You are on page 1of 14

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC

ATIMONA, QUEZON

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I- LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Nagtutukoy at naipapaliwanag ang alamat at bahagi ng Alamat,
B. Nakapagbahagi ng mensahe o aral ng nabasang alamat “Alamat ng saging “.
C. Nakakagawa ng sariling Alamat

II- NILALAMAN

A. Paksa: Alamat at Bahagi ng Alamat


B. Sanggunian: Module sa Filipino 7
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector, manila paper/kartolina, at marker

III- PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Panimulang Gawain:
PANALANGIN
“Lahat ay mag siyuko para sa
panalangin Panginoon maraming -ang mga mag-aaral ay mananalangin.
salamat po sa araw na ito na pagsama
niyo sa amin. Buksan niyo po ang
aming isipan upang maunawaan ang
Pagtuturo ng aming guro inaalis po
naming ang lahat nag magiging
sagabal sa pagtuturo ng aming guro. -Mga mag-aaral Amen.
Maraming salamat po sa dakilang
pangalan mo Hesus amen.”

PAGBATI
“Magandang umaga Mag-aaral? -Magandang umaga din po Bb. Quise.

PAGTATALA NG LIBAN
“Ang guro ay mag-uumpisa ng mag-
attendance”
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

PAGTATAKALAY
- Ngayon mga bata may ipapakita ako
na larawan sa aking presentasyon na maari
ninyo bang bigyan ng ideya o simpleng
pagkakahulugan nito?

-Mag-aaral: “Ang nasa Larawan po Bb.


Unang larawan : Pamilya Quise ay isang Pamilyang kung saan ay
masayang nagtutulungan at sa ganyang
paraan po ay nagiging bonding na nila ito”.

“Mahusay!”. Bigyan natin siya ng


tatlong palakpak. Ngayon dumako -Mag aaral : Clap Clap Clap!
naman tayo sa Pangalawang larawan

Pangalawang Larawan: Guro na nagtuturo

-Mag-aaral : “isang guro po na nagtuturo


upang may matutunan ang kanyang mga
mag-aaral”.

“Magaling!. Bigyan din natin Siya ng tatlong -Mag aaral: Clap Clap Clap!
palakpak.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

PAGLALAHAD NG ARALIN

Ngayon mga bata ang Tatalakayin natin ay Mag-aaral: (tahimik na nakikinig)


Tungkol sa Alamat at Bahagi ng Alamat.

“Pakibasa ng Layunin”

Alamat: ang alamat o folklore sa wikang


ingles ay isang kuwentong maaring kathang-
isip lamang o may bahid ng katotohanang Mag aaral: Mag babasa ng Layunin
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,
lugar, pangyayari, o katawagan.
Karaniwang nakapaloob sa isang alamat ang
kagitingan o kabayanihan ng ating mga
ninuno.

“Maraming salamat sa malinaw mong


Pag basa. Ngayon dumako tayo sa
Bahagi ng Alamat”.

BAHAGI NG ALAMAT
1. SIMULA
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Suliranin
“maari ba kayo mag bigay ng idea sa simula
ng bahagi ng alamat” -Mag-aaral A: Para po sa simula, dito po ay
pinapakita ang mga tauhan sa kwento ano ang
kanilang gaganapin kung saan ay ipinapakita
“ikaw mag-aaral A ang ibat ibang karakter sa isang kwento. Sa
simula din ay ipapakita din ang mga lugar ng
pinangyayahiran ng kwento na may mahalagang
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

detalye sa isang kwento, dito ay papasok ang


iba’t ibang suliranin o problema ng mga tauhan
sa kwento”.
“Napakahusay! Magaling! Tama ang iyong
tinuran.

“Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan Mag-aaral (tahimik na nakikinig)


ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan
ng kuwento. Saglit na Kasiglahan-
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

2. GITNA
d. Kasiglahan
e. Tunggalian
f. Kasukdulan
-dito sa gitna ng bahagi ng alamat sino
makakapag bigay nag idea? Mag-aaral: (Ang gitna ay binubuo ng saglit na
kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.)

