You are on page 1of 2

Paaralan: Baitang: 8

Pangalan ng Guro: Asignatura: Araling Panlipunan


DLP NO.10 Petsa at Oras ng Markahan: Una
Pagtuturo: 09/25/2023
Linggo: Ikatlo
Araw: 3

Yugto ng Pagkatuto Paglinang


A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
Pangnilalaman kapaligiran na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog
sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon
Pagaganap ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.
C. Kasanayan sa Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa
Pagkatuto daigdig (lahi, pangkatetnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig). (AP8HSK-Ie-5)

I. LAYUNIN a. nasusuri ang Heograpiyang Pantao bilang katangiang kultural na heograpiya ng


daigdig;
b. nakagagawa ng Modelo ng Kultura tungkol sa heograpiyang pantao; at
c. napahahalagahan ang natatanging kultura ng bawat rehiyon sa bansa at mga
mamamayan sa daigdig.

II. NILALAMAN Heograpiya ng Daigdig


 Heograpiyang Pantao (pangkat etniko/lahi)

Integrasyon:
Agham
Matematika
EsP

Stratehiya: Cooperative Learning, Inquiry-Based Method

III. KAGAMITANG Kagamitan : Mga larawan, Telebisyon, Laptop, mapa


PANTURO Sanggunian : Modyul/ aklat ng mga mag-aaral sa AP8: Kasaysayan ng Daigdig

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagbati at
pangungumusta
2. Pagtatala ng liban
sa klase
3. Balitaan
4. Balik- aral Paano nakakaapekto sa ating pamumuhay kung magkaka-iba tayo ng wika?

B. Panlinang na Pagpapakita ng larawan ng iba’t ibang pangkat ng tao.


Gawain
1. Pagganyak Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pagkakaiba ng bawat larawan?
2. Ano ang sinisimbolo ng kanilang mga kasuotan?
3. Paano sila namumuhay sa panahon nila?

Modelo ng Kultura
2. Pagtuklas
(Exploration) Pangkatin ang klase sa grupong may limang kasapi at sundin ang sumusunod na mga
hakbang:

1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.


2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay
na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang
suot ng kapangkat.
Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman ng Kasuotan Wasto ang
impormasyong
nakasulat at mga bagay
o simbolong nakaguhit 10
sa damit; nakapaloob
ang tatlo o higit pang
konsepto ng aralin
Disenyo ng Kasuotan Malikhain ang gawang
damit; angkop ang kulay
at laki ng mga nakasulat
at nakaguhit sa 10
damit;malinaw ang
mensahe batay sa
disenyo
Pagmomodelo Mahusay ang
isinagawang
pagmomodelo sa klase;
akma ang kilos sa 5
pangkat-etniko o
bansang kinakatawan
ng modelo
Kabuuan 25
3. Pagtalakay ng aralin Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa


kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong
kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay
sa Gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?
4. Pagpapalalim 1. Anong kultura ang namamayani sa inyong lugar at kulturang ginagamit sa
inyong tahanan?
2. Bilang isang mag-aaral paano mo mapapahalagahan at mapanatili ang kultura
na namayani sa inyong tahanan?
V. Pagtataya Panuto: Sagutan sa kwadernong papel at pagtatapatin sa Hanay A ang Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Kaluluwa ng Kultura a. Ethnos
2. Relihiyong may pinakamaraming b. Lahi
Tagasunod c. Etniko
3. Sistema ng mga paniniwala at ritwal d. Autronesian
4. Pamilya ng wikang may pinakamaraming e.Hinduismo
Taong gumagamit f. Wika
5. Salitang-ugat ng relihiyon g. Kristiyanismo

6. Salitang Greek ng “mamamayan’ h. Kristiyanismo

7. Pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat i. Relihiyon


Ng tao. j.Indo-European

8. Pangkat ng taong may iisang kultura at k. Religare


Pinagmulan
9. Pamilya ng wikang Filipino
10. Matandang relihiyong umunlad sa India

Panuto: ilagay ang sagot sa notebook


VI. Takdang Aralin Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng
mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?

V. Remarks Ang aralin ay naisagawa sa sumunod na araw dahil sa naganap na pagpupulong


tungkol sa implementasyon ng MATATAG kurikulum.

Inihanda ni:

You might also like