You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo sa Filipino 7

I. LAYUNIN

 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghangang salita na ginamit sa akda sa pamamagitan


ng Konotatibo at Denotatibong pagpapakahulugan. (F7PT-Iii-II)
 Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kwentong
“Paalam sa Pagkabata”. (F7PN-II-i-II)
 Nakapagbibigay ng saloobin o opinion tungkol sa maikling kwentong “Paalam sa
Pagkabata”.
 Naisadudula ang katangian ng mga tauhan sa maikling kwentong “Paalam sa Pagkabata”.

II. NILALAMAN

1. Paksa: Paalam sa Pagkabata ni: Nazareno D. Bas


2. Antas ng mga mag-aaral: Ika-7 baitang
3. Batayan: Rex Interactive, Suplemental Lesson (12-20), Curriculum guide
4. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
, pangunahan mo ang ating
panalangin para sa araw na ito.
-Opo ma’am
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa
araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen.
b. Pagbati
Magandang umaga!
-Magandang umaga rin po Bb. Baldovino!
c. Pagsisiyasat sa kapaligiran
Bago tayo magsimula ng ating talakayan
ngayon atin munang tiyakin kung ang lahat ay
nasa maayos na kapaligiran sa pakikinig
ngayong araw.
-(Lahat ng mga mag-aaral ay bubuksan ang
kanilang kamera)
Nakikita ko ngayon na ang lahat ay nasa
maaliwalas at maayos na kapaligiran. Lahat ba
ay naririnig ako ng malinaw at maayos?
Pindutin lamang ang like sign emoji kung oo.
-(Ang mga mag-aaral ay pipindutin ang like
sign emoji)
Paalala lamang na panatilihing nakabukas ang
inyong mga kamera at tiyaking naka-mute ang
spiker buksan lamang ito kapag kayo at
tinawag ko at kung may mga katanungan.
Nauunawaan ba lahat ng aking nabanggit?
-Opo.
d. Pagtatala ng liban
Tignan ang ating message box, at pindutin ang
makikitang link dito. Sagutan lamang at ito ang
magsisilbing patunay na kayo ay dumalo
ngayong araw sa ating klase.
-(Ang mga mag-aaral ay magtatala ng kanilang
pagdalo sa link na ipinadala ng guro)
https://forms.gle/9bsdobHyNi36B3PXA
B. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa panibagong akdang ating


tatalakayin, magbabalik-aral muna tayo.
Ano ang tinalakay natin kahapon?

-Konotatibo at Denotatibo po.


Ano ang ibig sabihin ng dalawang ito?

-Konotatibo po ay malalim na
pagpapakahulugan at may pansariling
kahulugan, ang Denotatibo naman po ay
makikita sa diksyunaryo at may literal pong
kahulugan.
Maraming salamat, magbigay ka nga ng
halimbawa .

-(Magbibigay ng halimbawa ang mag-aaral)


Mahusay! May mga katanungan pa ba kayo
tungkol dito?

-wala na po.
Malinaw na ba ito sa inyo?

-opo.

C. Pagganyak

Ngayon naman ay dadako na tayo sa bagong


paksang ating tatalakayin, ngunit bago iyon ay
mayroon akong inihandang mga larawan para
sa inyo na may kinalaman sa ating bagong
paksa.
Pamilyar ba kayo sa “4 pics 1 word?”

-opo
Huhulaan lang ninyo kung ano ang tinutukoy
ng mga larawan, sabihin lamang ninyo kung
ano ito. Maliwanag ba?

-opo

PAG_A_A_A
ano kaya ang tinutukoy dito sa mga
larawan?

-Pagkabata po ma’am.
Tama!
Anu-ano ang mga salitang pumapasok sa isip
nyo kapag naririnig niyo ang pagkabata?

-(magbibigay ang mga mag-aaral ng mga


Sabi ng mga kamag-aral ninyo ito raw ang mga salita)
unang pumapasok na salita sa isip nila, basahin
ang natin ng sabay-sabay.
-(babasahin ng sabay-sabay)

Sa ikalawang larawan ano kaya ang tinutukoy


ng mga larawan na ito?

-Pagsisisi po.

P_GSI__SI
Anu-ano ang mga salitang pumapasok sa isip
niyo kapag naririnig ang salitang Pagsisisi?

-(magbibigay ng mga salita ang mga mag-


aaral)
Basahin natin ng sabay-sabay ang mga salitang
ibinigay ng mga kamag-aral ninyo.

