You are on page 1of 19

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras at sampung minuto ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
A. nakagagawa ng mahahalagang detalye sa paghambing noon at
sa kasalukuyan sa mga pagbabagong panlipunan sa
pamumuhay ng mga Pilipino sa pagdating ng mga amerikano
B. nasusuri ang mga naging impluwensya ng mga patakarang
ipinatupad ng mga Amerikano sa pangkabuhayan at lipunang
Pilipino.
C. nabibigyang pansin kung paano nakaapekto ang mga
pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga amerikano sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

II. Nilalaman
a. Aralin
 Mga pagbabago sa kulturang Pilipino sa panahon
ng mga amerikano
b. Sanggunian
 Lakbay ng Lahing Pilipino Grade 6
c. Kagamitan
 PowerPoint Presentation, Video clip, speaker
d. Pagpapahalaga
 Ang pagkilala sa impluwensya ng mga amerikano
sa kulturang pilipino
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

“Magandang umaga!”

Magandang umaga din po Binibining


Rose!”

Pagbungad ng Panalangin

“Tayo ay Magsitayo at Manalangin”

Sa ngalan ng ama, ng anak, ng spirit


santo amen,

1
Bago umupo pulutin ang mga kalat sa
inyong tabi, sa ilalim ng inyong upuan, at
pagkatapos ay ayusin na ang mga upuan

Pagtala ng Liban

May mga lumiban ba sa klase ngayong


araw?

“wala po”

Balik-aral

Ano ang natutunan nyo sa nakaraang


leksyon?

Natutuhan namin ang mga


mahahalagang pangyayari sa pakikibaka
ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan
Pilipino-amerikano.

Tama ano pa?

Natukoy ang mga pangyayaring


nagbigay-daan sa digmaan ng mga
Pilipino laban sa Estados Unidos.

Magaling!meron pa ba ?

Nabigyang halaga ang mga kontribusyon


ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan.

Mahusay ang inyong mga nabanggit!

2
Pagganyak

Ngayon sa ating talakayan mga mag-


aaral, malimit nyo bang marinig sa
usapan ng mga Pilipino sa kasalukuyan
ang mga salitang Mcdonalds, hamburger,
billiards, whiskey, sausage, at beef
steak? Iilan lamang ito sa mga bagay na
ating namana sa mga amerikano. Sanhi
ng pananakop ng mga amerikano,
marami sa mga Pilipino ang nahilig sa
mga imported na bagay. Sa kasalukuyan,
isa sa mga suliraning kinahaharap ng
ating bansa ay ang pagkakaroon ng mga
plipino ng colonial mentality.para sa iilan,
naniniwala silang mas maganda ang
isang tao kung siya ay maputi, matangos
ang ilong, matangkad, at nagtataglay ng
mga gamit na gawa sa amerika o
stateside.

Bago tayo magsimula sa ating leksyon


meron akong ipapakitang bidyo sa inyo

Ano-ano ang mga salitang nabanggit sa


bidyo?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sagot: Musika

Tama! Ano pa?

Sagot: Pananamit

Magaling!

Sagot: Sining

Mahusay !

Sagot: Palakasan

3
Sino dito ang may mga magulang o mga
kamag anak ang naka abroad sa
amerika?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Ako po yung kamag anak ko pag
umuuwi ng pilipinas meron dalang
delata, chocolate at mga damit.

Tama! pag galing sa abroad ang daming


pasalubong.

B. Panlinang na gawain
Magpapakita ako ng ilang mga larawan
tukuyin kung anong impluwensya ito ng
mga amerikano.

Pang una ano ito?

Sagot:
Musika

Tama! musika
Mahilig ba kayong makinig ng musika?

(ang mga magaaral ay sabay sabay na


sumagot)

Opo

Ano yung paburito niyong


pinapakinggan?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Taylor swift
Sagot: Justin Bieber
Sagot: Bruno mars

Magaling! Ako din paburito ko ang mga


yan.

4
Iilan lamang yan sa mga sikat na musika
na naging impluwensya ng mga
amerikano satin.

Kadalasan sa mga sikat na kanta sa


panahon ngayon ay impluwensya ng mga
amerikano. Ang mga amerikano ang nag-
impluwensya satin ng mga Classic, Jazz,
R&B, Pop, Country, Rap songs at iba pa.
ito ang ibang mga halimbawa ng mga
kanta na galling sa mga amerikano:

I will always love you by Whitney Houston


Thriller by Michael Jackson
Isnt she lovely by Stevie Wonder

I Can’t Unlove You by Kenny Roger


I’m Yours by Jason mraz
Girls Just Want To Have Fun by Cyndi
Lauper
Heartbreak Hotel by Elvis Presley

Ang susunod naman?


