You are on page 1of 4

.

MGA IMPLUWENSIYA NG MGA ARABe


2. PAMAHALAANG SULtANATO Isa sa mga impluwensiya nila ay ang pamahalaang
sultanato. Sultanato - isang uri ng pamahalaan ng mga muslim na ang mga namumuno
ay tinatawag nilang Sultan. Ruma Bichara konseho ng tagapayo ng sultan Jolo
sentro ng Sultanato
3. ABU BAKR Unang sultan ng Sulu
4. SHARIF KABUNGSUAN Unang sultan ng Maguindanao.
5. paglaganap ng islam at sultanato Karim-ul-Makdum unang misyonaryong Muslim sa
Sulu. Nangaral siya ng Islam at nagtayo ng moske sa Sulu.
6. paglaganap ng islam at sultanato Rajah Baginda sumunod na dumating sa
Pilipinas Kinilala bilang pinuno rin ng Sulu
7. paglaganap ng islam at sultanato Paramisuli- anak ni Rajah Baginda.
Pinakasalan ni Sajid Abu Bakr.
8. KALENDARYO Ang kalendaryo o talaarawan ay isang sistema ng pagpapangalan ng
mga panahon sa oras, partikular mga araw. Kilala ang mga pangalang ito bilang
petsa ng kalendaryo.
9. LIMANG HALAGI NG ISLAM 1. Walang ibang Diyos kung hindi sa Allah at si Mohammed
ang kanyang propeta. 2. Limang beses sila nagdarasal maghabon.
10. LIMANG HALAGI NG ISLAM 3. Pag-aabuloy Zakat- pagtulong sa kapwa sa pagbibigay
sa simbahan. Sadakah- kusang- loob na pagtulong sa kapwa.
11. LIMANG HALAGI NG ISLAM 4. Pag-aayuno hindi pagkain mula pagsikat ng araw
hanggang paglubog ng araw Ramadan- 30 araw na pag-aayuno. Tuwing ika -9 ng
buwan sa kalendaryo ng mga Muslim.
12. LIMANG HALIGI NG ISLAM 5. Paglalakbay sa Mecca -sentro ng Islam sa Saudi.
Kaaba- itim na bato Zamzam-banal na balon
13. ARABIKO Karaniwan sa mga estadong Arabe ng Gitnang Silangan at ng Hilagang
Africa wikang pang- liturhiko ng Islam.
14. MgA IMPLUwENSYA NG ARABE SALITA O KAALAMAN Salita at wikang Arabiko KAGAMITAN
Kalendaryo PAMAHALAAN Sultanato RELIHIYON Islam

Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan Presentation Transcript

1. ? Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa


kanyangkabihasnan at nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala
angTsina sa katawagang Natutulog na Higante dahil sa matagal na panahong hindi
nitopakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga
dayuhan.Diumano, nagkaroon ngxenophobia o pagkatakot sa mga dayuhan ang mga
Tsinokaya ipininid nito ang kanyang mga pintuan sa mga dayuhan.
2. Ilog Huang Ho ? Makikita sa China ang lambak-ilog ng Huang Ho. ? Ang Huang
Ho ay nagdadala ng loess o dilaw na lupa.Dahil sa madilaw na kulay ng tubig dahilan
kung ito ay tinawag na Huang Ho o Yellow River.
3. ILOG YANGTZE ? Ang Ilog Yangtze (tinatawag na Chang Jiang) naman ay higit na
mahaba kaysa sa IlogHuang Ho. ? Makapal din ang banlik na dala ng agos nito. Mga
400 miyong tonelada ng banlik taun-taon ang ibinubuhos nito sa may dagat Tsina. ?
Ang banlik na ito, kapag nagtipon, ay siyang nakapagpapalaki sa sukat ng lupa ng
Shanghai.
4. ? Ang dinastiya ay ang pagpapamana o pagsasalin-salin ng kapangyarihan ng
namumuno mula din sa loob ng kanilang pamilya o angkan.
5. ? Paggamit ng tanso. ? Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng mga kabayo
bilang mga sasakyang pandigma. ? Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig baha.
6. ? Pagkaimbento ng kalendaryong lunar na sampong araw ang pinakamalaki-anim
na tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon. Ito ay
karaniwang ginagamit sa mga relihiyosong layunin.
7. b) Kontribusyon ng Dinastiyang Chou
8. ? b.3 Mencius May akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang may karapatan ang
mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping manatili ang kapayapaan dahil
walang mabuting maidudulot ang digmaan.
9. ? Pagpapagawa ng mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho. ?
Pagkaimbento ng bakal na araro. ? Pagpapagawa ng mga kalsada at pagsulong ng
kalakalan. ? Pagkakaimbento ng sandatang crossbow at pagkakabuo ng hukbong
nakakabayo sa pakikipagdigma .
10. ? Binibigyan diin ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas
ng Tao: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang
kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga taokosmos , kalusugan, mahabang
buhay, kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-loob.
11. *CONFUCIANISM ? Itinuturo nito n ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana
upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal lamang at ang
hindi "natural" na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan. Ang pakikisalamuha
sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa lipunan lamang malalaman
ng tao ang tinatawag na "jen". Ipinaliwanag ang salitang ito bilang "pagiging
mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", "simpatya", "pusong makatao" at
"makatuwid na kaugalian". ? Kasama sa jen ang "pagnanais na makatulong sa iba na
maabot nila ang kanilang hangarin'
12. ? Great Wall of China- may habang 2,414 kilometro , taas na 7 metro at
lapad na 6 metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula silangan ng
Hopei hanggang kanluran ng Kansu. ? Tinatayang isang milyong katao ang ngsilbi
upang mabuo ito.
13. ? Sa panahon ring ito , si Shi Huang Di na pinuno ng dinastiyang Qin ay
pumili ng mga iskolar ng Legalism bilang kanyang mga tagapayo. Ayon sa Legalism,
kailangang malulupit na batas at mabibigat na parusa upang maabot ang kaayusan.
14. ? Pagkaimbento ng papel noong 105 A.D. ? Pagkalathala ng lexicon o
diksyunaryo dulot na rin ng pagkaimbento ng papel.
15. Naimbento rin ang porselana at water-powered mill.
16. ? Sistema ng pamamahala. ? Kaihuang code-naging modelo ng Kodigo Tang, ang
pinakamaimpluwensyang kalipunan ng mga batas sa ilang bansa sa silangan. ?
Pagkakatayo ng Grand Canal na nagdudugtong sa Huang Ho at Yangtze River. ?
Pagkakaayos ng dating kapital ng Han, ang Chang An.
17. ? Pagkaimbento wheelbarrow at movable printing o woodblock printing.
18. ? Ang dinastiyang Tang ang pangalawa sa dakilang dinastiya sa Tsina. ?
Pagpapalaganap ng Buddhism na umangkop sa kabihasnang Tsino.
19. Pagkakaimbento ng gunpowder.
20. ? Ito ang sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng
normal. Tinatawag ang ganitong klaseng mga paa na lotus feet o lily feet..4-6
inches lamang ang sukat ng isang lotus feet. ? -Sinasabing isa itong pamantayan ng
kagandahan para sa mga sinaunang Tsino. Isa rin daw pagtugon sa kahilingang
pangerotiko ng lalaki ang footbinding sa China. ? -Ito rin nagpapatunay na nasa
bahay lamang ang babae at kaya siyang suportahan ng kanyang asawa.
21. ? Paglitaw ng Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi. Tumutukoy ito sa
tradisyunal na pamana ng mga dalubhasa.
22. ? Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga
ideya at imbensyon sa pagitan ng Tsina, Europa at ibang bahagi ng Asya sa
pamamagitan ng Silk Road o Ruta ng Seda.
23. ? Sa panahong ito, napalawak ang kalakalang pandagat sa pamamagitan ng
pamumuno ni Zhenghe. ? Nalinang ang kalakaran, sining at industriya. ? Mapakabisado
ng mga Tsino sa paggawa ng mamahaling seramika na naging pangunahing kalakal sa
daigdig. ? Sa kabuuan, umunlad ang kulturang Tsino at lumago ang ekonomiya.
24. ? Ito ay nagmula sa Manchuria, hilaga ng Tsina. ? Sa panahong ito, parami
ng parami ang maga taong naninirahan dito at parang naging isang hinog na melon na
gustong paghati-hatian ng mga dayuhan.
25. ? http://www.takdangaralin.com/history/ang-ilog- ? ? ? ? ? siyudad-at-
unang-sibilisasyon-sa-asya/angsibilisasyon-sa-tsina-ilog-huang-he-at-ilog-yangtze/
http://warefaredjp.blogspot.com/2011/02/how-didcrossbow-help-chinese-armys.html
http://www.enchantedlearning.com/asia/china/
http://boodarwin.webs.com/tradisyunal.htm
http://www.slideshare.net/ruelpalcuto/dinastiya-satsina
http://www.scribd.com/doc/34957909/37/Kabihasnan -sa-Sinaunang-Tsina

------
Hapon
Ang ilan sa mga uniforms na namin dito sa Pilipinas ay tulad ng Sailor uniporme, na
kung saan ay katulad sa mga ng Japan School uniporme.
Japan naaapektuhan ang paglago Pang-edukasyon ng Pilipinas sa 1940's

Sa karagdagan ilang bahagi ng ating wika ay Hapon oriented rin.


Masyadong maliit ngunit maaari mong mahanap ang mga ito sa paligid.

Pagkatapos doon ay ang mga sangkap ng pagkain na rin.

