You are on page 1of 5

SCHOOLS DIVISION OFFICE – MALABON CITY

District of Malabon I

MALABON ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

Guro: MARILYN M. ESPINA Petsa: OCTOBER 20, 2023


Baitang at Pangkat V - PERSEVERANCE Oras: 1:00 - 1:40 PM

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng
lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/
pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
B. Pamantayang Pagganap Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
C. Kasanayang Pampagkatuto Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang
panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan (AP5PLP-li11)
Layunin 1. Naiisa-isa ang mga kagawiang panlipunan ng sinaunang
Pilipino.
2. Naihahambing ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa
kasalukuyan.
3. Napahahalagahan ang mga katangi-tanging mga
kagawiang Panlipunan noon at ngayon.
II. NILALAMAN
Paksa: Kultura ng mga Sinaunang Filipino - (Mga Kaugalian ng mga
Sinaunang Filipino)
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. TG at LM Teksbuk TG pp.28-32, LM pp.86-103
2. LRMDC Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo larawan ng mga sinauna at kasalukuyang gamit, graphic organizer,
meta cards, powerpoint presentation at batayang aklat
IV. PAMAMARAAN
I. Panimulang Gawain
A. Balik-Aral 1. Balitaan
Tumawag ng mga mag-aaral na mag-uulat batay sa kanilang
napakinggan, napanood o nabasang balita.
2. Pagsasanay
Suriin ang larawan.

Batay sa nakikita sa larawan. Magbuo ng pangungusap


napasalaysay, patanong, pautos at padamdam. Isulat ito sa pisara.
3. Balik-aral:
Punan ang tsart. Ibigay ang mga hanapbuhay na hinahanap sa kolum
1 at ang produktong maaaring makuha sa mga ito.
(Numeracy)
Kung iyong irarate ang mga hanapbuhay naayon sa kanilang
kahalagahan lagyan ng bilang 1 ang pinakamahalaga.Ano ang
mauuna?
B. Pagganyak 1. Magpakita ng mga larawang gamit noong sinaunang
panahon at mga gamit sa kasalukuyan tulad ng mga kasuotan,
instrumento, kagamitan, simbahan, at iba pana may
kinalaman sa kultura.
2. Isagawa ang Post It, na ang mga larawan ay uuriin ng mga
mag-aaral batay sa gamit noon at gamit ngayon.
3. Ipasuri ang ginawang pag-uuri, gabayan ang mga mag-aaral
upang makuha ang mga konseptong may kinalaman sa kultura
tulad ng paniniwala, musika, kasuotan, at iba pa.
C. Paghahabi sa Layunin K-W-L Chart
D. Pag-uugnay ng Halimbawa Magpanoon ng video patungkol sa sinaunang paniniwala at
tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga sinaunang
Filipino.
II. Paglinang na Gawain
E. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. PANGKATANG GAWAIN
Kasanayan #1 Hatiin ang klase sa limang pangkat at talakayin ayon sa
sumusunod na mga paksa.
Pangkat I – Gumuhit ng 5 kasuotan at palamuti ng mga
katutubong Filipino. Tukuyin kung ano ito?
Pangkat II – Gumawa ng Bubble Map. Isulat rito ang pananaw
at paniniwala ng mga ninuno sa Animismo.
Pangkat III – I-kwento ang paraan ng paglilibing ng mga
Filipino noong unang panahon
Pangkat IV – “It’s Baybayin Time“. Kaya mo bang magbasa ng
Baybayin? Tukuyin ang mga Baybayin karakter na nasa baba.
Pangkat V – Ihambing ang Barangay sa Sultanato gamit ang
Venn Diagram.
2. PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT

PAGPAPAKITA NG RUBRIC PARA SA PANGKATANG


MGA PAMANTAYAN PUNTOS 1 2 3 4 5
Nakatapos ng gawain sa 5
takdang oras
Nagawa nang maayos at 5
tama ang pangkatang
gawain.
Nagpakita ng 5
pakikipagtulungan ang
bawat miyembro ng bawat
pangkat.
F. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. Ano ang kultura?
Kasanayan #2 2. Paano mo ilalarawan ang kasuotan ng mga sinaunang
Filipino?
3. Ano ang pamamaraan ng paglilibing ng mga sinaunang
Filipino?
4. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Filipino?
Paano sila sumusulat? Anong uri ng edukasyon ginamit noong
sinaunang panahon?
5. Paano mo maihahambing ang mga pamahalaan noon at
ngayon upang maipaliwanag ang mga nagbago at
nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan?
G. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang titik O kung
opinyon at K kung katotohanan ang pahayag.
1. Ang animismo at paganismo ay kapuwa umiiral na uri
ng pananampalataya ng mga pangkat ng
etnolingguwistiko ng Pilipinas tulad ng taga-Cordillera.
2. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng
paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo ng
dugo sa kopang may alak. Ang pag-inom ng
magkabilang panig sa pinaghalong alak at dugo ay
nagsisilbing simbolo ng kanilang pagkakaibigan.
3. Isang halimbawa ng tapayan ginagamit sa paglilibing ay
angbangang Manunggul.
4. Naglalagay sila ng tatoo sa katawan sa pag-aakalang
sila ay magiging malakas.
5. May mga nagsasabi na ang paniniwala ng ating mga
ninuno patungkol sa mga patay ay kakaiba sa ating
paniniwala.

III. Pangwakas na Gawain


H. Paglalahat ng Aralin  Naipakita ng mga sinaunang __________ ang
kanilang kultura at kabihasnan sa kanilang mga
kagawiang panlipunan at tradisyon gayundin sa
kanilang mga ____________, __________, at
__________.
 Ang mayamang __________ ng ating mga
ninuno ay naipakita rin nila sa kanilang musika, sayaw,
at panitikan.
I. Paglalapat ng Aralin Papaano mo mapahahalagahan ang kulturang Filipino? Magbigay ng
ilang halimbawa.
J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Piliin
lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Paraan ng pamumuhay ng tao. Kabilang dito ang kanilang mga
paniniwala, kaugalian, relihiyon at paniniwala.
A. Kultura C. Tradisyon
B. Kagalingang Pansibiko D. Balangay
D. Mataas na Kapupulngan at Mababang Kapulungan
2. Pantaas na damit na sinusuot ng mga sinaunang kalalakihang
Filipino.
A. Kanggan B. Bahag C. Ganbanes D. Pomaras
3. Tawag ng mga Bisaya sa mga babaeng nangunguna sa mga
panrelihyong rituwal sa sinaunang lipunang Filipino.
A. Babaylan C. Katalonan
B. Diwata D. Lakambini
4. Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Filipino.
A. Alibata C. Alpabeto
B. Baybayin D. Balangay
5. Ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman,
bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa.
A. Animismo C. Judaismo
B. Islam D. Kristiyanismo
K. Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa kulturang Filipino
L. Karagdagang Gawain Gawin ang ISIP, HAMUNIN Titik D LM p.100-101
V. MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa formative
assessment?
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng remediation?
C. Bilang ng mga mag-aaral na
pumasa?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nagangailangan pa rin ng remediation?
E. Alin sa aking mga istratehiya sa
pagtuturo ang tumugon na
pangangailangan? Bakit ito nakatulong?
F. Anu-anong mga suliranin ang
aking hinarap na nakatulong sa akin
ang aking Punong-Guro at Superbisor?
Tulong mula sa:
Ulong-Guro:
Punong-Guro:
Superbisor:
G. Anong mga inobasyon o localized
material ang aking ginamit o natuklasan
na maaari kong maibahagi sa iba?
Inihanda ni: MARILYN M. ESPINA
Guro sa Araling Panlipunan V

You might also like