You are on page 1of 15

City College of Calamba

Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

Asignatura: Araling Panlipunan

Baitang-Taon: Baitang 3

LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan kultural ng kinabibilangang


rehiyon.
2. Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong kultura
ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
3. Naibibigay ang kahulugan ng sariling kultura at mga kaugnay na konsepto.

PAKSANG ARALIN:

Daloy ng Paksa: Ang pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangan ng rehiyon

Aralin: Ang Kultura ng Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Mga Kagamitan: Presentasyon ng Bidyo, Lupon, Tsalk, LCD Projector, Laptap, Ispiker, at
Visual Aids

PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

<Panimula>

 Pagbati
“Isang mapagpalang umaga sa “Isang mapagpalang umaga din po
inyo mga bata.” sa iyo Bb. Gizelle.”
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

 Panalangin “Panginoon, nagpapasalamat po


“Ang lahat ay manatiling nakatayo kami dahil muli niyong tinipon ang
para sa ating panalangin.” bawat isa sa amin upang
magkaroon ng panibagong
kaalaman. Kami po ay humihingi
kapatawaran sa lahat ng aming
mga kasanalanang nagawa,
sinadya man po namin ito o hindi.
Nawa po ay gabayan niyo po kami
sa araw na ito ay bigyan mo po
kami ng lakas at talino. Ito po ang
lahat ng aming samo’t dalangin sa
pangalan ng iyong anak na si
Jesus. Amen.”
 Pagtatala ng Mga Liban
“Mayroon bang liban ba sa araw na “Wala po Bb. Gizelle, ang ahat po
ito?” ay dumalo sa araw na ito.”

 Pagsasaayos ng Silid at Mga Mag-


aaral
“Mga bata maari ba ninyong
pulutin ang mga kalat na nakikita “Opo, Bb. Gizelle.”
ninyo sa paligid gayundin ang (Sabay-sabay na pinulot ang mga
pagayos sa inyong mga upuan kalat at ganyundin ang
bago kayo umupo? Maraming pagsasaayos ng mga upuan sa
salamat.” wasto)

 Balik-Aral
“Bago natin talakayin ang ating
aralin ngayong araw, balikan “Ang atin pong pinag-aralan
muna natin ating naging aralin kahapon ay tungkol sa mga
kahapon. Ano nga ulit ang ating katangiang pisikal ng mga lungsod
pinag-aralan kahapon?” at bayan sa ating rehiyon, nalaman
po natin ang mga anyong tubig at
<Pagganyak> mga mga anyong lupa na
matatagpuan dito.”
(Pagpapakita ng mga ginulong letra at
susubukan ang bawat mag-aaral na “Ang mga salitang maaaring
isaayos ito sa pamamagitan ng mga mabuo mula sa ginulong mga titik
salitang nagpapahiwatig dito.) ay:

“Itaas lamang ang kanang kamay kung


City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

sino ang nais sumagot”

1. NAILAGUAK
2. LKUTUAR
3. TAMLAYRE AN LKUTUAR
4. ID- ERYALMAT AN RAUTUKL
5. NOYSIDART

“Anu-ano ang mga salitang inyong 1. KAUGALIAN


maaaring mabuo mula sa ginulong mga 2. KULTURA
titik?” 3. MATERYAL NA KULTURA
4. DI- MATERYAL NA KULTURA
“Mahusay mga bata, ako ay lubos na 5. TRADISYON
natutuwa dahil nabuo ninyo nang
mahusay ang mga ginulong titik. Ang
mga salitang iyan ay may pagkakaugnay
sa araling ating pag- aaralan ngayon
araw, at ito ay ang araling “Ang Kultura
ng Lalawigan sa Kinabibilangang
Rehiyon.”

<Talakayan>

(Ang guro ay magpepresenta ng bidyo


na may kinalaman sa Araling Ang Kultura
ng Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon
Ang Natinal Capital Region o (NCR)
gagamitan ito ng LCD Projector, Laptop
at Ispiker)

(Susundan ito ng PowerPoint Presentation


na may nilalaman na diskusyon tungkol sa
Ang Kultura ng Lalawigan sa
Kinabibilangang Rehiyon, habang ang
larawang-guhit ng iba’t ibang kultura ay
nakapresenta sa visual aids.)

Ang kultura ay nagpapasalin-salin na


kaugalian, tradisyon, paniniwala,
selebrasyon, kagamitan, kasabihan, awit,
sining at pamumuhay ng isang tao sa
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

isang lugar. Ito ay nagsisilbing


pagkakakilanlan ng isang lugar. At ito ay
nabubuo upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao sa pamayanan.