Ano ito?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Arkitektura

Tama! Yan yung mga gusaling nakatayo


noong panahon ng amerikano.

Susunod naman?

Sagot: Pintor

Magaling!sinong magaling magpinta o


gumuhit dito?

(nagtaasan ng kamay ang mga mag-


aaral)
Sagot: Ako po guro! Libangan ko ang
pagpipinta

Ang husay, talent yan.

Ang susunod?

5
Sagot: Nobela

Tama!meron ba ditong mahilig magbasa


ng mga kwento,watpad o kaya naman ay
magsulat ng mga tula?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: ako po guro hilig ko ang magbasa
at magsulat ng mga tula at kwento.

Ang husay, nakuha natin ang hiligna yan


sa mga amerikano.

Susunod naman ay?ano ito?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Sinehan

Sino dito ang mahilig manood ng sine?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Ako po kasama ang aking
pamilya o kaibigan.

Anong palabasan naman ang hilig mong


panoorin?

Sagot: mga palabas na drama.

Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Damit

Ayan isa sa mga nakuha natin sa mga


amerikano ang pagsusuot ng mga bistida
at pang amerikano. Lahat ba dito ay
nakapag suot na ng bistida para sa mga
babae at pang amerikano o polo sa mga
lalake?

6
(sabay sabay na sumagot ang mga mag-
aaral)
Sagot: Opo

Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Basketball

Yung mga mahihilig maglaro ng


basketball dito?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Baseball

Meron ba dito naglalaroo ng baseball?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Hamburger

Sinong mahilig kumain ng hamburger?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Fries

7
Susunod naman ay?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: Steak

Paglalahad

Ano-ano ang naging epekto nito sa


pamumuhay ng mga Pilipino?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Opo, nagiba ang pananamit ng mga
Pilipino nag asta amerikano ang
kanilang pananamit, nahiligan ng mga
Pilipino sa mga gamit at pagkain na
gawa o galing sa mga amerikano.

C. Pagtatalakay

Mga pagbabago sa kulturang Pilipino sa


panahon ng mga amerikano

Ito pa ang iba pang mga impluwensya sa


pananakop ng mga amerikano

1. Pagpapatayo ng mga paaralan


2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at
kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang ingles
5. Pagpapalahok sa Pilipino sa
pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na
may hangganan

Sistema ng edukasyon

Mga Sundalong Amerikano ang nagturo


upang malinang natin ang wikang ingles.

Mayo 1898 itinayo sa Corregidor ang


unang paaralan matapos ang labanan sa
look ng Maynila.

8
Agosto 1898 ipinatayo ang pitong
paaralan sa Maynila.

Taong 1903 itinatag ang Bureau of


Education o DEPED na ngayon at si Dr.
David Barrows ang unang director.

Mayroong tatlong pangunahing layunin


ng edukasyon noong panahon ng
America. Paki basa nga?

(saba-sabay na nagbasa ang mga mag-


aaral)

Pagpapalaganap ng demokrasya

Pagtuturo ng wikang ingles

Pagpapakalat ng kulturang amerikano

Sa pagdating ng mga gurong sundalong


pinadala ng mga amerika dito sa pilipinas
ay ginagamit nila ang Barkong Sheridans
na may pinakamalaking pangkat ng mga
guro na dumating sa pilipinas nong
Agosto 13, 1901.

Ano nga uli yung barkong ginamit ng mga


pinadalang mga guro sa pilipinas?

(sabay-sabay na nagsalita ang mga


mag-aaral)
Sagot: Barkong Sheridans

Ang Barkong Sheridans na naglalaman


ng mga Thomasites.

Mga Paaralan na itinatag ng mga


Amerikano

Paki basa nga ng sabay-sabay?

(sabay-sabay na nagsalita ang mga


mag-aaral)
Philippine Normal School(1901)

9
Siliman University(1901)

Centro Escolar University(1917)

University of the Philippines(1908)

University of Manila(1914)

Philippine Women’s University(1919)

Far Eastern University(1919)

Ipinakilala din ng mga amerikano ang


sistema ng pampublikong paaralan.

Ang mga matatalinong mag-aaral ay


ipinadala sa Estados Unidos upang
makapag-aral ng libre. Tinatawag sila
bilang mga Pensyonado (iskolar).

Dumako naman tayo sa Sining.


Mga impluwensya at pagbabago sa
Sining at Panitikan.

