You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Sining VI

I. Layunin

Pagkatapos ng 40 minuto, ang mga bata ay inaasahang:

 maibibigay ang iba’t ibang sinaunang bagay o gusali;


 mailalahad ang kanilang pagkakakilanlan; at
 matutukoy ang mga paraan upang mapangalagaan ang mga ito.

Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga sinaunang gusali sa Pilipinas, at pangangalaga sa mga ito.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Sinaunang Gusali

Sanggunian: Umawit at Gumuhit: Batayang Aklat para sa Musika at Sining 6


Ni Emelita C. Valdecantos, pahina 150-155

Kagamitan: Mga larawan ng mga sinaunang bagay o gusali at iba pang Visual Aids

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagdarasal / Paghahanda

 Magandang umaga mga bata! “Magandang umaga rin po!”

 Tumayo muna tayong lahat at Tatayo ang mga bata at sabay-sabay na


magdasal. magdarasal.

 Maari na kayong maupo. Matapos ng pagdarasal, uupo na ang mga


bata sa kani-kaniyang upuan.

2. Pagtse-tsek ng mga pumasok

 Mayroon bang mga lumiban ngayon, Sasabihin sa akin ng mga bata kung
mga bata? Pakitingnan ang inyong mayroong lumiban sa kanilang mga katabi.
mga katabi kung nandiyan sila.

3. Pagganyak

 Mga bata, may papanuorin kayong Papanuorin ng mga bata ang video clip ng
video clip. tahimik.
B. Pagtalakay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Sinong makapagsasabi sa akin kung Magtataas ng kamay ang mga bata at ang
tungkol saan ang video clip na matatawag ay sasagot na ito ay tungkol sa
napanood ninyo? mga sinaunang gusali sa PIlipinas

 Magaling. Ang video clip ay tungkol sa Magtataas ng kamay ang mga bata at ang
mga sinaunang gusali. Ano raw ang matatawag ay sasagot na ang mga sinaunang
kalagayan nila sa kasalukuyan? gusali ay napapabayaan na sa kasalukuyan.

 Tama. Karamihan sa mga sinaunang


gusali ay napabayaan at naabandona
na sa paglipas ng panahon. Bilang isang Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
mamamayan ng PIlipinas, sa tingin sasabihing hindi tamang mapabayaan at
ninyo tama ba na mapabayaan at maabandona ang ating mga lumang gusali.
maabandona ang ating mga sinaunang
gusali?

 Magaling. Hindi marapat na


mapabayaan at maabandona ang mga
ito, dapat itong pangalagaan dahil ang Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
sabi nga sa video clip, ang pag-alaga sa sasabihin na malinaw ito.
mga ito ay pag respeto sa buong
bayan. Malinaw ba, mga bata?

 Malaki ang kontribusyong nagawa ng


ating mga ninuno sa pagpapayaman ng
kultura ng ating bayan at sa paglinang Makikinig ang mga bata habang ako ay
ng pambansang pagkakakilanlan. nagsasalita.

 Ang mga kontribusyong ito ay makikita


sa mga sinaunang gusali na
nagpapatunay na ang ating mga Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
ninuno ay may angking kasanayan at sasabihin na malinaw ito.
kahusayan sa paggawa. Malinaw ba,
mga bata?

 Ang mga gusali na kanilang ginawa ay


may katangi-tanging anyo at kakaiba
kaysa sa mga ginagawa sa kasalukuyan Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
kaya’t ang mga ito ay kilala sa buong sasabihin na nais nilang malaman ang mga ito.
mundo. Nais ninyo bang malaman
kung anu-ano ang mga gusaling ito?
C. Pangkatang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Upang maging mas masaya at


makabuluhan ang pagtalakay natin Makikinig ang mga bata habang sila ay aking
dito, papangkatin ko kayo sa apat at papangkatin.
may gagawin kayo. Mayroon akong
hawak na apat na sobre, naglalaman
ang mga ito ng puzzle pieces at ang
impormasyon ng gusaling bubunutin
ninyo.

 Ngayong may kani-kaniya na kayong


pangkat, kailangan ko ng isang Pupunta sa harap ng klase ang apat na
kinatawan ng pangkat upang puntahan kinatawan ng bawat pangkat.
ako dito.

 Maari na kayong bumunot. Bubunot ang mga kinatawan ng sobre.

 Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minuto upang buuin ang puzzle at
mapag-aralan ang impormasyon. Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
Pagkatapos, pumili kayo ng mag-uulat sasabihin na malinaw ito.
dito sa harapan. Malinaw ba mga bata?

 Tapos na ang limang minuto. Mag- Tatayo at pupunta sa harapan ang iilan sa mga
simula tayo sa unang pangkat. Bago miyembro ng unang pangkat upang idikit ang
mag-ulat ang kinatawan ninyo, idikit larawan sa pisara at maiiwan sa harapan ang
muna ninyo sa pisara ang inyong kanilang kinatawan.
nabuong larawan sa pamamagitan ng
puzzle pieces.

 Maaari ka nang magsimula. “Ang nabunot naming ay ang Paoay Church.