Mayroon tayong dalawang uri ng


kultura. Ang una ay ang materyal na
kultura at ang pangalawa naman ay ang
di-materyal na kultura.
“Ano nga ulit ang kultura mga bata?”
“Ito po ay nagpapasalin-salin na
kaugalian, tradisyon, paniniwala,
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na selebrasyon, kagamitan, kasabihan,
nais sumagot) awit, sining at pamumuhay ng isang
tao sa isang lugar. Ito ay nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang lugar. At
ito ay nabubuo upang matugunan
ang mga pangangailangan ng tao
“Ano naman ang dalawang uri nito?”
sa pamayanan.”
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
nais sumagot)
“Ito po ay ang materyal na kultura
at ang di-materyal na kultura.”
Magaling mga bata!

MATERYAL NA KULTURA

Ang materyal na kultura ng bansa ay


kinabibilangan ng mga bagay na nakikita
at nahahawakan. Ito ay tradisyunal na
ginagawa. Ito ay nilikha at ginagamit ng
bawat pangkat etniko o mga tao sa
pamayanan.

“Isa-isahin natin ang mga halimbawa ng


materyal na kultura mga bata.”

KASANGKAPAN
Iniukit, hinasa, pinakinis at nililok nila
ang mga ito ng mga tao ayun sa
kagamitang nais nilang mabuo. Ang
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

halimbawa nito ay ang playok, mga


pala,mga kwintas at ang ginagamit nila
sa pagtaga ng mga kahoy. Sa
kasalukuyang panahon, nakikita ang
kultura sa desensyo ng ating
kasangkapan.

 KASUOTAN
Nagkakaiba-iba ang mga kasuotan ayon
sa kanilang pinagmulan ng bawat tao at
pang- aangkop sa klima ng kapaligiran
na kanilang kinabuibilangan.

Kasuotan noon
Ang halimbawa nito ay ang kasuotan ng
sinaunang lalaki. Sila ay mayroong
tinatawag na putong ito ay ang kapirason
tela na iniikot sa ulo. Pangalawang
kasuotan nila ay ang kangan ito ay ang
pang itaas na damit na walang kwelyo
manggas. Sa pang ibabang bagahagi
naman ay mayroon silang sinusuot na
bahag ito ay kapirasong tela lamang na
ginagamit nila pang-ibaba.

Ito naman ang kasuotan ng mga


kababaihan noong panahon ng
espanyol. Sila ay mayroong tinatawag na
baro, ito ay
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

pang itaas na may mahabang manggas.


Mayroon din silang kapisarong tela o tapis
na iniikot sa bayawang na kung tawagin
nila ay saya at patadyong naman sa
Visaya.

Kasuotan ngayon
Noon ang kasuotan ng mga lalaki at
babae may medyo balot at konting
bahagi lamang ng katawan ang ating
makikita, ngayon ay hindi na katulad
noon. Ito na ang kasalukuyang kasuotan
ng mga babae at mga lalaki.

“Ang halimba po nito ay ang


“Mga bata, ano nga ulit ang mga
playok, mga pala, mga kwintas at
halibawa ng kasangkapan?”
ang ginagamit nila sa pagtaga ng
mga kahoy.”
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
nais sumagot)

“Magbigay ng tatlong uri ng kasuotan “Ito po ay ang putong, kangan at


noon ng mga sinaunang lalaki?” bahag.”
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral


na nais sumagot)

Magaling mga bata!

 PAGKAIN
Ang mga sinaunang tao noon ay
nagluluto ng kanilang pagkain sa
palayok o sa bumbong ng kawayan.
Ang kanilang mga pagkain ay kanila
lamang na hinuhuli sa kakahuyan,
dahil ang pangunahing hanapbuhay
noon ay pangangaso. Ang dahon at
bao naman ng niyog ang kanilang
nagsisilbing plato. Ang tanging mga
palad lamang nila ang nagsisilbi
nilang mga kubyertos noon. At ang
pinakinis na bao o sa biyas ng
kawayan ang kanila namang
ginagamit para makainom ng tubig.

 TIRAHAN
Ang ating mga ninuno ay walang tiyak
na tirahan. Sila ay nagpalipat-lipat
lamang ng tirahan kung saan sila
mapadpad kaya sila tinawag na
nomads na ang ibig sabihin ay kung
saan may pagkain duon sila
pumupunta at kapag naubos na ang
mga nasabing pagkain ay aalis na
muli sila upang maghanap ng
panibagong lugar na kanilang
titirahan kung saan ay mayroong mga
pagkain. Ang halimbawa ng kanilang
tirahan ay kuweba.
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

Sa paglipas ng panahon o panahon ng


espanyol, natuto silang gumawa ng
tinatawag nating kubo na yari sa pawid,
kahoy, kawayan, sawali, at kugon na
kagaya ng nasa larawan.

