You are on page 1of 6

l.

Mga Layunin:

A. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.

B. Nailalarawan ang yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-mineral ng bansa.

C. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman.

ll. Paksang Aralin:

A. Paksa – Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa


B. Sangunian – Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV, Pahina 67-72
C. Kagamitan – larawan, tsart, biswal eyd

lll. Proseso ng Pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Klas, bago ang lahat paki-ayos muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat na makikita ninyo.
- Okay Roger pamunuan mo ang ating panalangin.
- Magandang umaga mga bata! - Amen

- Magandang umaga din po teacher.


- Handan aba kayo sa ating leksyon ngayon?
- Opo teacher.
B. Pagganyak
- Magaling! Dahil handa na kayo, may ipapakita ako sa inyong
isang tula na may kinalaman sa ating paksain ngayon.
- (ipinakita ang tula)
- Ngayon klas makinig ang lahat nang mabuti dahil itutula ko ang
ating tula ngayon.
- (itinula ang tula)
- Okay klas, palakpakan si teacher gaya nito: 1, 2, 1, 2, 3, 1, 2, 3,
4, yehey3x!
- (isinagawa ang palakpak)
- Okay klas batay sa tulang napakinggan ninyo sa akin, ano kaya
ang tatalakayin natin ngayong umaga?
- Okay marlon. - Teacher.
- Tama! Ang yamang-tubig ay ano klas?
- Okay Jesaca.
- Tama! Magaling Marlon at Jeseca. - Tungkol sa yamang-tubig po teacher.
- Teacher.
C. Paglalahad - Ang yamang-tubig ay isa sa mga likas na
- Klas, ang ating tatalakayin ngayong umaga ay tungkol sa “mga yaman po teacher.
pangunahing likas na yaman ng bansa”.

D. Pagtatalakay
- Isa sa mga mga likas na yaman ng bansa ay ang yamang-lupa,
itinatanin at nakapag-aani ng palay, gulay at prutas ang mga
magsasakang Pilipino. Umaasa rin sa lupa ang mga hayop
- Ano nga ulit ang inaasahan ng mga magsasaka at mga hayop
klas?
- Tama! Ditto naman tayo sa yamang-mineral. Isa rin sa
pangunahing likas na yaman ay ang yamang-mineral. May
mineral na metal tulad ng ginto, bakal, at tanso. May mineral din - Ang yamang-lupa po teacher.
namang di-metal tulad ng langis, petrolyo, at geothermal na
pinagkukunan ng elektrisidad.
- Ano nga ulit ang dalawang yamang mineral klas?
- Tama! Magaling mga bata.
- Ang ikatlong pangunahing likas na yaman naman klas ay ang
yamang-tubig. Isang archipelago ang bansang Pilipinas kaya
naman ang yamang-tubig nito ay tulad ng dagat, golpo, ilog, at
lawa na ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inimin, - Metal at di-metal po teacher.
paliguan, at pinagkukunan ng inerhiya.
- Klas ang likas na yaman ng bansa ay sapat upang maibigay ang
mahahalagang pangangailangan ng mamayanan at
makapamuhay ng maginhawa. Dapat pagyamanin at
pangalagaan natin ito klas.
- Bilang batang Pilipino, kailangan ang inyong tulong upang
mapagyaman at masagip ang mga likas na yaman ng bansa.
Naiintindihan ba mga bata?

E. Pormatib Tsek
- Klas ano nga ulit ang pangunahing likas na yaman ng bansa?
- Okay Charity.
- Tama. Magaling Charity.
F. Paglalahat - Opo teacher.
- Okay ngayon klas papangkatin ko kayo sa dalawa. Ito ang
pangkat isa at ito naman ang pangkat dalawa. Bawat pangkat ay
may tig-iisang magboboluntaryo.
- Okay ang gagawin ninyo ay ipaghambing ang mga larawan sa
kanan sa mga salita sa kaliwa. Naiintindihan ba mga bata?
- Handa naba kayo? - Teacher.
- Okay! Ala una, alas dos, alas tres, go!
- Wow magaling mga bata. Ang unang mabilis na nakatapos na - Yamang-lupa, yamang-mineral, at
pangkat ay ang pangkat-isa kaya bibigyan ng pangkat-dalawa ng yamang-tubig po teacher.
palakpak ang pangkat-isa: 1, 2, 1, 2, 3, 1, 2, 3, 4, yehey3x!

G. Paglalahat
- Okay klas, ano ang natutunan ninyo ngayong umaga? - (pumili ng tig-iisang magboboluntaryo)
- Okay Jeseca.
- Magaling Jeseca. - Opo teacher.
- Ano pa klas?
- Okay Daisy. - Opo teacher.

