You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga magaaral ay inaasahang,

 Naipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga kaugnay na kultura.
 Nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan sa ilang aspeto ng pagkakakilanlan ng
kultura.
 Makapagmumungkahi ng mga pamamaraan sa pananatili ng sinaunag tradisyon o
kultura.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ang Konsepto ng Kultura

Sanggunian: Modyul 3 Aralin 1 K to 12- AP3KK bilang 45

Kagamitan: Mga larawan ng sinaunang kagamitan

III. MGA GAWAING PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Magaaral


A. Paghahanda

Magandang araw mga bata! Magandang umaga Bb. Andrea, magandang


umaga mga kaklase. Mabuhay!

Manatiling nakatayo at tayo ay manalangin sa (Ang lahat ay yuyuko at mananalangin)


pangunguna ni Justine.

Ayusin ang inyong upuan at pulutin ang mga (Ang lahat ay kikilos at pupulutin ang mga papel)
piraso ng papel sa ilalim ng inyong upuan.

Sino ang mga lumiban sa klase? Wala pong lumiban Bb.

Magaling!

Pakilabas ang inyong takdang aralin at ipasa


paharap.

B. Pagganyak
Tayo ay dumako na sa ating aralin ngayon araw,
ngunit bago iyon may ipapakita akong mga
larawan sa inyo at inyong sasabihin kung ano
ang tawag sa mga ito
-alahas
-palamuti

-plantsa

-kasuotan

Magaling mga bata! Sa mga larawang aking


pinakita, ano ang ating tatalakayin ngayong
tungkol sa mga katutubong damit at kagamitan.
araw?

Tama! Alam nyo ba na lahat ng bagay na


nakapaligid sa inyo ay bahagi ng kultura?

Bilang isang Pilipino paano natin mapapanatili


-Palagi nating ipagmalaki ang kultura ng ating
ang ating sinaunang tradisyon o kultura?
bansa

C. Pagtatalakay

KULTURA- ito ay ang uri at paraan ng


pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na
nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan,
moralidad, batas, tradisyon, sining, relihiyon,
kaugalian, pamahalaan at kaalaman o Sistema
ng edukasyon.
Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng
dalawang bahagi.
MATERYAL NA KULTURA- ang mga bagay na
nakikita nahahawakan o naririnig.
Materyal na kultura
Ano ang unang bahagi ng kultura?

Ito ang mga material na kultura. Pakibasa ng KASANGKAPAN


malakas. KASUOTAN
PAGKAIN
TAHANAN

Magaling at ang pangalawang bahagi ng kultura


ay

DI-MATERYAL NA KULTURA- kabilang dito ang


mga kaugalian, pamahiin, kilos at gawi.

Ito naman ang mga Di- materyal na kultura. EDUKASYON


Pakibasa. KAUGALIAN
PAMAHALAAN
PANINIWALA
RELIHIYON
SINING O AGHAM
WIKA

Noong bago dumating ang mga banyagang


mananakop, walang kasangkapan ang ating mga
ninuno. Lumipas ang panahon, natuto silang
gumawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan.
Narito ang ilang larawan ng mga ginawang
kagamitan ng ating mga ninuno.
Ang mga ito ay kanilang inukit, hinasa, pinakinis
at nililok nila ayon sa mga kagamitang nais
nilang mabuo.

Ang ikalawang material na kultura ay ang


kasuotan.

Katangi tangi ang mga pananamit ng ating mga


ninuno noon. Nagkakaiba iba sila ayon sa
kanilang pinagmulan at pag-aangkop sa klima ng
kapaligiran

Pakibasa ang uri ng kasuotan ng mga lalaki noon.


KANGAN- pang itaas na damit na walng kwelyo at
manggas.

BAHAG- kapirasong tela na ginagamit pang ibaba.

PUTONG- kapirasong tela na inikot sa ulo.

Pakibasa ang uri ng damit ng mga babae noon.


BARO- pang itaas na may mahabang manggas na
parang jaket.

SAYA- kapirasong tela o tapis na inikot sa


baywang. Patadyong ang tawag ng mga taga
Visayas dito.

Nakayapak o walang sapin sa paa ang ating mga


ninuno noon. Sari saring alahas din ang kanilang
isinusuo, katulad nang mga singsing, kwintas,
hikaw at pulseras. Yari ito sa ginto at
mamahaling baton na kanilang namimina.
D. Paglalahad

Ano ang pinag aralan natin ngayon? Tungkol sa mga katutubong damit at kagamitan.

Magbigay ng iba pang paraan na nagpapakita ng Irespeto ang mga katutubong tao na patuloy pa
pagpapahalaga sa kultura. ring nagsusuot ng kanilang katutubong damit.

Igalang ang mga katutubong damit at wag itong


pagtawanan.
Magaling!

IV. PAGTATAYA

PANUTO: Bilugan ang mga salitang ating natalakay sa aralin na may kaugnayan sa kasangkapan
at kasuotan.

Alahas relihiyon ilaw wika di-materyal kangan

Kahoy baro ulan takbuhan gulay

Sakit lakad lapis edukasyon bahag papel

Material palakasan kasuotan libro putong

Kasangkapan saya

V. TAKDANG-ARALIN

Gumuhit ng isang halimbawa ng katutubong kasuotan o kasangakapan .

You might also like