You are on page 1of 1

PATAKARANG PANGKABUHAYAN NI JOSE BASCO Y VARGAS:

- tinangka niyang paunlarin ang kabuhayan ng Pilipinas upang makapagsarili ito at


huwag nang umasa sa Espanya at Mexico. Nagpalabas siya ng kautusan na bawal
samsamin ng mga may pautang ang lupaing pansakahan, kalabaw, at iba pang
kagamitan pansaka. Ipinagbawal din ang pag-aresto at pagpapakulong sa mga
magsasaka sa panahon ng anihan.

A. Sociedad Economica de los Amigos del Pais - “Pangkabuhayang Samahan ng mga


Kaibigan ng Bayan”- Ang unang pangulo ng samahan ay si Ciriaco Carvajal. Tungkulin
ng samahan ang mga sumusunod:
1. pagluluwas ng indigo sa Europa,
2. pagbili ng mga ibong martines mula sa Tsina,
3. pagbibigay ng libreng pag-aaral
4. pag-angkat ng makinarya sa pagkiskis ng palay
5. pagbibigay gantimpala sa mga natatanging Pilipinong imbentor
6. pagtatatag ng unang paaralang agrikultural sa Maynila
7. Pagpapasimula ng pagtatanim ng tsaa, bulak, poppy, at mulberry

B. Monopolyo ng Tabako - tumagal ng 100 taon ang monopolyong ito. - ilan sa mga
epekto nito ang malaking kita ng pamahalaan at ang pagkilala sa Pilipinas bilang
pinakamagaling sa produktong tabako.

C. Real Compania de Filipinas - “Royal Company of the Philippines” - Itinatag noong


Marso 10, 1785 - Layunin nitong maitaguyod ang kalakalan sa pag-itan ng Espanya at
Pilipinas at mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa. - Walang buwis na
ipinataw sa mga produkto mula Europa at Amerika.

You might also like