You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

UNANG MARKAHAN: Petsa: February 24, 2024


Grade 2 – Perlas

I. LAYUNIN
Pagkaraan ng talakayan ay inaasahan na ang mga mag- Kontekstwalisadong
aaral ay: Kompetensi:

Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad: Natutukoy ang iba’t-ibang


a. Mga taong naninirahan istrakturang panlipunan, mga
b. mga institusyon institusyon, mga taong naninirahan
c. at iba pang istrukturang panlipunan AP2KOM-Ia-1 at mga lugar na bumubuo sa isang
komunidad lalo na sa lungsod ng
Catbalogan.

II. NILALAMAN
A. Paksa ANG MGA BUMUBUO SA KOMUNIDAD
III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO
A. Sanggunian • Araling Panlipunan 2 – Ikalawang Baitang Kagamitan ng Magaaral
Unang Edisyon, 2013, pahina 28-29
• MELCS p. 29
B. Kagamitan Mga larawan (Pop Up Scrap Book), worksheets, plaskards at laptop.
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG MAG
GAWAIN NG GURO
AARAL
A. Pangunahing 1. Panalangin Ecumenical Prayer
Gawain “Magsitayo ang lahat upang tayo’y Panginoon,
manalangin.” (Susundan ng mga bata ang maraming salamat po sa
pagbigkas ng guro ng dakilang araw na ito!
panalangin.) Kami po ay nagpupuri at
niluluwalhati ang inyong
mga kaloob na biyaya sa
amin. Gabayan po ninyo
kami sa aming pag-aaral
at pagtuklas ng bagong
kaalaman na
magtataguyod sa amin
upang maging mahusay
mong tagapaglingkod.
Ipadala po ninyo ang
inyong banal na Espiritu
upang magningas sa
puso ng bawat isa sa
amin ang maalab na
pagnanais na maging
mahusay na mamamayan
na may malasakit sa
pamilya, kapwa,
kalikasan at sa mahal na
bansang Pilipinas. Ang
lahat ng ito ay hinihiling
namin sa matamis at
dakilang pangalan ni
Hesus na aming
tagapagligtas. Amen.

2. Pagbati
“Magandang umaga mga bata sa “Magandang umaga din
ikalawang baitang! Maaari na kayong po, Guro! Salamat po.”
umupo.”

3. Pagtatala ng mga dumalo (Magsasalita ng kahit


“Ngayong araw ay Lunes. (Ilalabas ang anong tonog ang mag-
Listahan ng attendance ng buong klase.) aaral kapag tinawag ang
Magsalita ng kahit anong tonog na iyong pangalan.)
naririnig sa kapaligiran kapag tinawag ko
ang inyong pangalan.”
B. Balik-Aral “Bilang pagbabalik-aral, napag-aralan natin Jericho: Natutunan ko po
kung ano ang komunidad. Ano ulit ang na ang Komunidad ay
kahulugan ng komunidad?” binubuo ng pangkat ng
mga tao na naninirahan sa
isang pook na
magkatulad ang
kapaligiran at pisikal na
“Magaling! Natitiyak kong nakapasyal na kalagayan.
kayo sa inyong komunidad, tama?”

“Ano ano ba ang inyong nakikita?” “Opo ma’am!”

Gemaika: Sa bawat
pagpapasyal ko po,
marami akong nakikitang
tao, mga
pamilyang naninirahan
sa kanilang mga bahay at
mga sasakyan.
Angela: Paaralan po,
Guro!

Cresha: Simbahan po!

Judith: Baranggay Hall


po!
“Tama! Magagaling na bata!

