You are on page 1of 5

Virgen Milagrosa University Foundation

“The Home of God-Loving and Globally Competent Individuals”


Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines

College of Education

MALASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN:
Ang bawat mag-aaral ay nilalayong pagkatuto ng 80 bahagdan:
a. Nakikilala ang pang uri;
b. Naibibigay ang pang-uring makapaglalarawan sa pangngalan; at
c. Nagagamit ang pang-uri sa pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pang-Uri
Sanggunian: Yaman ng Diwa : Wika at Pagbasa 2, Helen D. Pingul-Benita P. Espe,
pahina 154-155.
Mga kagamitan: PowerPoint, laptop, video clip at mga larawan
Values Integration : Mapagpasensya at Respeto.

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
“Pwede ba tayong pangunahan ni ___________ sa
panalangin.”

2. Pagbati
“Magandang umaga ika-dalawang baitang.”
“Magandang umaga Bb. Kimberly.”

3. Pagtala ng Liban
“May lumiban ba sa inyong klase ngayong araw?”
“Wala po.”
“Mabuti kung gayon.”

4. Balik-aral
“Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw?”

“Tungkol sa Panghalip Pananong.”

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
A. “Salamin, salamin, sabihin sakin.”
Panuto: Magpakuha ng salamin. Pagkatapos ay titignan ng
“Ako po ay maganda.”
mga mag-aaral ang kanilang sarili at ilalarawan kung ano “Ako po ay gwapo.”
“Ako po ay pagod.”
ang kanilang nakikita.
“Ako po ay masaya.”
Virgen Milagrosa University Foundation
“The Home of God-Loving and Globally Competent Individuals”
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines

College of Education
2. Paglalahad
Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga larawang ipapakita.

“Mayroong tatlong pusa”


“Ang pusa ay kulay abo, puti at itim”
“Ang pusa ay nangangalmot”

“Si Teacher ay maganda”


“Kulay asul at puti ang kalangitan.”
“Malinaw ang tubig”
“Malawak at malalim ang dagat”

“Makulay ang salad”


“Bilog ang mangkok”
“Masarap ang salad”

“Alam nyo ba na ang ginawa ninyong paglalarawan ay


may kinalaman sa ating bagong aralin? May ideya ba
kayo kung ano ang magiging paksa natin sa umagang
ito?
Halina’t ating tuklasin kung ano nga ba ang tawag sa
mga salitang nagbibigay larawan sa pangngalan.”

3. Pagtatalakay
Ang pang-uri ay ang tawag sa mga salitang naglalarawan
ng kulay, hugis, lasa, dami, katangian, temperatura o amoy
ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.
Sa madaling salita, ang pang-uri ay ang mga salitang
naglalarawan sa pangngalan.
At sa paglalarawan ginagamit natin ang ating limang
“Ang limang pandama ay ang pandinig,
pandama. Alam nyo ba kung ano ang mga iyon?
panlasa, pang-amoy, paningin at
pansalat.”
Virgen Milagrosa University Foundation
“The Home of God-Loving and Globally Competent Individuals”
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines

College of Education
Mahusay! Ngayon naman ay ating isa isahin ang mga
inilalarawan ng pang-uri. Una ay sa pamamagitan ng
kulay. Ano ang kulay ng bahaghari?
“Ang bahaghari ay may iba’t-ibang
kulay/makulay.”

Ikalawa naman ay sa pamamagitan ng hugis. Ano ang


hugis ng apa?

“Ang hugis ng apa ay tatsulok.”

Susunod naman ay sa pamamagitan ng lasa. Ano ang lasa

“Ang lasa ng kalabasa ay masarap.”

ng kalabasa?
Sa pamamagitan naman ng dami. Ilan ang bilang ng lobo?
Sa pamamagitan naman ng katangian. Sa inyong palagay,
anong klaseng guro kaya si Teacher Kim? “Mayroon pong anim na lobo.”
Susunod naman ay ang amoy. Ano ang amoy ng basura?

“Si Teacher Kim ay masipag.”

Panghuli ay sa pamamagitan ng temperatura. Ano ang


Virgen Milagrosa University Foundation
“The Home of God-Loving and Globally Competent Individuals”
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines

College of Education
nararamdaman natin sa pagsapit ng bagong taon?

“Ang basura ay mabaho.”

4. Paglalahat
1. Ano ang pang-uri?

“Malamig po tuwing sasapit ang bagong


2. Ano ang ginagamit natin sa paglalarawan?
taon.”

3. Sa paanong paraan natin inilalarawan ang mga


pangngalan?

5. Paglalapat
“Ito ay ang mga salitang naglalarawan sa
“Wish ko lang”
pangngalan.”
Panuto : Ipaisip sa mag-aaral ang mga nais nilang
matanggap ngayong pasko. Maaaring kagamitan na gusto
“Ang ating limang pandama.”
nilang matanggap bilang regalo o di kaya’y lugar na nais
nilang puntahan. Pagkatapos ay sasabihin nila ito gamit
“Sa pamamagitan ng hugis, lasa, dami,
ang pangungusap na may pag-uri. katangian, temperatura, at amoy”

IV. PAGTATAYA
Tukuyin ang pang-uri at ang salitang inilalarawan nito.
Virgen Milagrosa University Foundation
“The Home of God-Loving and Globally Competent Individuals”
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines

College of Education
1. Ang kape ay mainit.
2. Ang tubig sa talon ay malinis.
3. Ang puto ay may iba’t-ibang kulay.
4. Si kuya anghelo ay masipag.
5. Ang baboy ay mataba.
6. Ang babae ay maganda.
7. Malamig sa baguio.
8. Ang libro ko ay makapal.
9. Ako ay mabait.
10. Mahinhin si trisha.

V. KASUNDUAN
Sagutan ang mga gawain sa libro (pahina 154-155).
Malayang Pag-isipan
A. Ikahon ang pang-uri at salungguhitan ang salitang inilalarawan nito
B. Magbigay ng pang-uring makapaglalarawan sa sumusunod na pangngalan.

KIMBERLY C. SERASPI MS. DONABELLE C. MANZON


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like