- (babasahin ng sabay-sabay)
Ngayon naman ay tutungo na tayo sa bagong
paksang aralin na maikling kwento, kahapon
ay ibinigay kong takdang aralin sa inyo na
basahin ang ating paksa ngayon. Binasa ba
ninyo?

-opo.
Ano ang pamagat ng maikling kwentong ating
tatalakayin ngayon?
-Paalam sa Pagkabata po.
Ito ay kwentong Cebuano at ang nagsalin nito
ay si Nazareno D. Bas.
D. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Batid kong sa inyong pagbabasa ay may mga
salita o pahayag na nakasagabal sa inyong
tuluyang pagkaunawa. Kaya naman naghanda
ako ng mga talasalitaan

Panuto: Basahin at unawin ang mga pahayag


at ibigay ang kahulugan nito bilang;
Denotasyon at Konotasyon, at ang mga
pagpipiliang sagot ay makikita sa HANAY A
para sa Denotatibo at sa HANAY B
Konotatibo.

Pahayag Denotatibo Konotatibo

Nag-aapoy ang nasusunog galit na tumingin


mga mata ni tatay
na humarap sa
akin.
Ang langit ay ito ay kaligayahan
nasa tao.Hindi tumutukoy sa
nakikita, hindi himpapawid
nahihipo, hindi
naaabot.
Ngunit ang Tuyong lupa kalungkutan
damdamin ko’y
tila tigang na
lupang
pinagkaitan ng
ulan.
Hanggang pagtrato ng mali nangibabaw
ngayon hindi ko sa tao sa paraang
pa nakikita ang pang-aabuso
tunay na dahilan
ng damdaming
iyon na matagal
nang umalipin sa
kanya.

Tatawag ako ng mga mag-aaral upang


magsagot, sabihin lamang kung ano sa tingin
ninyo ang tamang sagot, ngunit bago kayo
magsagot ay basahin muna ang pahayag na
naitas sainyo.
-(Babasahin at magsasagot isa-isa ang mga
mag-aaral)
Tama ba ang sinagot ng inyong mga kamag-
aral?
-Opo.
Mahusay ang inyong mga sagot. Ngayon ay
nauunawaan na ba ninyo ang mga pahayag na
ito? Batay sa Denotatibo at Konotatibong
pagpapakahulugaan?
-Opo.
E. Talakayan
Dahil nahawi na natin ang mga pahayag na
nakasagabal sa inyong tuluyang pagkaunawa at
batid na ng lahat ang ating paksang tatalakayin.
Kahapon ay ibinigay kong kasunduan sainyo
ang ating pangkatang gawain ngayon.

Upang masukat ko kung talagang naiintindihan


na ninyo ang maikling kwentong “Paalam sa
Pagkabata” ay hahatiin ko ang inyong klase sa
apat na pangkat.

Ang unang pangkat ay magsisimula kay Alexa


hanggang kay Juan Miguel na tatawagin kong
PANGKAT LAMBAT. PANGKAT LAMBAT
Ipakita ang katangian ng mga pangunahing
tauhan sa pamamagitan ng isang PAGEANT.
Ang ikalawang pangkat naman ay magsisimula
kay Jan hanggang kay Ronnel na tatawagin ko
namang PANGKAT BANGKA. PANGKAT BANGKA
Ipakita ang pagkasunod-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng
TABLEAU, at dalawa o higit pang kinatawan
Ang ikatlong pangkat ay magsisimula kay ang magpapaliwanag.
Veronica hanggang kay Angel at tatawagin ko
silang PANGKAT SALAMIN.
PANGKAT SALAMIN
Gumawa ng isang SKIT tungkol sa
pangkalahatang mensahe ng kwento.
Ang huli at Ika-apat na pangkat ay
magsisimula kay Crisangel hanggang kay
Harold na tatawagin kong PANGKAT
KUBO.
PANGKAT KUBO
Ilahad ang mga suliraning kinahaharap ng
mga kabataan ngayon sa paraan ng
PAGBABALITA.
Bawat pangkat ay ililipat ko sa ibang room
Kayo ay bibigyan ko ng limang minuto para sa
paghahanda at tatlong minuto para sa
pagtatanghal. Tiyakin na lahat ng miyembro ay
magkakaroon ng Gawain, ngunit bago kayo
magsimula ay narito muna ang antas ng
pagganap, basahin nga ng mga kinatawan ng
grupo ang pagpupuntos.
10Puntos-
Naitanghal nang maayos at malinaw ang
detalyeng nailahad. Naunawaan nang lubos.
8Puntos
Naitanghal nang maayos at malinaw ngunit
kulang ang mga detalyeng nailahad.
5 Puntos
Nakapagtanghal ngunit marami ang kulang at
hindi malinaw ang mga detalyeng nailahad

-(babasahin ng mga kinatawan ng bawat grupo)


Malinaw na ba?
-opo
May tanong pa ba?
-wala na po.

