Professional Documents
Culture Documents
Bayambang Campus
Bayambang Pangasinan
S.Y. 2021 – 2022
MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 4
Inihanda ni:
Ipinasa kay:
I. Layunin
1. Ang mga mag-aaral ay nalalaman ang kahulugan ng pang-uri at nakakatukoy ng
mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, at pangyayari.
2. Nakikilala ang mga pang-uri na ginamit sa sa pangungusap.
3. Nagagamit ang pang-uri sa pangungusap.
4. Napapahalagahan ang wastong gamit ng pang-uri sa paglalarawan ng mga
bagay.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa – “Mga Salitang Naglalarawan”
B. Sanggunian – Hiyas sa Wika Batayang Aklat Filipino Ikaapat na Baitang
pah.104-109
C. Kagamitan – Mga larawan, papel, at lapis
III. Paunang Aktibidad
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
2. Pagbati
3. Balitaan
- Ang araw po ngayon ay Lunes.
- Ang araw ngayon ay Lunes, ano ang
araw ngayon? Ritz?
- Opo.
B. Pagsisimula ng bagong aralin
- Mga bata, alam niyo ba ang awiting
“Ang Aking Alaga”?
-Aawit ang mga bata ng may kasamang
galaw.
- Kung gayon magsitayo ang lahat at
sabayan ninyo ako.
“Ako’y may alaga, asong mataba.
Buntot ay mahaba, maamo ang mukha.
Siya ay mahal ko, ako’y mahal niya.
Kaming dalawa ay laging magkasama.” - (Tahimik na umupo ang mga bata.)
C. Pagganyak
- Mga bata, may larawan ako na ipapakita
sa inyo. Bawat larawan na ipapakita ko ay - Opo.
mag-iisip kayo ng mga salitang
naglalarawan dito.
- Ang babae sa larawan ay maganda.
- Tumpak!
- Tama.
D. Paghawan ng Balakid
- Ngayon naman mga bata, magbigay ng
iba pang halimbawa ng salitang
naglalarawan.
- Mabait po, Teacher.
- (Nagtaas ng kamay ang mga bata)
- Masipag po.
“Sa Bukid”
Ibig kong magbakasyon sa malayong
bukid. Doon ay payapa at lunti ang paligid.
Maraming halaman, klima ay malamig.
Kakilala ng lahat tao’y mababait.
- Tumpak.
H. Paglalahat
- Ang pang-uri ay ang tawag sa salitang
naglalarawan ng anyo, hugis, bilang,
sukat, kulay, uri at iba pang katangian ng
tao, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa:
Mabait na guro.
Masipag na bata.
Mabangis na hayop.
Mahalagang aklat
Makasaysayang lungsod
Maari ring ilarawan ng pang-uri ang
damdamin.
Halimbawa:
Masarap ang pakiramdam
Masayang damdamin
Malungkot na panaghoy
Mahalaga ang pang-uri dahil ito ang
dahilan kung paano natin malalaman ang
halaga ng isang tao o bagay sa atin. Sa
pamamagitan nito, malalaman natin kung
ano ang ating pananaw sa isang bagay.
Dagdag pa, mahalaga ito dahil ito ang
ginagamit natin sa paglalarawan sa lahat
- (Humanap ng kapareha ang bawat mag-
ng bagay.
aaral at inilarawan ang isa’t isa.)
I. Pagpapahalaga
- Ngayon mga bata, alam niyo na kung
ano ang pang-uri at ang mga iba’t ibang
salitang naglalarawan. Upang mas
maunawaan at mapahalagahan ang
araling ito, ang bawat isa sa inyo ay
- Opo, teacher.
hahanap ng kapareha. Pagkatapos ay
humarap kayo sa isa’t isa at ilarawan ang
kapareha ayon sa mga sumusunod:
buhok, mata, ilong, taas, at katawan.
Pagkatapos ay ipresenta sa harapan
kasama ang inyong kapartner sa harapan
ng klase.
Gawain 2
Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan sa mga sumusunod:
1. aso maganda lalaki
2. langit paligid bughaw
3. asul dagat ilog
4. palay sagana tanawin
5. babae maputi kotse
Gawain 3
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri
1. Mataba
2. Mahaba
3. Matiyaga
4. Makinis
5. Matayog
Gawain 4
Panuto: Pagtugmain ang angkop na salitang naglalarawan sa katapat na larawan.
1. malaki maliit marumi mataas
V. Takdang Aralin
Panuto: Humanap ng limang bagay na matatagpuan sa inyong mga tahanan. Ilarawan
ito ang gamitin sa pangungusap. Isulat ang sagot sa malinis na papel.