You are on page 1of 8

lOMoARcPSD|40417280

Group- Lesson-PLAN - Yes

Elementary Education (University of Southeastern Philippines)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)
lOMoARcPSD|40417280

BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO (BAITANG 4)


MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO/TUNGUHIN/PAMANTAYAN
A. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
Pamantayang napalalawak ang talasalitaan
Pangnilalaman
B. Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may
tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa
Pamantayan binasang teksto
sa
Pagganap
C. Mga F4PB-Ia-97
Kasanayan sa Natutukoy ang mga elemento ng maikling kuwento
Pagkatuto
I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga elemento ng maikling kwento at ang
kahulugan nito;

 Nabubuo ang story map ng may tamang elemento ng maikling


kwento; at

 Napapahalagahan ang mga elemento ng maikling kwento sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

II. NILALAMAN
Paksa Mga Elemento ng Maikling Kwento

III. KAGAMITANG PAN TURO


A. Sanggunian Nilalaman
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
https://www.scribd.com/presentation/416591234/Ppt-Elemento-Ng-
Kwento#

A.1 Mga Pahina Gabay ng Guro Yunit I pahina 147-150


sa
Gabay sa
Pagtuturo
A.2 Mga Pahina
sa
Kagamitang Filipino Unang Markahan–Modyul 7: Elemento ng Kuwento pahina 7-
24
PangMagaaral
B. Iba Laptop para sa ICT integrasyon, mga larawan, big book, story map,
pang kahon, worksheets, tape, cartolina/manila paper, at pentel pen
Kagamitang
Panturo
IV.
PAMAMARAAN
A. Balik – aral sa A.1 Drill

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)


lOMoARcPSD|40417280

nakaraang aralin Ipakita ang mga larawan sa mga mag-aaral at itanong ang mga
o pasimula sa sumusunod sa pamamagitan ng pagtawag ng mga mag-aaral na
bagong aralin. gustong sumagot:

 Ano ang nakikita niyo sa mga larawan?


 Sino sino ang mga taong nakikita ninyo sa larawan?
 Anong mga lugar ang makikita ninyo sa larawan?
 Maaari ba kayong magbigay ng ibang halimbawa ng mga
kwento?
A.2 Pagbabalik-Aral
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at bigyan ng manila paper ang
bawat grupo. Sabay na basahin ang maikling kuwento at sagutan ang
gawain.

Panuto: Tukuyin ang mga pangngalang ginamit sa loob ng talata.


Tukuyin at ilista kung ito’y tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Napakasaya ng aming karanasan sa bukid. Isinama ako ni


Itay. Kami ay nagtanim ng talong, kamatis at kalabasa. Naligo
rin ako sa batis bago kami umuwi. Sa aming pag-uwi,
nadaanan namin ang pinsan kong si Lino. Naglaro kami
sandali at uminom ng buko.Binigyan niya rin ako ng aalagaang
pusa. Ang saya ng buhay-probinsiya.

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)


lOMoARcPSD|40417280

B. Paghahabi sa B.1 Pagganyak


layunin ng aralin Pagkatapos sagutan ng dalawang pangkat ang tanong, maaring
pumili ng isa o dalawang representante ang bawat pangkat upang
ilahad sa harap ng klase ang kanilang sagot.

Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod sa pamamagitan ng


pagtawag sa mga mag-aaral:

 May alam ka bang maikling kwento?


 Maaari mo ba itong ibahagi sa klase?
 Sinu-sino ang mga tauhan ng kwentong iyong nabanggit?
 Saan naganap ang kwento?
 Ano ang nangyari sa kwento?
C. Pag-uugnay C.1 Pagganyak na Tanong
ng mga Ipasagot sa mga mag-aaral ang worksheet.
halimbawa sa
bagong Panuto: Makikita sa hanay A ang depinisyon ng mga salita sa nasa
aralin hanap B. Hanapin ang tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang
numero.
Pagkatapos sagutan ay
A B babasahin ng guro ang
____1.Isang kayamanan o bagay na A. Kuwintas maikling kwento sa
ipinasa. pamamagitan ng Big Book.
____2. Malaking
D. sisidlan ng damit.
D.1 Pagtatalakay
B. Pulseras
____3. Palamuting bilog na hiyas
Pagtatalakay na
Tatalakayin C.ng guroPamana
ang mga sumusunod:
isiusuot sa ng
may pulso
bagongsa kamay.
____4. Taong naglilinisat
konsepto ng kuko sa D.aparador
kamay. paglalahad Ang kwento ay pasalaysay na paglalahad ng mga pangyayari na
____5. Hiyasng na isinusuot
bagong sa binubuo
leeg. ngD.talata.Manikurista
Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay
kasanayan hinggil sa isang mahahalagang pangyayaring kinakasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay
isang masining na anyo ng panitikan.

