You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon ng MIMAROPA
Bataraza District I
BULALACAO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangninilalaman Naipapamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa
pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng mga pagmamalaki at pagkilala sa
nabubuong kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naibibigay ang kahulugan ng sariling kultura at mga
kaugnayan na konsepto

CODE AP3PKP-IIIa-1
II. NILALAMAN Ang Kultura ng Aking Lalawigan at Kinabibilangang
Rehiyon: Materyal na Kultura
A. Sanggunian
1. Mga Pahina ng Gabay ng Guro pp. 124-127
2. Mga Pahina ng Kagamitang Pang-
mag-aaral pp. 250-262
3. Karagdagang Kagamitan Modyul 3, Aralin 1
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-
c-n-a/article.php?igm=4&i=252
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga sinaunang kagamitan o mga kaugnay na larawan,
manila paper, activity sheets, powerpoint presentation, tsarts,
tarpaulin
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin o
pagsisimula sa bagong aralin Paano namumuhay ang mga tao sa
inyong lugar?

Paano nagkakapareho o nagkakaiba ang


pamumuhay sa ibang lalawigan sa
rehiyon sa kasalukuyan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagpapakita ng mga larawan ng mga materyal na bagay na


ginagamit noon at sa kasalukuyan.
Laro: “Tuklasin Mo”
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin Ano ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino sa pamumuhay natin sa kasalukuyan? Ipaliwanag
ang inyong sagot.
a. mga pagkain
b. mga kasuotan
c. mga kasangkapan
d. mga tahanan

Talakayin:
Ang kultura ay uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa
isang lugar. Ito ay nahahati sa dalawang uri: ang materyal at
di-materyal na kultura.

Pag-aaralan natin ngayon ang mga materyal na kultura.

Pagpapakita ng mga sinaunang bagay na bumubuo sa


materyal na kultura ng ating lalawigan at rehiyon
(GALLERY WALK)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagpapakita ng larawan ng mga makabagong bagay na
paglalahad ng bagong kasanayan #2 bumubuo sa materyal na kultura. Ano-ano ang inyong
nakikita sa mga larawan na nasa harapan?

F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain


Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Pangkat 1
Piliin ang tamang sagot sa kahon ayon sa tinutukoy
na materyal na kultura ng bawat pangungusap. Idikit
ang tamang sagot sa patlang.

1. ______ Ang sinanunag Pilipino ay gumamit ng mga


pana, palaso, at sibat sa pangangaso.
2. ______ Baro’t saya ang kasuotan ng mga kababaihan
noong panahon ng mga Espanyol.
3. ______ Karamihan sa mga ninunong Pilipino ay
palipat lipat ng tirahan.
4. ______ Nakakamay kung kumain ang mga sinaunang
Pilipino.

Pangkat 2
“DRESS ME UP”
Pumili ng dalawang kinatawan ng inyong pangkat.
(isang babae at isang lalaki) Piliin sa loob ng kahon
ang mga sinaunang kasuotan na ginamit ng ating mga
ninuno. Ang mga napiling damit ay isuot sa dalawang
kumakatawan sa inyong grupo. Ilarawan ang bawat
kasuotan.

Pangkat 3
Iguhit ang mga materyal na kultura na ginamit natin
sa kasalukuyan.

Kasangkapan Kasuotan Pagkain Tahanan


Pangkat 4
Idikit sa tamang hanay ang mga larawan ng mga
materyal na kagamitan na ginamit ng ating mga
ninuno at ginagamit natin sa kasalukuyan.

Sinaunang Kagamitan Makabagong Kagamitan

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Sa papaanong paraan ninyo maipapakita ang


araw na buhay. pagpapahalaga sa ating sariling kultura?
H. Paglalahat Ano ang kahulugan ng kultura? Anong uri ng kultura ang
ating napag-aralan ngayon? Ano ang materyal na kultura?
Ibigay ang iba’t ibang uri ng materyal na kultura?
I. Pagtataya sa Aralin Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pangungusap.

_________1. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng


pamumuhay ng mga mamamayan sa isang
lugar.
_________2. Uri ng kultura na nakikita at isinasagawa ng
mga
tao. Kinabibilangan ito ng kasuotan,
kasangkapan, pagkain at tirahan.
_________3. Lugar kung saan natuklasan ang ilang
kasangkapan na ginamit ng ating mga ninuno.
_________4. Nagsilbing unang tahanan ng ating mga
ninuno.
_________5. Magbigay ng isang uri ng materyal na kultura.

J. Karagdagang Gawain para sa Magsaliksik tungkol sa di-materyal na kultura ng ating


takdang-aralin at remediation rehiyon o lalawigan

Inihanda ni :
ANGELIC JOY T. FULGENCIO
Teacher I

You might also like