You are on page 1of 9

URDANETA CITY COLLEGE of

UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

DETALYADONG BANGHAY SA SINING IV


MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa iika-apat na baitang ay inaasahang


maisasagawa ang mga sumusunod ng may kawastuhan:

a. nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon at ang kanilang


pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamumuhay,

b. nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng kanilang
pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga, at Gaddang;at

c. nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon.

II.PAKSA AT NILALAMAN

Paksa:  Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon

Sanggunian: K-12 Curriculum Guide Art at Libro sa Musika at Sining p.145-149

Kagamitan : basong karton (paper cups) o mga bagay na pwedeng guhitan tulad ng kawayan,
tuyong dahon atbp., lapis, krayola o oil pastel

Pagpapahalaga:Pagtutulungan,Kooperasyon at Tiwala sa sarili


URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

III.PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG ESTUDYANTE


A. Panimulang Gawain

1.Panalangin

“Bago ang lahat tayo ay magsitayo at magdasal, (tumayo ang mga mag-aaral para sa
Maaari ko bang tawagin si ana upang pangunahan panalangin)
ang ating dasal”
Ana: “O Diyos namin, na sa pamamagitan ng
Liwanag ng Banal na Espiritu, na aming gabay
sa mga bagong matutunan. Ipagkaloob mo sa
amin ang isang magandang kinabukasan sa
pamamagitan ng aming klase ngayon, bukas,
at sa hanggang kami ay makapagtapos.
“Amen!” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng
“maaari na kayong magsi-upo” Panginoong Hesukristo. Amen.”

2.Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat!”


“Magandang umaga rin po Ginang
garcia,magandang umaga kapwa ko mag
“kamusta naman kayo?Lahat ba ay masaya aaral.”
ngayong araw na ito?”

“Mabuti naman kung ganon, (lahat ay sumagot)


Bago tayo mag umpisa maaari bang ayusin ninyo “Opo,titser”
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga maliliit
na kalat sa inyong kapaligiran.”

3.Pagtatala ng lumiban sa klase

Maaari ko bang malaman kung may lumiban ba sa


ating klase ngayong araw?

Masaya ako at kayo’y kompleto ngayong araw at Wala po titser!


sanay magpatuloy pa iyan hanggang
dulo ,nagkakaintindihan ba tayo?

4.Pagbabalik aral Opo titser!

“Noong kayo ay nasa Ikatlong Baitang napag-


URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

aralan
ninyo ang iba’t ibang uri ng maskara at putong
(headdress) na maaaring gamitin sa isang
selebrasyon o pagdiriwang. Maaari ba kayong
magbigay ng mga halimbawa”
Ben: ‘Sa maskara po meron tayong horror
“mahusay,ben” mask at clown mask para sa mga karnibal po
at mga birthday hat po para sa headdress.”

B.PAGLINANG NA GAWAIN

1.Pagganyak
“Mayroon akong ipapakitang mga larawan ng mga
iba’t-ibang disenyong etniko.Ang gagawin ninyo
lamang ay tignang mabuti at pag aralan ang mga
ito.Maliwanag ba?”
“Opo,titser”
Unang larawan:

‘Sa unang larawan makikita ninyo ang iba’t-ibang


klase ng araw”

Sa kalinga,ang araw nila ay parang katulad satin


ngunit sa taas ng isang tatsulok ay may kulay,sa
Maranao naman perpektong hugis bilog at sa
ifugao ay may makikita kayong iba’t-ibang
nakatusok sa gilid at may bilog sa gitna.

Pangalawang larawan:
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

“Sa pangalawang larawan naman,makikita ninyo


ang iba’t-ibang klase ng bituin sa iba’t-ibang
pangkat.Mayroong maranao,Bagobo,Tagbanua at
Agta at yan ang kanilang disenyong Bituin”

“Sa inyong palagay,may kinalaman ang mga


larawang aking ipinapakita sa ating talakayin
ngayong araw? “Opo,titser”

“Kung gayon,ano sa inyong palagay ang ating Beth: “Patungkol po sa mga iba’t-ibang
talakayin ngayong araw? disenyo ng mga etniko sa mga kultura.”

“Mahusay na ideya!Sapagkat ngayong araw pag-


aaralan natin ang Mga disenyo sa kultural na
pamayanan sa Luzon.”

2.Paglalahad

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-


kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang
mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang
kapaligiran. Ang Ifugao,Kalinga at Gaddang.

“Saan matatagpuan ang mga ifugao?” Chin: “Ang mga Ifugao ay naninirahan sa
Hilagang Luzon.”
Mahusay!
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

Makikita ang mga disenyo ng mga Ifugao sa


kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng
araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno at tao.

“Ito ang halimbawa ng disenyong Ifugao”

“Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga


Kalinga matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng
Luzon.”

“Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa


katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa
lipunan. “

Eunice: “pula, dilaw, berde, at itim”


“Ito ang kanilang disenyo,Sa tingin ninyo ano ang
madalas gamitin ng mga Kalinga na kulay?

“Mahusay,Eunice!”

"At ang Pangatlo ay ang Gaddang naman sa Nueva


Vizcaya ay kilala at bantog sa pag-hahabi ng tela.
Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit
ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na may
mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng
plastic beads at bato. Ilan sa kanilang mga
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),


aken (skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga
mamahalin at maliliit na bato. “

“Narito ang kanilang disenyo,

“Naintindihan ba ang tatlong kultural na


“Opo,titser”
pamayanan sa Luzon na nabanggit sa ating
talakayan?”