Paki basa nga ang una.

(nagbasa ang mag-aaral)


Namihasa ang mga Pilipino sa mga
babasahing tungkol sa kasaysayan ng
amerikano maging sa kanilang panikan.
Pangalawa?

(nagbasa ang mag-aaral)


Maraming akda tulad ng tula at mga
nobela ang naisulat ng mga kababayang
Pilipino natin sa wikang ingles na
hanggang ngayon ay nababasa pa rin.
Pangatlo paki basa.

(nagbasa ang mag-aaral)


Nabigyang sigla ang panitikang tagalog.

Pang-apat paki basa.

10
(nagbasa ang mag-aaral)
Karaniwang pagtuligsa maling
pamamahala ng mga amerikano ang
mga tema na naisulat ng mga piliino.

At pang-lima paki basa.

(nagbasa ang mag-aaral)


Ang mga sining ng mga pintor at eskultor
at itinuturing na napakahalaga sa
kasalukuyan.

Magaling!

Dumako tayo sa panitikan.


Isang bagong pangkat ng mananakop
ang nagdala ng mga pagbabago sa
panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang
mga bagong anyo ng literatura gaya ng
malayang taludturan (sa mga tula),
maikling kwento at mapamunang
sanaysay (critical essay). Ang
impluwensya ng mga Amerikanong
mananakop ay nanatili kaalinsabay ng
pagtatalaga sa Ingles bilang wikang
ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa
gayundin ng paglinang sa masining na
kamalayan ng mga manunulat batay sa
modernong panitikang dala ng mga
mananakop.

Panitikang Filipino sa ingles

Jose Garcia Villa “Doveglion”;


pinakatanyag na pilipinong manunulat sa
ingles

Jorge Bacobo sinulat” Filipino Contact


with Amerika’; A Vision o Beauty

Zoilong Galang sumulat ng kauna-


unahang nobelang Pilipino sa wikang
ingles na pinamagatang “ A Child of
Sorrow”

Zulueta De Costa nagkamit ng unang


gantimpala sa tulang “ Like the Molave”

11
NVM Gonzales may akda ng “My Islands”
at “Chidren of the Ash Covered Loom”.
Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa
India.

Pumunta naman tayo sa relihiyon paki


basa nga.

(sabay- sabay na nagbasa ang mga


mag-aaral)
Ipinatupad ng mga Amerikano ang
patakaran ukol sa paghihiwalay ng
simbahan at estado.

Susunod naman?

(sabay- sabay na nagbasa ang mga


mag-aaral)
Ipinakilala din nila ang mga relihiyong
Protestantismo at pamamahagi ng
bibliya.

Pinayagan din ang pagtatatag ng bagong


mga relihiyon tulad ng Philippine
Independent Church (Gregorio Aglipay)
at Iglesia ni Cristo (Felix Manalo).

Pumunta naman tayo sa Kalagayang


pang kalusugan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano

Binigyang pansin ng mga Amerikano ang


kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino.
Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa
kalusugan ng Bayan o Board of Public
Health noong 1901. Natuto rin ang mga
Pilipino ng wastong pagpapanatili ng
kalinisan sa sarili at pagkain.

Itinayo sa mga bayan ang mga sentrong


pangkalusugan tulad ng klinika at ospital.
Pinakatanyag sa mga ito ang Philippine
General Hospital na itinayo noong 1901.
Sa pamamagitan din ng mga
makabagong medisina at paraan ng
panggagamot nasugpo ang pagkalat ng
mga nakakahawang sakit tulad ng
ketong, tuberculosis, kolera, at bulutong.

12
Kalagayan ng kalusugan sa panahon ng
amerikano paki basa ng sabay-sabay

(sabay-sabay na nagbasa ang mga


mag-aaral)
Cholera
Smallpox
Peste
Pagamutan
Puericulture center
Klinika
Makabagong paraan ng panggagamot
Paggamit ng mga mahuhusay na gamut

Magaling! Susunod naman ay meron


tayong kalusugan at kalinisan

Paglilinis ng mga kalye at kanal.


Tamang pagtatapon ng mga basura sa
bahay at mga patay na hayop.
Pangangalaga at pamamahala sa mga
libingan.

Dahil sa mga programang ito, lumiit ang


bilang ng populasyon ng bansa.

Dumako naman tayo sa pag-unlad ng


trasportasyon at komunikasyon

Ang trasportasyon at komunikasyon ay


mahahalagang salik pag-unlad ng isang
lugar kaya naman ito ang mga bagay na
pinagtuonan ng pansin ng mga
amerikano sa bansa.

