You are on page 1of 10

TANAWAN ELEMENTARY SCHOOL

TANAWAN, MALINAO, ALBAY

OUTPUT DAY 1
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3
(Quarter 3)
I- LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang pagunawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang
Rehiyon
B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa
Pagganap nabubuong kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon
C. Mga Kasanayan Nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa
sa Pagkatuto ilang aspeto ng pagkakakilanlang kultura.
(AP3PKK-llla-1)
Kaalaman Natutukoy kung ano kahulugan at klase ng kultura
sa sariling lugar.
Kasanayan Naipapakita ang kultura batay sa klase sa
pamamagitan ng pagsulat at pagguhit.
Pagpapahalaga Nasasabi ang pagpapahalaga sa mga kultura ng
sariling lalawigan kulturang hango sa mga ninuno.
II. NILALAMAN Paksa: “Ang kultura at Dalawang uri nito”
III. MGA Araling Panlipunan 3 TG sa Ikatlong Markahan
KAGAMITANG pahina 1-4, Araling Panlipunan 3 pahina. 260-271,
PANTURO Kagamitan ng Mag-aaral pahina. 260-271, Chart, pentel
pen, mga larawan at manila paper
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Pagpapakita ng larawan na mag-uugnay sa kultura ng
nakaraang aralin at/o rehiyong Bikol.
pagsisimula ng bagong
aralin

Itanong:
Anong nakikita nyo sa larawan? Ano
ang ipinapakita ng larawan?
Sabihin: Kailangan natin malaman ang mga ito dahil ito ay
bahagi ng ating kultura.
B. Paghahabi sa Sabihin: Ang mga larawan ay tumutukoy sa
layunin ng aralin dalawang uri ng kultura. 1. Materyal, 2. Di-materyal.
C. Pag-uugnay ng mga Aalamin natin ngayon sa ating talakayan kung ano ang
halimbawa sa bagong ibig sabihin ng kultura at ang 2 uri nito, ang materyal at
aralin di-materyal na kultura.

BRAINSTORMING: (Magpapakita ng larawan tungkol


sa kulturang bikolano, halimbawa pagmamano.
Itanong: Anong katangian ang ipinapakita ng ating mga
ninuno?
D. Pagtatalakay ng Talakayin:
bagong konsepto at Kultura – kabuuan ng mga tradisyon, paniniwala,
paglalahad ng bagong kaugalian, na natutunan ng tao mula sa kanyang
kasanayan #1 pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Nakikita ito sa araw-araw na Gawain,
tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan,
kasabihan at sining.

Dalawang Klase ng Kultura


A. MATERYAL NA KULTURA-uri ng kultura na nakikita
at ginagamit ng mga tao.
1. KAGAMITAN/KASANGKAPAN - sa pagiging
malikhain ng ating mga ninuno ay nakabuo sila ng
mga kasangkapan ayon sa nais nilang hubog sa
pamamagitan ng pag-ukit at pagpapakinis ng mga
ito.

2. KASUOTAN/DAMIT – nananamit ang ating mga


ninuno ayon sa klima ng kapaligiran, noon ay
pinatuyong balat ng hayop lamang ang kanilang
kasuotan.

URI NG KASUOTAN:
1. BAHAG-kapirasong pinatuyong balat ng hayop
o pinukpok na balat ng kahoy na
ginagamit pang-ibaba sa lalaki.

2. BARONG TAGALOG (sa lalaki)- ito ay


isinusuot sa kasalan, opisyal na pagtitipon o
okasyon. Ito ay may mahabang manggas na
karaniwang yari sa pinya.
3. BARO’T SAYA (sa babae)-isinusuot ito sa mga
espesyal na okasyon at
pagdiriwang. Ito ay yari sa abaka o
pinya kung saan mayaman ang
Rehiyong Bicol.

kalakip ng mga kasuotang ito ay ang iba’-ibang alahas


na mula sa tunay na ginto na ginagawang palamuti sa
anumang bahagi ng katawan

3. PAGKAIN – noon ay hindi marunong ang ating


mga ninuno na magtanim, ngunit sa paglipas ng
panahon ay gayak itong natutunan, tulad na lamang
ng bigas na kung saan ay niluluto pa nila ito sa
bumbong o kuron ng kawayan.

Paboritong pagkain ng mga bikolano ang gulay na


niluto sa gata ng niyog na may maraming sili.

4. TAHANAN/TIRAHAN – napag-alaman na sa kweba


unang nanirahan ang ating mga ninuno hanggang
sa matuto silang gumawa ng bahay na mula sa
kawayan at nipa na kung saan ay maaari itong
maiangat sa lupa at mailipat sa ibang lugar.
Ginagamit ang silong ng bahay na kulungan ng mga
alagang hayop at taguan ng mga kagamitan. Ang
munting bahay ay yari sa kahoy, kawayan, sawali at
kugon.

B. DI-MATERYAL NA KULTURA- uri ng kultura na di


nakikita o nahahawakan.
1. EDUKASYON - noo’y walang pormal na
edukasyon ang ating mga ninuno. Ang mga babae
ay tinuturan ng mga gawaing bahay habang ang
mga lalake naman ay sa paghahanap-buhay.
Natuto silang magbasa at magsulat sa
pagmamasid sa kapaligiran.
Alibata/Baybayin ang tawag sa unang
alpabetong kanilang natutunan.