Magaling! Mahusay! Bigyan ng tatlong Mag-aaral: klap! Klap! Klap!


palakpak!

“Tama ang iyong tinuran sapagkat ang


gitna naman ay ang gitnang bahagi ng
isang kwento. Dito inilalarawan ang
mga hakbang na ginagawa ng tauhan
upang mabigyang solusyon ang
kanyang problema o suliranin. Maaari
itong maglaman din ng sukdulan
o climax, at maging ng tunggalian
o conflict.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

“Malinaw ba klase?, may tanong paba kayo?”

Mag-aaral: “wala na po binibining Quise,


Malinaw naman po lahat”

3. WAKAS
g. Kalakasan
h. katapusan
“sa paghuli ay wakas, sino ang maaring
magbigay ng idea kung ano ang
nilalaman nito?.” Mag-aaral C: “Ang wakas ay ang dulong
bahagi ng kwento. Ito ay naglalahad ng mga
naging resulta ng hakbang na ginawa ng tauhan
ng kwento”.

“Magaling!!”
“Binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kuwento mula sa maigting na Mag-aaral: (tahimik na nakikinig)
pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan
ng magiging resolusyon ng kuwento.
Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.”

“naunawaan ba klase?”

Mag-aaral: “opo, binibining Quise, naunawaan


PAGLALAPAT po namin.)
“Dahil alm niyo na ang bahagi ng
alamat ay may pangkalahatang Gawain
tayong gagawin sa araw na ito.
Ipapangkat ko kayo sa 3 grupo.”
(I flash sa TV Screen o projector ang
kwento.)
“ALAMAT NG SAGING”
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

Noong unang panahon ay may isang


napakagandang
prinsesa, kaya siya ay tinawag na
Mariang Maganda. Ang
kanilang kaharian ay malapit sa isang
maliit na gubat na
kung saan ay malayang
nakakapamasyal ang mayuming
kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't
ibang
magaganda, makukulay, at
mababangong mga
halamang namumulaklak. Nakagawian
na ng prinsesang
mamitas at mamasyal sa tila bang
perpekting hardin
para lamang sa isang prinsesang katulad
niya.
Isang araw sa kanyang pamamasyal ay
may nakilala
siyang isang bagong mukha. Isang
makisig na binata na
halos kaedad din ng magandang
prinsesa. May
kakaibang naramdaman ang prinsesa sa
makisig na
binata na iyon. Lingid sa kaalaman ng
prinsesa gayundin
ang nararamdaman ng bagong kakilala
sa kanya.
Nagpakilala ang binata bilang isang
prinsipe ng isang
malayo at kaibang kaharian. Araw-araw
nagkikita at
nagkasama ang dalawa sa kagubatan
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

hanggang sa
magtapat ang prinsipe sa dalaga ng
kanyang pag-ibig na
malugod namang tinanggap ng prinsesa
dahil sa parehas
nitong nararamdaman.
Habang sila ay magkasamang
namamsyal sa kagubatan
ay nagpasya silang magulayaw sa ilalim
ng mabangong
halaman na madalas ipagmalaaki ng
prinsesa.
"Hindi maipagkakailang maganda ang
bulaklak ng
halamang ito Mariang Maganda, ngunit
higit na mas
maganda at mabango ang mga halaman
at bulaklak sa
aming kaharian." sambit ng prinsipe
habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog
"Bakit, saan ba ang iyong kaharian?"
malambing na
tugon ng prinsesa.
"Ang aming kaharian ay hindi kayang
marating ng taong
may katawang lupa." ang mahiwagang
pagsagot ng
prinsipeng tila ba mag agam-agam.
"Bakit hindi?" ang natigilang
pagtatanong ni Mariang
Maganda habang pinagmamasdan ang
malungkot na
mukha ng prinsipeng kanyang iniibig.
"Kailangan ko ng bumalik sa aming
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

