You are on page 1of 12

Isang Masusing

BanghayAralin

sa Araling

Panlipunan 6
LearningArea: ARALING PANLIPUNAN

Baitang: IKA-ANIM

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Layunin

Sa loob ng anim napung (40) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Pangkaisipan: Natutukoy ang natatanging tanawin at pagkain sa rehiyon 1


B. Pandamdamin: Nalalaman ang kahalagahan ng natatanging tanawin at
pagkain sa rehiyon 1
C. Pangkasanayan; Nailalagay ang mga larawan ng mga tanawin at

pagkain sa mga lalawigan ng Rehiyon 1

II. PaksangAralin

A. Paksa: Natatanging Tanawin at Pagkain sa Rehiyon 1

B. Sanggunian: Aralin Panlipunan 6, Internet

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Mga larawan.

D. Metodolohiya:

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

-Panalangin
“Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral
ngayon, maaari bang tumayo ang lahat
para tayo ay manalangin? Sabay sabay
nating basahin ang panalangin.”
(Sumasabay sa pagbasa)
“Makapangyarihang Diyos na may gawang langit
at lupa pinupuri ka namin. Maraming salamat po
sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob Ninyo sa
amin. Gawin po ninyo kaming mabuting bata.
Ilayo niyo po kami sa sakit at masama. Amen!”
- Pagbati
“Magandang umaga mga bata!”
“Magandang umaga po,binibini!”

“Kumusta naman ang araw ninyo?


Paulyn, maaari mo bang ibahagi sa
amin, kumusta ang araw mo ngayon?”
Paulyn: “Mabuti naman po,binibini!”
“Ang sarap naman pakinggan! Ikaw
naman Jenica, kumusta ang araw mo?” Jenica: “Nasasabik po ako sa ating talakayan
ngayon.”
“Mabuti naman at ikaw ay nasasabik
ngayon. Masaya akong marinig
iyan.”

- Pagtatala ng liban
“Maaari bang pakitignan ninyo ang
inyong mga katabi kung sila ay
naririyan?”

“Mayroon bang hindi pumasok sa araw


na ito” “Lahat po ay pumasok at walang lumiban,
binibini!”
“Mabuti naman at ako’y nagagalak na
lahat kayo ay pumasok.”

Pagsasaayos ng loob silid-


aralan
“Bago kayo umupo maaari
bang pulutin muna natin ang mga kalat
sa ilalim at tabi ng ating mga upuan.”
(Pinupulot ang mga kalat.)
“Maaari na kayong umupo.”
“Salamat po,binibini.”

“Bago tayo magsisimula sa pag-aaralan


natin sa araw na ito. Meron muna akong
inihandang mga palatuntunan. Handa na
ba kayong malaman ito?”
“Opo, binibini.”

1. Maupo nang maayos, manahimik, at


makinig sa guro.

2. Makilahok sa talakayan (class


participation).

3.Gawin ang hand signals kung


kinakailangan.

4.Huwag mahiyang magtanong sa guro.


5. Gumamit ng wikang Filipino

Pagbabalik aral
‘Natatandaan nyo pa ba ang tinalakay
natin kahapon?”
“opo, binibini”

"Anong rehiyon ang tinalakay natin


kahapon?”
“Rehiyon 1 po binibini”

"Magaling!

“Ano-ano ang mga lugar na bumubuo sa


Rehiyon 1?”
Jenica: “Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at
Pangasinan po binibini”

“Mahusay!”

B.Pagganyak
“Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat.
Handa na ba kayo?”
“opo binibini”

“Meron akong inihandang mga larawan.


Gamit ang mga larawan pagsasamahin
niyo ito para makagawa ng isang salita.”

“Bibigyan ko ang bawat pangkat ng


watawat at paunahan niyo itong itaas para
sabihin ang tamang sagot. Handa na ba
kayo?”

“Vigan”

Sagot: Vigan

“Bagnet”
Sagot: Bagnet

“Hundred Islands”
Sagot: Hundred Island

"Napakahusay nyong lahat!"

C. Paglalahad
“Dumako na tayo sa ating talakayan
ngayong araw, pero bago ang lahat. May
katanungan ako tungkol sa ating ginawa
kanina.”

“Ano sa tingin Ninyo ang tatalakayin natin


ngayon?”

Paulyn: “Sa tingin ko po ay tungkol sa mga


tanawin at pagkain”
“Mahusay!”

D. Pagtatalakay sa Nilalaman
“Simulan na natin ang talakayan ngayong
araw”

Natatanging Tanawin at Pagkain sa


Rehiyon 1

Natatanging Tanawin sa Rehiyon 1

Ilocos Norte
Heritage Attractions
Paoay Church

“Maaari mo ba itong basahin Mary Grace”

Kilala rin bilang Simbahan ng San


(Binasa ang nasa presentasyon)
Agustin, ang Simbahang Paoay ay
matatagpuan sa Bayan ng Paoay, Ilocos
Norte.

