!


Magaling!

Ngayon ay bumalik na ang lahat sa inyong mga (Ang mga bata ay maayos na bumalik sa
upuan. kanilang mga upuan)

Ngayon na nakuha na ninyo ang mga larawan


ay atin nang sisimulan ang ating talakayan.

Kung inyong natatandaan na ang ating


nakaraang talakayan ay patungkol sa Mga
Kontribusyon ng Silangang Asya sa Kulturang
Asyano, ngayon naman ay ating tatalakayin
ang patungkol saan? Mga Kontribusyon ng Timog-Silangang Asya sa
Kulturang Asyano po.
Magaling!

C. Mga Gawain
Sa ating nakaraang tinalakay ay natuklasan
natin ang mga sa kontribusyon ng Silangang
Asya, ngayon naman ay dadako tayo sa mga
kontribusyon ng Timog-Silangang Asya.
Para sa ating magiging talakayan kayo ay
iguigrupo ko sa walong grupo na kung saan
bawat grupo ay bibigyan ng isang kontribusyon
sa timog-silangang asya at kanilang
ipepresenta sa harap ng klase.
Sa pagbuo ng grupo ninyo ay mayroong iba’t
ibang klase ng candy si Ma’am Leira the
Explorer sa kaniyang kahon. At ang bawat
candy ay katumbas ng grupo at kung anong
kontribusyon ang kanilang ipepresenta.
Nauunawaan ba? Opo!

(Bubunot ang bawat mag aaral ng candy)


Ngayon na naka bunot na ang lahat ay maaari
(Mag sama sama ang mga magkakapareho ng
nang mag sama sama ang mga
nakuhang candy)
magkakapareho ng nakuhang candy.

At ngayon na magkakasama na ang walong


grupo. Bawat grupo ay bibigyan ko ng Brochure
kung saan naka sulat ang mga impormasyon
na inyong kailangan para sa inyong ipeprsenta
na mga kontribusyon. Bawat brochure ay may
mga gabay na tanong sa ibaba. Sasagutin

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

ninyo ang mga katanungan na ito gamit ang


mga impormasyon na nasa brochure.
At ang tatlong gabay na tanong na inyong
sasagutan ay ang siyang ipepresenta ninyo sa
harapan. At para sa presentasyon bawat grupo
ay pipili ng isang miyembro na siyang mag
sasalita sa harapan at isang kukuha ng larawan
sa pisara batay sa kung sino o ano ang
kanilang ipepresenta at hahawakan ito katabi
ng nag sasalita.
Bibigyan lamang ng hanggang dalawang
minuto ang bawat grupo sa pag sasagot at pag
hahanda at hanggang isang minuto sa pag
pepresenta.
Handa na ba ang lahat? Opo!

(Ang mga mag aaral ay mag sisimula nang


mag handa para sa presentasyon)
(Matapos ang pag hahanda ay mag sisimula
nang ipresenta sa harapan ng bawat grupo)

Para sa unang grupo na tatalakaying ang (Unang grupo)


kontribusyon ng Indonesia sa larangan ng Gamelan
humanidades - Ang gamelan ang pinakasikat na anyo ng
tradisyonal na musika at ito ay matagal nang
bahagi ng kultura at musika ng Indonesia at
naglalarawan ng kasaysayan at tradisyon ng
mga taong Indones.
- Ito ay ginagamit sa pagsaliw sa mga awitin o
dula
- Ang pangalan na "gamelan" ay nagmula sa
gamel, isang salitang Javanese para sa isang uri
ng martilyo na ginamit ng isang panday.
Palakpakan natin ang unang grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa ikalawang grupo tatalakaying ang (Ikalawang grupo)


kontribusyon ng Indonesia sa larangan ng Wayang kulit
humanidades - Ang "wayang kulit" ay isang tradisyunal na anyo
ng puppetry na kumakatawan sa mga tauhan at
kuwento ng mga epikong Indonesia.
- May paksa tungkol sa mga epikong Hindu o
kaya naman ay kwento ng mga kilalang bayani at
kanilang mahigpit na katunggali at nang lumaon
ang paksa nito ay umiikot na sa mga isyung
politikal