2. KAUGALIAN- ugali ng mga bikolano ang


magaling sa pagkakaisa lalo na sa panahon ng
pangangailangan. Bayanihan ang tawag sa
tulong-tulong na pagbubuhat ng bahay habang
pasan-pasan ito.

3. PAMAHALAAN/GOBYERNO – datu ang namumuno


sa barangay na binubuo ng 30-100 na pamilya.
Siya rin ang nagpapatupad ng mga tuntunin sa
sinasakopan nya kung saan tinatawag itong
barangay. Ang salitang barangay ay hango sa
salitang Malay na balangay, ibig sabihin ay
bangka. Maginoo o Apo ang tawag sa pangkat ng
mga matatanda na nabibigay payo sa datu. Ang
datu ang nagpapatupad ng mga itinakdang batas.
4. PANINIWALA
Gugurang ang tawag sa itinuturing na
pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga
ninuno.Naniniwala silang may lugar na
pinupuntahan ang mga kaluluwa.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may iba’t- ibang
paniniwala tulad ng anito at diwata, na
pinaniniwalaang nagbibigay tulong sa mga tao.

Naniniwala ang ating mga ninuno na kapag kalmado


ang dagat, ito ay nagbabadya ng masamang
panahon o bagyo.

5. SINING – nakaukit ang iba’t-ibang disenyo at korte


sa mga sinaunag gamit ng ating mga ninuno ang
pagkahilig nila sa mga ito ay makikita sa sining nag
pagtatatto sa kanilang mga katawan.

6. WIKA/SALITA – m a higit 100 ang wika na ginagamit


ng ating mga ninuno.
May iba’t-ibang nakasanayang salita ang mga
bikolano ayon sa probinsiya na kanilang
kinabibilangan.

Pangunahing salita na gamit ng iba’t-ibang


probinsya ng rehiyong bicol.
a. Camarines Norte – central bikol/tagalog
b. Camarines Sur - central
bikol/rinconada/partido
c. Catanduanes – pandan bikol
d. Albay – albaynon bikol
e. Masbate – Masbateño
f.Sorsogon – sorsoganon

Itanong: Ilang lahat ang bumubuo sa materyal na


kultura?
Isulat sa pisara ang numero.
Ilan naman ang nasa di-materyal na kultura?
Isulat sa pisara ang numero.
Kung pagsamahin ang materyal at di-
materyal na kultura, ilang lahat ang
nabanggit?

Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang sa mga


salitang nakasulat sa ibaba.

Datu gugurang materyal di-materyal

_________1. Uri ng kultura na nakikita at ginagamit ng


mga tao.
_________2. Siya ang namumuno sa isang barangay
noong unang panahon.
_________3. Kultura na kinabibilangan n kasuotan,
kagamitan, at iba pa.
_________4. Uri ng kultura na di nakikita o nahahawakan.

_________5. Ito ang tawag sa itinuturing na


pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga
ninuno.

E. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain:


bagong konsepto at *Hatiin ang mga mag-aaral sa 3 grupo.
paglalahad ng bagong Itanong ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng
kasanayan #2 *pangkatang gawain.
*Bigyan ang mga mag-aaral na 5 minuto para tapusin ang
pangkatang gawain.
*Presentasyon ng output ng bawat pangkat.

Pangkat 1-Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang


iba pang kaugaliang pilipino na ginagawa sa inyong
bahay.
Pangkat 2- Ipaliwanag ang kulturang Pilipino na dapat na
ipagmalaki.

Pangkat 3-Ipakita sa kilos ang iba’t-ibang pang kulturang


Pilipino.
.
F. Paglinang sa Piliin sa loob ng kahon ang mga bagay kung anong uri ng
Kabihasaan kultura ang mga ito. Isulat sa tamang hanay ang mga ito.
(Tungo sa Formative
Assessment) a.kaugalian b. pamahalaan c. kasangkapan
d. edukasyon e. Kasuotan f.tahanan
g. sining o agham h. wika i. pagkain
j. paniniwala k. relihiyon o pananampalataya

Materyal na Kultura Di-materyal na Kultura


G. Paglalapat ng aralin Sagutin ang mga sumusunod:
sa pang-araw araw na 1. Ano ang kulturang materyal at di-materyal?
buhay (Maaaring ipaliwanag o magbigay ng halimbawa.)
2. Ano ang naging bahagi ng kultura noon na
nakaapekto o ginagamit natin hanngang sa
ngayon?
H. Paglalahat ng Aralin Itanong:
1. Ano ang kultura?
2. Ano ang dalawang uri ng kultura?

IV. Pagtataya ng Tukuyin kung ang larawan ay kulturang Materyal o Di-


Aralin materyal. Isulat sa patlang ang M kung materyal at DM
kung di-materyal.

_________1.

___________2.

_________3.

_________4.

__________5.

V.Karagdagang Magtala ng 3-5 na mga bagay na materyal at di- materyal


Gawain para sa na kultura na hindi nabanggit sa ating talakayan.
takdang – aralin at
Remediation

Submitted by: ANA MARIA C. CANO


JULIE C. GANAHAN
Grade 3- Teachers
\

You might also like