“Kung gayon,tayo ay magtungo sa ating


pangkatang gawain.”

3.Pangkatang Gawain

“Upang mas mabigyang halaga ang ating natalakay


ngayon nais ko sanang bumuo kayo ng tig-tatlong
“opo,titser”
grupo.”

“Lahat ba ay may grupo na?”

“Mahusay!”

“Para sa inyong pangkatang gawain.Ang group 1


ay ang nasa kanan,Group 2 naman ay sa gitna at
ang Group 3 naman ay ang nasa kaliwa.”

“Sa group 1, ang gagawin niyo ay gumuhit kayo ng


iba’t ibang disenyo ng Kalinga,

Sa group 2, sa Ifugao

At sa group 3,ay sa Gaddang”

“Maari kayong gumuhit sa basong karton,o hanap


kayo ng pagguguhitan tulad ng kawayan o tuyong
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

dahon at gumamit kayo ng krayola o oil pastel.

At pag tapos na kayong makaguhit itaas lamang


ang inyong mga kamay at pagkatapos isa isa “opo,titser”
ninyong ipakita ang mga halimbawang naiguhit
niyo.Maliwanag ba ?”

C.PANGWAKAS NA GAWAIN

1.Paglalahat

Ang mga disenyong kultural ng pamayanang sa


Luzon ay isa sa mga pamana ng sining sa ating
bansa.Kaakit-akit at kanais-nais sa paningin ang
kanilang mga likhang disenyo na ginagamitan ng
iba’t ibang linya,hugis at kulay.Ilan sa mga ito ay
ang mga inukit o nililok na kahoy at mga damit na
may iba’t ibang burda.Karamihan ng kanilang mga
ginagawang disenyo ay hango sa kalikasan o
maging sa kapaligiran tulad ng dahon,tao,bundok
at mga hayop.

2.Paglalapat
Joshua: “Ang tatlong kultural na pamayanan sa
1. Ano-ano ang tatlong kultural na pamayanan sa Luzon ay ang Ifugao,Kalinga at Gaddang.”
Luzon ang nabanggit sa ating talakayan? Isa-isahin “Ang pagkakatulad nila ay meron silang mga
ang kanilang pagkakatulad. disenyong may mga linya,hugis at kulay at
mga kagamitan upang makabuo ng produkto
at pangkasuotan.

Mahusay na sagot! Bea: “Ginagamit ko ang iba't ibang uri ng linya


sa paglikha ng mga ibat ibang hugis disenyo,
2. Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya, samantalang ginagamit ko naman ang kulay
kulay at hugis sa paggawa ng mga disenyo? upang mas makulay ang aking pagkakagawa
at ginagamit ko ang hugis sa paggawa ng mga
disenyo upang mas mapaganda pa nito ang
aking nilikha.”

“Mahusay na ideya,maraming salamat bea”

3.Pagpapahalaga
Kyla: “Kung ako ay nakatira sa kultural na
1. Kung kayo ay naninirahan sa mga kultural na pamayanan ay buong lakas kong tatangkilikin
pamayanan ng Luzon, paano ninyo pahahalagahan ang aming produktong may disenyo at kung
ang mga katutubong sining o disenyo na mayroon maaari ay tutulong ako sa paglikha ng mga
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

dito? kasuotang may disenyo.At kaya kong


2. Kaya mo ba itong ipagmamalaki? Papaano? ipagmalaki ang ating kultura dahil sabi nga nila
mahalin natin ang sariling atin at paano ko
ipagmalaki ang ating kultura sa pamamagitan
ng pagbibinta ng ating mha produkto at
ipagsigawan ko kung gaano kayaman ating
bansa ng kultura.

(palakpakan)
“Napakahusay na kasagutan kyla! Palakpalakan
natin si kyla.”
“opo,titser”
“Naunawaan ba lahat ng an gating mga natalakay
ngayong araw na ito?”

“Mahusay,kung gayon ilabas ang inyong mga papel


at ballpen at kayo ay mga maikling sasagutan.”

IV.PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

Nakasunod sa Nakasunod sa
pamantayan nang higit pamantayan subalit Hindi nakasunod sa
Mga Pamantayan sa inaasahan. may pamantayan
(3) Ilang pagkukulang (1)
(2)

1.Natukoy ko ang iba’t


ibang disenyo na
nagtataglay ng mga
elemento at prinsipyo
ng sining sa mga gawa
ng mga taga Luzon.

2. Nalaman ko ang
mga
disenyong kultural na
pamayanan na
nagmula sa Luzon.

3. Nakagawa ako ng
isang likhang- sining na
tulad ng mga
disenyong mula sa
Luzon.
URDANETA CITY COLLEGE of
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta
TEACHER EDUCATION

4. Napahalagahan at
naipagmamalaki ko ang
mga katutubong sining
na gawa ng mga
kultural na pamayanan
sa Luzon.

5. Naipamalas ko nang
may kawilihan ang
aking ginawang likhang
sining.

V.TAKDANG ARALIN

Panuto: Magdala ng sumusunod na kagamitan,

1. lapis

2. pastel

3. bond paper

You might also like