Sa ngayon, karaniwan na ang mga


modernong bahay na gawa sa bato at
iba pang matitibay na materyales.
Karaniwang ibinabatay sa ibang bansa
ang disensyo.

“Mga bata natapos na natin ang


pagtalakay sa materyal na kultura. “Opo Bb. Gizelle.”
marami na ba kayong natutunan?”

“Magaling, kung ganon maaari nyo


bang isa-isahin ang mga halimbawa ng
materyal na kultura na ating natalakay?”

(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na


nais sumagot) “Kasangkapan, kasuotan, pagkain
at tirahan po ang sagot Bb. Gizelle”
“Mahusay mga bata. Tayo naman ay
dumako ngayon sa pangalawang uri ng
kultura.”
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

DI-MATERYAL NA KULTURA

Ang di-materyal na kultura ng bansa


ay ang kultura na hindi bagay, hindi
nahahawakan, dahil ito ay ang uri ng
kultura na nakikita lamang kapag ito
ay isinasagawa o isinasakilos.

“Isa-isahin natin ang mga halimbawa


ng di-materyal na kultura mga bata.”

 EDUKASYON
Hindi nakaranas na pumasok sa
pormal na paaralan ang ating mga
ninuno. Sila ay natutong bumasa at
sumulat sa pamamagitan ng
pagmamasid sa kalikasan. Sa tirahan
ang mga babae ay tinuturuan ng
gawaing pantahanan ng kanilang
mga ina. Ang mga lalaki naman ay
tinuturuan ng kanilang ama ng pang-
araw-araw na pamumuhay. Tinuturo
sa kanila kung paano mangaso at
magtanim.

Sa kasalukuyang panahon ay
mayroon na tayong tinatawag na
pormal na edukasyon kung saan may
mga asignaturang kinakailangan
malaman, katulad ng Math, Science,
English, Araling Panlipunan at kung
ano-ano pa. Myroon na rin na
nagtuturo, hindi katulad nuon na
magulang lamang ang nagtuturo sa
mga bata.
Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

 KAUGALIAN
Ang kaugalian o tradisyon ay mga
paniniwala, opinyon,kostumbre o mga
kwentong naisalin mula sa mga
magulang papunta sa mga anak nila.
Ang isang halimbawa ng kaugalian noon
ay ang panghaharanan, ito ay tanda ng
panliligaw ng mga lalaki sa kanilang
napupusuang babae, angpangalawa
naman ay ang pamamanhikan na kung
saan ang pamilya ng lalaki ay pumupunta
sa bahay ng kaniyang mapapangasawa
upang pormal na pag-usapan ang
kanilang kasal.

 PAMAHALAAN
Ang pamahalaan ay binubuo ng
balangay, ito ay ang tawag sa
pamayanan bago dumating ang mga
kastila. Ito ay binubuo ng 40 hanggang
100 na pamilya. Datu ang tawag sa
pinuno nila. Tinutulungan siya ng pangkat
ng mga matatanda na nagbibigay payo
sa datu ma tinatawag na maginoo.

Sa kasalukuyang panahon, ang sistema


ng ating pamahalaan ay sumusunod na
sa itinakda ng batas. Mayroon na tayong
eleksyon hindi katulad noon, ngayon kung
gusto mong manungkulan ay kailangan
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

manalo ka sa tinatawag na demokrasya


o eleksyon.

 PAMAHIIN
Ang mga matatanda ay mayroong
kasabihan, ito ay maaring may kinalaman
sa paniniwala, kultura at maging sa aspeto
ng panrelihiyon. Ang halimbawa nito ay
ang pagtatawas.

Ang pamahiin ay mga sabi-sabi


lamang at maari ding walang
katotohanan. Katulad ng paniniwala ng
ating mga ninuno sa nuno sa punso.

“Mga bata, ano nga ulit nag


ating tinatalakay sa isa sa uri ng
kultura?” “Di-materyal na kultura po Bb.
Gizelle”
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
nais sumagot)

“Magbigay ng dalawang halimbawa ng


kaugalian na ating tinlakay.” “Panghaharana at pamamnhikan
po.”
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
nais sumagot)
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

Magaling!

• PANINIWALA AT RELIHIYON
Ang mga sinaunang tao ay mga
paganismo. Sila ay may tinatawag na
Bathala kung saan ito ang tinuturing
nilang panginoon at ang pinaka
makapangyarihan sa lahat.
Sila ay naniniwala sa iba’t ibang
espirituwal na tagabantay tulad ng
Diyos, diwata at anito.

