You are on page 1of 7

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Basic Education Department


La Salle Drive, Mangagoy, Bislig City

Daily Lesson Plan in


Filipino – 6 Tungkol
sa Kasaysayan ng
Mitolohiya at Mga
Diyos at Diyosa ng
Rome
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Basic Education Department

La Salle Drive, Mangagoy, Bislig City

Detailed Daily Lesson Plan in Filipino in Grade 6 - Kasaysayan ng Mitolohiya at Mga Diyos at
Diyosa ng Rome

I. Layunin
Sa loob ng 50 minutos kabilang na ang mga iba’t-ibang aktibidad, inaasahan na
matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 naiisa-isa ang mga tauhan sa napanood na dokumentaryo,


 natutukoy ang mga kaakit-akit na katangian ng mga diyos at diyosa na maaari nilang
maisabuhay, at
 nakasusulat ng sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa.

II. Paksa: Kasaysayan ng Mitolohiya at Mga Diyos at Diyosa ng Rome


Sanggunian:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-mitolohiya-
kaligirang-pangkasaysayan-ng-mitolohiya_1150.html (Arts & Literature) - Mitolohiya, Diyos at
Disyosa
https://buklat.blogspot.com/2017/11/cupid-at-psyche-mito.html (Cupid & Psyche)
https://www.slideshare.net/charloumaesialsa/mga-diyos-at-diyosa-ng-mitolohiyang-griyego-at-
romano (Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano)
https://www.youtube.com/watch?v=KoXhx2KsyHY (12 Diyos at Diyosa – Video)
Materyales: Powerpoint Presentation, Technology, Cartolina/Manila Paper

III. Procedure

AKTIBIDAD NG GURO TUGON NG MGA MAG-AARAL


I. INTRODUKSYON

A. Pamamaraan
1. Panalangin
 Hihilingin ng guro ang isang tao na
manguna sa panalangin.
 Babatiin at ipapakilala ng guro ang - Magandang umaga, aming guro!
kanyang sarili sa klase.
 Tatanungin ng guro ang klase tungkol sa - Ang aming araw ay naging maganda,
kanilang araw at kung ano ang kanilang guro at kami ay nasasabik ngayon.
nararamdaman sa ngayon. Ikaw po, teacher?
2. Pagtatala ng liban
 Tatanungin ng guro ang kalihim ng klase
kung may lumiban sa klase ngayon.
 Papasalamatan ng guro ang presensya ng
mga mag-aaral na dumalo para sa klase
ngayong araw at hihilingin sa Class *Tinapik ang mga sarili.*
Secretary na ilista ang mga pangalan ng
mga mag-aaral na wala ngayong araw.
“Class, gusto kong tapikin ninyo ang
inyong mga sarili at sabihing “Salamat
dahil dumalo ka sa klase ngayon at
pinapahalagahan mo ang edukasyon” at
pagkatapos ay huminga ng malalim.”
3. Pagtatakda ng mga Pamantayan
 Itinakda ng guro ang mga alituntunin sa
silid-aralan bago magsimula ng kanyang
klase.
MGA ALINTUNTUNIN: ANG APAT “MA”
1. Manatiling tahimik sa klase.
2. Makining ng mabuti.
3. Makilahok sa klase.
4. Maging magalang.
 “Inaasahan ko na susundin ninyo ang
ating mga alintuntunin upang tayo ay
magkaroon ng maayos at matiwasay na
pagtatalakay. Ibabawas ko ang mga
puntos sa aktibidad mamaya sa mga - Opo, teacher!
mag-aaral na hindi susunod sa mga
tuntunin sa silid-aralan.
Nagkakaintindihan ba tayo?”

B. Pagbabalik-aral
C. Motibasyon
 Ang guro ay magsasagawa ng isang laro.
 Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang
pangkat.
 Ipakikita ng guro ang larong tinatawag na
Picture Reveal sa Teknologic website na
kung saan nakapaloob ditto ang mga
larawan ng 12 na Diyos at Diyosa ng - Handa na po kami!
Mitolohiya ng Rome at Greek. “Handa
naba ang lahat?”
 Sisimulan na ng guro ang laro.
 Pagkatapos ng laro, inanunsyo ng guro ang
panalo nito. “Bigyan natin ng good job
clap ang nanalo sa larong ito a bigyan *Pumalakpak ang lahat.*
rin natin ng masigabong palakpakan ang
kabilang pangkat dahil ginawa nila ang
kanilang makakaya.”

Screenshot of the Picture Reveal Act.

 “Ngayon, dahil tapos na tayo sa ating


laro. Mayroon na ba kayong mga ideya - Tungkol po ba ito sa mga Diyos at
kung ano ang tatalakayin natin ngayong Diyosa, teacher?
araw na ito?”
- Sa tingin ko po tungkol ito sa mga
taong may mgakapangyarihan?

- Tungkol po ba ito sa mga mitolohiya,


4. Presentasyon ng Paksa teacher?

 “Lahat ng inyong mgasagot ay tama!


