You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

BULACAN STATE UNIVERSITY


TEACHER EDUCATION PROGRAM
Hagonoy Campus
Iba – Carillo, Hagonoy, Bulacan
A.Y. 2022-2023

Masusing Banghay Aralin Sa


AralingPanlipunan 4

Layunin
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Maiisa-isa ang mga katangian ng magagandang tanawin at pook
pasyalan sa bansa
b) matutukoy ang kahalagahan ng magagandang tanawin at pook-pasyalan
sa bansa bilang bahagi ng likas na yaman nito; at
c) makakabuo ka ng paraan sa wastong pangangalaga ng magagandang
tanawin at pook-pasyalan sa bansa.

II.PaksangAralin:
A. Paksa: Magagandang Tanawin at Pook-Pasyalan bilang Yamang Likas ng
Bansa
B. Sanggunian:AralingPanlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral, ph. 73-79
C. Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Tsart, printed pictures, tape

III.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
“Maaari ba na tumayo ang lahat para sa (Tumayo ang mga mag-aaral)
panalangin”

”Maari bang pangunahan mo ang (Pupunta sa harap ang bata para sa


panalangin __” panalangin)

” Iyuko natin an ating ulo at ipikit ang mata,


sa ngalan ng ama, ng anak, at espiritu santo
Amen. ( Sariling panalangin)”

2. Pagbati
“Magandang umaga sa inyo mga “Magandang Araw din po, Ma’am”
minamahal kong mag-aaral!”

3. Pagtatala ng lumiban saklase


“Bago tayo mag-simula sa talakayin natin (Sasagot ang mga bata)
ngayong araw, pwede ko ba malaman
kung may lumiban sa klase ngayon?”
B. Pagganyak
“Upang higit nyong malaman ang mga
ibat-ibang pook-pasyalan panoorin ninyo
ang aking hinandang presentasyon.”

(Pagtatanghal ng Video) (Manonood ang mga bata)

“Pamilyar ba kayo sa mga lugar na “Opo!”


napanood nyo?”

“Sino sa inyo ang may napuntahan na sa (Magtataas ng kamay ang mga bata)
mga lugar na inyong napanood”

“Sige ikaw Shane anong lugar ang iyong “Luneta po.”


napuntahan”

“Ikaw naman Rose” “Bagiuo po.”

“Paano naman yung iba?” “Wala na po!”

“Sa pagpa-patuloy maari ba kayo (Magtataas ng kamay ang mga bata)


magbigay ng mga halimbawa ng pook-
pasyalan?.”

“Ikaw Juan” “Palawan po”

“ Magaling! May nais pa ba magbigay?”

“Sige Mateo” “Cebu po kami maam”

“ Magaling mga bata! Salamat sa inyong


kooperasyon”

C. Pagtatalakay
“Ngayon ay dadako na tayo sa ating
talakayan.”

(Pagpapakita ng presentasyon)

“It’s more fun in the Phillipines! Ito ang


kampanya ng kagawaran ng Turismo sa
magagandang tanawin at pook pasyan sa
Pilipinas”

“Halinat isa-isahin natin ang mga ito”


“Una na nga rito ang Puerto Princesa
Subterranean River National Park na
makikita sa Palawan”

“Ito ay tinatawag din na Underground


River na isang mahabang ilog sa ilalim ng
Yungib na may mga batong mineral.”

“ Alam nyo ba na noong Nobyembre,


2011,napasama sa listahan ang Puerto
Princesa Subterranean River National
Park na pagpipilian sa New seven
wonders of Nature.”

“Nakumpirma naman ito noong 2012.”

“Dumako naman tayo sa mga pook-


pasyan sa Mindanao”

“May mga alam ba kayo sa lugar ng (Sasagot ang bata)


Mindanao na pwedeng pasyalan?”

“Tama maraming salamat!”

“Sa bahaging Mindanao, makikita ang


Talon ng Maria Cristina sa Lungsod ng
Iligan sa Lanao del Norte na isa sa mga
pinaka mataas na talon sa ating bansa.”

“Mula sa ilog Agus ang talon na ito ay


may taas na 320 talampakan at ang lakas
nito ang nagtutustos sa kuryente sa
malaking bahagi ng ng lungsod.”

“Sa Zamboanga naman makikita ang mga


Vinta. Isa itong tradisyunal na banka na
may makukulay na banderitas na
sumisimbolo sa makulay at mayamang
kultura at kasaysayan ng mga naninirahan
ditto.”
“Sunod natin ang bundok Apona pinaka
mataas na bundok ditto sa Pilipinas na
matatagpuan sa pagitan ng Davao at
Hilagang Cotabato”

“Ito ay tinatawag na tahanan ng ibong


agila o Phillipine monkey eating eagle.”

“Tinatawag na haribon ang pambansang


ibon ng bansa. Itinayo ang Phillipine Eagle
National Center sa Malagos, Davao dahil
kakaunti nalang ang lahi nito. Dito
kinukupkop at pinaparami ang mga agila.”

“Ang Rizal Shrine ay dating tirahan ng


bayaning si Jose Rizal na matatagpuan sa
Dapitan, Zamboanga del Norte.
Matatagpuan ditto ang punong itinanim ni
Rizal noon naninirahan pa siya rito.”

“Magpatuloy naman tayo sa pook-


pasyalan na matatagpuan sa
Kabisayaan.”

“Isa na nga rito ang sikat na sikat na


Boracay. Ito ay matatagpuan sa Aklan na
tinatayang may haba na 7 kilometro at
hugis buto ng aso ang kaanyuan.”

