You are on page 1of 5

KASAYSAYAN NG PAHAYAGAN SA PANAHON

NG PROPAGANDA

Panahon ng propaganda
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanyanoong 1872 hanggang 1892.
Sinimulan ito dahil sa pag garote sa tatlong parina sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora (Gomburza). Itinatag itong mga Pilipino ilustradosa Madrid para sa layuning
pampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin. Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang mag kapatid na Luna--Juan at Antonio--ang ilan sa
mga kasapi dito.

GRACIANO LOPEZ JAENA MARCELO H. DEL PILAR JOSE P. RIZAL

MARIANO PONCE JOSE MA. PANGANIBAN PEDRO PATERNO


KASAYSAYAN NG PAHAYAGAN SA PILIPINAS

EL TRAVADOR FILIPINO (1874)

– Naglathalang mga tula ng isang beses sa loob ng iang linggo.

REVISTA DE FILIPINAS(1875)
– Linguhangpahayagan na naglalathala ng mga kaalamang may
kaugnayan sa agham at mga literaryong gawain.

EL ORIENTE (1875)

- Linguhang pahayagan na naglalathala ng iba’t ibang mga


rebyu at ilustrasyon.

BOLETIN DE LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA FILIPINA DE


AMIGOSDEL PAIS

– Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsiyo


buwan-buwan na tumagal hanggang 1899.

BOLETIN DE LA LIBRERIA ESPAFIOLA

-naglathala lamang ng ilangisyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto at mga


pananalitang “Here we have another demonstration of how few people in the Phil. read”
DIARIONG TAGALOG

– Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang “It


is possibleto love the Philippines without hating the Spain and to love
Spain without hating the Philippines.” Ito ay tumagal lamang ng
limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bahgada
ng tagapagtangkilik sa nasabing ideya ng islogan.

EL FORO JURIDICO RE’VISTA DE LEGISLACION Y JURISPRUDENCIA

– Isa ito sa pinakaimportanteng pahayagan na itinayo ni Jose Maria Perez Rubio. Nakadisenyo para sa
sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng
Gobernador Heneraal noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan. Matapos ang ilang
taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893.

EL ECO DE VIGAN

- unang pamprobinsyang pahayagan na nailathala sa labas ng Maynila ngunit nahintosa parehong taon.

LA SEMANA ELEGANTE

– itinayo noong ika -1 ng marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”. Dahil sa mga
eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan ito’y nagdulot ng kaguluhan at maydalawampung
linggo bago tuluyang isinara.

EL POVENIR DE VISAYAS (CEBU)

- Itinayo sa pinakamatandang syudad ng pilipinas ni Eduardo Jimenez, kapatid ni Diego Jimenez,


lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanngang sa panahong bago masakop ng Amrikano ang bansa.
LA OPINION

- Pahayagang naglathala ng hayagang pagsalungat sa mga prayle sa pagpapaalis sa


arsobispo at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na sinundan ni
Jesus Polanco na tumagal hanggang 1889. Ito ay muling binuhay noong 1890 sa
pangalang El Eco de Filipinos.

LA VOZ DE ESPAFIA

- Binuo noong ika -4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa


patnugot ni Agustin Alfonso Moeras. Nang magretiro si Mosares kalaunan ay
pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892 pinangalanan itng La Voz de
Espanola sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at may islogan na “ The
Philippines by Spain and for Spain”.

LA ESPANA ORIENTAL (1888)

- Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga Espanyol ukol
sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa relihiyon, edukasyon at kung anu- ano pang ikinabuti nang
buong sambayanan dulot ng kanilang pamamahal. Tuluyang natalo at nadaig nito ang La Opinion.

REVISTA CATOLICO

- Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang


lenggawahe na di kalaunan ay naging dalawang beses na lamang na
isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896 ang huling isyu.

EL ILOCANO

- Sinimulan ni Isabelo de los Reyes noong Hunyo 1889 biang neytib na pahayagan ng mga Ilocano na
may halong wikang Espanyol.
LA ALHAMBRA

- Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang


abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining, agham at
sosyal na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na umiral
hanngang ika-30 ng Hunyo 1890.

LA SOLIDARIDAD
-
Unang lumabas noong ika -15 ng Pebreo, 1889 sa Madrid Spain na ginastusan ni
Dr. Pablo Riazares mula sa patnugot ni Graciano Lopez Jaena.

PATNUBAY NANG CATOLICO

- Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni Pascual H. Poblete, ngunit di rin
nagtagal.

EL PAJARO VERDE

- Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patbugot ni Vicente Garcia Valdez. Ito ay inilathala sa
luntiang papelna may ilustrasyon at paalaala upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa
kanilang mga problema.

LA LILLIPUTENSE

- ika -6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa mga kabataan ng bansa.
Huling lathala ay noong ika-12 ng Marso, 1891.

You might also like