Maaari na kayong mag simula, paalala lamang


na ang mga hindi sumunod sa mga panuto ay
magkakaroon ng kabawasan sa pagpupuntos.
(NAKAPAG TANGHAL NA ANG BAWAT
GRUPO)
F. Paglalahat
Matapos matalakay ang ating paksa , ano ang
konsepto ng maikling kwentong, “Paalam sa
Pagkabata?” - Ito po ay tungkol sa pamamaalam sa
pagkabata ng batang si Celso dahil nabuksan
na ang kangyang isip at nabigyang linaw na
ang lahat ng mga pangyayaring nais niyang
malaman, halmbawa ay nalaman niya kung
bakit ayaw siyang palapitin ng kanyang ama
sa bahay kubo dahil ito pala ang kanyang
ama.
Ito rin ay tungkol sa pagsisisi, pagpapatawad at
pagtanggap na kung saan sa huling bahagi ng
kwento ay napatunayan ito ng yakapin ni
Tama ito ay tungkol sa pagiging bukas ng Tomas si Celso.
kaisipan ni Celso, binaggit sa kwento na
“ngayon ay alam ko na ang lahat”. Iyon ay
nagpapakita lamang ng pagiging mulat ni
Celso sa misteryong bumalot sa kanya sa
matagal na panahon.
Ang kwento rin ay nagpapakita ng pagtanggap,
pagpapatawad, at pagsisisi. Matagal na sinisi ni
Tomas si Isidra at Tomas ang nangyari
sakanila ngunit sa bandang huli ay natanggap
din ito ni Tomas at ipinakita sa huling bahagi
na yinakap niya ng maghigpit si Celso.

Sa inyong palagay, ano ang kinalaman ng mga


larawang ipinakita ko sa inyo sa ating maikling
kwentong tinalakay?

-Sa unang larawan po ay nagpapakita po iyon


ng mga larawan ng bata sa kwento naman po
ang bida ay si Celso. Pangalawa ay
nagpapakita ang mga larawan ng pagsisisi na
kung saan ang ama sa kwento ay nagsisisi sa
ginawa niyang pagtrato sa kanyang anak at
natutong magpatawad at tanggapin lahat ang
Mahusay ang inyong sagot, ang mga larawan mga nangyari.
ay nagpapakita ng larawan ng mga bata na sila
ay Malaya at nakapaglalaro, katulad sa kwento
ay si Celso rin ang siyang bida na kung saan ay
isa rin siyang bata ngunit hindi katulad ng mga
bata dito, tila bas i Celso ay pinagkaitan ng
kalayaan sa pagiging bata niya.
Sa ikalawang mga larawan ay nagpapakita ng
pagsisisi, na kung saan sa huling parte ay
yinakap ni Tomas ang kanyang anak na si
Celso. Hindi mang tuwirang ipinakikita ay ito
ay nagpapakita ng pagsisisi.

Ano ang sinisimbolo ng lambat sa akda?


Malaki ang gampanin ng lambat sa kwento
dahil ito ay sumisimbolo sa pagkakamaling
nangyari sa buhay nila ni Tomas at Isidrana
kalian man ay hindi naming ginawa ni Isida.
Tama, dahil ang lambat ay sumisimbolo sa
pagkakamaling nangyari sa buhay nila at ayaw
itong masira ni Tomas dahil hindi niya pa rin
tanggap ang mga nangyari.

G. Paglalapat

Tama ba ang ginawang pagtrato ni Tomas kay


Celso? Bakit?
-Hindi po, dahil walang kasalanan si Celso at
Isidra sakanya. Ano man ang nangyaring
pagkakamaling hindi naman ginawa ni Isidra
ay walang kasalanan si Celso ngunit sa huli
naman ay natanggap at nagsisisi naman si
Mahusay! Dahil kahit sa anong paraan at Tomas.
angolo tignan ay walang kasalanan ang
batangCelso, wala siyang kamuwang-muwang
sa mga nangyari noon.

