You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

SOCCSKSARGEN REGION

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

SOUTHERN
BAPTIST COLLEGE-
Grade 8 Paaralan Highschool Baitang 8

Daily Guro CRISCILE GRACE M. Asignatura Araling Panlipunan


CASTILLON
Lesson Plan
Petsa ng Pagtuturo Nobyembre Markahan 2
05,2022

Oras 3:00-4:00 pm Taon at Seksyon 8-Daniel

I. Mga Layunin

A. Pamantayan Pangnilalaman:

Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at


Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap:

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga


natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Sa loob ng animnapung minuto (60 mins.) na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa mga pulo sa Pacific.
( AP8DKT-IIe-7)

2. Nakakagawa ng Triple Venn Diagram batay sa kultura ng tatlong malalaking pangkat sa pulo ng
Pasipiko.

3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa mga pamana o kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa


Pasipiko.

II. Nilalaman
Paksa: Ang mga Klasikong Kabihasnan ng Digdig

Pinakapaksa: Mga Kabihasnan sa Pasipiko

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

Paglinang sa Kasaysayan ng Daigdig 8, p. 165-170

B. Iba Pang Kagamitang Panturo

Laptop,LED TV, speaker,1/8 cardboard,manila paper, pentel pen,chalk,visual aid at mapa ng karagatang
Pasipiko

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

"Magsitayo ang lahat para sa panalangin,______ -(Ang lahat ay magsitayo upang manalangin)
maaari mo bang pamunuan mo ang panalangin."

b. Pagbati

"Magandang umaga sa inyong lahat!"


-"Magandang umaga rin po Ma'am Grace."
"Bago kayo umupo ay pakidampot ang lahat ng kalat
at itapon ito sa lalagyan at pakiayos ng inyong
upuan."

"Maaari na kayong umupo."


-"Salamat po."
c. Pagtatala ng mga lumiban

"Mayroon bang lumiban sa araw na ito?Lingon sa


-"Wala pong lumiban sa araw na ito ma'am."
kanan at sa kaliwa"

"Magaling! bigyan ang inyong sarili ng isang


masigabong palakpakan."

d. Pampasigla -Ang guro at mga mag-aaral ay nagkakarate habang


nagpapatugtog ng "I have two hands".

e. Pamantayan sa Silid-aralan

"Ano ang mga kailangang gawin kapag nagpapatuloy


ang klase?" -"Makinig ng mabuti kapag nagsasalita ang guro sa
harapan."

-"Itaas ang kamay kung nais tumayo o magsalita at


"Aasahan ko ba iyan sa inyo?" makibahagi sa mga gawain."

f. Paalala -" Opo maam"

"Bilang paalala sa panahon ng pandemya ,anu-ano


ang mga dapat nating gawin?"
-"Magsuot ng face mask, panatilihin ang social
distancing na dalawang metro ang layo at maghugas
ng gamay gamit ng sabon at sanitizer."
"Magaling!"

B. Panlinang na Gawain

A. Balik-aral

"Bago tayo dadako sa ating bagong aralin ay


magbalik-aral muna tayo tungkol sa huli nating
tinalakay,tungkol saan ang huli nating tinalakay?"
-"Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa mga
"Tama! ito ay ang mga klasikong kabihasnan sa klasikong kabihasnan sa Amerika.
Amerika?"

"Magbigay ng mga kabihasnan sa Amerika at


magbigay ng mga impormasyon na nalalaman ninyo
base sa tinalakay natin kahapon."
-"Isa sa mga kabihasnan sa Amerika ang nalalaman
ko ay ang mga Olmec na kilala sa paglililok ng mga
anyong ulo mula sa mga bato (colossal heads) na
ang karamihan ay umaabot sa 20 tonelada ang bigat
at taas na 14 talampakan.

-"Ang kabihasnan ng Maya na mayroon silang


humigit-kumulang na 150 na diyos at naniniwala sila
na ang araw ang kapanganakan ang magtatakda sa
hinaharap ng isang tao."

-" Ang kabihasnan ng Aztec na ang pangunahing


pinuno ay isang emperador na inihahalal ng mga
kaparian at mandirigma."
"Magaling! ang lahat ng sagot ninyo ay tama."

