You are on page 1of 7

 

I.Layunin
Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon,
at mga bahagi
b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata
c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan
A. Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ngpagkilala ng mga
batayang impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ng
mga taongbumubuo dito na nakakatulong sa paghubog ng kakayahan ng
bawat batang mag-aaral.
B. Pamantayan sa Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagpapahayag ngpagkilala at pagpapahalaga
sa sariling paaralan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paaralan sa sariling buhay at sa
pamayanan o komunidad.
 
II.Paksang Aralin
Paksa:“Ang Aking Paaralan”
Sanggunian:Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1
Alma M. Dayag (pahina 161-166)
Kagamitan:Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan
(Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide
Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang
Gawain at Sagutang Papel
Pagpapahalaga:Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.
 
III. Pamamaraan
 Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
 
 Panalangin
Gawain ng Bata
-Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Susundan
 
ng bata ang pagbigkas ng guro ng panalangin)
Panginoon, maraming salamat po sa
 
dakilang araw na ito! Kami po ay nagpupuri at
 
niluluwalhati ang inyong mga kaloob na biyaya sa
 
amin.
 
 
 
Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral
 
at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod
 
sa amin upang maging mahusay mong
 
tagapaglingkod.
 
   
  Ipadala po ninyo ang inyong banal na
  Espiritu upang magningas sa puso ng bawat isa sa
  amin ang maalab na pagnanais na maging
  mahusay na mamamayan na may malasakit sa
  pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal na bansang
  Pilipinas.
   
  Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa
  matamis at dakilang pangalan ni Hesus na aming
  tagapagligtas. Amen.
 Pagbati  
-Magandang umaga mga bata!
-Maaari nang umupo ang lahat.
 
 
 Balitaan
-Ang araw ngayon ay Martes, ano ang araw ngayon?
 
-Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit ang araw
kahapon?
 
-Ang petsa ngayon ay ika(kasalukuyang petsa), ano
ang petsa ngayon? 
 
-Ang panahon ngayon ay Maaraw, ano ulit ang
panahon ngayon? 
 
 
-Maaari bang tumayo ang mga batang lalaki? Ilang
batang lalaki ang pumasok ngayon? 
 
-Maaari bang tumayo ang mga batang babae? Ilang
batang babae naman ang pumasok ngayon? 
 
 
-Maari mo bang iulat kung ilan lahat ang mga batang
pumasok na nasa baitang isa? (pangalan ng mag-
aaral)
 
4.  Balik-Aral
-Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin tungkol sa
“Ang Aking Pamilya” na kung saan ay pinag-aralan
natin ang mga kasapi ng isang pamilya.
 
-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang
pamilya? Magbigay ka ng isa, (pangalan ng mag-
aaral)?
 
-Magaling!
 
-Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang
pamilya? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Bukod sa tatay at nanay, sino o sinu-sinu pa ang mga
kasapi ng isang karaniwang pamilya? (pangalan ng
mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Napag-aralan din natin ang mga 
tungkulin ng mga kasapi ng 
pamilya.
 
-Anu-ano ang mga tungkulin ng tatay at
nanay? (pangalan ng mag-aaral)?
 
 
-Tama!
 
-Ano naman ang tungkulin ng mga  
anak? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Magaling mga bata, natutuwa ako dahil natandaan
niyo pa ang pinag-aralan natin kahapon.
 
B.  Pagganyak
    -Mga  bata, may ipapakita ako sa  
inyo na iba’t ibang larawan. Ang mga larawan na ito ay
may kinalalaman sa ating aralin.
 
 
-Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong nakita?
Magbigay ng isa, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Anu pang bagay ang iyong nakita? (pangalan ng mag-
aaral)?
 
-Magaling!
 
-Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa
larawan, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Anong bagay pa ang nasa larawan, (pangalan ng
mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa
larawan, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Bukod sa upuan, libro, kompyuter, pagkain at mga
bola, ano pang bagay ang nasa larawan, (pangalan
ng mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Sa tingin ninyo saan kaya madalas 
makita ang mga bagay na inyong 
nakita?
 
-Tama ang lahat ng inyong mga sinabi, ang mga
bagay tulad ng upuan, libro, kompyuter, pagkain, mga
bola at lagayan ng gamot ay kadalasang nakikita natin
sa loob ng paaralan.
 
-Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong aralin,
handa na ba kayo?
 
 Paglalahad/Talakayan
(Magpapakita ang guro ng “slide presentation” para sa
bagong aralin)
-Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa “Ang
Aking Paaralan”
 
-Ang paaralan ay mahalaga sapagkat dito natututo ng
maraming bagay ang mga batang tulad ninyo.
 
-Ang paaralan ay tulad ng pangalawang tahanan at
ang mga guro naman ang ating pangalawang
magulang.
 
-Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio
Memorial College. Ang lokasyon ng ating paaralan ay
nasa Taghangin, Morong, Rizal.
 
-Ano ang pangalan ng ating paaralan? (pangalan ng
mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
 
-May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-
aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina,
gymnasium at klinika.
 
- Anu-ano ang mga bahagi ng isang paaralan?
Magbigay ng isa, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Ano pa ang bahagi ng paaralan? (pangalan ng mag-
aaral)?
 
-Magaling!
 
-Magbigay ka pa ng isang bahagi ng
paaralan, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Ano pa ang bahagi ng paaralan, (pangalan ng mag-
aaral)?
 
-Magaling!
 
-Magbigay ka pa nga ng isang bahagi ng
paaralan, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum,
kantina at gymnasium, ano pa ang bahagi ng
paaralan, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo pang
matuto ang mga mag-aaral.
 
-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro at
natututo ang mga mag-aaral.
 
-Anong bahagi ng paaralan nagtuturo ang guro at
natututo ang bata? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Ito naman ang silid-aklatan. Dito natin madalas
makikita ang mga aklat at magasing nagagamit ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
 
-Saan madalas nakikita ang mga iba’t ibang
aklat? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na siliid
tulad ng kompyuter rum. Dito natututo ang mga bata
na gumamit ng kompyuter.
 
-Anong bahagi ng paaralan natututong magkompyuter
ang mga batang katulad niyo? (pangalan ng mag-
aaral)?
 
-Tama!
 
-Ito ang kantina. Dito bumibili ng masusutansiyang
pagkain at kumakain ang mga mag-aaral. 
 
-Saan madalas bumibili ang mga bata ng
masustansiyang pagkain? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Ang paaralan ay karaniwang mayroon ding gym
o gymnasiumkung saan ginagawa ang malalaking
okasyon tulad ng pagtatapos o graduation.
 
 
-Anong bahagi ng paaralan madalas ginaganap
ang graduation? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Tama!
 
-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng pangunang lunas
o gamut ang mga simpleng sakit ng mga mag-aaral.
 
-Saan naman binibigyan ng paunang lunas kapag
nagkasakit ang mga bata? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Magaling!
 
-Ang ating paaralan ay mahalaga dahil ito ang ating
pangalawang tahanan kaya’t ating mahalin at
ipagmalaki dahil dito tayo natututo ng maraming
mabubuting bagay.
 
D. Paglalahat
-Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan at
sasabihin ninyo sa akin kung ano ang inyong
nakikita, (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Ano ang pangalan ng ating paaralan?
 
-Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?
 
 
 
 
 
-Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit?
 
-Maari mo bang basahin ang nakasulat sa
pisara/ppt, (pangalan ng mag-aaral)?
 
 
 
 
-Sabay sabay nating basahin ang nakasulat sa pisara.
 
 Paglalapat
-Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang
batang tulad mo? (pangalan ng mag-aaral)?
 
-Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang
paaralan mo? (pangalan ng mag-aaral)?
 
 Talang Gawain
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng isang
Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas ang inyong
mga pangkulay?
 
-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.
 
Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng
larawan na nasa ibaba.
 
-Bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto para sa
pagkukulay.
 
-Maaari niyo nang ipasa ang inyong mga talang
gawain.
 
IV.Pagtataya
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng Sagutang
Papel para naman sa isang maikling pagtataya. Ito ay
inyong sasagutan sa loob ng limang (5) minuto.
 
-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.
 
V. Takdang Aralin
Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa
loob ng paaralan. Lagyan ng pangalan kung
saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit
ito sa inyong kwaderno.

Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa


mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

INIHANDA NI: JEYL MITCHELLE MALICAD

You might also like