You are on page 1of 5

Masusing Banghay- Aralin

sa Filipino 10

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang layunin ng may akda sa paghahatid bg magandang kaisipan ng kwento.

2. Nakikilala ang iba't ibang tauhan ng korido at ang mga katangian taglay ng bawat isa.

3. Napapaliwanag ang kagandahan ng kwentong panitikan.

II. PAKSANG ARALIN:

A. PAKSA: Ang Pananalangin at ang Mag- anak ni Haring Fernando

B. SANGGUNIAN: Obra Maestra, Ibong Adarna ( Isang korido ) Pahina 1-4

C. KAGAMITAN: Aklat at Panturong Biswal

III. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN :

A. Panalangin

- Magsitayo ang lahat para sa panalangin,


pangunahan mo Lito.

- Damhin natin ang presensya ng Dios. Oh


Panginoon, salamat po sa araw na ito at
pinagkaloob niyo po ulit na kami ay matuto.
Salamat po sa araw na ito. Gabayan niyo po kami
sa maghapon. Amen.

B. Pagbati

- Isang mapagpalang umaga sa inyo mga mahal


kong mag- aaral!
C. Pagsasaayos ng Silid- aralan - Magandang umaga po Bb.

- Pakitingnan ang paligid at ilalim ng bawat upuan


at pakiayos ng mga linya at maaari na kayong
maupo.

- Opo Bb. Salamat po!

D. Pagtatala ng Liban

- Mayroon bang liban sa inyong mga kamag- aral


sa oras na ito?

- Wala po Bb.
E. Pagbabalik- Aral

- Bago tayo magpasimula sa bagong aralin, balikan


muna natin ang ating natalakay noong huling araw
ng klase.

- Sige Lito.

- Bb. pinag- aralan po natin ang iba't ibang teorya


ng panitikan at mga halimbawa nito.
- Mahusay Lito at nakikinig ka.

B. PAGLINANG NG GAWAIN

A. Pagganyak

- Mahal kong mga mag- aaral ngayon ay hahatiin


ko kayo sa dalawang grupo at magkakaroon tayo
ng pangkatang gawain. May ibibigay akong mga
larawan sa inyo. Kumuha kayo ng isang buong
papel. Ito ay bibigyan niyo ng paglalarawan at mga
katangian.
-Ito ay tatagal lamang ng 10 minuto at pagtapos na
ang oras ito ay ipapasa agad sa akin.

(Makatapos ang 10 minuto)


- Opo Bb.
- Ang lahat ba ay nakatapos na?

- Mahusay, makikipasa na!


- Opo Bb.
B. Paglalahad ng Paksa

- Ngayon ay darako naman tayo sa ating talakayan


para sa araw na ito. At para sa ginawa nating
pangkatan itonay nakabatay sa ating paksang pag-
aaralan ngayong araw " Ang Pananalangin at ang
Mag- anak ni Haring Fernando"

- Makikibuklat ng mga aklat sa pahina 1-4 at


sabay- sabat natin itong basahin at unawain.

C. Pagtatalakay
- Opo, Bb.
- Ang lahat ba ay tapos na? Inyo bang naunawaan
( Magbabasa ang mga mag- aaral )
ang ating binasang kwento?

- Ikaw kaya Rogelio, ano kaya ang reaksyon mo Iho?

- Mahusay Iho.

Sige naman Bb. Garcia, ano naman kaya ang


reaksyon mo? - Bb. Nakilala ko po ang mga tauhan sa kwentong
ito at ang kanilang mga katangian.
- Mahusay kayong lahat, tunay na naunawaan niyo
agad ang kwento.
- Bb. naunawaan ko po ang ugaling mayroon ang
D. Paglalahad tatlong prinsipe at kung sino po sa kanila ang may
busilak na puso.
- Ang kwentong ito ay isang korido na nagmula pa
sa Espanyol. Ito ay napakatagal na ngunit hanggang
ngayon ay atin pa rin itong tinatangkilik.

- Ito ay kwento ng mag- asawang Harinat Reyna sa


kaharian ng Berbanya na may anak na tatlong
prinsipe na inilahad ang kani- kanilang pag- uugali
na tunay namang kapupulutan ng aral. Napakarami
ng pagsubok ang nangyari sa kanila noong
kinalaunan subalit gayon pa man ay may nanatili
pa ring may isang busilak na kalooban.

E. ABSTRAKSYON

Ang bawat isa ay kumuha ng isang buong papel at


pakisagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong kaugalian mayroon ang Hari at Reyna sa


kwento?

2. Sino kaya ang tinaguriang pinakamabuting anak


sa tatlong prinsipe?

F. Aplikasyon

- Ngayon naman ay may katanungan ako . Ito ay


aktuwal na pagsasagot. Mayroon akong
pamantayan at ito ay magsisilbing pandagdag
marka niyo sa unang markahan.

Nilalaman- 50%

Kaangkupan ng salita- 30%

Pagdadala ng sarili- 20 %

Kabuuan- 100%

Kung ikaw ang isa sa kanilang magkakapatid anong


ugali kaya ang maipapakita mo para sa iyong mahal
na magulang?
- Ikaw kaya Lina, ano kaya ang kasagutan mo? - Bb. magiging mabuti po ako sa aking mga
magulang sapagkat ang pagiging pasaway ay
walang magandang maidudulot sa atin.

Mahusay Lina! Oo tama ka Iha, ang pagiging


mabuting anak at kapatid ay ikinalulugod din ng
ating Dios. Ang pagiging mabuting tao ay
maraming magandang dulot tama ba?

IV. PAGTATAYA

Para sa huling gawain ang lahat ay kumuha ng


isang buong papel at pakisagutan ang sumusunod
na tanong. - Opo Bb.
- Sino- sino ang mga anak ng Hari at Reyna.
Pakitala at bigyang larawan ang kanilang tauhan.

( Makaraan ang 10 minuto )

Makikipasa na lahat ng mga ginawa niyo. Salamat.

V. TAKDANG - ARALIN

Sa isang buong papel ay gumawa kayo ng buod


ng ating binasa na kabanata ngayon ng kwento. Ito
ay para sa inyong pagkaunawa.

Hanggang dito na lamang din. Salamat sa inyong


- Paalam din po Bb. Maraming salamat po!
pakikinig. Paalam!

Inihanda ni: Bb. Karen Catelynn C. Saraminez.

Gurong Tagapagsanay: Bb. Ronalie Deopenes.

You might also like