You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Southern Luzon Technological College Foundation, Inc.

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III

Unang Markahan week 2-4


Takdang Oras: 40 minuto

l. Layunin:

 Nasasabi kung ano ang pulo at kapuluan.


 Napahahalagahan ang mga pulo sa Pilipinas.
 Naiguguhit ang pulo at kapuluan.

ll. Paksa:
Paghahambing sa Pulo at Kapuluan
Sanggunihan: BEC A 1.1.4; Sibika at Kultura 3
Pilipinas: Bansang Marangal pp. 3-12 Estelita B. Capina
Kagamitan: Mapa ng Pilipinas, Tsart ng awit, Biswal Ayd, Marker, Magic Basket.
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa mga pulo sa Pilipinas
lll. Pamamaraan:

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

- Magandang umaga klas! - Magandang umaga din po Teacher.

- Okay klas pakihanay ang inyong mga


upuan at pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo.

- Bago tayo mag simula sa ating leksyon


tayo muna ay manalangin. - (Mananalangin ang mga bata)

(Panalangin)
- Amen.
- Ngayong umaga ay magkakaroon muna
tayo ng munting laro na may patungkol
sa ating leksyon. Handa na ba ang
lahat? - Opo Teacher.

- (Ibibigay ang bola sa isang bata.)


- (Pagpapasa pasahan ng mga bata
- Sinumang mahintuan nito ay sasagot sa ang bola)
tanong mula sa magic basket.

- Halimbawa:
1. Ano ang pinakamalaking pulo sa
bansa? - Luzon po Teacher.
- Ang Luzon ang pinakamalaking
pulo ng pilipinas at ito rin ang ika-17
pinakamalaking pulo sa mundo.

- Okay. (Name of student) pili ka ng


number simula 1-10. - (Magbibilang ang huling sumagot)

2. Saan makikita ang pulo ng Batanes?


- Sa Luzon po Teacher.
- Okay magaling. Pumili ka din ng
number simula 1-10. - (Magbibilang ang huling sumagot)

3. Anong pulo ang nasa pagitan ng


dalawang malaking pulo? - Visayas po Teacher.

- Tama.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak (Awit)

Ipaawit ang kantang 'Piliin Mo Ang - (Kakanta ang lahat)


Pilipinas - Angeline Quinto'
(nakasulat sa tsart)

- Ayon sa kanta ilang libong pulo - (sasagot ang mga bata)


ang mayroon ang pilipinas?
- pitong libo po.
- May nakakaalam ba sainyo kung
ano ang eksaktong bilang ng pulo sa
pilipinas? - wala po.

- Ang pilipinas ay binubuo ito ng


7,641 pulo na nababahagi sa tatlong
kumpol ng mga pulo na ang: Luzon,
Kabisayaan (kilala rin bilang
Visayas) at Mindanao.

2. Paglalahad (Venn Diagram)


- (sasagot ang mga bata)
- Ano ang masasabi natin sa pulo at - maliliit at malalaking pulo po
kapuluan?

- Sa pamamagitan ng Venn Diagram


ay isulat ninyo dito ang inyong
nalalaman tungkol sa pulo at
kapuluan.
3. Talakayan:
- (Magsusulat ang mga bata sa pisara)
- Isulat sa gitna o pagitan kung
mayroon silang pagkakatulad.

- Alin ang mas maliit?

- Alin naman ang mas malawak?

- Alin ang mas malaki ang


pakinabang na makukuha?

4. Pagpapahalaga: - (sasagot ang isang bata)

- Ano ang dapat gawin upang - Sa kapaligiran po Teacher. Ingatan ang


mapangalagaan ang kalikasan.
kapakinabangan ng isang kapuluan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuo:

- Ano ang pagkakaiba ng pulo sa - (sasagot ang mga bata)


kapuIuan?

- Ang pulo o isla ay isang bahagi ng


lupa na higit na maliit sa kontinente - Ang pulo ay bahagi lamang ng
at higit na malaki sa bato na kapuluan.
napaliligiran ng tubig.

- Ang mga pangkat ng mga - Ang kapuluan ay bumubuo ng malalaki


magkakaugnay na pulo ay tinatawag at maliliit na mga pulo.
na kapuluan o arkipelago.

2. Paglalapat:

- Hanapin sa mapa ang pulo na nais - Gusto ko po pumunta sa baguio kasi po


mong marating at sabihin kung bakit. malamig po at may strawberry farm.

lV. Pagtataya:
Sagutan ang natutuhan ko sa inyong libro sa pahina 13 at sagutan sa inyong kwaderno.
Mga Sagot:
1. D
2. D
3. C
4. A
5. A
V. Takdang Aralin:
Iguhit sa malinis na kopon ban ang tatlong malalaking pulo sa bansa. Kulayan ng dilaw ang
Luzon, pula ang Visayas at asul naman ang Mindanao.

Ipinasa ni:

Ueljane R. Bello
Student Teacher

You might also like