- Magaling Daisy at Jeseca.

- Natutunan ko po ang tatlong pangunahing


likas na yaman ng bansa.
- Natutunan ko po na dalawa ang uri ng
yamang-mineral at ito ay ang metal at di-
metal.

lV. Pagtataya:

Panuto: basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng bansa. Isulat ang mga ito sa tamang kolum sa talahanayan.

Abaka bakal karbon


Goma kapok korales
Sinarapan perlas sulpur
Chromite tanso geothermal
Waling-waling tubo pandaka pygmaea

Yamang-lupa Yamang-mineral Yamang-tubig

V. Takdang Aralin:

Sagutan ang Gawain C sa aklat na Araling Panlipunan sa pahina 70. Isulat ito sa isang buong papel.

l. Mga Layunin:

A. Natutukoy ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t-iban lokasyon ng bansa.

B. Naihahambing ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t-ibang lokasyon ng bansa.

C. Nabibigyang katuwiran ang pag-aangkop ng mga tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

ll. Paksang Aralin:

A. Mga Produkto at Kalakal sa iba’t-ibang Lakasyon ng Bansa


B. Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV, Pahina 120-126
C. Larawan, tsart, biswal eyd
lll. Proseso ng Pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Magandang hapon mga bata! - Magandang umaga din po teacher.
- Okay Roger pamunuan mo ang ating panalangin. - Amen.
- Bago kayo umupo, pulutin muna ang mga kalat na makikita ninyo at
ihanay ang mga upuan.
- Okay klas handa na ba kayo sa ating leksyon ngayon?
- Opo teacher.
B. Pagganyak
- Okay dahil handa na kayo, may mga ipapakita ako sa inyong mga
larawan na may kinalaman sa ating paksain ngayon.
- Okay klas nakikita nyo ba ang mga ito?
- Ngayon klas, sa mga larawang ipinakita ko sa inyo na idinikit ko sa
pisara, ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
- Opo teacher.
C. Paglalahad - Mga produkto po teacher.
- Tama! Dahil sa hapong ito klas, ang ating tatalakayin ay tungkol sa
“mga produkto at kalakal sa iba’t-ibang lokasyon ng bansa.

D. Pagtatalakay
- Klas anu-ano ang mga nakikita ninyo sa unang larawan?
- Tama! Magaling mga bata!
- Ang mga nakikita ninyo sa unang larawan ay mga produkto sa
pagsasaka. Malawak na taniman ng palay ang matatagpuan sa
gitnang Luzon. Malawak na taniman ng niyog na matatagpuan sa
Quezon, ang taniman ng abaka naman aymatatagpuan sa Bicol. - Mga prutas, kape, bulak, halamang
Nangunguna sa pagtatanin ng mais ang Cebu. Ang Tagaytay at ugat, at mga gulay po teacher.
Baguio naman ay kilala sa taniman ng gulay, prutas at mga bulaklak.
Kape naman ang pangunahing produkto ng Batangas at Mindoro.
Ang Bukidnon at Cotabato naman ang may malawak na taniman ng
pinya.
- Okay klas, saan nga ulit matatagpuan ang malawak na taniman ng
palay?
- Tama! Ditto naman tayo sa ikalawang larawan.
- Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa ikalawang larawan mga bata?
- Tama! Kilala sa mayaman at malaking pangisdaan sa Pilipinas ang
look ng Maynila, Dagat Visayas, Dagat Samar, Dagat Sulu, Golpo ng
Davao, Look ng Naujan sa Oriental Mindoro, Look ng San Miguel sa
Camarines del Norte, Look Coron sa Palawan, Golpo ng Lingayen,
Look ng Butuan sa Agusan at Look ng Estancia sa Iloilo.
- Sa gitnang Luzon po teacher.
E. Pormatib Tsek
- Okay klas maaari ba kayong magbigay ng mga produkto sa
pagsasaka? - Mga produkto sa pangigisda po
- Okay Aljun. teacher.

F. Paglalapat
- Okay klas, papangkatin ko kayo sa dalawa, bawat pangkat ay may
tig-iisang magboboluntaryo.
- Mga bata nakikita niyo ba ang nakadikit sa pisara?
- Ngayon, ang gagawin ninyo ay ipaghambing ang nasa hanay A at
hanay B. ang unang mabilis na makatapos ay may gantimpalang 10
points bawat miyembro ng pangkat. Naiintindihan ba mga bata?
- Handa naba kayo?
- Okay in three, two, one, go!
- Okay ang pangkat dalawa ang unang mabilis na nakatapos, ngayon
bawat miyembro sa pangkat dalawa ay tag-sasampung puntos sa
aking klas record. At siyempre bibigyan din natin ng gantimpala ang - Prutas, gulay, kape, tabako, manga, at
pangkat isa ng maraming palakpak. bulak po teacher.