H. Pagpapahalaga

Sa kasalukuyang panahon mayroon pa rin bang


katulad ni Celso na napagkakaitan na
maranasan ang pagiging bata? Mayroon pa rin
bang kagaya niya na pinagkaitan ng
pagmamahal ng isang ama?
-opo marami po. Gaya na lamang po sa mga
napapanood nating palabas sa TV na kung
saan po sila pa po mismo ang umaabuso sa
mga anak nila.
Tama! Marami pa rin talagang mga batang
napagkakaitan na maranasan ang maging isang
bata, tulad na lamang ng mga batang nakikita
nating nanlilimos sa kalsada.

May mga katanungan pa ba?

-wala na po.
IV. Ebalwasyon

Mukhang naunawaan na talaga ng buong klase


ang ating akdang tinalakay, ngayon
upang lubusan kong masukat kung talaga nga
bang naunawaan ninyo ang ating tinalakay ay
magkakaroon kayo ng maikling pagsusulit
tungkol sa ating paksang tinalakay.

Kayo ay bibigyan ko lamang ng 5 minuto para


sagutan ang inyong maikling pagsusulit.
Malinaw ba?
Muli tignan muli ang ating message box, -opo.
pindutin ang makikitang link. Maaari na
kayong magsimula
*Basahin ang bawat panuto*
I.PANUTO: Basahin at unawain ang mga
pahayag, kilalanin kung sino sa mga tauhan -(Magsasagot ang mga mag-aaral)
(Celso, Tomas, Isidro, Binatang may gusto kay
Isidra) ang tinutukoy at isulat ito sa sagutang
papel.
1.Ang sunod-sunod na paghikbi
ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig.
2.Ang kalawakan ay hindi langit
kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao.
3.Nanlilisik ang mga matang
tumingin sa lambat.
4Inaalipin ng kanyang
damdamin sa matagal na panahon.
5.Ang nakakaalam na wala
akong kasalanan.
II.PANUTO:Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 sa
bawat patlang.
1. Isang beses ay nagtungo siya sa tabi
ng dagat upang hintayin ang kanyang ama
ngunit nahalina siya sa tunog ng naggigitara at
pinuntahan niya ito. Nagulat siya dahil
kamukha niya ang lalaking tumutugtog.
2. Nabigla ang mga magulang ni Celso sa
kaniyang ginawa. Labis na nasaktan si Celso
ng kanyang ama. Ngunit sa huli ay niyakap na
lang niya si Celso bilang tanda ng pagtanggap.
3. Dumating ang kanyang ama at naabutan
siya nitong nasa lugar na ipinagbabawal,
nanlilisik ang mga mata ng ama ni Celso at
siya ay napagbuhatan ng kamay.
4. Binabagabag si Celso ng mga
katanungan niya sa buhay tungkol sa palaging
pag-aaway ng kanyang mga magulang, lalo
ang pag-iyak ng kanyang ina at ang lambat na
ng kanyang ama.
5. Umuwi si Celso, humarap sa salamin,
doon niya napagtanto ang lahat ng gumugulo
sa kanyang isip. Kumuha siya ng itak at
pinagtataga ang lambat ng kanyang ama.

Tapos na bang magsagot?


-Opo
Nakikita ko na halos ang lahat ay nakakuha ng
mataas na puntos, ngayon ay panatag na ako na
may natutunan kayo sa araw na ito.

May katanungan pa ba kayo?


-Wala na po.
V. Kasunduan

Para sa ating kasunduan sa araw na ito ay


gagawa kayo ng isang collage na kung saan ito
ay nagpapakita simula noong kayo ay bata pa
hanggang sa kung anong hinahangad ninyo
kapag kayo ay lumaki.
*Gumawa ng isang “Picture Collage” tungkol
sa inyong pagkabata hanggang sa nais niyong
maging sa pagtanda*

Lagi lamang na tatandaan lahat ng mga bagay


ay kayang humilom sa pagdating ng tamang
panahon. Palagi tayong sumunod sa sinasabi
ng ating mga magulang, dahil walang
hinahangad ang ating mga magulang kung
hindi ang ikabubuti lang natin. Walang
masama sa pagsunod sa mga utos nila lalo na
at kayo ay mga bata pa lamang.

Naunawaan ba?
-Opo
Hanggang dito na lamang an gating klase,
paalam at salamat.
-Paalam at salamat din po Bb. Baldovino.

You might also like