“Pinong-pino ang buhangin ditto at


maputi”
“Matatagpuan rin dito ang Chocolate Hills
na tumpok-tumpok na mga burol. Ito ay
matatagpuan sa Carmen, Bohol.”

“Ang maganda dito ay kulay luntian ang


mga ito sa tag-araw at kulay tsokolate
naman sa tag-ulan.”

“Sa bohol din makikita ang maliit na hayop


na may malaking mata o ang tarsier.”

“Makikita rin dito ang San Juanico Bridge


na nagduduktong sa Samar at Leyte.”

“Ang huli ay Cebu na mayamang


lalawigan sa kasaysayan. Matatagpuan
dito ang krus ni Magellan at iba pang
panda sa ating kasaysayan.”

“Makikita rin ditto ang Sto Nino Shrine na


dinarayo ng mga turista at relihiyoso
tuwing kapistahan sa Enero”

“Maari nyo ba sabihin sa akin ang mga “ Opo!”


matatagpuan sa Kabisayaan?.”

“Sige nga sabay sabay” “Boracay, Chocolate Hills, Tarsier, San


Juanico Bridge, Krus ni Magellan, Sto. Nino
Shrine!”
“Magaling mga bata!”

“Dumako na tayo sa huling lalawigan, ang


Luzon, ano-ano nga ba ang mga pasyalan
dito?”
“Una na rito ang hagdan hagdang palayan
na matatagpuan na Banaue, Ifugao.
Itinanghal ng UNESCO bilang World
Heritage Site dahil sa magandang
pagkakagawa nito.”

“Sumunod naman ang Vigan na


ginawaran din ng World Heritage Site.

“Matatagpuan rin ditto ang kauna-


unahang windmills sa Pilipinas na nasa
Bangui, Ilocos Norte. Kilala ito sa tawag
na Bagui Windmills na nakaharap sa
dagat na may malaking elisi na
pinagkukuhanan ng enerhiya”

“Sa lungsod naman ng Alminos ay


matatagpuan ang Hundred Islands na
tumpok-tumpok na mga pulo na nagkalat
sa golpo ng Lingayen.”

“Governors Island, Quezon Island, at


Children’s Islan ang tatlong pulo na
ginawang atraksyon.”

“Sa Luzon din matatagpuan ang may


halos perpektong hugis ng bulkan, ang
Bulkang Mayon na matatagpuan sa Albay
rehiyon ng Bicol.”
“Ang isa pang bulkan na matatagpuan sa
Luzon ay ang bulking Taal na
matatagpuan sa Batangas. Ito ay bulkan
na nasa gitna ng lawa.”
“Opo!”
”At dito na nga natatapos an gating
talakayin, Mayroon ba kayong
natutunan?”

“Kung gayon lagi nyong tandaan na


kahanga-hanga ang gating bansa dahil
maraming likas na yaman an gating
matatagpuan ditto na talaga naming
maipagmamalaki natin.”

“””

D. Paglalapat
“Ano ang mga lugar na matatagpuan sa
Luzon?, Maari nyo bang ihanay ito?”
(Tatayo ang mga bata at magsasagot)
(Magtatawag ang guro ng mgasasagot)

“Mahusa ymga bata”

“Maaari nyo bang ihanay ang mga lugar


na matatagpuan naman sa Kabisayaan?”
(Tatayo ang mga bata at magsasagot)
(Magtatawag ulit ang guro ng mga
sasagot)

“At ang huli ang mga pook-pasyalan


naman na matatagpuan sa Mindanao”
(Tatayo ang mga bata at magsasagot
(Magtatawag ang guro ng mgasasagot)

(1.2.3., 1.2.3., magaling! Magaling!


“Magaling mga bata! Bigyan nyo nga ang Magaling!)
mga sarili nyo ng magaling clap!”

E. Pagpapahalaga
“Ano ang inyong natutunan sa ating
tinalakay ngayong araw?”
“ Natutunan ko po na sobrang dami pala ang
(Magtatawag ang guro ng mgasasagot) pwedeng mapuntahan sa ating bansa.”

“Mahusay.”

“May nais pa ba mag sagot?”

“Kung wala ay araming salamat sa inyong


pakikinig mga bata!”

F. Pagtataya
PANUTO: Hanapin sa hanay B ang
tinutukoy na tanawin sa hanay A. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng wastong
sagot.

__1. Ilog sa ilalim ng A. Boracay Beach


Yungib B. Bulkang Mayon
__2. Pinaka mataa na C. Bulkang Apo
talon D. Bulkang Taan
__3 Pinaka mahabang E. Hagdan-hagdang
tulay Palayan
__4. Tahanan ng ibong F. Chocolate Hills
agila G. Mga Vinta
__5. Tumpok-tunpok na H. Tulay ng San
mga burol Juanito
__6. Patunay ng sipag I. Talon ng Maria
at tyaga ng mga Pilipino Cristina
__7. May halos J. Puerto Princesa
perpektong hugis ng Subterranean
kono River
__8. Bulkan sa gitna ng
lawa
__9. Pinong-pino ang
putting buhangin
__10. Makukulay na
tradisyunal na bangka

IV. Takdang–Aralin
Dugtungan ang mga pahayag tungkol sa
magagandang tanawin at pook-pasyalan sa
bansa. Isulat sa inyong kwaderno ang inyong
sagot.

Nalaman ko na_________________________
Ipinapangako ko na____________________

You might also like