Tauhan – ito ay tumutukoy sa mga panauhin na gumaganap sa kwento;


Tagpuan – ito ay tumutukoy sa lugar, atmospera at panahon kung saan
naganap ang kuwento.
Banghay – ito ay tumutukoy sa malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento;

Ngayon ipaliwanag ang mga elemento ng maikling kwento sa


kwentong “Pamana”.

Tungkol saan ang kuwento?


Tungkol sa pamanang kuwintas at bestida.
Tungkol sa pulang bestida ng Lola ni Noreen.

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)


lOMoARcPSD|40417280

Sino-sino ang naglagay ng palamuti sa katawan ni Noreen?


Aling Toring na nagbigay ng pulseras
Mang Isko naglagay ng laso sa kaniyang buhok
Tita Kyla na nagbigay ng berdeng sapatos
Aling Susan na nagbigay ng pakpak
Aling Martha nagbigay ng kuwintas

Tama! Sila ang mga nakausap at nagbigay ng palamuti kay Noreen.


Sila ang tinatawag na mga tauhan.

Saan niya natanggap ang mga palamuting


ibinigay sa kaniya?
-sa bahay na si Aling Toring-pulseras
-sa tindahan ni Mang Isko-laso
-bahay ng kaniyang Tita Kyla- berdeng sapatos
-sa parlor ni Aling Susan-pakpak
-sa kanilang bahay
Tama! Ito ang mga lugar na pinuntahan ni Noreen at kung saan niya
natanggap ang mga palamuti. Tinatatawag itong tagpuan.

Ang mga pagbigay at pagtanggap ni Noreen sa mga palamuti sa


kaniyang katawan ang mga pangyayari na tinatawag na banghay.
E. Pagtatalakay E. 1 Pangkatang Gawain
ng bagong Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may
konsepto at iba’t-ibang gawain na kailangan mapagtagumpayan.
paglalahad ng
bagong Ang mga gawain ay inihanda na ng guro. Bawat pangkat ay
kasanayan kinakailangang pumili ng isang representante na pupunta sa harapan
upang bumunot ng kanilang nakatalagang gawain, maaari itong
tauhan, tagpuan o banghay.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang hanayin at ayusin ang mga


elemento ng maikling kwento sa kwentong “Pamana”. Sagutan ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng story map na naaayon at alinsunod sa
kanilang nabunot na elemento ng kwento sa loob ng 8 minuto.

F. Pagtatalakay Ang guro ay may inihandang powerpoint presentation na naglalaman


sa Kabihasan ng maikling kwento na pinamagatang “Si Boyet at ang Aso”.
(Tungo sa Pagkatapos basahin at maunawaan ay sagutan ang mga tanong sa
Formative pamamagitan ng pagtawag ng mga mag-aaral:
Assessment)
Ang Bata at ang Aso

Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi.


Puting-puti ang makapal na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod ay
mayroon itong isang malaking tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung
bakit tagpi ang itinawag ni Boyet sa kanyang aso. Mahal na mahal niya
si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng maraming
masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal.
“Habol, Tagpi!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa
alaga.

Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing


laki ni tagpi ang aso pero kulay tsokolate ito. Manipis ang balahibo ng
tsokolateng aso kaya hindi ito magandang tingnan. Marami pang putik
sa katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na
ubod ng linis dahil araw-araw niyang pinaliliguan.