G. Paglalahat
- Okay klas ano ang natutunan ninyo sa hapong ito?
- Okay Jetro. - Opo teacher.
- Magaling Jetro.
- Klas magbigay ng limang halimbawa ng mga produkto sa pagsasaka.
- Magaling Jetro.
- Natutunan kop o kung saan
matatagpuan ang sagana sa taniman
ng pinya, mais, at palay po teacher.

lV. Pagtataya:

Gawain A

Panuto: Tukuyin ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa mga lugar na nakatala sa ibaba.

Lokasyon
1. Cebu
2. Tagaytay
3. Batangas
4. Bukidnon
5. Baguio

Gawain B

Panuto: Iugnay ang produkto sa hanay A sa lalawigang matatagpuan nito sa hanay B.

A B

1. Pinya A. Quezon

2. Gulay B. Cebu

3. Mais C. Baguio

4. Prutas D. Tagaytay

5. Niyog E. Cotabato

V. Takdang Aralin:

Sagutan ang mga sumusunod sa pahina 124 sa aklat na Araling Panlipunan lV. Isulat ito sa isang buong papel.

l. Mga Layunin:

A. Naiisa-isa ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.

B. Natutukoy ang mga isyung maaring makaapekto sa ating kapaligiran.

C. Napapahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ng bansa.

ll. Paksang Aralin:

A. Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa


B. Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV, Pahina 132-135
C. Biswal eyd, larawang kolads

lll. Proseso ng pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Magandang umaga klas! - Magandang umaga din po teacher.
- Okay klas pakihanay ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat
na makikita ninyo. - Amen.
- Okay Daisy pamunuan mo an gating panalangin.
- Klas handa naba kayo sa ating leksyon ngayon? - Opo teacher.

B. Pagganyak
- Dahil handa na kayo, may ipapakita ako sa inyong isang kolads na
may kinalaman sa ating paksa ngayon.
- Klas nakikita ba ninyo ito?
- Ano ang nababasa ninyo sa itaas ng kolads na ito?
- Magaling! Ngayon anu-ano ang mga nakikita ninyo sa kolads klas? - Opo teacher.
- Global Warming po teacher.
C. Paglalahad - Pagbaha at pagguho po ng lupa
- Tama! Dahil ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa “mga isyung teacher.
pangkapaligiran ng bansa”.

D. Pagtatalakay
- Okay klas, ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang
habas na pagpuputol ng malalaking punong-kahoy sa kabundukan at
kagubatan.
- Ano nga ulit ang dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa klas?
- Magaling mga bata!
- Ang pagdami ng mga pabrika ay isa rin sa dahilan ng kalamidad ng
bansa. Ang usok na nailalabas nito at nakakaapekto sa ozone layer
at resulta na rin ng matinding bagyo at maaring humantong sa
matinding baha. - Ang pagpuputol po ng mga kahoy
- Naiintindihan ba mga bata? teacher.

E. Pormatib Tsek
- Klas ano nga ulit ang dahilan ng pagbaha at pagguho ng baha?
- Tama! Roger ano ang kahahantungan ng pagkasira ng ozone layer?
- Tama!

F. Pagtataya - Opo teacher.


- Okay klas papangkatin ko kayo sa dalawa, bawat pangkat ay may
tag-iisa-isang representante. Ang gagawin ninyo ay paghahambingin
lamang ang sanhi at bunga na nakikita ninyo sa pisara. Naiintindihan - Ang pagpuputol po ng mga kahoy
ba mga bata? teacher.
- Okay go! - Matinding bagyo po teacher.
- Magaling mga bata! Dahil diyan, palakpakan ang mga sarili.

G. Paglalahat
- Okay klas, ano ang natutunan ninyo ngayong araw?
- Tama!
- Okay Jessa, magbigay ng dahilan ng pagguho ng lupa at pagbaha.
- Tama!
- Opo teacher.

- Ang mga dahilan ng kalamidad ng


bansa po teacher.
- Pagbaha po teacher.

lV. Pagtataya:

Panuto: Lagyan ng tama ang linyang nakalaan kung wasto ang ipinahihiwatig at mali naman kung di-wasto.

______1. Itapon ang basura sa kalsada.

______2. Itapon ang basura sa wastong basurahan.

______3. Utusan ang ama na putulin ang punong kahoy.

______4. Magtanim ng halaman sa hardin.

______5. Ugaliing huwag magsunog ng plastik na materyal.

V. Takdang Aralin:

Gumuhit ng larawang dapat gawin upang maging malinis ang kapaligiran. Ilagay ito sa aktibity notbuk.

You might also like