kaharian dahil kung


hindi ay hindi na tayo muling magkikita
pa. Nais sana
kitang isama subalit hindi talaga maari
ang mga kagaya
ninyo sa aming kaharian. Paalam na
irog."
"Nais ko sanang magkita tayong muli
dito sa
halamanang ito mamayang gabi.
Hihintayin kita."
pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa
paglisan ng
kanyang minamahal.
"Sisikapin ko, irog." pangako ng
prinsipe kay Mariang
maganda. Nang gabi ngang iyon ay
hinintay ni Mariang
Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa
man
maghatinggabi ay dumating nga ang
prinsipe at lubos na
nalugod ang nag-aalalang prinsesa.
Magkahawak kamay
silang namasyal sa gubat ng
magagandang halaman na
ang buwan at mga bituin ang
tumatanglaw sa kanilang
dinadaanan. Kung anu ano ang kanilang
pinag-usapan
hanggang sa bigla na lang napabalikwas
ang prinsipe na
tila ba may ttumawag sa kanya.
"Kailangan ko ng lumisan mahal ko.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

Hindi ako maaring


abutan ng hatinggabi, kapag hindi ako
umalis ngayon ay
hindi na ako makakabalik pa sa amin.
Iyong
pakakatandaan na ikaw lamang ang
aking iniibig." at
ginawaran ng isang matamis na halik
ang labi ng
naguguluhang si Mariang Maganda.
Hindi matanggap na malisan sa
kanyang iniibig ay
mahigpit nyang hinawakan ang kamay
ng prinsipe. Pilit
mang hinila ng prinsipe ang kamay ay
di nito magawang
makawala sa pagkakahawak ng
prinsesa. Sa kanilang
paghihilahan ay bigla na lamang
naglaho na parang bula
ang prinsipe ngunit naiwan sa kamay ng
prinsesa ang
dalawang putol na kamay ng prinsipe.
Sa takot ay
napabalikwas ang prinsesa at tinungo
ang isang malapit
na hukay. Doon itinapon at ibinaon ni
Mariang Maganda
ang mahiwagang kamay ng kanyang
tinawag na irog.
Muling nagbalik ang prinsesa sa
kagubatan matapos ng
ilang araw para makita lamang na may
kakibang
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

halaman na tumubo kung saan niya


ibinaon ang
mahiwagang kamay ng prinsipe.
Malalapad ang mga
dahon ng halaman na ito at walng mga
sanga. Matapos
ng ilang araw ito ay namulaklak. Araw-
araw na bumalik
ang prinsesa sa kagubatan hanggang
ang bulaklak ay
napalitang ng bynga. Ang bunga ng
kakaibang halaman
at tila ba kamay na nag-iimbita. Ito na
ang kauna-unahang saging.
`

“ ALAMAT NG SAGING”

UNANG GRUPO: Ihalad sa manila


paper o kartolina ang simulang bahagi
ng alamat.
PANGALAWANG GRUPO: Ilahad din
sa manila paper o kartolina ang gitnang
bahagi ng alamat.
PANGATLONG GRUPO: Ilahad din sa
manila paper o kartolina ang wakas na
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

bahagi ng alamat.
Mag-aaral: (sisimulan nang gawin ang kanilang
pangkatang gawain)

“Bibigyan ko kayo ng 30 minuto upang


matapos ang inyong pangkatang
gawain, at ito ay inyong ipepresent sa
unahan.”

(pagkatapos ang 30 minuto ay sisimulan


na ang kanilang ginawang pangkatang
gawain)
M b
(pagpe-present)

Unang Pangkat
SIMULA
- Noong unang panahon ay may isang
napakagandang prinsesa, kaya siya ay
tinawag na Mariang Maganda. Ang
kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit
na gubat na kung saan ay malayang
nakakapamasyal ang mayuming
kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't
ibang magaganda, makukulay, at
mababangong mga halamang
namumulaklak. Sa mga araw na lumipas ay
mayoong bagong mukha ang nakita ni
Mariang Maganda, ito ay isang makisig na
prinsipe at hindi naglaon sila ay umibig sa
isat isa. Subalit ang prinsipe ay mayroong
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

lihim na hindi niya dapat malaman ng


prinsesa, sapagkat ito ay hindi pwede sa
kanilang kaharian.