“Maraming Salamat Mary Grace”


Built Attraction
Bangui Windmills

Matatagpuan malapit sa Bangui Bay


sa Ilocos Norte. Ang windmills ay hindi
lamang puntahan ng mga turista, bagkus
nakatutulong din ito sa enerhiya o
kuryente ng mga residente doon sa Ilocos
Norte.

Natutral Attraction
Kapurpurawan Rock Formation

“Pakibasa Christian”

Ang Kapurpurawan Rock Formation ay


matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte.
(Binasa ang nasa presentasyon)
Tinawag itong “kapurpurawan” (kulay
puti) dahil sa mala-polbong kaputian ng
mga bato nito.

Ilocos Sur

Historical, Cultural and Heritage


Attraction
Calle Crisologo

Isang sikat na makasaysayang lugar sa


Vigan, Ilocos Sur, ang kalye ay puno ng
mga Spanish-style houses na napreserba
nang higit sa daang taon.

“Sino na ang nakapunta sa Calle Crisologo


sa Vigan?”

Bantay Bell Tower

“Maaari mo ba itong basahin Jhomari”

Ang Bantay Bell Tower ang isa sa


pinakamakasaysayang palatandaan sa
(Binasa ang nasa presentasyon)
Ilocos Sur. Itinayo ito noong 1591 bilang
watch tower ng Bantay at ginawang bell
tower ng simbahan noong 1857.

Built Attraction
Baluarte

Ito ay mini zoo na may mga hayop


mula sa ibang mga bansa at iba pa na
native sa Pilipinas.

“Dumako naman tayo sa probinsya ng La


Union”

La Union
Historical, Cultural and Heritage
Attraction
Basilica of Our Lady of Charity

Matatagpuan ito sa Agoo, La Union,


Our Lady of Charity na tinatawag din na
Apu Caridad.

Natural Attractions
Tuddingan Falls

Matatagpuan ito sa Naguilian, La Union.


May taas itong 70 talampakan na kung saa
may disenyo itong parang pinagpatong-
patong na bato.

Built Attraction
Ma-cho Temple

“Pakibasa Christine”

Ang Ma-Cho Temple ay matatagpuan sa


San Fernando La Union at itinayo noong
(Binasa ang nasa presentasyon)
ika-11 ng Setyembre, 1975
Pangasinan
Historical, Cultural and Heritage
Attraction
Cape Bolinao Lighthouse

Ang Cape Bolinao Lighthouse sa Patar


ay isa sa pinakamahalagang landmark sa
Bolinao, Pangasinan.

Minor Basilica of Our Lady of the


Rosary Manaoag

Matatagpuan ito sa Manaoag,


Pangasinan. Tinatawag din itong “Apo
Baket”.

“Sino dito ang nakapunta na sa


Pangasinan?”

Natural Attraction
Hundred Islands

Ang lugar kung saan may 124 na


kapuluan o Pangasinense ay tinatawag na
Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes o
mas kilala bilang Hundred Islands.

“Nakakasunod ba kayo”
“opo binibini”
Natatanging Pagkain sa Rehiyon 1

Ilocos Norte
Bagnet

Longganisa

Ilocos Sur
Lumpianada

Pakbet
La Union
Jumping Salad

Dinakdakan

Pangasinan
Creamy Deremen

Nilatikang Bibingka

E. Paglinang ng Kabihasnan

“Anong mga probinsya ang matatagpuan


sa Rehiyon 1?”

Racquel: “Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, at


Pangasinan po binibini”
“Tama! Magbigay ng mga tanawin na
ipinagmamalaki ng Ilocos Sur?”
Jericho: “Calle Crisologo po”
“Mahusay! Anong Probinsya ang isa sa
ipinagmamalaki nilang pagkain ay ang
Nilatikang Bibingka?”
Kimberly: “Pangsaninan po binibini"
“Napakagaling!”

IV. EBALWASYON
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng kahon na may laman na
mga larawan. Ilalagay ang mga larawan ng mga tanawin at pagkain sa mga probinsya ng Rehiyon 1. Sa
isang kahon ay may mga nahalong mga larawan na hindi kasali. Ang maunang makatapos ay silang
panalo.

V. Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng limang mga pasyalan at pagkain na ipinagmamalaki sa inyong probinsya.
Isulat ito sa inyong kwaderno.
Pasyalan Pagkain
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Inihanda ni:
Santos, Shena Marie B.

You might also like