Ang simbahang ito ay ginawa sa pamamagitan
ng mga hinugis na corals at mga piling bato at
“bricks”. Ang Paoay Church ay ginawa sa loob
ng isang daan at siyamnapung taon.”

 Magaling. Palakpakan natin ang unang Magpapalakpakan ang mga bata.


pangkat.

 Ito ang Paoay Church. Gawa ito sa mga


piling bato na hugis corals at adobe. Ito
ay makikita sa Ilocos at isa ito sa mga Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
sinaunang simbahan na kilala sa ibang sasabihing ito ay nakakataba ng puso.
bansa. Hindi ba’t nakakataba ng puso
malaman na ang Pilipinas ay nakikilala
dahil sa kanyang simbahan?

 Ang Paoay Church ay naitayo sa loob Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
ng isang daan at siyamnapung taon,
simula noong 1704 hanggang 1894.
 Malinaw ba mga bata? Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
sasabihing malinaw ito.

 Maraming salamat sa unang pangkat. Uupo na ang kinatawan ng unang pangkat sa


Maaari ka nang umupo. kanyang upuan.

 Dumako na tayo sa susunod na Pupunta sa harapan ang kinatawan ng


pangkat. ikalawang pangkat.

 Pakidikit sa pisara ang inyong nabuong Ididikit ng mga miyembro ng ikalawang


larawan gamit puzzle pieces. pangkat ang larawan.

 Maaari ka nang magsimula. “Ang napunta sa amin ay ang Palasyo ng


Malacañang. Ito ang opisyal na tirahan ng
pangulo ng bansa. Ang palasyo ng Malacañang
ay patuloy na pinapaganda at ipinaaayos ng
mga Pangulo ng bansa upang ito ay maging
karapat-dapat na tahanan ng pinakamataas na
opisyal.”

 Mahusay. Ang Palasyo ng Malacañang


ay ang opisyal na tirahan ng pangulo ng
bansa. Ang unang gusali ng
Malacañang ay tinaguriang bahay na Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
bato na mayroong hardin na naliligiran
ng pader. May kapita-pitagang anyo ito
upang maging karapat-dapat na
tahanan ng pinakamataas na opisyal ng
bansa.

 Malinaw ba mga bata? Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at


sasabihing malinaw ito.

 Maraming salamat sa ikalawang Uupo na ang kinatawan ng unang pangkat sa


pangkat. Maaari ka nang umupo. kanyang upuan.

 Dumako na tayo sa susunod na Pupunta sa harapan ang kinatawan ng ikatlong


pangkat. pangkat.

 Pakidikit sa pisara ang inyong nabuong Ididikit ng mga miyembro ng ikatlong pangkat
larawan gamit puzzle pieces. ang larawan.

 Maaari ka nang magsimula. “Ang aming nabunot ay ang Fort Santiago. Ito
ay naging isang lugar na karimarimarim noong
mga panahon ng digmaan sapagkat ang mga
selda nito ay naging kulungan at libingan ng
mga nabulok na bangkay. Sa panahon ngayon,
ang Fort Santiago ay isang napakagandang
liwasan na naglalarawan ng kapayapaan at
katiwasayan, ng kapahingahan, kasiyahan at
pag-ibig.”
 Magaling. Ang Fort Santiago ay ang
nagsilbing selda noong panahon ng
digmaan. Dito inilibing ang mga Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
nabulok na bangkay at mayroon pang sasabihing nakaranas na sila ng matinding
bartolina dito na minsang pinaglagyan kagutuman.
ng 600 na bilanggo na ginutom
hanggang mamatay. Nakaranas na ba
kayo ng matinding kagutuman?

 Hindi ba’t napakasakit ng pakiramdam “Opo”


na iyon?

 Matatagpuan din sa Fort Santiago ang


isang espesyal at pinagpipitaganang Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
bahagi na tinatawag na “Shrine of
Freedom” ng ating pambansang
bayaning si Gat. Jose P. Rizal.

 Malinaw ba mga bata? Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at


sasabihing malinaw ito.

 Maraming salamat sa ikatlong pangkat. Uupo na ang kinatawan ng ikatlong pangkat sa


Maaari ka nang umupo. kanyang upuan.

 Dumako na tayo sa susunod na Pupunta sa harapan ang kinatawan ng ika-apat


pangkat. na pangkat.

 Pakidikit sa pisara ang inyong nabuong Ididikit ng mga miyembro ng ika-apat ng


larawan gamit puzzle pieces. pangkat ang larawan.

 Maaari ka nang magsimula. “Ang napunta sa amin ay ang Bahay ni Gat.


Jose P. Rizal sa Calamba, Laguna. Dito makikita
ang kaniyang antigo at sinaunang mga
kagamitan at kasangkapan. May dalawang
palapag ang bahay ni Rizal na nabububungan
ng pulang tisa.Ang kabuuan ng loob ng bahay
ay maluwang at maaliwalas.”

 Mahusay. Ang bahay ni Gat. Jose P.


Rizal sa Calamba, Laguna ay isa lamang
pag-uulit ng orihinal na anyo nito. Ang Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
dingding sa ibaba ng bahay ay yari sa
makapal na bato, samantalang ang
itaas ay yari sa kahoy na may mga
bintanang may kapis.