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

- Ito ay malimit na ipinapalabas sa mga


seremonya, mga pagdiriwang, at mga okasyon
na may kaugnayan sa relihiyon at kasaysayan.
Palakpakan natin ang ikalawang grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa ikatlong grupo na tatalakaying ang (Ikatlong grupo)


kontribusyon ng Indonesia sa larangan ng Susanto Megaranto (chess)
palakasan - Pinakabatang grandmaster ng Indonesia sa
edad na 17 na indonesia.
- Isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ni
Megaranto ay ang pagkakaroon ng mataas na
antas ng paglalaro sa larangan ng chess ng
Indonesia.
- Noong 2004, siya ang naging pinakabatang
Indonesian na naging kuwalipikado para sa
Championship ng apat na magkakasunod na
beses mula 2006 hanggang 2010.
Palakpakan natin ang ikatlong grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa ikaapat grupo na tatalakayin ang (Ikaapat grupo)


kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng Emmanuel "Manny" Pacquiao (boxing)
palakasan - Pinakamahusay na boksingero sa
kasalukuyang panahon at tinaguriang
pambansang kamao.
- Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the
Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers
Association of America (BWAA), World Boxing
Council (WBC) at World Boxing Organization
(WBO).
- Naging kampeon siya sa iba't ibang weight
divisions, kasama ang flyweight, super
bantamweight, featherweight, lightweight,
welterweight, at super welterweight.
Palakpakan natin ang ikaapat grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa ikalimang grupo na tatalakayin ang (Ikalimang grupo)


kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng Eugene Torre (1974 chess)
palakasan - Kauna-unahang grandmaster na Asyano sa
edad na 22.
- Nakakuha na kuwalipikasyon si Torre para sa
Labanan ng mga Kandidato para sa
Pandaigdigang Kampeonato ng Ahedres noong
1984
- Itinuturing siya bilang pinakamatibay na
manlalaro ng ahedres mula sa Pilipinas noong
mga dekada ng 1980 at ng 1990.
Palakpakan natin ang ikalimang grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Para sa ikaanim grupo na tatalakayin ang (Ikaanim grupo)


kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng Lydia de Vega (Track and field)
palakasan - Isang kilalang atleta sa Pilipinas na naging
kampeon sa larangan ng pagtakbo.
- Kabilang siya sa mga atletang tumatakbo sa
mga Olympic Games, Asian Games, at iba pang
mga pang-Internasyonal na kompetisyon.
- Siya ay lalong kilala bilang "Asia's Fastest
Woman" noong 1980s. Sa kanyang kahusayan
sa pagtakbo, sumali siya sa iba't ibang
kompetisyon sa buong mundo.
Palakpakan natin ang ikaanim na grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa ikapitong grupo na tatalakayin ang (Ikapitong grupo)


kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng Paeng Nepomuceno (Bowling)
palakasan - Isang Filipinong bowler na nanalo ng anim na
beses at Kamponeato sa World Bowling.
- May hawak ng tatlong Guiness World Records
sa larangan ng bowling ang Most Bowling World
Cup Wins, pangalawa ay ang pinakabatang
kampeon ng Bowling World Cup sa edad na 19
at ang pangatlo ay ang pagpanalo ng pinaka
maraming titulo (131 titles as of 2016)
Palakpakan natin ang ikapitong grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Para sa huling grupo na tatalakayin ang (Ikawalong grupo)


kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng Efren “Bata” Reyes (Billiards)
palakasan - Unang manlalaro na nagwaging kampeonato sa
buong mundo sa dalawang magkaibang disiplina
sa pool
- Itinuturing ng marami si Efren "Bata" Reyes
bilang Tiger Woods ng Billiards.
- Siya rin ang unang taga-Asya na nahirang sa
Hall of Fame Billiard Congress of Amerika at
pinangalanan ng time magazine bilang isa sa 60
Asian Heros dahil sa paraan kung paano niya
baguhin ang imahe ng billiards hindi lang sa
Pilipinas kundi maging sa buong mundo
Palakpakan natin ang huling grupo (papalakpak ang mga mag-aaral)

Naunawaan ba ang mga ipinresenta sa


harapan? Opo!

Mabuti! Ngayon na natalakay na natin ang mga


kontribusyon sa timog-silangang asya, ang

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

bawat grupo ay mag sasagot ng cross word na


inihanda ni Ma’am. Opo!
Handa na ba ang lahat?
.
Panuto: Ang bawat grupo ay bibigyan ng (Sasagutan ng mga mag aaral ang cross word at
hanggang tatlong minuto upang sagutan ang isusulat sa ibinigay na papel ng guro na mag
cross word. Ang mga salitang makukuha sa sisilbing sagot nila sa mga katanungan)
Cross word ay ang mag sisilbi ninyong sagot sa
mga katanungan na naka sulat sa papel na CROSS WORD
ibibigay ng guro. H U M A N I D A D E S Y
Bawat isang tamang sagot sa inyong papel ay G H U M A R E D P B G H
katumbas ng dalawang puntos. C G J K R D D G V O B O
H V H F D B N Q A K O C
Maaari na kayong mag simula E A K F N M C R U S Q H
P A L A K A S A N G K E
S I N I F S G N A N X S
O P A N T I K A N V D S
B K R F D K V N Z M N M
P L B O K S I N G V F R
R D D E F L A K A S A N
G A M E L A N M E G A A