“Tayo’y Magsitayo muna ulit at ating “Opo ma’am!”


awitin ang kantang Ako, ikaw, tayo’y isang
komunidad. Alam niyo ba ang kantang to?” (Tatayo ang mga bata at
sasabay sa guro.)
C. Pagganyak (Ipapakita ang layunin bago magsimula
(Activity) ang talakayan)
Ngayon naman dumako na tayo sa ating
bagong aralin na may kaugnayan sa
komunidad at sa inyong mga nabanggit.
Ngunit bago tayo magsimula, mayroon
muna tayong gagawin. Handa na ba kayo,
mga bata?” “Handang handa na po
kami guro!”
Hatiin sa dalawang grupo ang buong klase.
Maglaro ng gap filling words. Ipalagay sa
tamang posisyon ang bawat letra upang
maka buo ng tamang sagot.
Inaasahang sagot:
1. S_MB_H_N 1. SIMBAHAN
2. P_M_LY_ 2. PAMILYA
3. _SP_T_L 3. OSPITAL
4. B_L_Y 4. BALAY
(Magbigay ng premyo sa grupong unang
makakabuo ng mga salita.)

D. Pagsusuri “Magagaling mga bata! Ngayon ay


(Analysis sisimulan na natin ang ating talakayan.”

(Magpapakita ng biswal na presentasyon


gamit ang Pop Up ScrapBook)
“Ngayon naman ay inyong tutukuyin ang
bawat larawan na ipapakita ko sa inyo.”

Mitch: Ito po ay
nagpapakita ng isang
buong pamilya.

“Tama! Ang Pamilya - ang pinakamaliit


na yunit ng pamayanan kung saan makikita
ang haligi ng tahanan o tatay, ilaw ng
tahanan o nanay at ang mga anak.
Tungkulin ng mga magulang na itaguyod
ang pangangailangan ng mga anak tulad ng
wasto at sapat na pagkain, tirahan at
pananamit.”

Sheine: Ito po ay isang


Paaralan kung saan nag-
aaral ang mga bata.

“Magaling! Ang Paaralan –


ginagampanan nito ang pagbibigay ng
pormal at dekalidad na edukasyon para sa
lahat ng mga mag-aaral upang mapalawak
pa ang kaalaman, maturuan ng wastong
pag-uugali at sa iba’t-ibang kasanayan
para magamit sa kinabukasan.”
Shyla: Ito po ay larawan
ng simbahan kung saan
tayo’y nanampalataya sa
Poong Maykapal.

“ Mahusay! Ang Simbahan – ay mahalaga


ito sa ating ispiritwal na pagkatao dahil
dito nangangaral at natuturo ang
mabubuting asal lalo na ang mga salita ng
Diyos ayon sa Bibliya upang ma tumibay
ang ating pananampalataya sa Maykapal.”

Marvin: Ito po ay
pampublikong Ospital,
at dito po ginagamot ang
mga taong may
karamdaman o sakit.

“Tompak! Ang Ospital o Health Center –


ay mahalagang parte ng komunidad dahil
ito ang nagtataguyod ng serbisyong
pangkalusugan. Ito rin ang nagbibigay ng
libreng gamot at bakuna sa mga
mamamayan. Dito sinisigurong
mapananatili ang maayos na kalusugan ng
bawat kasapi ng komunidad.”

MJ: Ito po ay palaruan,


dito po naglalaro ang
mga bata.

“Tama! Ang Pook-libangan o Palaruan –


ay mahalaga upang malibang ang mga bata
at minsan ito’y pinagdarausan ng mga
pagtitipon, pagdiriwang, at programa ng
komunidad.”
Juliant: Ito po ay
palengke na may
maraming paninda.

“Tama! Ito ay palengke o kung tawagin ay Mark: Ang larawan po


Pamilihan. Ang Pamilihan – dito mabibili ay nagpapakita ng isang
at tinutugon ang mga pangunahing pamahaalaan.
pangangailangan ng mga tao tulad ng
pagkain, damit at iba pa.”

“Ayos! Ang Pamahalaan – ito ay may


mahalagang Papel sapagkat ito ang
gumagawa at nagpapatupad ng mga batas,
alituntunin, at patakaran sa komunidad
para sa kabutihan, kaayusan at kaunlaran
ng komunidad.
“Opo, Guro!”
“Lahat ng ito ay ilang mahahalagang
halimbawa ng komunidad. Ang bawat
institusyon ay mahalagang tungkulin sa
pagtugon ng mga pangangailangan ng
bawat kasapi nito. Kung kaya’t
kinakailangan ang bawat isa sa pagbuo ng
isang komunidad. Naintindihan mga
bata?”