"Malinaw ba ang ating naging talakayan noong


nakaraang araw?" -"Opo maam."

"Mabuti kung ganun!"

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

"Ngayon ay dadako naman tayo sa ating bagong


aralin.Maari nyo bang basahin ang mga layunin sa
-( Babasahin ng mga mag-aaral ang bawat layunin)
araw na ito?"
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa

"Ngayong araw ay ating tatalakayin ang mga


kabihasnan sa Pasipiko"

"MAPA SURI!"

"Suriin ang mapa."

-"Maraming kalat na mga pulo."

"Ano ang inyong napapansin sa larawan?" -"Napapalibutan ng karagatan ang mga pulo."

-" May mga maliliit na kapuluan."

-" Nakakaapekto ang pamumuhay ng mga taong


naninirahan dito dahil sa napalibutan ng karagatan
" Sa inyong palagay, paano nakakaapekto ang pangingisda lamang ang kanilang pangunahing
pamumuhay ng mga taong naninirahan dito?" hanapbuhay."

"Magaling! ang nakikita ninyo sa larawan ay ang


rehiyon ng Oceania at nahahati ito sa tatlong
malalaking pangkat ng pulo, ito ang
Polynesia,Melanesia at Micronesia."

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at


Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

"Magbasa at Matuto"

"Hahatiin ko kayo sa tatlong (3) grupo at pumili kayo


ng lider para magpahayag sa buong klase.

"Ilista ang lahat ng miyembro ninyo at kung anong


grupo kayo at ipasa sa harap."
"Ang gagawin ninyo ay magbasa, matuto at magtala
ng mga impormasyon ukol sa nilalaman ng pahina
167-169 sa inyong aklat at adisyunal na
impormasyon na ibibigay ko sa inyo.Pag-usapan ng
bawat pangkat ang mga mahahalagang
impormasyon na nalalaman."

"Una ay tutukuyin o ituturo ang mga pulo na


nabunot ninyo sa mapa na nasa pisara at punan ng
kinakailangang impormasyon ang talahanayan na
ibibigay ko sa inyo. Huhusgahan ko kayo ayon sa
mga sumusunod na pamantayan.Ang nakuhang
puntos ay idadag ko sa inyong partisipasyon sa
klase."

-(Bubunot ang bawat lider ng grupo)


" Ang lahat ng lider ay pumunta dito sa harap upang
bumunot kung anong pangkat sa pulo ng Pasipiko
ang nakatalaga sa inyo". -(Ang lider ng bawat grupo ay maglalahad ng
kanilang "output")
Presentasyon ng bawat grupo:

Group 1-Polynesia

Group 2-Melanesia
-( Magsipalakpakan ang mga mag-aaral)
Group 3-Micronesia

Napakahusay!,palakpakan ang inyong mga sarili!”

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng


Bagong Kasanayan #2

"Triple Venn Diagram"

"Ngayon naman sa parehong grupo, gagawa kayo ng


Triple Venn Diagram,isulat ang pagkakaiba at
pagkakatulad batay sa kultura ng tatlong malalaking
pangkat sa pulo ng Pasipiko."
Presentasyon: (Maglalahad ang unang grupo)

Group 1: 1,2,3! 1,2,3 HOORAY!

"Bigyan ng Hooray Clap anhg unang grupo." -(Maglalahad ang pangalawang grupo)

Group 2: 1,2,3! 1,2,3! POWER!

"Bigyan ng Power Clap ang pangalawang grupo." -(Maglalahad ang pangatlong grupo)

Group 3: 1,2,3! 1,2,3! YES!

" Bigyan ng Yes Clap ang pangatlong grupo."

F. Paglinang ng Kabihasaan

"Guessing Game"

"Manatili parin kayo sa inyong grupo,ngayon naman


ay maglalaro tayo."