• SINING AT AGHAM
Makikita ang mga nakaukit at
nakalikok sa bubong at ibang bahagi
ng bahay ng ating mga ninuno. Iba-
iba rin ang disenyo at hugis ng
kanilang mga kagamitan gaya ng
lampara, baul at iba pa.
Ang pagkahilig nila sa sining ay
pinpakita din sa tinatawag nating
tattoo sa katawan. Ito ay patunay na
nakaangat sa buhay ang ating mga
ninuno. Ito din ay simbolo sa kanila ng
kagitingan at at katapangan.
Halimbawa, kapag ang isnag lalaki ay
nanalo sa isang pakikipaglaban, siya
ay nilalagyan ng pananda simbolo ng
kanyang pagkapanalo. Ang mas
maraming tattoo, mas maraming
laban siyang naipanalo.

• WIKA
Mayroon tayong mahigit na 100 wika
o dayalekto na sinasalita ng ating
mga ninuno.
Ang walong pangunahing wika ay
ang Ilokano, Pangasinense,
Kapampangan, Tagalog, Bikolano,
Hiligaynon, Sinugbuanong, Bisaya at
Waray.
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

<Indibidwal na Gawain>

Isulat ang tamang sagot na hinihingi sa


patlang.
1. Di-materyal
1. Uri ng kulturang nagmamasid at 2. Materyal na kultura
isinasagawa ng mga tao. 3. Materyal
4. Materyal
2. Ito ang tawag sa uri ng pamumuhay 5. Di-materyal na kultura
ng mga tao sa isang lugar.

3. Ang uri ng kultura na kinabibilangan ng


kasuotan, kagamitan at iba pa ay .

4. Ang uri ng kultura na di nakikita at


nahihipo ay .

5. Ang datu ang nangunguna sa isang


balangay.

<Pangkatang Gawain> (Ang bawat mag-aaral ay mahusay


na makikilahok sa pangkatang
“Gamit ang mga impormasyon sa ating
gawain at aktibong ipepresenta
aralin na Ang Kultura ng Lalawigan sa
ang naiatas na gawain.)
Kinabibilangang Rehiyon, susubukin ang
inyong mga natutunan. Ang klase ay
mahahati sa apat (4) na pangkat. Ang
bawat grupo ay kinakailngang magbigay
ng limang halimbawa ng mga bagay na
nagpapatanyag sa isang lalawigan sa
pamamagitan ng pag-alala sa mga
kulturang meron ito.

(Mga naiatas na gawain kultura sa bawat


pangkat)

Unang Pangkat: PAGKAIN AT PRODUKTO

Ikalawang Pangkat: PAGDIRIWANG

Ikatlong Pangkat: ANYONG LUPA AT TUBIG


City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

Ikaapat na Pangkat: SAYAW AT AWIT

“Ang bawat grupo ng mag-aaral na


magpapakita ng kanilang kahusayan sa
nasabing gawain ay makakatanggap ng
munting regalo at angkop na marka mula sa
akin.”

<Pagtataya>

Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang


nilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot
sa kahon.

1. Ang mga sinaunang Pilipino ay 1. Kagamitan


gumuguhit gumagamit ng sibat at palaso sa 2. Kasuotan
pangangaso. 3. Tirahan
4. Paniniwala
2. Baro’t saya ang suot ng mga 5. Pamahalaan
kababaihan.

3. Ang mga sinaunang Pilipino ay


naninirahan sa kuweba at ang iba ay
naglilipat-lipat pa ng tirahan.

4. Naniniwala ang ating mga ninuno sa ibat-


ibang espiritwal na taga bantay tulad ng
diwata at anito.

5. Ang datu ay isang pinuno ng isang


balangay.

Pamahalaan Tirahan

Paniniwala Kasuotan

Kagamitan
City College of Calamba
Dalubhasaan ng Lungsod ng Calamba

Department of Arts, Sciences, and Teacher Education

<Takdang Aralin>

“Magsaliksik ng mga impormasyon


tungkol sa Ekonomiya ng mga Lalawigan
sa Rehiyon. Isulat ito sa inyong kwaderno.”

“Mayroon ba kayong katanungan sa


ating mga tinalakay?”
“Wala na po, Bb. Gizelle.”
“Mabuti naman kung ganun. Bago kayo
umalis panatilihin muli ang kaayusan ng
(Ang mga mag-aaral ay sabay-
ating silid-aralan.”
sabay na inayos ang kanilang
paligid.)
“Iyon lamang para sa araw na ito, mag-
iingat kayong lahat mga bata. Salamat at
Paalam. “Mag-iingat din po kayo Bb. Gizelle.
Salamat din po at paalam,
hanggang sa muli!”

Inihanda ni:

GIZELLE C. CELES
Batsilyer ng Elemetaryang Edukasyon

You might also like