“Magagaling!”
E. Paghahalaw “Mga bata, ano-ano ang bumubuo ng Catherine:
(Abstraction) komunidad?” Ang komunidad po ay
binubuo ng pamilya,
paaralan, ospital,
pamahalaan, simbahan,
pamilihan, at pook-
libangan.
“Tama! Ano ang kahalagahan ng pamilya
sa komunidad?”
Nicole: Ang pamilya ay
mahalagang parte ng
komunidad dahil unang
hinuhubog ang isang
indibidwal habang
musmos pa lamang upang
sa paglaki ay maging
isang mabuting
“Magaling! Bakit naman mahalaga ang mamamayan.
ating paaralan at hospital?”
Jorge: Ang paaralan ay
napakahalaga dahil dito
tayo natututong bumasa,
sumulat, magbilang, at
iba pa habang ang Ospital
naman ay mahalaga dahil
ito ang nagsisilbing daan
upang mapagaling ang
may sakit at malulubhang
“Mahusay! Ang simabahan at pamilihan karamdaman.
bakit naman
mahalaga?” Joey: Ang simbahan ay
mahalagang institusyon
dahil dito mas
napagtatanto natin ang
kahalagahan ng ating
mga buhay bilang anak
ng Diyos na kasapi ng
lipunan habang ang
pamilihan ay may
mahalagang
ginagampanan sa
“Tama!Panghuli, ano ang kahalagahan ng pagtaguyod ng ating mga
ating pamahalaan at pook-libangan?” pangangailangan.

Anjali: Ang pamahalaan


ay may mahalagang
papel sa pamumuno sa
lahat ng nasasakupan
samantal ang
pook-libangan ay lugar
“Magagaling! Mayroon pa ba kayong mga kung saaan tayo
katanungan? Sige, kung maliwanag na, malilibang at
tiyak kong handa na kayo sa ating mga makakapagpahinga kung
susunod na gawain.” kinakailangan.

“Wala na po, Guro!”


F. Paglalapat “Bilang isang myembro ng komunidad, “Mapapanatili po ang
(Application) paano natin mapapanatili ang kaayusan at kaayusan at kaunlaran ng
kaunlaran ng ating komunidad?” isang komunidad sa
pamamagitan ng
pagsunod sa batas na
itinakda ng mga
namumuno sa isang
komunidad at
pakikilahok sa mga
programang
magpapaunlad ng
isangkomunidad.”
“Tama! Sino pa sa inyo ang may
karagdagang ideya?”
“Wala na po, Guro!”
“Sige kung wala na, magkakaroon tayo ulit
ng pangakatang gawain. Hahatiin ko kayo
sa dalawang pangkat”

Pangkat I: IGUHIT MO!


Gumawa ng isang poster ng inyong
kinabibilangan na komunidad.

Pangkat II: DULA-DULAAN


“Gumawa ng dula-dulaan base sa inyong
obserbasyon na nagpapakita ng isang
komunidad na iyong kinabibilangan.”

“Bibigyan ko lamang kayo ng ilang minuto


upang taposin ang inyong pangakatang
gawain, naintindihan?” “Opo Guro!”
V. PAGTATAYA (Assessment)
“Ngayon ay magkaroon tayo ng indibidwal
na gawain, bibigyan ko kayo ng worksheet
at sagotan ito sa loob lamang ng limang
minuto.”

Inaasahang Sagot:

VI. GAWAING-BAHAY
Takdang Aralin:

Bumuo ng isang slogan tungkol sa


kahalagahan ng mga bumubuo sa
komunidad. Ito’y inyong isusumite sa
darating na Martes. Maaaring humingi ng
tulong sa magulang o sa mga
nakatatandang kapatid.

VII. MGA PUNA


VIII. PAGNINILAY

Inihanda ni:

_ DELL S. CORDERO
Gurong Nagsasanay, Araling Panlipunan

You might also like