You are on page 1of 52

Kilala mo ba siya?

Ano ang kadalasang ginagawa niya kapag


nakikita mo siya sa telebisyon?
Bakit kaya niya binabasa ang mga liham na
iyon?
Liham Pangkaibigan
Ang pagsulat at pagpapadala ng
liham ay isang paraan ng
komunikasyon o pakikipag-usap.

Ang liham pangkaibigan ay


isinusulat para sa isang kaibigan o
kakilala.
Uri ng Liham Pangkaibigan
May iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan ayon sa
gamit nito:
• Pagbabalita at Pangangamusta
• Paanyaya
• Pangtanggap
• Pangtanggi
• Pakikiramay
• Paghingi ng Paumanhin
• Pasasalamat
• Paghingi ng Payo
• Pagbati
Mga Bahagi
ng Liham
Pamuhatan
-nagsasaad ng
tirahan ng sumulat
at ang petsa kung
kailan isinulat ang
liham
-makikita ito sa
itaas at kanang
bahagi ng papel
Bating Panimula
-maikling pagbati o
pambungad na
pagbati sa
sinusulatan
-nilalagyan ng
bantas na kuwit sa
hulihan at
nakalagay sa
kaliwang bahagi ng
papel pagkatapos
na pamuhatan
Katawan ng Liham
-ang
pinakamahalagang
bahagi ng liham ng
nagsasabi ng
dahilan ng pagliham
sa anyong talata
Bating Pangwakas
-maikli at magalang
na pamamaalam
-isinusulat
pagkatapos ng
katawan ng liham
na katapat ng
pamuhatan at
nilalagyan rin ng
kuwit sa huli
Lagda
-narito ang
pangalan o palayaw
ng sumulat
Ang Sobre
Ang liham ay kadalasang inilalagay sa loob ng isang
sobre. Narito ang wastong paglalagay ng kailangang
impormasyon sa sobre:
Mario C. Gomez
52 Mahogany St.
New Village, Quezon City

Lukas P. Romero
62 Malik Rd., Brgy Zamora
selyo
Tondo, Manila

pangalan at pangalan at
tirahan ng tirahan ng
sumulat sinulatan
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
1.Liham Pagbabalita

Ito ay uri ng liham na pinakamadalas sulatin.


Sa liham na ito ay ating ipinababatid sa mga
kaibigan o mahal sa buhay ang mga balita, o
anumang pangyayaring nais nating malaman
nila tungkol sa atin. Nararapat kung gayon
na maging masigla, kawili-wili, at parang
nakikipag-usap lang ang tono ng liham na ito.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
2. Liham Paanyaya

Liham na nagsasaad ng paanyaya sa isang


mahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad sa
liham ang mahahalagang detalye ng okasyon
tulad ng kung ano ito, kailan at saan
magaganap. Madalas inilalagay rin ang uri ng
kasuotang inaasahan gayundin ang direksyon
papunta sa lugar ng okasyon.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
3. Liham Pagtatanggap

Isang mabuting kaugalian ang pagpapadala ng


ganitong uri ng liham upang matiyak ng nag-
aanyaya kung ilang bisita ang aasahan niya sa
pagtitipon. Nakasaad dito ang pagtiyak sa
pagdalo at kung ilan silang dadalo.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
4. Liham Pagtanggi

Isa ring kabutihang-asal ang pagpapahayag ng


pagtanggi sa isang paanyaya kung sadyang hindi
makadadalo upang hindi umasa ang nag-aanyaya
na dadalo ang inaanyayahan. Magalang na ilahad
ang dahilan sa pagtanggi upang ito’y maunawaan
ng nag-aanyaya .
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
5. Liham Pakikiramay

Liham na nagsasaad ng pakikiisa sa kalungkutan


o nararamdaman ng sinusulatan. Karaniwan
itong isinusulat para sa namatayan.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
6. Liham Paumanhin

Liham na nagsasaad ng paghingi ng tawad o


dispensa sa pagkakamaling nagawa sinasadya
man o hindi. Kasabay nito ang pangakong
iiwasang maulit pa ang naging pagkakamali.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
7. Liham na Nagpapasasalamat

Ipinapadala ang liham na ito bilang pasasalamat


sa mga natanggap na tulong – materyal man o
hindi.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
8. Paghingi ng payo

Ipinapadala ang liham na ito upang humingi ng


payo tungkol sa ibat-ibang bagay o pangyayari.
MGA URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
8. Pagbati

Ang Liham Pagbati ay isang liham na naglalahad


ng pagbati sa isang tao na nanalo sa isang
patimpalak o di kaya'y nakatanggan ng
karangalan. Maaari rin itong gamitin bilang
pagbati sa kaarawan ng isang tao.
Basahin ang mga sumusunod
na liham pangkaibigan at
tukuyin ang uri ng bawat isa:
31 Africa St.
Cembo, Makati
16 Marso 1987
Mahal kong Lola Isang,

Magandang araw! Kumusta na kayo ni lolo? Nawa’y nasa mabuti


kayong kalagayan.

