You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin

Pagkatapos ng isang oras at sampung minuto ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.

B. Nailalarawan ang yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-mineral ng bansa.

C. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman

II. Nilalaman

a. Aralin

• Mga Pangunahing Likas na Yaman

b. Sanggunian

• Lakbay ng Lahing Pilipino Grade 4

c. Kagamitan

• PowerPoint Presyasyon, bidyo,biswal eyd

d. Pagpapahalaga

• Ang wastong pangangalaga ng likas na yaman

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga din po Binibining


Rose!

Pagbungad ng Panalangin

Tayo ay Magsitayo at Manalangin”

1
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng spirit
santo amen,

Bago kayo umupo, maaari bang pulutin


muna natin ang mga kalat sa inyong tabi
at pagkatapos ay ayusin ang mga
upuan?
Opo

Salamat mga bata.

Pagtala ng Liban

May mga lumiban ba sa klase ngayong


araw?
Wala po

Pagbabalik aral

Bago tayo dumako sa ating aralin


ngayong araw, pag-usapan muna natin
ang ating nakaraang aralin.
Ano ang inyong natutuhan sa nakaraang
leksyon? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Pagsulong at pag-unlad ng bansa

Ano pa? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Pagtangkilik sa saliring produkto

Mahusay! Mayroon pa? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Mga hamon at oportunidad sa mga
gawaing pangkabuhayan ng bansa

Sige nga, magbigay ng halimbawa ng


gawaing pangkabuhayan ng bansa (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Pagsasaka

2
Magaling!

Pangingisda

Tama! Ano pa
Negosyo at komersyo

Tama!

Pagganyak

Handa na ba kayo sa ating leksyon


ngayon? Opo!

Magaling! Dahil handa na kayo bago tayo


magsimula sa ating talakayan ay
mayroon akong ipapakitang tula na may
kinalaman sa ating leksyon ngayon

(ipinakita ang tula)

O sige mga mag-aaral magkinig ang


lahat ng mabuti dahil itutula ko ating tula
at pakatapos ay magtatanong ako kaya
makinig mabuti maliwanag ba? Opo!

(itinula ang tula)

Batay sa inyong na pakinggang tula, ano


kaya ang tatalakayin natin ngayong
umaga?
( nagtaasan ang mga kamay ng mga-
aaral)
Tungkol sa pangunahing likas na yaman
po!

Tama!

3
B. Panlinang na Gawain

Paglalahad
Ang ating tatalakayin ngayong umaga ay
tungkol sa “mga pangunahing likas na
yaman ng bansa”.

Mayroon bang ideya kung ano ang mga


pangunahing likas na yaman ng bansa?
( nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Yamang lupa!

Tama! Ano pa
( nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Yamang tubig!

Tama! At? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Yamang mineral

Mahusay!
Isa sa mga mga likas na yaman ng bansa
ay ang yamang-lupa, itinatanin at
nakapag-aani ng palay, gulay at prutas
ang mga magsasakang Pilipino. Umaasa
rin sa lupa ang mga hayop

Ano nga ulit ang inaasahan ng mga


magsasaka at mga hayop klas?
Ang yamang lupa po

Tama! Dito naman tayo sa yamang-


mineral. Isa rin sa pangunahing likas na
yaman ay ang yamang-mineral. May
mineral na metal tulad ng ginto, bakal, at
tanso. May mineral din namang di-metal
tulad ng langis, petrolyo, at geothermal
na pinagkukunan ng elektrisidad.

Ano nga ulit ang dalawang yamang

4
mineral klas?
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Metal at di-metal po

Tama! Magaling mga bata.


Ang ikatlong pangunahing likas na yaman
naman ay ang yamang-tubig. Isang
archipelago ang bansang Pilipinas kaya
naman ang yamang-tubig nito ay tulad ng
dagat, golpo, ilog, at lawa na ginagawang
pangisdaan, pinagkukunan ng inimin,
paliguan, at pinagkukunan ng inerhiya.

Mga mag-aaral, ang likas na yaman ng


bansa ay sapat upang maibigay ang
mahahalagang pangangailangan ng
mamayanan at makapamuhay ng
maginhawa. Dapat pagyamanin at
pangalagaan natin ito.

Bilang batang Pilipino, kailangan ang


inyong tulong upang mapagyaman at
masagip ang mga likas na yaman ng
bansa. Naiintindihan ba mga bata?
Opo!

C. Paglalahat

Sagutin ang mga katanungan.

Ano nga ulit ang mga pangunahing likas


na yaman ng bansa?
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Yamang lupa
Yamang tubig
At yamang mineral

Tama! Magbigay nga ng halimbawa ng


yamang lupa (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Prutas!

5
Prutas tama!
Magbigay ng halimbawa ng yamang tubig (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Dagat at ilog

Tama!
Magbigay naman ng halimbawa ng
yamang mineral (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ginto, bakal at tanso

Magaling!

Ano nga kasi uli yung dalawang yamang


mineral? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Metal at di-metal!

Tama!

D. Paglalapat

Ngayon mga bata papangkatin ko kayo


sa tatlo ito ang pangkat isa at ito naman
ang pangkat dalawa at pangkat ikatlo.
Bawat pangkat ay may tig-iisang
magboboluntary. (pumili ng tig-iisang magboboluntaryo)

Ang gagawin ninyo ay ipaghambing ang


mga larawan sa kanan sa mga salita sa
kaliwa. Naiintindihan ba mga bata?
Opo!

Handa naba kayo?


Opo!

O sige simulan niyo na!

magaling mga bata. Ang unang mabilis


na nakatapos na pangkat ay ang
pangkat-isa kaya bibigyan ng pangkat-
dalawa ng palakpak ang pangkat-isa: 1,

6
2, 1, 2, 3, 1, 2, 3, 4, yehey!

E. Pagpapahalaga

Mga bata. Ano ang natutunan ninyo


ngayon umaga? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Natutunan ko po ang tatlong
pangunahing likas na yaman ng bansa.

Tama! Ano pa? (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Natutunan ko po na dalawa ang uri ng
yamang-mineral at ito ay ang metal at di-
metal.

Tama!

Bakit kailangan natin pangalagaan ang


ating mga likas na yaman ng bansa?
Opo. kasi ang likas na yaman ay isa sa
pinaka importanteng yaman na dapat
taglayin ng isang bansa. ang likas na
yaman ay isa sa mga atraksyin natin sa
ating bansa kung kaya'y maraming mga
turista ang naiingganying pumunta dito sa
pilipinas.

IV. Pagtataya

Panuto: basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng bansa. Isulat ang mga ito
sa tamang kolum sa talahanayan.

Abaka bakal karbon


Goma kapok korales
Sinarapan perlas sulpur
Chromite tanso geothermal
Waling-waling tubo pandaka pygmaea

7
Yamang-lupa Yamang mineral Yamang tubig

V. Takdang aralin

Sagutan ang Gawain C sa aklat na Araling Panlipunan sa pahina 70. Isulat ito sa isang
buong papel.

You might also like