You are on page 1of 2

LESSON PLAN ON SOCIAL STUDIES 7

(KHS FOR LONG QUIZ)


Ceraz K. Abdurahman
BS ED 1C SOCIAL STUDIES MAJOR.
Layunin.
Pagkatapos ng isang oras na klase walumput limanh porsyento ng mga mag aaaral ay inaasahang:
A. Makakapagbigay ng wastong impormasyon patungkol sa tatlong parte ng Pilipinas.
B. Malalaman ang pinagkaiba ng tatlong pinaka malalaking mga isla sa Pilipinas.
C. Malalaman ang iba’t ibang lokasyon ng tatlong pinaka malalaking mga isla sa Pilipinas.
Paksa.
A. Grupo ng mga isla sa Pilipinas.
B. Sanggunian: The social studies 6 by Lermacris D. Ocampo, pages 3-12.
C. Kagamitan: projector, laptop, white board, applications (PowerPoint presentation).
D. Pagpapahalaga/integrasyon: kaalaman patungkol sa heograpiya ng Pilipinas.
A.Paghahanda.
Magandang umaga sa lahat(magandang umaga din po ginoong Ceraz) simulan natin ang araw na ito sa
pagitan ng panalangin upang tayo ay gabayan ng diyos, maaari bang tumayo ang lahat?(tumayo lahat
ng estudyante) (Mahal na Panginoon, kung hindi ka magkatabi, ang araw ay hindi magiging madali
para sa amin kung ikaw ay hindi sa tabi namin. Mangyaring tulungan kaming lahat ng mga mag-aaral
na paunlarin ang ating mga kaisipan sa pananampalataya, at karakter upang maunawaan ang
anumang aralin na itinuro sa atin.) Bago kayo umupo maaari bang damputin muna ninyo ang lahat ng
kalat na inyong makikita(dinampot ng mga mag aaral ang mga basura at itinapon sa basurahan)
salamat at maaari na kayong umupo at sisimulan na natin ang ating klase para sa araw na ito.

1. Pagganyak
Bubunot ang mga mag aaaral ng isang tinuping papel, lahat ng mag aaaral na makakabunot ng
tinuping papel na may salitang masipag ay magbibigay ng kanilang ideya patungkol sa Luzon,
at ang mga mag aaaral na makakabunot ng tinuping papel na may salitang matalino ay
magbibigay ng ideya patungkol sa Visayas, at lahat naman ng mag aaaral na makakabunot ng
tinuping papel na may salitang mabait ay magbibigay ng ideya patungkol sa mindanao.
B. Paglalahad.
Ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming mga isla, mayroon ba ditong makakapagbigay saakin ng
kanyan sariling pagkakaintindi ng isang isla?(ako po ginoong Ceraz!) Maaari bang ikaw ay tumayo
upang marinig naming lahat ang iyong ideya patungkol sa isang isla?(tumayo ang mag aaaral) (ang
isang isla po ay isang pook kung saan ito ay napapalibutan ng dagat) tama! Napakahusay! Ang isang
isla ay isang pook na pinapalibutan ng karagatan, at ang Pilipinas kung saan tayo naninirahan ay
binubuo ng 7,107 na isla at ito ay nahahati sa tatlong bahagi, sinong makakapagsabi sa akin kung ano
ang pangalan ng tatlong islang ito? (Ako po ginoong Ceraz) maaari bang ikaw ay tumayo? (Tumayo
ang mag aaaral) (ang tatlong pinakamalalaking islang bumubuo sa Pilipinas ay Lyzon, Visayas at
Mindanao) maraming salamat sa pagsagot maaari kanang ma upo, tama ang sagot ng inyong kaklase
ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong bahagi, una ay ang Luzon, pangalawa ay Visayas at ang panghuli
naman ay ang Mindanao.
Unahin nating talakayin ang Luzon, ang Luzon na matatagpuan sa pinakataas na bahagi ng Pilipinas ay
ang pinaka malaki sa tatlo ito ay mayroong lawak na 109,965 milya kwadrado. Dito rin matatagpuan
ang kabisera ng ating lungsod na ang Manila, dito rin matatagpuan ang tinaguriang Summer capital of
the Philippines na ang Baguio city, susunod naman ay ang Visayas, kung ang Luzon ang pinaka malaki
sa tatlo ang Visayas naman ang pinaka maliit sa kanila at ito ayay lawak na 71,503 milya kwadrado, at
ang Visayas ay kilala sa kanilang produkto ng mga sariwang matatamis na mga mangga, at kilala din
ito sa mga maliit na islang maganda para sa mga taong mahilig sa snorkel dito rin matatagpuan ang
pinaka binibisita ng mga Pilipino pati na rin mga dayuhan. Dumako naman tayo Mindanao na
binansagang The land of promises” dahil sa taglay nitong yaman pagdating sa likas na yaman, at ang
Mindanao ay may lawak na 97,530 milya kwadrado, dito makikita ang “Mt. Apo”kung saan
naninirahan ang “Rare Philippine eagle” at ang Mindanao ay matatagpuan sa pinakababang bahagi ng
Pilipinas.