Nais ko pong ipaalam na kami ay nakauwi na mula sa aming


bakasyon at maayos naman po ang aming kalagayan. Kami ay
bibisita sa inyo sa susunod na buwan. Nasasabik na kaming lahat na
makasama kayo ni lolo Sulping.

Lagi ko pong ipinagdarasal ang inyong kabutihan at kalusugan.

Nagmamahal,
Julita
#48 Gumamela St.
Casa Villas, Cavite
07 Setyembre 1982
Sa aking Tiya Sita,

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Nababatid kong nagdadalamhati pa rin po kayo sa pagkamatay ng


inyong anak. Hindi madaling tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa
buhay. Gayunpaman, nais ko pong malaman ninyo na ako, sampu ng aking
pamilya ay nakikiramay sa inyo. Lagi po naming isasama ang yumao n’yong
anak na si Ramil sa aming mga panalangin.

Nagmamahal,
Linda
Apt. C, Java Rd.
Sta. Rosa, Laguna
01 Mayo 1993
Minamahal kong Julian,

Magandang araw sa iyo!

Natanggap ko ang mga ipinadala mong bulaklak at kard para sa sa akin


noong isang linggo. Talaga namang nagustuhan ko ang mga bulaklak at
napakaganda ng mensaheng isinulat mo sa kard. Kaya naman nais kong
ipahatid sa iyo ang taos-puso kong pasasalamat sapagkat talagang
pinaganda ng iyong mga regalo ang aking kaarawan. Maraming salamat.

Sumasaiyo,
Laura
913 Arlington St.
San Jose, Iloilo City
21 Agosto 2002
Mahal kong Myrna,

Kumusta na aking kaibigan?

Ako naman ay talagang nagagalak na imbitahan ka sa gaganaping Dinagyang


Festival dito sa aming bayan. Ito ay gaganapin sa Enero. Tinitiyak kong
masisiyahan ka sa makukulay na mga palamuti sa paligid at mga kahanga-
hangang pagtatanghal. Talaga namang ipinagmamalaki naming mga taga-
Iloilo ang pagdiriwang na ito.

Aasahan ko ang iyong pagdating!

Ang iyong kaibigan,


Helen
Room 816, SF Condominium
San Vicente, Cebu City
19 Pebrero 1995
Mahal kong Pablo,

Sana ay nasa maganda kang kundisyon sa pagtanggap mo ng aking


liham. Sumulat ako sa iyo dahil nais ko sanang hingin ang iyong opinyon
hinggil sa aking problema.
Nag-aaklas ngayon ang mga manggagawa sa aking pabrika.
Humihingi sila ng umento sa sahod na hindi ko naman kayang ibigay
sapagkat panahon ngayon ng recession. Bilang dating meyor ng iyong
bayan, nais ko sanang humingi ng payo sa iyo kung ano ang maaari kong
gawin upang masolusyunan ang suliranin kong ito.
Anumang payo mo aking pinasasalamatan
Lubos na gumagalang,
Danilo
# 324, Zone 3, Maligaya Street,
San Pascual, Tondo, Manila
Pebrero 7, 2007

Mahal na Hannah,

Magandang Araw sa iyo aking kaibigan!

Natutuwa akong marinig ang tungkol sa iyong bagong trabaho sa JYPCompany. Alam kong matagal ka nang paghahanap upang mahanap angtamang posisyon, ngunit tila ito ay magiging isang magandang tugma parasa iyong mga
kasanayan at karanasan.

Inaasahan ko na marinig ang lahat tungkol dito sa lalong madalingpanahon! Kapag nag-ayos ka na, gustung-gusto kong ilabas ka para sa isangkape upang makamit ang lahat. Good luck sa iyong unang araw mo sabagong posisyon.

Ang iyong kaibigan,


Vanessa
136 Sanchez St.,
MatlangIsabel, Leyte
Ika-10 ng Agosto, 2019

Mahal kong kaibigan,

Natanggap ko ang iyong liham paanyaya tungkol sa iyong selebrasyon ng iyong ika-18
nakarawaan sa ika-20 ng Agosto, 2018. Binabati kita ng maligayang kaarawan at
masaya akona natupad mo na ang iyong pinapangarap na engrandeng debut. Ngunit,
hihingi lang akong paumanhin dahil hindi ako makakapunta sa iyong kaarawan kahit
sampung araw nalang.