"Bawat grupo ay huhulaan ang bawat tanong na


ibibigay ko sa inyo.Gamit ng cardboard at
chalk,isulat ninyo kung ano ang sagot ng bawat
tanong at kung sino mang grupong tama ang sagot
ay siyang makakuha ng puntos.Ang pinakamaraming
puntos ay siyang panalo at makakatanggap ng
premyo." -(Ang mga mag-aaral ng bawat grupo ay
magtulungan sa paghula ng mga sagot ng bawat
-( Ang guro ay magbibigay ng mga tanong) tanong)

-(Ang mga mag-aaral ay magsipalakpakan)

" Ngayon ay tapos na tayo,bigyan natin ang ating


sarili ng isang masigabong palakpakan."
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na
Buhay
-(Sasagot ang napiling mag-aaral)
1. Kung bibigyan kayong pagkakataong
permanenteng manirahan sa isang pulo sa pasipiko,
gugustuhin mo ba ito o hindi? Ipaliwanag.

2. Sa iyong opinyon, bakit nagugustuhan ng mga


-(Sasagot ang napiling mag-aaral)
dayuhan na manirahan sa mga pulo sa rehiyon ng
Pasipiko?

3. Paano mo mapahahalagahan ang mga naging -(Sasagot ang napiling mag-aaral)


kontribusyon o pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Pasipiko?

"Magaling!

H. Paglalahat

" Ngayon naman,batay sa inyong natutunan,sino ang -" Maam, batay sa aking natutunan ay ang mga pulo
makakabuod ng mahahalagang punto ng ating ng Pasipiko ay nahahati sa tatlong 3 malaking
aralin?" pangkat,ito ang Polynesia na matatagpuan sa gitna
at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan
ng Melanesia at Micronesia at ito ay higit na Malaki
sa tatlo. Ang Micronesia ay maliliit na matatagpuan
sa hilaga ll ato na pulo at ng Melanesia at silangan
Asya. Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at
dagat ng Australia at - silangang baybay binubuo ito
ng pitong pulo.

-"Yes maam."

"Napakahusay!naiintindihan nyo ba ang aralin sa


araw na ito?
-“Wala na po.”
“May mga tanong pa ba kayo?”
-"Yes maam."
Magaling!"handa na ba kayo sa ating pagsusulit?
-(Kukuha ang mga mag-aaral ng 1/4 sheet na papel)
"Kumuha kayo ng 1/4 sheet na papel."

I. Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

____1. Ano ang tawag sa mga maliliit na mga isla sa


mga pulo sa Pacific?

a. Marquesias

b. Micronesia
c. Melanesia Mga Sagot:

d. Polynesia 1. b

____2. Ano ang ibig sabihin ng mana? 2. a

a. bisa 3. b

b. tapang 4. a

c. kapangyarihan 5. c

d.yaman

____3. Ang mga pulo sa Pacific ay nahahati sa


tatlong malalaking pangkat. Alin sa sumusunod ang
mga ito?

a. Melasia, Micronesia at Polynesia

b. Melanesia, Micronesia at Polynesia

c. Melanesia, Microgania at Polynesia

d. Melanesia, Micronesia at Peloponnesian

____4. Sinong manlalayag mula sa Britanya na


nadatnan niya sa Australia na ang 600 tribu na may
200 hanggang 250 magkakaibang wika?

a. Kapitan James Cook

b. Kapitan James Bond

c. Kapitan James Carl

d. Kapitan James Reid

____5. Alin sa mga pahayag ang hindi sumusuporta


sa Polynesia bilang pangkat ng mga pulo sa Pasipiko?

a. Ang mga isla ay matatagpuan sa silangan


ng Asya.

b. Ang sinaunang pamayanan ay nasa


baybaying-dagat.

c. Ang pamayanan ay matatagpuan malapit


sa mga lawa.

d. Ang mga isla ay matatagpuan sa gitna at


timog na bahagi ng Pacific Ocean.

J. Karagdagang Gawain

"Para sa inyong takdang-aralin. Sa isang kartolina,


gumuhit ng mapa sa Karagatang Pasipiko.Kulayan at
pangalanan ang mga isla at siguraduhing kumpleto
ang mga kapuluan sa Pasipiko. Narito ang ating
rubriks sa pagmamarka."

"Paalam na po maam."
" Paalam na mga mag-aaral

V. MGA TALA

VII. PANINILAY

A. Bilang mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?Bilang ng mga mag-


aaral na naka unawa sa aralin.

DD. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ng


remedian.

E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking punong-guro at


superbisor.

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

CRISCILE GRACE M. CASTILLON

Gurong Mag-aaral

Inobserbahan ni:

Pinagtibay ni:

You might also like