C.Pagbabalik aral.
Sa pubtong ito, tayo ay magsasagaqa ng konting pagbabalik aral, ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na
isla, at ang mga islang ito ay nahahati sa tatlong bahagi, ang Una at pinakamalaking bahagi ay
tinatawag na Luzon, ang pangalwang bahagi naman na matatagpuan sa gitna ng Pilipinas ay ang
visayas, kung ito ang pinaka maliit sa tatlong bahagi laging tatandaan na ang Visayas ay kilala sa
kanilang produkto na aariwang mangga, ang panghuli naman ay ang Mindanao na matatagpuan sa
pinakababang bahagi ng Pilipinas.
D.Pagalala sa tuntunin.
Sino ang makakapagsabi saakin kung Ilan ang islang bumubuo sa Pilipinas?(ako po ginoong Ceraz)
maaari bang ikaw ay tumayo?(tumayo ang mag aaral) (mayroon pong 7,107 na isla ang bumubuo sa
Pilipinas) tama! Mahusay, sino ang nakaka alala kung sa ilang bahagi hinati ang Pilipinas, at ang mga
pangalan ng mga bahaging ito?(ako po ginoong Ceraz) maaari bang ikaw ay tumayo?(tumayo ang
napiling mag aaral) (ang Pilipinas po ay nahahati sa tatlong bahagi at ang mga ito ay ang Luzon,
Visayas at Mindanao.) Tama! Mahusay!.

E.Pagsusulit
Ngayun naman tayo ay magkakaroon ng isang maikling pagsusulit, para naman malaman natin kung
marami nga talaga kayong natutunan sa araw na ito.
1)Pagpapasa ng papel.
Ipapamahagi sa bawat mag aaral ang tig iisang papel na naglalaman ng mga katanungan kailangan
nilang sagutin sa loob ng 20 minuto.
Panuto 1: Ibigay ang tamang sagot sa bawat katanungan, ilagay ang sagot sa hulihan ng mga
katanungan. (2 points each)
1. Ang Visayas ay kilala sa kanilang produkto na?
2. Ang Mindanao ay tinawag na “The land of promises” dahil sa?
3. Ang bahaging ito ng Pilipinas ay ang pinakamaliit sa tatlong bahagi.
4. Ilang milya kwadrado ang pinaka malaking bahagi ng Pilipinas?
5. Ilang milya kwadrado ang pangalwang pinaka malaking isla sa Pilipinas?
6. Ilang milya kwadrado ang pinaka maliit sa tatlong isla sa Pilipinas?
7. Saan matatagpuan ang kabisera ng lungsod ng Pilipinas?
8. Saan matatagpuan ang Summer capital ng Pilipinas?
9. Anong hayop ang naninirahan sa Mt. Apo?
10. Saan matatagpuan ang tinaguriang pinaka binibisitang beach sa Pilipinas?
Panuto 2: Essay(5 points each)
1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pag aaral ng heograpiya ng ating bansa?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na bisitahin ang isa sa mga nabanggit na tourist spot sa
ating pag aaral, alin sa mga ito ang iyong pipiliin para puntahan? At bakit?
2) Pagbabasa ng tuntunin.
Babasahin ng guro ang mga tuntunin.
3) Pagsasagot sa pagsusulit.
Ngayun na tapos nang sumagit ang lahat, kayo ay magpapalitan ng papel upang atin itong ma
markahan ng tama o mali, ang tamang sagot sa numero uno ay(sariwang magga o mangga) ang
tamang sagot sa ikalawang tanong ay(likas na yaman) ang tamang sagot sa ikatlong tanong ay
(Visayas) ang tamang sagot sa ikaapat na tanong ay(109,965 milya kwadrado) ang tamang sagot sa
ikalimang tanong ay(97,530 milya kwadrado)ang tamang sagot naman sa ikaanim na tanong ay(71,503
milya kwadrado) ang tamang sagot sa ikapiton bilang ay(Luzon) ang tamang sagot sa ikawalong bilang
ay(Luzon) ang tamang sagot sa ikasyam na bilang ay(Rare Philippine eagle) ang tamang sagot sa
ikasampun bilang ay(Visayas) ang pangalawang pag susulit ang guro na mismo ang maglalagay ng
marka.
4) Pagkokolekta ng papel
Kung lahat ay tapos ng maglagay ng marka, maaari ninyong ipasa sa aking mesa(pinasa ng mga mag
aaral ang mga papel).

F) Pagbibigay halaga.
Lagi ninyong tatandaan na mahalagang pag aralan ang iba’t ibang parte ng ating bansan tinitirahan
sapagkat ito ay maituturing na nating sariling tahanan, at bilang ating tahanan nararapat lamang na
may alam tayo patungkol dito dahil ito ay parte ng ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.

G) Takdang Aralin
Bilang inyong takdang Aralin basahin ninyo ang sulating nakalagay sa link na ito
http://pinasayasapinas.simplesite.com/431733882, at sa susunod nating pagkikita ay magtatawag ako
ng mga pangalan upang sumagot sa iilang katanungan patungkol sa sulating nilalaman ng link na aking
ibinigay.

You might also like