PANGALAWANG PANGKAT
GITNA
- Habang masayang namamasyal ang
magkasintahan ay nagpaalam ang prinsipe
sa kay Mariang Maganda na kailangan na
niyang bumalik sa kanyang kaharian,
gustuhin mang isama ng prinsipe si
Mariang Maganda ay hindi maari sapagkat
ito ay ipinagbabawal sa kanilang kaharian,
nangako ang prinsipe na magkita sila sa
“Napakahusay! Magaling! Magaling! kanilang tagpuan at nangako siyang
Bigyan natin sila ng sampung babalik. Bumalik nga sa kanilang tagpuan
palakpak!” ang Prinsipe at ang pag-aalala ni Mariang
Maganda ng makita ang makisig na
Prinsipe, ngunit sa kanilang pag-uusap ay
biglang nakaramdam ang prinsipe na
tumatawag sa kaniya na kailangan na
niyang umalis sapagkat maghahating-gabi
na, kung hindi makakaalis ang prinsipe
bago maghating-gabi ay hindi na sila muli
mang magkikita ni Mariang Maganda,
ngunit bago pa man makaalis ang prinsipe
ay maghigpit na hinawakan ni mariang
Maganda ang kamay ng prinsipe para hindi
na muli itong umalis, subalik nang
dumating ang hating-gabi ay bigla nalang
naglaho ang prinsipe ang tangi na lamang
nitong naiwan ay ang kanyang dalawang
kamay sa Prinsesa. Sa takot ay
napabalikwas ang prinsesa at tinungo ang
isang malapit na hukay. Doon itinapon at
ibinaon ni Mariang Maganda ang
mahiwagang kamay ng kanyang kasintahan.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

IKATLONG PANGKAT
WAKAS
- Muling nagbalik ang prinsesa sa kagubatan
matapos ng ilang araw para makita lamang
na may kakibang halaman na tumubo kung
saan niya ibinaon ang mahiwagang kamay
ng prinsipe. Malalapad ang mga dahon ng
halaman na ito at walng mga sanga.
Matapos ng ilang araw ito ay namulaklak.
“Maraming salamat sa inyong mahusay Araw-araw na bumalik ang prinsesa sa
na presentasyon at sa aktibong kagubatan hanggang ang bulaklak ay
pakikihalok sa inyong pangkatang- napalitang ng bynga. Ang bunga ng
gawain” kakaibang halaman at tila ba kamay na nag-
iimbita. Ito na ang kauna-unahang saging.
At dito nagtatapos ang Alamat ng Saging.

PAGLALAHAT
“Ano ang aral na natutunan ninyo mula sa
binasa ninyong alamat?”

“Magaling! Mahusay! Bigyan ng tatlong Mag-aaral: para sa akin ang aral na natutunan
palakpak” ko mula sa Alamat ng Saging ay kilalanin ng
lubos ang taong makikilala natin huwag basta
lamang ibigay ang buo mong tiwala para hindi
tayo magsisi sa bandang huli. Huwag basta na
“Maraming Salamat sa inyong aktibong lamang umibig sa taong pangalan lamang ang
Partisipastyon sa ating talakayan, naway nag- alam mo sa kanyang pagkatao.
enjoy kayo at maraming natutunan sa araw na
ito.”
Mag-aaral: klap! Klap! Klap!
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC
ATIMONA, QUEZON

Mag-aaral: Maraming salamat din po Binibing


Quise, marami po kaming natutunan sa araw na
ito.

V. EBALWASYON

Sa isang buong papel ay gumawa ng isang alamat, ilahad ang tatlong bahagi nito. Ang
Simula, Gitna at ang Wakas.

Rubrics:
1. Nilalaman- 50%
2. Daloy ng Alamat- 25%
3. Nasundan ang proseso ng bahagi ng alamat- 25%
Kabuuan- 100%

VI. TAKDANG-ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod;
1. Kahulugan Tula
2. Elemento ng Tula
3. Uri ng Tula

INIHANDA NI: Bb. Jesalyn P. Quise


BSED-FILIPINO 3A

You might also like