You are on page 1of 8

UNIVERSITY VISION

The premier University in historic Republic of the Philippines UNIVERSITY MISSION


Cavite recognized for excellence in the
development of globally competitive
and morally upright individuals
CAVITE STATE UNIVERSITY Cavite State University shall provide
excellent, equitable and relevant
educational opportunities in the arts,
Silang Campus science and technology through quality
instruction and responsive research
Biga 1, Silang, Cavite 5oduce professional, skilled and
morally upright individuals for global
competitiveness.

TEACHER EDUCATION DEPARTMENT

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN

Inihanda ni: Leslie Anne S. Ruiz BECED-3

Month: March

Subject: Araling Panlipunan

Schedule: lunes, 8:00 AM – 9:00 AM

I. LAYUNIN
A. Maipahayag ang kahulugan ng Kultura
B. Matukoy ang iba’t ibang halimbawa ng Kultura
C. Maipaliwanag mabuti ang patungkol sa Kulturang Pilipino
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Kulturang Pilipino
Sanggunian: ://www.academia.edu/14891132/Kahulugan_ng_Kultura
https://youtu.be/gqBWJ3e_lx8 https://brainly.ph/question/1987862
Kagamitan: Manila Paper, Cartolina, Pentel Pen, Tape, Larawan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG GURO


A. PANIMULANG GAWAIN

o PAGBATI

‘Magandang umaga mga bata’


‘Magandang umaga din po Teacher Leslie'

o PAGDADASAL
‘Inaanyayahan ko muna magsitayo ang lahat
para sa isang panalangin'

‘Melanie, ikaw ang magdadasal para sa araw na


ito’.’

o PAGTATALA NG LIBAN

‘Sa unang pangkat naririto ba ang lahat?’ ‘Opo, Teacher Leslie'

‘Sa ikalawang pangkat, may lumiban ba?’ ‘Wala po, Teacher Leslie'

‘Sa pangatlong pangkat?’ ‘Naririto po ang lahat, Teacher Leslie'

 PAG TSEK NG TAKDANG ARALIN

‘Mga bata mayroon ba akong iniwan na takdang


aralin kahapon?’
‘Wala po, Teacher’

 BALIK ARAL

‘Kung gano’n ating balikan ang ating naging


talakayan kahapon’
‘Ano nga ulit ang na pag aralan natin kahapon?
Kung gusto mag sagot itaas lamang ang kamay’
(Nagtaas ng kamay)
‘Sige nga (pangalan ng estudyante)

‘Ang atin po na pinag aralan kahpon ay tungkol


sa Anyong Lupa’
‘Magaling. Ano nga ulit ang iba’t ibang uri ng
Anyong Lupa?’
‘Bundok’
‘Burol’
‘Talampas’
‘Bulubundukin’
‘ ‘Kapatagan’

B. PANLINANG NA GAWAIN

 PAGGANYAK

(Bago mag umpisa inanyayahan muna ang


lahat tumayo para sa isang ehersisyo)

‘Diba ang pageehersisyo ay isa sa mga


nakagawain nating mga Filipino, hindi man ng
lahat, pero mayroon parin sa atin na ginagawa
ito para mapanatili ang magandang
pangangatawan.Tama ba mga bata?’

‘Opo, bb.’

C. PAGTATALAKAY

‘Bago tayo magumpisa ay may mga letra akong


ididikit sa harapan at huhulaan niyo kung anong
salita ang mabubuo gamit ang mga letra na nasa
harapan niyo.
‘Naiintindihan ba mga bata?
‘Opo, Teacher’

‘Ayan mabuti’

‘Umpisahan na natin'
(Nagpakita ng letra)

*Tanungin kung ano ang mabubuong salita


mula sa mga letra*
( Nagtaas ng kamay )

K L U A

U T R

‘Tignan niyo mabuti kung ano ang pinapakita ng


mga nasa larawan at tignan kung ano ang
mabubuo niyong salita sa letra’ ( Nagtaas ng kamay )

*Tanungin kung ano ang ipinapakita o


inilalarawan ng mga litrato at gamitin ang mga ‘Nakasanayan pong gawin’
letra*

( Nagtaas ng kamay )
‘Ngayon hulaan niyo kung anong salita ang
mabubuo gamit ang mga letra na ito’ ‘Mga palagi po nating ginagawa'

‘Mayroon ba kayong ideya kung ano ito?