SAGUTIN MO AKO
Palakasan 1. Ito ay tinatawag ding Isports.
Humanidades 2. Ito ay sumasaklaw sa mga
paksang tulad ng sayaw, awitin, at dulaan na sa
pangkalahatan ay tinatawag na performing arts.
Gamelan 3. Ito ay ginagamit sa pagsaliw sa mga
awitin o dula at binubuo ng higit 100 na kasapi.
Chess 4. Isang larong tabla para sa dalawang
naglalabang manlalaro kung saan ito ay pabilisan
magisip at pagalingan ng galaw.
Boksing 5. Isang laro sa larangan ng palakasan
kung saan dalawang magkatunggali na may
parehong timbang ang naglalaban sa
pamamagitan ng kanilang mga kamao.

Mahusay! Maaari bang paki basa ang mga


tanong at sabihin ang mga sagot nito at
(Ang mga mag aaral babasahin ang kanilang
markahan ang mga tamang sagot upang
mga hawak na papel matapos sagutan ito)
malaman natin kung ilan ang nakuhang iskor ng
bawat grupo.

Magaling!

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Maaari bang itaas ang kamay ng grupo na (Mag tataas ng kamay ang bawat grupo batay sa
nakakuha ng 10? 8? 6? 4? 2? 0? iskor na kanilang nakuha)

Palakpakan natin ang bawat isa (Papalakpak ang mga mag aaral)

Mukhang natuto nga kayo ng husto sa ating


talakayan dahil nagawa ninyo ng maayos ang
ating gawain.

D. Paglalapat / Aplikasyon

(Magtatanong ang guro sa kung ano ang mga (Ang mga mag-aaral ay sasgaot batay sa kung
talento at isports ng mga mag-aaral sa iba’t ano ang kanilang talento at sports ng mga mag-
ibang larangan) aaral sa iba’t ibang larangan)

Gusto nyo bang maging katulad ng mga taong


natalakay natin kanina na nagpakita ng
kanilang kahusayan sa iba’t ibang larangan? Opo!

Magaling! Sige nga bakit gusto ninyo maging Gusto din po naming makilala dahil sa talento o
katulad nila? kahusayan namin sa isports

Magaling, ano pa? Gusto din po naming magkaroon ng


kontribnusyon sa kultura ng mga Asyano
Sa tingin ninyo, ano ang maaaring mangyari
kung mas pag huhusayan ninyo ang inyong
talento at kahusayan sa isports at mas
pahahalagahan nyo ito? Kapag mas hinusayan at pinahalagahan po
naming ito pag dating ng panahon ay pwedeng
isa po kami sa mga Pilipinong nakilala sa buong
mundo na nag pakita po ng kahusayan sa iba’t
ibang larangan.

Tama! Ano pa? Maaari pong pag dating ng panahon isa na kami
sa magbibigay karangalan at kontribusyon sa
ating kulltura.
Magaling!
Sabi nga sa bibliya (Mateo 25:14–29) binigyan
ng Ama sa Langit ang bawa't isa sa atin ng
ilang bagay na napakahalaga hindi barya, kundi
natatanging mga kakayahan o talento, tulad ng
pag-awit, pagpapakita ng pagmamahal,
pagtakbo, o pagtulong sa iba.

Tulad ng naka saad sa bibliya, Ano ang dapat


natin gawin sa talento at kakayahan na ibinigay Kailangan po na magsikap na mabuti na palaguin
sa atin ng Diyos? ang talento dahil maaari tayong maging mas

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

masaya at tumulong sa iba kapag ginawa ninyo


ito.
Tama! Magiging masaya tayo at maaari din
tayong makatulong sa iba at sa ating bansa na
maibahagi ito sa ating kultura.
Nauunawaan ba? Opo!

E. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, mahalaga ba ang mga
naging kontribusyon ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya sa Kultura ng mga Asyano? Opo!
Sa tingin ninyo ano ang naging kahalagahan
Ma’am kasi po nagbibigay po ito ng mga aral,
nito?
inspirasyon, at walang kapantay na karanasan sa
mga tao mula sa iba't ibang panig ng Asya at sa
buong mundo.
Mahusay ano pa?
Ma’am mahalaga po yung mga naging
kontribusyon po nila dahil sa kanila mas nakilala
ang mga Asyano at kultura ng mga Asyano sa
iba’t ibang larangan po.
Tama. Mayroon pa bang ideya?
Sa pamamagitan po ng pagpapahalaga
nagkakaroon tayo ng pagkakaisa at patuloy na
napapa-unlad ang kultura natin
Magaling!
Tama ang lahat ng inyong sinabi.