 Malinaw ba mga bata? Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at


sasabihing malinaw ito.

 Maraming salamat sa ika-apat na Uupo na ang kinatawan ng ika-apat na


pangkat. Maaari ka na umupo. pangkat sa kanyang upuan.
D. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Ang mga gusaling ating tinalakay ay Magtataas ng kamay ang mga bata at
iilan lamang sa mga sinaunang gusali sasagot ng: “Paoay Chruch, Palasyo ng
na may malaking kontribusyon sa ating Malacañang, Fort Santiago, at Bahay ni Gat.
kultura. Maaari ba ninyong sabihin sa Jose P. Rizal.”
akin kung ano ang mga gusaling ito?

 Mahusay. Ang mga gusaling ito ay Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
antigo na kaya marapat silang alagaan
ng mabuti.

 May iba’t ibang pamamaraan upang


mapangalagaan natin hindi lamang ang Magbibigay ng opinyon ang mga bata sa kung
mga sinaunang gusali, maging ang paano mapapangalagaan ang mga gusali.
lahat din ng mga gusali dito sa ating
bansa. Anu-ano ang mga ito?

 Ang pinaka simple na maaring gawin ng


kahit sino man ay ang huwag mag-iwan
ng basura o kahit ano pa mang dumi sa
mga gusaling ating pinupuntahan
sapagkat mayroong nakalaan na Makikinig ang mga bata sa aking tinatalakay.
basurahan para sa mga ito. Huwag rin
tayong sumulat at gumuhit ng kahit
ano sa pader ng mga gusali.

 Parati nating tatandaan na ang pag-


alaga sa mga Sinaunang Gusali ng ating
bansa ay simbolo ng pag respeto sa Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
buong bayan. Malinaw ba mga bata? sasabihing malinaw ito.

 Pakiulit. Ang pag-alaga sa mga Sinaunang Gusali ng


ating bansa ay simbolo ng pag respeto sa
buong bayan.

E. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Ngayon naman, maglalaro tayo. Gusto Sabay-sabay na sasagot ang mga bata at
ba ninyong maglaro, mga bata? sasabihing gusto nilang maglaro.

 Natatandaan pa ba ninyo ang mga “Opo”


kasama ninyo sa pangkat kanina?

 Magaling. Maaari bang pumunta dito


sa harapan ang mga kinatawan ng Kukunin ng mga kinatawan ng bawat pangkat
bawat pangkat at bibigyan ko kayo ng ang illustration board na paglalagyan ng mga
illustration board at doon ninyo sagot.
ilalagay ang inyong mga sagot.
 Maaari nang umupo ang mga Uupo na ang mga kinatawan ng bawat
kinatawan ng bawat pangkat. pangkat.

 Ngayon, maglalahad ako ng mga


impormasyon patungkol sa mga gusali,
at isusulat ninyo sa illustration board
kung anong gusali ang tinutukoy ko
pagkatapos ay titingnan natin kung Makikinig ang mga bata sa aking sasabihin
tugma ba sa larawang ito ang mga
sagot ninyo.

 Maaari na ba tayong magsimula, mga “Opo”


bata?

 Ilalahad ko ang mga impormasyon


patungkol sa apat na sinaunang gusali
at titingnan naming kung tugma ba ang Sasabihin ng mga bata kung anu-ano ang
kanilang mga sagot sa mga larawang naramdaman nila habang sila ay naglalaro.
nakapaskil sa pisara. Pagkatapos ng
laro, tatanungin ko sila kung anong
naramdaman nila habang sila ay
naglalaro.

 Anu-ano nga ulit ang mga Sinaunang “Paoay Chruch, Palasyo ng Malacañang, Fort
Gusali na ating tinalakay? Santiago, at Bahay ni Gat. Jose P. Rizal.”

 Magaling. Bilang mamamayan ng “Pangalagaan”


Pilipinas, ano ang dapat gawin sa mga
ito?

 Sa papaanong paraan? “Hindi pagtapon ng basurahan kahit saan at


hindi pagsusulat sa mga pader ng mga ito.”

 Magaling! Palakpakan ninyo ang Papalakpak ang mga bata.


inyong mga sarili.
IV. Pagtataya

Tukuyin ang mga gusali gamit ang Word Bank at isulat ito sa patlang.

Fort Santiago

Bahay ni Gat. Jose P. Rizal

Paoay Church

Palasyo ng Malacañang

1. 2.

3. 4.
Mga Sagot:

1. Bahay ni Gat. Jose P. Rizal

2. Palasyo ng Malacañang

3. Fort Santiago

4. Paoay Church

V. Takdang Aralin

A. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga sinaunang gusali.

B. Dalhin ang mga sumusunod na kagamitan:

 Papel
 Lapis
 Water color

Inihanda ni:

ALEXANDREA B. GONZALEZ
Student Teacher

Binigyang Pansin ni:

KENT ANTHONY R. TAÑEDO


Cooperating Teacher

Noted by:

EDGAR L. YUTUC

You might also like