You are on page 1of 2

SIARGAO

O Siargao matatagpuan sa Surigao


Tawag ng alon na parang sumisigaw
Mga preskong hangin na galling sa dagat
Paglitaw ng araw kay init ng sikat

Mas masarap libutin gamit ang Bangka


Kay raming lumilitaw na mga isda
Ang islang matatagpuan sa Silangan
Pag hangang kagandahan sa karagatan

Halina’t tuklasin ang mga tanawin


Punta na sa Siargao at ating alamin
Mga destinasyong kailangang malaman
At ang islang Siargao kay raming dayuhan

Cloud 9 isa sa magagandang tanawin


Isama na ang Naked Island at Guyam Island
Siargao surfing capital of the Philippines
Halina at dumayo hitik sa linis

Malaking alon ang salubong sa iyo


Maraming nalaman sa paglakbay rito
Ang alon sa mabatong dalampasigan
At kagandahan ng Inang Kalikasan

You might also like