( Nagtaas ng kamay )
‘Okay. Magaling. Ang salitang ating mabubuo
mula sa letra na ‘L.,K,U,R,T,A,U' ay Kultura.’ ‘Nakaugalian’

‘Mahusay mga bata'

D. PAGTATALAKAY

‘Ngayong araw ay tatalakayin natin ay ang


Kultura’

‘ Base sa larawan at na ipinakita ko sa inyo ano ‘ Ang Kultura ay tumutukoy sa paraan ng


sa tingin niyo ang ibig sabihin ng kultura? May pamumuhay na nakagawain ng tao.’
ideya ba kayo kung ano ang ibig sabihin ng
salitang Kultura?’

‘Okay. Mga nakasanayan gawin. Ano pa sa


tingin niyo?’

‘Mga palagi nating ginagawa. Meron pa bang


nakakaalam?’
‘Tama po, Bb.’

‘Ayan sige tignan nga natin kung tama ba yung


mga kahulugan niyo sa kultura’

‘Ano nga ba muna ang Kultura?’

‘Sino ang maaaring magbasa’

‘Okay sige (pangalan ng estudyante) pakibasa


nga'

‘Salamat sa pagbabasa’
‘At ayun nga ang sabi dito Ang Kultura ay
tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
nakagawain ng tao.’
‘At kagaya nung sinabi niyo ito yung mga ‘Opo, Bb.’
nakasanayan, nakaugalian o palagi nating
ginagawa'

‘Gaya na lamang nung mga nasa larawan na ‘Opo, Bb.’


ipinakita ko kanina. Una na dito ang
pagmamano, ito ay tanda ng paggalang sa
matatanda. Palagi niyo ba itong ginagawa mga
bata?

‘Mabuti naman’
‘Sunod sa halimbawa’ ay ang Bayanihan. Ang
bayanihan ay isang kaugalian ng mga Filipino ,
ang pagtutulungan. Ang pangatlo ay ang
pagsasama-sama ng pamilya tuwing may ‘Opo’
okasyon. Ito ay palagi nating ginagawa kapag
pasko, birthday o di kaya naman kapag bagong
taon. Ang pang apat na halimbawa naman ay (nagbigay ng mga halimbawa)
ang harana. Ayan ito ay uso noong unang
panahon, ito yung sinasabi na tradisyon na
panliligaw kung saan kinakabahan ng mga lalaki
yung napupusuan nila. Ngayon kasi di na
masyadong uso,pero tanungin niyo mga
magulang niyo kung naranasan ba nila
maharana noon. Ayan at ika-huling halimbawa
natin ay ang piyesta. Panigurado lahat tayo ay
alam kung ano ang piyesta at lahat tayo ‘Opo, bb.’
nakadalo na jan. Ito yung paggunita sa mga
mahahalagang araw na karaniwan ay ang
kaarawan ng patron.

‘Dito sa silang anong pista ang ipinagdiriwang


niyo dito alam niyo ba mga bata?

‘Ayan at madalas makukulay ang mga ito, tama


ba mga bata?

‘Sige nga mga bata ngayon kayo naman ang


tatanungin ko bukod sa pagmamano,
bayanihan, pagsasama-sama ng pamilya tuwing
may okasyon,harana at piyesta may alam pa ba
kayong mga Kulturang Pilipino? Sige nga.’

‘Sige nga magbigay ng halimbawa'


‘Ayan diba napakadami nating Kulturang ‘Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
Pilipino, ito yung mga nakasanayan na nating nakagawain ng mga tao'
gawin simula pa lamang noon at mapagsa
hanggang ngayon.’

‘Naintindihan ba ng mabutI kung ano ang


kulturang pilipino? ‘ pagmamano’
‘ bayanihan'
‘Mahusay mga bata' ‘ harana’
‘ piyesta'
‘ pagsasalo salo'

E. PAGLALAPAT

‘Ngayon ay magkakaroon tayo ng indibidwal na


gawain.’

‘Kumuha ng papel at sagutan ang sumusunod.


Ipapasa ito pagkatapos.’

*Tukuyin kung ito ba ay halimbawa ng kulturang


pilipino. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay
kulturang pilipino at ekis (X) kung hindi.
(Ipinaskil ang gawain)

F. PAGLALAHAT

‘Ayan ngayon muli nating balikan ang ating


tinalakay kanina’

‘Ano nga ulit ang Kultura?

‘Tama. Ngayon nga sige tignan natin kung


matandain kayo. Ano ano yung mga larawan na
ipinakita ko sa inyo kanina?

‘Mahusay. Napakamatandain nniyo'


‘Sana ay naunawaan niyo maigi ang ating
tinalakay ngayong araw. At bago magtapos ang
ating klase inyong pong kopyahin sa inyong
kwaderno ang magiging takdang aralin .

IV. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng sampung larawan na halimbawa ng kulturang pilipino. Idikit ito sa inyong


kwaderno at ipaliwanag kung ano ito.

You might also like