Naabutan niyo pa ba yung mga telepono


na ganito disaksak?

(nagsalita ang mga mag-aaral )


Sagot: opo naabutan ko pa yan guro

Sagot: hindi po

Marahil iilan lamang sainyo ay naautan


pa yung ganitong ichura ng telepono
noon.

Inuna nilang ipagawa ng mga lansangan


at tulay sa bansa. Nagkaroon ng iba’t

13
ibang uri ng sasakyan sa bansa tulad ng
bisikleta, trak, at motorsiklo na nagpabilis
ng paglalakbay.

Sakanila natin nakuha yung mga


sinasakyan natin ngayon para mapabilis
yung pagdating natin sa isang lugar
nakung saan tayo pupunta.

Meron pa ba tayong nakikitang sasakyan


ng mga tren ngayon?

(sabay-sabay na nagsalita ang mga


mag-aaral)
Sagot: Opo sa maynila po meron

Tama! Sa maynila meron pa tayong


nakikitang tren.

Meron na ba ditong nakasakay ng


eroplano?

(sumagot ang mga mag-aaral)


Sagot: opo
Sagot: hindi po

Iilan lamang satin ang nakasakay na sa


eroplano, madaming ganyan sa clark
yung ginagawang pasyalan.

Natutuhan ng mga Pilipino ang paggamit


ng telegrapong walang kawad (wireless
telegraph).
Ang mga amerikano rin ang nagpakilala
sa bansa ng paggamit ng radio bilang
isang paraan ng paghahatid ng mga
balita o pakikipagkomunikasyon. May
mga estasyon ng radio na itinalaga ng
pamahalaan at ilang pribadong
kompanya. Noong 1939, nagkaroon ng
apat na pribadong estasyon ng radio sa
bansa. Ito ay ang KZRM, KZRH at KZRF
sa Maynila, at KZRC sa Cebu.

Pumunta naman tayo sa tahanan at


gusali sa ilalim ng pamamahala ng mga
amerikano, ang mga disenyo ng bahay

14
ay gusali sa bansa ay lalung nagbago.
Ang mga tahanan gaya ng bungalow,
chalet, apartment at mga kontretong
bahay at gusali ay nauso. Ginagamitan
ito ng mga bakal. Kaya’t higit na matibay
ang pundasyon ng mga ito.

Isang halimbawa ng disenyo ito ang


gusali ng Korte Sumprema, kagawaran
ng agrikultura, at tanggapan ng Koreo sa
Maynila.

pumunta naman tayo sa pamumuhay

Tinatawag ng mga amerikano ang mga


Pilipino na “ na Little brown Americanas”
dahil sa matinding impluwensya ng mga
Amerikano, unti-unting nagbago ang
anyo, hilig, at pamumuhay ng mga
Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay
mababakas pa rin sa buhay ng maraming
Pilipino.

Isa sa mga natutunan ng kalalakihan ang


pagsuot ng polo shirt, amerikana, kurbata
at pantalon.

Ito para sa mga lalake nagsusuot ng mga


ganito pag meron okasyon.

Natutuhan naman ng mga pilipina ang


pagsusuot ng bestida, sapatos na mataas
ang taking, handbag at pati na rin ang
paggamit ng make up, lotion at pabango.

Ito sa mga babae meron ba dito mahilig


sa bestida? mag suot ng di-takong ? o
kaya naman ay mag make-up o
magpaganda ? gumagamit ng lotion para
pumuti? Mag pabango at gumamit ng
magaganda bag.

(nagsalita ang mga mag-aaral)


Sagot: Opo guro sobrang hilig kop o sa
ganyan.

15
Dito naman tayo sa mga pagkain,
Ipinakilala rin sa atin ng mga amerikano
ang pagkaing tulad ng hamon, hotdog,
sausage, beef steak, hamburger,
cookies, sandwiches at pagkain ng
tinapay bilang pamalit sa kanin.

Sino dito ang mahilig kumain?


Siguro lahat tayo may mga kanya
kanyang paburitong pagkain.

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: ako po guro paburito kong
kumain ng hotdog at hamburger

Natutuhan din ng mga Pilipino ang pag-


inom ng softdrinks, beer at whiskey.
Sakanila natin galling ang mga ito. Mga
mag-aaral bawal uminom ng alak
softdrinks puwede at alam ko marami
sainyo ang mahilig uminom ng softdrinks.

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: opo guro ako po mahilig sa
softdrinks

Pero hinay hinay lang sa paginom ng


softdrinks nakakasama din yan sa ating
kalusugan.