F. Paglalahat
Ngayon, upang lagumin natin ang ating
Talakayan ay pupunan ninyo ang mga
blangkong salita patungkol sa ating tinalakay sa
pamamagitan ng pag didikit ng mga salita na
nasa kahon.
Handa na ba ang lahat?
Opo!
(Ang mga mag aaral ay sisimulan na ang pag
sasagot)
Sa larangan ng humanidades ay nakilala natin
ang Gamelan ng Indonesia na ginagamit sa
pagsaliw sa mga awitin o dula at ang kanilang
Wayang kulit na isang tradisyunal na anyo ng
puppetry na kumakatawan sa mga tauhan at
kuwento ng mga epikong Indonesia. Sa
larangan naman ng palakasan ay ipinamalas
ni Susanto Megaranto ng Indonesia ang

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

kaniyang galing sa paglalaro ng chess.


Habang sa Pilipinas naman ay nag pamalas
ng kahusayan sa boksing at nakilala si
Emmanuel "Manny" Pacquiao na
pinakamahusay na boksingero sa
kasalukuyang panahon. At sa si Eugene
Torre na kauna-unahang grandmaster na
Asyano sa edad na 22. At iba pang Pilipino na
nagpamalas ng kanilang kahusayan sa
palakasan na nag bigay ng karangalan sa
Pilipinas si Lydia de vega sa pagtakbo,
Paeng Nepomuceno sa bowling at Efren
“Bata” Reyes na nagpamalas ng kahusayan
sa paglalaro ng billiards.
Maling! Nasagot ninyo ito lahat ng tama!
Naunawaan ba ang ating aralin? Opo!
May katanungan ba? Wala na po!

Mabuti. Kung ganon, ngayon ay tayain na natin


ang inyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
isang maikling pagsusulit.

IV. Pagtataya

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tradisyonal na instrumento ng grupo ng mga musikero na kilala sa India?


a. Boksing
b. Chess
c. Gamelan
d. Wayang kulit
2. Sino ang nakilala bilang pinakamahusay na boksingero sa kasalukuyang panahon.
a. Efren “Bata” Reyes
b. Eugine Torre
c. Manny Paquiao
d. Paeng Nepomuceno
3. Sino ang unang manlalaro na nagwaging kampeonato sa buong mundo sa dalawang
magkaibang disiplina sa pool.
a. Efren “Bata” Reyes
b. Eugine Torre
c. Manny Paquiao
d. Paeng Nepomuceno
4. Si Jessa Marie ay isang Pilipino na sumali at naging kampeon sa larangan ng swimming. Dahil
siya ay Pilipino, saang kontribusyon sa kulturang asyano siya nabibilang?
a. Kanlurang Asya
b. Silangang Asya

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

c. Timog-kanlurang Asya
d. Timog-silangang Asya
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kontribusyon sa kultura?
a. Nagsisilbing tulay sa mga paniniwalang pambansa ng mga Asyano.
b. Nagbibigay ng pagkakakilanlan at pagkakakilanlan sa mga Asyano.
c. Nagpapakita ng yaman ng kasaysayan, sining, at tradisyon ng mga Asyano.
d. Lahat ng nabanggit.

V. Takdang Aralin
Panuto: Bumuo ng Graphic Organizer na nag lalaman ng hindi bababa sa tatlong personalidad na
nagkaroon ng ambag o kontribusyon sa kulturang asyano sa Humanidades, Panitikan o
Palakasan. Maaaring galing sa silangan o sa timog-silangang asya.
3 puntos sa bawal personalidad na ilalagay.

Pangalan Sa anong Ano ang naging ambag


ng larangan sila nila sa bansang
Personalidad kilala o sikat? Pilipinas? Isulat ito sa
isang pangungusap.
Halimbawa:
Manny Pacquiao Boxing Pinaka magaling na
boksingero sa bansa at
humawak ng tatlong titulo sa
magkakaibang dibisyon.

Pamprosesong tanong:

1. Sa mga personalidad na iyong inilagay, sino ang iyong hinahangaan?


2. Batay sa iyong sagot sa unang tanong, bakit mo siya hinahangaan?
3. Magbigay ng isa hanggang tatlong katangian ang nagustohan mo sa iyong hinahangaang
personalidad.

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
LOLOMBOY NATIONAL HIGH SCHOOL

Inihanda ni:

LEIRA C. PAGUIO

Gurong Nagsasanay sa Araling Panlipunan

Iniwasto ni: Sinuri ni:

ADRIAN A. DE VERA MA. ELEONOR C. SIBUNAL

Cooperating Teacher Master Teacher I/Dalubhasang Guro I

Binigyang Pansin nina:

LAWRENCE A. DELA CRUZ JOHN BENEDICT G. JARDINO

Pang-Ulong Guro III- AP Tagapayo

Pinagtibay ni:

JENNET A. MANALO

PunongGuro II

School Address: Bunducan ,Bocaue, Bulacan


Email Address: lnhs300746@gmail.com
Contact Number: 2483256

You might also like