You are on page 1of 5

Maagang dumating sa paaralan si

Wasana, habang hinihintay niya na


dumating ang kanyang mga kamag-
aral, lumabas muna siya ng silid at
pinagmasdan ang malakas ng buhos
ng ulan. Napansin ni Wasana ang
isang burol na dinadaluyan ng tubig
na bumagbagsak pababa. Biglang
kinabahan si Wasana at naalala ang
ipinalabas sa kanilang klase sa
Disaster Management. Dali-daling
nagtatatakbo si Wasana ata
sumigaw ng “Labas-labas kayong
lahat!”.Guguho na ang burol at
maari tayong madamay. Dahil sa
sigaw ni Wasana nagulantang ang
buong paaralan at dali-daling
lumabas ng kanya kanyang silid-
aralan. Maya maya dumating ang
punong guro na si G. Nihal at dali
dali ibinalita ni Wasana ang
nangyayari sa burol. Di’ lumaon ay
gumuho na nga ng tuluyan ang
burol. Umuwi si Wasana ng putikan
ang damit at sinabi sa ina siya ay
tumulong sa pagligtas ng 200
kapwa mag-aaral. Hindi naniwala
ang ina hanggang napanood niya sa
telebisyon ang anak, tinadtad niya
ito ng halik, at proud na proud sa
anak. Dahil sa kabayanihang
ginawa ni Wasana, siya ay
ginawaran ng Gold Star for Civilian
Bravery mula sa Foundation for
Civilian Bravery ng Sri Lanka. Ang
isang guro naman niya ay gumawa
ng isang aklat na pinamagatang
Gold Star 1 tungkol kay Wasana,
nang sagayon ay maging
inspirasyon siya sa kapwa tao.

You might also like