Pinakilala din ng mga amerikano ang


mga kagamitang nagpagaan sa
mgagawain tulad ng refrigerator, floor
polisher, washing machine, vacuum
cleaner, rice cooker, at marami pang iba.

Sakanila din pala natin nakuha yung mga


gamit natin sa bahay at sigurado ako
meron isa jan sa mga ito ay meron kayo
sa bahay niyo.

At siyempre nakahiligan din ng mga


Pilipino ang ibat ibang libangan dala sa
atin ng mga Americano tulad ng sine,
paglalaro ng bowling, billiards, pingpong,
baseball ,volleyball, basketball, soft ball,
football.

16
Sino dito ang mahilig sa palakasan?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Sagot: ako po mahilig sa palakasan

Ano ang iyong madalas na nilalaro?

Sagot: volleyball po

Magandang laro, gusto ko rin yan.

D. Paglalahat

Mga tanong:
1. Sa iyong palagay naging
matagumpay ba ang mga
amerikano sa sistema ng
edukasyong ipinalaganap nila sa
bansa?

Sagot: opo, ang edukasyon ay naging


bukas para sa lahat. Nabigyang
pagkakataong makapag-aral ang
mayaman man o mahirap. Naitatag ang
mga pambublikong paaralan na
nagbigay ng libreng edukasyon para sa
Pilipino.

2. Ano-ano ang mga


pagbabago/pag-unlad ng bansa sa
larangan ng panitikan, relihiyon,
kalusugan, kalinisan, at
trasportansyon at komunikasyon
sa panahon ng mga amerikano?

Sagot: sa panitikan matuto sa wikang


ingles, sa relihiyon nag ambag ang
amerikano sa mga Pilipino ang
relihiyong Protestantismo, sa kalusugan
at kalinisan natutunan ng mga Pilipino
ang wastong pagpapanatili ng kalinisan
sa sarili at pagkain, trasportasyon at
komunikasyon nabago mas napabilis
ang makikipag usap dahil sa telepono at
paglalakbay gamit ang motorsiklo at iba
pa.

17
3. Paano nakatulong ang mga
pagbabago sa pag-unlad ng
bansa?

Nakatulong sa pagbabago sa pag-unlad


sa bansa unang una sa edukasyon nag
patupad sila ng libreng edukasyon,
pangalawa sa mga bagay na nakuha
naten sa mga amerikano mga sasakyan
na mabilisan ang takbo, mga pagkain,
mga damit na magaganda, at mabilisang
komunikasyon. Malaki ang naitulong nito
sa ating bansa.

E. Paglalapat
Punan ang tsart sa ibaba ng
mahahalagang detalye upang inyong
matalakay ang mga pagbabago
panlipunan sa pamumuhay ng mga
Pilipino sa pagdating ng mga amerikano
at saka ito ihambing sa kasalukuyan.
Pagbabag Pagbabago sa
o sa kasalukuyan
panahon Panahon
ng mga
amerikano
Edukasyon
Kalusugan
Trasportasyon
komunikasyon

F. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, alin sa mga
impluwensya ng mga amerikano ang
pinakamahalaga? Bakit?

Ang pinakamahalaga ay yung


edukasyon, dahil kung hindi ka nakapag
aral paano ka makakabasa o
makakasulat? Lalu na mahalaga sa atin
ang nakapag tapos ng pag-aaral para
ang buhay ay uunlad rin.

18
IV.Pagtataya
Suriin ang mga detalyeng paksang tinalakay tungkol sa impluwensya
ng mga amerikano sa kulturang Pilipino. Lagyan ng tsek ang naging
impluwensya ng mga amerikano sa bansa at ekis ang hindi. Isulat ang
sagot sa linya.

_____1. Balkonahe at asotea


_____2. Bungalow, chalet, at apartment
_____3. Kampana sa mga simbahan
_____4. Motorsiklo at automobile
_____5. Pagdiriwang ng pista
_____6. Paggamit ng flush sa palikuran
_____7. Pagnonobela at pagrorosaryo
_____8. Sasakyang panghimpapawid
_____9. Telepono, radio, telegrapo
_____10. Trambiyang pinatatakbo ng elektrisidad.

V. Takdang aralin
Gamitin ang Paabanikong Pagsususri ng Pangyayari (PPP), isa-isahin
at suriin ang mahahalagang ambag o kontribusyon ng mga Amerikano
sa kulturang Pilipino.

Mahahalagang
Pagbabago sa Lipunan sa
Panahon ng mga
Amerikano

19

You might also like