You are on page 1of 2

*ARAL NG KATOLIKO, NASA BIBLE BA O WALA?

Lagi pong sinasabi ng mga ka ibayo natin sa pananampalataya na wala daw sa bibliya
ang mga aral ng IGLESIA KATOLIKA gaya ng pagku-krus, pag bibinyag sa mga sanggol,
pagkukumpisal, at iba pa. At dahil wala daw iyan sa BIBLIYA tayo daw ay lumalabag sa
kalooban ng DIYOS na huwag hihigit sa mga bagay na nasusulat.

Mayroon po silang ibinigay na talata sa I CORINTHIANS 4:6. Ganito po ang sinasabi


riyan, Ngayon mga kapatid inilapat ko ang mga bagay na ito sa akin at kay Apollos para sa
inyong kapakinabangan.

Ito ay para matutunan ninyo mula sa amin na HUWAG MAGSIHIGIT SA MGA


NASUSULAT. Sa ganoon ay hindi ninyo ipagmalaki ang isang tao laban sa iba pa.

Sa pagkaunawa po nila, ay ang kahulugan daw niyan ay DAPAT NASUSULAT ANG


ARAL SA BIBLE.

Kapag wala daw po BIBLE, ay humihigit na sa nasusulat.

SORRY PO MALI ANG UNAWA NILA.

Hindi po ARAL NI GENERAL ang tinutukoy riyan kundi ang mga bagay na may
mangangaral na nagyayabang ng kung anu-ano tungkol kay HESUS kaya nga nagkakaroon ng
mga pagkakahati-hati. (ICOR. 3:204)

Para saw ala ng gulo, si PABLO at si APOLLOS ay nagkasundo na hindi sila HIHIGIT
sa NAKASULAT. (ICOR. 4:6)
Ano ang nakasulat na tinutukoy riyan?
Iyan po ay mga bagay na may kaugnayan sa PROPHECY tungkol kay HESUS at hindi
ukol sa lahat ng aral.

Hindi rin po ang BIBLE ang tinutukoy sa ICOR. 4:6 kundi ang nasa OLD TESTAMENT
lamang.

Noon po kasing sabihin ni PABLO ay ang OLD TESTAMENT pa lang po ang kasulatan
na naroroon.

Ngayon kung susundin natin ang pagkaunawa ng ibang SEKTA ukol sa lahat ng aral ang
tinutukoy sa talata, lalabas na ang BUONG NEW TESTAMEN ay higit na sa nasusulat.
Hindi pa po kasi noon kasama ang NEW TESTAMENT sa mga kasulatan na kinikilala
ng mga KRISTIYANO.

Ang I CORINTHIANS ay nasulat bandang 56 AD. Samantala ang iba pang AKLAT at
SULAT na kasama ngayon sa sa NEW TESTAMENT dahil huli na itong nasulat.
Lalabas din na OLD TESTAMENT lang ang dapat binabasa at pinagbabatayan natin ng
aral para HINDI TAYO HIHIGIT SA NASUSULAT.

So, Diyan po ay malinaw na walang alam at mali nag unawa ng mga nagsasabi na
WALA SA BIBLE ang aral ng KATOLIKO.

Mali rin ang aral nila na dapat mabasa sa bible ang aral bago ito paniwalaan.

Mismo pong BIBLE ay walang aral o turo na ganyan.

Sa BIBLIYA PO ang batayan ng aral ay turo ng IGLESIA na siyang HALIGI at


SALIGAN NG KATOTOHANAN. (ITIM. 3:15).

Ang aral po na dapat mabasa sa bible ang aral bago ito paniwalaan ay gawa lang ng mga
bagong litaw para sa iligaw ang mga tao.

Tulad po ng sinasabi ni HESUS sa MATTHEW 24:5 ay nililinlang lamang ng mga


bagong litaw ang mga tao para mailayo ito sa tunay na IGLESIA o IGLESIA KATOLIKA.

Paki pansin po ninyo na pinagbibintangan nila ang mga KATOLIKO na wala raw sa
BIBLE ang mga ARAL KATOLIKO pero ang mga mismong aral na sinasabi nila ay wala talaga
sa BIBLIYA.

Ang tanong ay wala nga ba sa BIBLIYA ang mga ARAL KATOLIKO?

Ang lahat ng aral katoliko ay nakabatay sa BIBLE.

PURIHIN ANG DIYOS!

MARAMING SALAMAT PO
BRO. PAUL CORTEZ

You might also like