You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

College of Education

Tacloban City, Leyte

DI-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

I. Layunin:

a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Mito o Mitolohiya

b. Nasusuri ang mga Elemento ng Mitolohiya

II. Nilalaman

Paksang Aralin : Mitolohiya

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Mga Kagamitan mula sa Learning Resources: aklat, pentel pen, projector,


PPTSlides, Rubrics, at iba pa.

2. Larawan

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Mga Pang-araw-araw na Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

112
Ang Guro ay magtatanong kung ano ang itinilakay noong nakaraang linggo.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


1. Pagganyak
Ang guro ay magtatanong kung anong mga salita o konsepto ang pumapasok sa kanilang
isipan kapag naririnig nila ang salitang ‘’ mitolohiya’’.
Ang guro ay tatawag sa mga studyante na sasagot.

C. Pagtalakay
Ang guro ay magpapakita ng larawan o imahe na may kaugnay sa mitolohiya at magtatanong
kung ano ang kanilang nalalaman patungkol rito.

Mga larawan na ipapakita ng Guro:

“BIAG NI LAM-ANG’’ “SI MALAKAS AT SI GANDA’’

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglahad ng kasanayan #1


Gawain 2. Pagsusuri!

Ang guro ay papangkatin ang klase sa apat na pangkat ang bawat pangkat ay magsusuri ng
buod gamit ang mga elemento ng metolohiya na ibinigay ng guro.

Ang unang pangkat susuriin kung sino-sino ang mga tauhan at mga katangian.

Ang pangalawang pangkat ay susuriin ang tagpuan sa kwento.

Ang pangatlo pangkat ay susuriin ang banghay sa kwento.

Ang pang-apat na pangkat ay tutukuyin ang Tema ng kwento.

113
E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain 3. Pagbuo ng Timeline!


Ang guro ay magbibigay ng gawain sa bawat mag-aaral na bumuo ng timeline na
nagpapakita ng mga pangunahing pangyayari sa mga mitolohikal na kwento na kanilang
natutunan. Maaaring hilingin sa kanila na magdadag ng mga detalye at mga aral na natutunan
nila sa bawat kwento.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ang guro ay may ipapakitang mga larawan ng mga diyos at diyosa ng Griyego.

Mga diyos at diyosang Griyego:

MGA DIYOS AT DIYOSANG GRIYEGO

ZEUS POSEIDON

HERA HADES

114
Ang gawain ay pipili ang mga mag-aaral ng isang diyos at diyosa at tutukuyin ng mga mag-
aaral ang maaaring matutuhan mula sa karakter ng kwento.

Halimbawa:

Ang kwento ni Zeus ay natuturo ng kapangyarihan ng pagiging matapat at kalakip ang


natutunan nila tungkol sa mito o mitolohiya at isagawa ito sa pamamagitan ng Video
presentation.

RUBRIK PARA SA PRESENTASYON

Pagiging malinaw at
Organisado ng Presentasyon
10

Mga natutuhan 10

Pagiging malikhain 10

Kabuoang Puntos 30

G. Paglalapat ng Aralin

Ang guro ay may hinandang katanungan para sa bawat mag-aaral:

“Paano mo magagamit ang aral ng pagiging mapagmahal sa pamilya sa iyong pang-araw-


araw na buhay?”

H. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig ng TAMA at M


naman kung MALI

1. Ang mitolohiya ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng mga kuwento tungkol


sa mga diyos at diyosa.

2. Si malakas at si Maganda ay mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Pilipino.

3. Ang “BIAG NI LAM-ANG’’ naglalaman ng mga elementong aksyon at

115
pakikipagsapalaran.

4. Si Malakas at Maganda ay mga tauhan sa mitolohiyang kastila.

5.Ang tauhan sa mitolohiya ay mga ordinaryong tao lamang.

6. Sa banghay dito maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian.

7. Si Malakas at si Maganda ay naging mga magulang na lahat ng tao sa mundo

8. May kaugnayan ng tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.

9. Ang tema ito ang pinagmulan ng buhay sa daigdig, ito rin ang mga paniniwalang
panrelihiyon, katangian, at kahinaan ng tauhan.

10. Ang mitolohiya ay hindi naglalaman ng mga aral at moral.

Susing sagot:

1. T

2. T

3. T

4. M

5. M

6. T

7. T

8. T

9. T

10. M

I. Takdang Aralin

116
Pag-unawa sa mga aral na nakapaloob sa mitolohiya. Isa sa mga mahalagang aspeto ng pag-
aaral ng mitolohiya ang pag-unawa sa mga aral na ibinahagi nito.

A. Mag-analisa at pagpapaliwanag ng mga aral na matutunan mula sa mga mito na


napag-aralan.

J. Pagtatapos
1. Balikan ang mga natutuhan sa leksiyon.
2. Magbibigay-pugay sa mga mag-aaral na nakihalok sa bawat aralin.
3. Ang guro ay magpapaalam sa mag-aral, bilang pagtatapos ng klase.

117

You might also like