Ito ay sa dahilang mayroon akong dadaluhang aktibidad ng aming simbahan sa


kaparehongaraw ng iyong kaarawan. At alam mo naman kung anong aktibidad iyong
dahil taon-taonkaming nagsasagawa ng ganitong aktibidad.Sana ay maintindihan mo
kung bakit hindi ako makakadalo sa iyong kaarawan. Ang iyongregalo ay ibibigay ko na
lang kay Heart para siya na lang ang mag-abot sa iyo.

Sana aymaging masaya ka sa araw ng iyong selebrasyon kahit wala man ako doon,
dadalo namanang iba pa nating mga kaibigan. Maraming salamat sa pag-unawa.

Ang iyong kaibigan,


Harly Joe E. Baguna
6 A. Mabini St.
Malate, Manila
Oktubre 31,2009

Mahal kong Fiona,

Magandang araw sa iyo!

Natanggap ko ang iyong liham paanyaya tungkol sa iyong


pagtatapos. Asahan mo ang aking pagdalo sa iyong
pagtatapos. Ako ay sobrang saya at ipinagmamalaki kita.
Mas galingan mo pa ang iyong pag-aaral.

Nagmamahal,
Tita Ana
6 A. Mabini St.
Malate, Manila
Oktubre 31,2009

Mahal kong Geneva,

Kumusta ka na?

Sumulat ako sa iyo upang humingi ng paumanhin dahil


hindi ako nakapunta sa iyong kaarawan noong Sabado.
Muli, ako’y humihingi ng paumanhin.

Ang iyong kaibigan,


Ana
Tukuyin ang bahagi ng liham
pangkaibigan na kakikitaan ng mga
sumusunod:
1. Selena

2. Sa aking mahal na kaibigan,

3. Nais kitang batiin sa iyong


pagtatagumpay sa ginanap na Palarong
Pambansa!
Tukuyin ang bahagi ng liham
pangkaibigan na kakikitaan ng mga
sumusunod:
4. Ang iyong kamag-aral,

5. Blk 25 L 5 Sunshine Homes


Brgy. Bato-bato, Antipolo, Rizal
20 Mayo 1987
Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan
na itinuturo ng bawat bilang:
Mga Sagot:
4
1. Bating Panimula
1 2. Katawan ng Liham
3. Bating Pangwakas
2 4. Pamuhatan
5. Lagda

5
ANYO NG LIHAM
Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang
ginagamit sa pagsusulat.

Mapapansin na mas madaling


tandaan ang GANAP NA BLAK na
anyo ng liham. Lahat ay
magsisimula sa pinaka-kaliwang
bahagi ng liham
ANYO NG LIHAM
Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang
ginagamit sa pagsusulat.

Ang MODIFAY BLAK ay halos


katulad ng GANAP NA BLAK ,
ang kaibahan lamang ay ang
pamuhatan at ang bating
pangwakas at lagda ay nasa
bandang kanan ng liham
ANYO NG LIHAM
Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang
ginagamit sa pagsusulat.

Dito ang pamuhatan lamang ang


nasa kanan. Ang unang mga
salita sa kanan ay naka-indent
of nakaurong ng konti sa
kanan.
KATANGIAN NG ISANG
MAAYOS NA LIHAM
Sa iyong pagsulat ng liham, tiyakin mo na taglay nito ang
mga sumusunod na katangian ng isang maayos na liham:

1. Malinaw (clear)
Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa kung
paano mo pinagsunudsunod ang iyong mga ideya. Ang
isang liham ay hindi dapat na maging sobrang haba o
maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap.
Laging mong tandaan na angkasimplihan ay daan sa
madaling pagkaunawa.
2. Wasto (correct)

Lagi mong isaisip na anumang liham ay dapat magtalglay


ng angkop at tiyak na impormasyon. Tiyakin mo na wasto
ang iyong bawat pahayag o sasabihin sa iyong liham.
Kasama rin sa kawastuhan ang tamang pagbabantas.

3. Buo ang kaisipan (complete idea)

Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong isinama


sa liham. Ang kasapatan ng mga impormasyon ng isang
liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan o
ideya na nais ipabatid nito.
4. Magalang (courteous)
Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat.
Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng paggalang
lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa taong iyong
sinusulatan.

5. Maikli (concise)
Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong
liham ay nakatutulong sa pagbabatid ng nais mong
sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang
kabuluhan at hindi makatutulong sa nais mong sabihin.
6. Kombersasyonal (conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham
kung ang bumabasa nito’y parang personal na kausap ng
sumulat. Sabihin sa paraang natural ang mga nais mong
sabihin upang higit na maging epektibo ang
pagkakaunawaan.
Lagi mong tandaan na ang iyong liham ay nagsisilbing
repleksyon ng iyong sarili o pagkatao.

Kung kaya mahalagang suriin muna itong mabuti at


iwasto ang mga pagkakamali bago ipadala sa taong
padadalhan.

Anumang magandang katangian ng iyong liham ay


masasabing katangian mo na rin bilang isang tao.
MGA BANTAS
Ang paggamit ng bantas ay nakatutulong upang maging
maayos ang iyong liham.

