You are on page 1of 3

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
a. natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari.
b.naihahambing ang panghalip na panao palagyo at paari.
c. nakabubuo ng pangungusap gamit ang panghalip na panaong
palagyo at paari.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Panghalip panao at mga uri nito
Sanggunian: Pluma p. 287-289
Kagamitan: Panturong biswal at mga larawan
Pagpapahalaga: Nalalaman Panghalip panao

III. Pamamaraan:

a. Paunang Gawain

Panalangin
Pagbati
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtetsek ng liban at hindi liban sa klase

b. Pangganyak
May ipapakitang mga larawan sa mga mag- aaral na kung saan pipili ng angkop
na salita na naayon sa larawan upang mabuo ang mga pangungusap.

c. Pagtatalakay
1. Tatalakayin ang Panghalip Panao at dalawang uri nito.
2. Magkakaroon ng talakayang guro mag- aaral patungkol sa paksang tinalakay.
3. Magbibigay ng halimba ang mga mag- aaral patungkol sa Panghalip Panao at
mga uri nito.
d. Paglalapat

Ihahanay ang mga mag- aaral sa dalawang pangkat kung saan sila ay gagawa
ng mga pangungusap na panghalip panao at anyo nito.
Bubunot ang mga mag- aaral sa loob ng kahon ng pula at asul na kulay kung
saan magrerepresenta ng katanungan at pangungusap patungkol sa paksang
tinalakay
F .Paglalahat:

Sino ang makapagsasabi kung ano ang tinalakay natin sa araw na ito?

Panghalip panao
Dalawang uri ng panghalip panao ang palagyo at paari.

G. Ebalwasyon /Pagtataya:

Kukuha ng isang buong pirasong papel at magbibigay ng mga halimbawa ng


Panghalip Panao at mga uri nito.

H. Takdang Aralin

Basahin ang Kwento ni Mabuti sa Aklat na Pluma pahina 89- 91 at


salungguhitan ang mga panghalip na makikita sa kwento.

Inihanda ni: Gng. Cynthia N. Macabantad

You might also like