Nakita
Downloaded by ng tsokolateng
John aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at
Tiamzon (jhantz008@gmail.com)
tinahulan ang kanyang alaga. Gagalaw-galaw pa ang buntot ni Tagpi na
lOMoARcPSD|40417280

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Ano ang tagpuan ng kwento?
3. Ano ang hidwaan na kinakaharap ng tauhan?
4. Paano nalutas ang tunggalian?
G. Paglalapat ng G.1 Pagpapahalaga
aralin sa pang- Tumawag ng ilang mag-aaral upang makapagbigay sila ng opinyon
araw-araw na sa katanungan.
buhay.
 Ano-anong mga aral ang iyong napulot sa kwentong Pamana?
 Ano-anong mga aral naman ang iyong napulot sa kwentong
Ang Bata at ang Aso?
• Bakit mahalagang malaman ang mga elemento ng kwento?
• Paano nakakatulong ang mga elemento ng kwento sa pag
unawa ng kwentong binasa?

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)


lOMoARcPSD|40417280

H. Paglalahat ng Muling ibahagi sa klase ang mga elemento ng kwento at kung paano
Aralin ito nakatutulong sa pag-unawa ng kwentong binasa.
(Generalization)
Ang maikling kwento ay isang uri ng pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang tauhan ay
tumutukoy sa gumaganap sa kuwento. Tagpuan naman ay tumutukoy
sa lugar, atmospera, at panahon kung saan naganap ang kuwento.
Ang banghay naman ay tumutukoy sa maayos at malinaw na
pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari.

Pagkatapos ilahad muli ang mga konsepto ay isunod na itanong sa


mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 Anong natutuhan mo sa araling ito?


 Ano-anong mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

I. Pagtataya ng Panuto:
Aralin Basahin ang sumusunod na kuwento.

Ang Masayang Paglalakbay


(Cheche Cortez)
Tuwang-tuwa sina Roy, Rico at Rey sa kanilang ‘field trip’ sa
Legaspi City. Ang una nilang pinuntahan ay ang Hoyop-
hoyopan Cave sa Camalig. Namangha sila sa ganda ng
kuweba. Napagod sila sa pag-akyat sa bulubundukin ng Kawa-
Kawa sa Ligao ngunit sulit naman sa napakagandang tanawin
doon. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang
hayop sa ‘Wild Life’. Pagkatapos nilang mananghalian, sila ay
nagtungo sa PAGASA Center upang malaman kung papaano
namumuo ang isang bagyo. Nakita rin nila ang perpektong
hugis ng Bulkang Mayon sa may Cagsawa Ruins. Sulit ang
pagod ng mga mag-aaral habang papauwi na sila sa kani-
kanilang bahay.

A.
Panuto: Ang mga tauhan sa kuwento ay sina
(1)_______________________,
(2)_______________________ at
(3) ______________________.

B.

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)


lOMoARcPSD|40417280

Panuto: Ang mga lugar na kanilang pinuntahan ayon sa kuwento ay


(1)_______________________
(2) ______________________
(3)_______________________
(4)_______________________, at
(5)_______________________.

C.
Panuto: Pasunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tekstong
nabasa. Lagyan ng bilang 1-5 sa patlang.
_____ a. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang
hayop sa ‘Wild Life’.
_____ b. Natutula rin sila sa hugis perpekto ng Bulkang Mayon ng sila
ay pumunta sa Cagsawa, Daraga.
_____ c. Sulit ang kanilang pagod habang papauwi na sa kanilang
bahay
_____d. Napagod ang tatlong bata sa pag-akyat nila sa
bulubunduking Kawa-Kawa sa Ligao.
_____e. Namangha sila sa ganda ng Hoyop-hoyopan Cave.
J. Karagdagang Panuto: Maghanap ng maikling kuwento sa YouTube o sa mga aklat,
Gawain para sa at tukuyin ang mga tauhan, tagpuan at balangkas ng kwento. Isulat
takdang-aralin ito sa isang buong papel at ipasa sa susunod na pagkikita sa klase.

Inihanda nina:
Afable, Korina Fatima
Balanza, Jessa May
Canceran, Renato
Laranjo, Bea Mae
Mansan, Jorgie
Mira, Jenine
Oliva, Merry Magdalen
Purisima, Hannah Raissa Kay
Suarez, Raida Mae
Tambis, Maryvelle
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fedform.com%2Fworksheets
%2Fpagsusuri-sa-pabula-
ZF1AKH&psig=AOvVaw03DHSK4TeYWRTaSw6YL52q&ust=1680411665140000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CA8QjRxqFwoTCND4j7Xzh_4CFQAAAAAdAAAAABA
E

Downloaded by John Tiamzon (jhantz008@gmail.com)

You might also like