Ano ba ang mga bantas?

Ang mga bantas ay mga simbolo at gabay na ginagamit


sa pagsulat.

Anu-anong bantas ang nakita mong ginamit sa liham?

tuldok (.) kuwit (,)


tandang pananong (?) tutuldok (:)
tandang panamdam (!) panipi(“ ”)
gitling (-) kudlit (‘)
1.Tuldok (.)

Saan-saan ito ginamit?

a.) Sa hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat?


Mga Halimbawa:
G. (Ginoo)
Bb. (Binibini)

b.) Sa inisyal ng pangalan?


Halimbawa: G.M.A. (Gloria Macapagal – Arroyo)

c.) Sa hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pautos at


pakiusap?
Mga Halimbawa:

• Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita.


• Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding problema ng
kahirapan sa ating bansa.
2. Tandang pananong (?)

Inilalagay ito sa dulo ng pangungusap na patanong

Halimbawa:
May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan?

3. Tandang panamdam (!)?

Ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala, o pangungusap na


nagpapahayag ng masidhing damdamin.

Halimbawa:
Maraming salamat po!
4. Kuwit (,)

a.) Petsa upang ihiwalay ang araw sa taon

Halimbawa: Oktubre 13, 2004

b.) Paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng nagsasalita sa iba pang


bahagi ng pangungusap?

Halimbawa:

Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo,


“nakasalalay sa policy-making body ang mga pamamalakad, kung
babaguhin o hindi ang klase ng polisiya nang ahensya”.
4. Kuwit (,)

c.) Paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay talaan?

Mga Halimbawa:

Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis,


pagkain, at pamasahe. Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang pagtaas ng
presyo ng mga pangunahing bilihin, kung kaya, ang dating kasyang-
kasyang kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang na kulang na.

d.) Paghihiwalay ng bayan at lalawigan o ng bayan at lungsod?

Mga Halimbawa:

Muzon, San Jose del Monte City


Sampaloc, Manila
4. Kuwit (,)

e.) Bating-panimula at bating pangwakas ng liham?

Mga Halimbawa:

Lubos na gumagalang,
Mahal kong kaibigan,

f.) Hulihan ng panimulang salita, parirala o sugnay?

Mga Halimbawa:

Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat


hanggang limang porsiyento ang implasyon taong 2004
hanggang 2006.

At bilang isang kabataang Pilipino, ako po’y mag-aaral na


mabuti.
5. Tutuldok (:)

a.) Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod

Halimbawa:

Maraming mga magaganap na kasayahan tulad ng: parada, sayawan sa


kalsada, mga larong Pinoy, kantahan, at marami pang iba.

b.) Paghihiwalay sa mga minuto at oras.

Halimbawa:
8:20 ng umaga
6. Panipi (“ “)

a.) Ginagamit sa pamagat na kasama sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong


ika-13 ng Oktubre 2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng
Bilihin Tuloy sa '05 – BSP”.

b.) Pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap.

Halimbawa:

Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C.


Guinigundo, “nakasalalay sa policy-making body ang mga
pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng
polisiya nang ahensya”.
7. Gitling (-)

a.) Ginamit ito sa pagitan ng panlaping ika at tambilang.

Halimbawa: ika-13 ng Oktubre 2004

b.) Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-


ugat na nagsisimula sa patinig.

Halimbawa: mag-aaral

c.) Sa pagitan ng salitang inuulit.

Halimbawa:

kasyang-kasyang
tuloy-tuloy
8. Kudlit (‘)

Ginagamit naman ang kudlit bilang panghalili sa isang kinaltas na


titik.

Mga Halimbawa:

sana’y (sana ay)


nawa’y (nawa ay)
Tandaan!
Ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga sa
anumang uri ng liham na isusulat.

Nakatutulong ito upang maging malinaw ang


pagpapahayag mo ng iyong saloobin o pananaw ukol sa
isang mahalagang isyu.

Ang kawalan ng ingat sa paggamit ng mga bantas ay


kadalasang nagreresulta sa maling pagtanggap ng
mensahe na taong sinusulatan.
Proyekto
Gumawa ng ibat-ibang uri ng liham pangkaibigan:
•Pagbabalita at Pangangamusta
•Paanyaya
•Pangtanggap
•Pangtanggi
•Pakikiramay
•Paghingi ng Paumanhin
•Pasasalamat
•Paghingi ng Payo
•Pagbati

Gumamit ng ibat-ibang anyo ng liham: Ganap ng blak, Modify blak, semi-blak.

Gumamit ng tamang bantas.

Isulat ito sa inyong sulating pangwakas (formal theme). Iupload ang larawan
ng inyong mga liham sa seesaw.

Deadline: May 21, 2021

You might also like