You are on page 1of 16

Baitang

Si Vanesa
ANG BATANG
MASIPAG
PUMASOK

Kwento ni: VERNALIZA O. TANAZANA


Paglalarawan ni: IRISH MAE V. VILLAFLORES
Si Vanesa ay isang mag-aaral sa ikalawang
baitang. Ang kanilang bahay ay malayo sa
paaralan. Dumadaan siya sa maputik na daan
kapag umuulan at tumatawid siya sa ilog sa
pamamagitan ng tulay na kawayan
Isang
umaga
papasok na
siya sa
paaralan
subalit
malakas
ang ulan.
"Vanesa,
huwag ka
na munang
pumasok
sa
paaralan
dahil
malakas
ang ulan."

"Gusto ko pong pumasok Nanay,


ayaw ko pong lumiban sa klase."
"Ngunit napaka delikado sa
daan, at baka bumaha sa
ilog. Delikado sa pagtawid
mo sa kawayang tulay."

"Gusto ko
pong pumasok
Nanay."

"Sige anak, maghanda


kana sa pagpasok mo
sa paaralan."
Naghanda na si vanesa sa pagpasok
sa paaralan. Kumain na siya ng
almusal, nagsipilyo, naligo at
nagbihis. Inihanda naman ng kanyang
Nanay ang kanyang baon sa
paaralan.

Inihanda naman ng kanyang Nanay


ang kanyang baon sa paaralan.
Handa ng pumasok si Vanesa sa
paaralan kahit malakas ang ulan.

Nagpaalam na siya sa kanyang


Nanay.
Habang papasok sa
paaralan,
bumubuhos pa ang
malakas na ulan
at napaka putik ng
daan. Nababasa
din ang kanyang
damit kahit siya
ay may payong at
kapote.
Sa daan, nakita niya ang kanyang
kaklase na si Adrian.

"Adrian, sabay na tayo


paglalakad."

"Sige Vanesa, para may


makasama ako sa
pagpasok sa paaralan."
Sabay na naglakad ang
magkaklaseng sina Vanesa at
Adrian.

Ingat na ingat sila sa pagtawid sa


kawayang tulay. At dahil umuulan
ay napakadulas nito.

Ligtas naman silang nakatawid sa


kawayang tulay.
Nagpatuloy silang dalawa sa
paglalakad hanggang marating ang
paaralan.
Pagdating nila sa paaralan ay
nandoon na ang kanilang guro na si
Gng. Flores.

"Magandang
umaga po
Gng. Flores"

"Magandang umaga din


Vanesa at Adrian."
Pagpasok nila sa
kanilang silid-aralan ay
napansin nilang wala
pang ibang mag-aaral
kundi silang dalawa pa
lamang ni Adrian.
Maya maya pa, ay tumigil
na ang ulan at nagpakita
na ang araw.
Dumating na din ang
kanilang mga kamag-aaral
at nagsimula ng magklase
ang kanilang guro.
Masaya si Vanesa
sapagkat nakapasok
siya ng ligtas sa
paaralan.

You might also like