--------------
Maraming naiambag rin ang tsina sa pilipinas gaya ng mga paraan sa pagsasaka at mga
gamit na ginagamit natin sa pang araw araw gaya ng tsinelas, payong at iba pang
bagay.
Maraming kontribusyon ang Tsina sa Pilipinas tulad na lamang sa pananamit (paggamit
ng seda at camisa de Chino), sa wika (mga salitang ate, kuya, atbp), at sa paggawa
ng paputok.

Ang mga naiambag ng mga tsino sa mga pilipino ay katulad ng mga payong pagkain ng
mga noodles at iba.

----------
Ano ang mga impluwensya ng mga Arabe sa mga Pilipino? >Relihiyong Islam >Paggamit
ng Kalendaryo >Pagiging mapamahiin at mga pamahiin katulad na lamang ng: Pag kumain
ka ng kambal na saging; ay maaari kang magkaroon ng kambal na anak

Ang monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos.


Mga bagong alituntunin sa kagandahang asal.
Mga bagong pananaw na nagbibigay-kahulugan at direksyon sa buhay at mga bagong
batas.

----------------------
Ang pinakaunang kontribusyon ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na
relihiyon -- Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang
pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay
sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon
tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong
Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247
milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu,
marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking
Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng
Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila
sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang
nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma,
at reincarnation.

Ilan sa mga kultura at produkto na nakuha natin sa mga Indian o Hindu ay ang iba't
- ibang salitang Tagalog na naimpluwensyahan ng Sanskrit (Sinaunang lengwahe ng
India) Mga halimbawa nito ay ang mga salitang asawa, puri, diwa, wika, lakambini,
guro, budhi, at maharlika. Baybayin, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng Pilipinas,
ay pinaniniwalaan ding nagmula sa Pallava Grantha ng South India.

Natutuhan ng ating mga ninuno ang paghahabi ng bulak at paggawa ng bangka at barko.
Ang mangga, langka, patola, at ampalaya ay pinaniniwalaang galing din sa mga Hindu.
Ang bahala na attitude ay nakuha rin natin sa mga Hindu. Ang pagbibigay din ng
dowry o bigay kaya sa magulang ng bride at pagsasaboy ng bigas sa bagong kasal ay
galing din sa kanila.
---------------
Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol.
Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa
edukasyon, pilit na itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin
ang mga hiram na salita gaya ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din
ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol
gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez, atbp. May impluwensya din ang mga
Espanyol sa pananamit at pagluluto. Relihiyon
Ang pinakamalaking impluwensyang espanyol sa kulturang Pilipino ay ang
kristyanismo. Naging dahilan ito upang tawagin ang pilipinas na "tanging Bansang
kristyano sa asya." Maraming kaugaliang panrelihiyon ang natutuhan ng mga Pilipino.
Kabilang ditto ang pagdaraos ng kapistahan bilang parangal at pasasalamat sa
santong patron.
pagkain:
natuto ang mga Pilipino na kumain ng tinapay, karne ng baka at tupa,
longganisa,sardinas, hamon, at atsara. natutuhan nila ang pag-inom ng kape,
tsokolate, at alak. gayundin ang paggamit ng kutsara, tinidor, plato, tasa, baso at
serbilyetas. natuto rin silang kumain ng mga halamang pagkain gaya ng mais,
patatas, repolyo, kakaw at iba pa.

Pananamit:
Natutong mag suot ng americana, pantalon at sombrero ang mga lalaki. saya at
kamisang maluwang at may mahahabang manggas sa mga babae. nagsusuot na rin ng
sapatos, tsinelas, medyas, panwelo at payneta.

Musika:
Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plawta,
alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino ng mga
instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong bumbong na
tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig ay
matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha noong
1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Julian
Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila.

Sayaw:
Madali ring natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw mula sa Espanya tulad ng
carinosa, pandango, surtido, La Jota, rigodon, polka at lancero.

Sining:
Nalinang noong panahon ng mga Kastila ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng
pagpipinta at iskultura. Tinagurian noon na Ama ng mga Pintor na Pilipino si Damian
Domingo na unang pintor na Pilipino. umani ng tagumpay sa mga paligsahang
pandaigdig sa pagpipinta sina Juan Luna at Filex Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna
ang nagpinta ng Spoliarium at ng Sanduguan. Naging mahusay na mga manlililok ng mag
imahen ng mga santong Katoliko ang ilang Pilipino. Si Mariano Madrinan ang
tinaguriang Pinakadakilang Iskultor na Pilipino noon. Naging tanyag din sa
larangang ito sina Dr.Jose Rizal, Isabelo Tampingco, Cipriano Bacay, Manuael
Asuncion, Jose Arevallo at Pelagia Mendoza, ang unang Pilipinang manlililok.

You might also like