Ang ating tatalakayin ngayong araw na
ito ay tungkol sa “Kasaysavan ng
Mitolohiya at Mga Diyos at Diyosa ng
Rome.”
II. INTERAKSYON

5. Talakayan
 Ilalahad muna ng guro ang mga layunin
bago magpatuloy sa kanyang aralin.
 Bago simulan ng guro ang kaniyang
talakayan, may ipapanood muna siyang
dokumentaryo tungkol sa labindalawang
tauhan ng Diyos at Diyosa ng mitolohiyang
Rome.
 “Panoorin ng maigi ang video dahil
pagkatapos nito ay mayroon akong
katanungan. Naiintindihan po ba?” - Opo, teacher!
 Pagkatapos panoorin ang video ay
nagbigay ang guro ng katanungan sa mga
mag-aaral. “Sino-sino ang labindalawang
tauhan ng mitolohiyang Rome?” - Sina Zeus, Hera, Poseidon, Hermes,
 Pagkatapos ng katanungan ay nagsimula Hades, Apollo, Hephaestus, Ares,
ng mag talakay ang guro tungkol sa Athena, Artemis, Hestia, at Aphrodite
Kasaysavan ng Mitolohiya at Mga Diyos at po teacher.
Diyosa ng Rome.

Nilalamang tatalakayin:
 Kasaysayan ng Mitolohiya - Ang
mitolohiya ay isang uri ng malikhaing
kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa.
Maraming mga salita na buhat sa mitolohiya
ang kasama sa ating pang-araw-araw na
pagsasalita, lalung-lalo na sa propaganda.
Ang goma ay na-volcanize, ang tao ay
mapagsuring tulad ni Pandora, ang mga
rocket ay pinapangalanang Jupiter, Titan, at
Apollo. Lalong mauunawaan ang
arkitektura, pintura at musika kung
nababatid natin ang mitolohiyang Griyego at
Romano.
 Mga Diyos at Diyosa ng Rome
1. Zeus/Jupiter – Ang pinakamapangyarihan at
pinakamataas o Supremong Diyos. Siya
ang pinuno ng mga Diyos sa Olympus. Siya
ang panginoon ng langit. Ang kaniyang
simbolo ay agila, toro, kulog, puno at oak.
2. Hera /Juno – Asawa ni Zeus at Diyosa ng
langit. Ang kaniyang simbolo ay korona,
trono, at peacock.
3. Poseidon/Neptune – May kapangyarihan sa
pagmamanipula ng alon, bagyo, at lindol.
Diyos ng karagatan. Ang kaniyang simbolo
ay piruya o trident na hawig sa isang
malaking tinidor.
4. Hades/Pluto – Asawa ni Persephone. Diyos
ng kamatayan at pinuno ng Tartarus. Ang
kaniyang simbolo ay setro na may ibon sa
dulo, itim na karwahe at itim na kabayo.
5. Ares/Mars – Diyos ng digmaan. Anak nina
Zeus at Hera at kalaguyo ni Aphrodite. Ang
kaniyang simbolo ay buwitre, kalasag at
sibat.
6. Apollo/Pallas Apollo – Diyos ng propesiya,
liwanag, araw, musikat at panulaan. Anak
nina Leto at Zeus at kakambal ni Artemis.
Ang kaniyang mga simbolo ay pana, uwak
at lyre.
7. Artemis/Diana – Diyosa ng buwan,
pangangaso, ligaw na hayop at
tagapagtanggol ng mga bata. Anak nina
Zeus at Leto at kakambal ni Apollo. Ang
kaniyang simbolo ay pana at chiton (isang
uri ng damit).
8. Athena/Minerva – Diyosa ng karunungan,
sining, industriya, digmaan at katusuhan.
Anak nina Metis at Zeus. Ang kaniyang
simbolo ay ahas, puno ng oliba, helmet at
kalasag.
9. Hephaestus/Vulcan – Diyos ng apoy at
sining ng iskultura. Anak nina Zeus at Hera
at asawa ni Aphrodite. Ang kaniyang
simbolo ay martilyo at buriko.
10. Hermes/Mercury – Diyos ng komersyo,
siyensiya byahero, medisina, laro,
pagnanakaw at panlilinlang. Kilala bilang
mensahero at manlalakbay. Ang kaniyang
simbolo ay sandalyas at sombrerong may
pakpak at baton na may naka pulupot na
ahas at pakpak sa dulo.
11. Aphrodite/Venus – Diyosa ng kagandagan
at pag-ibig. Ang kaniyang simbolo ay
kalapati, rosas, salamin, kabibe, at sisne.
12. Hestia/Vesta – Diyosa ng tahanan at apoy
mula sa pugon. Anak nina Cronus at Rhea.
Ang kaniyang simbolo ay takure at walang
hanggang apoy.

 Pagkatapos talakayin ng guro ang


kasaysayan ng mitolohiya at ang mga Diyos
at Diyosa, magtatawag ang guro ng mga
mag-aaral na makapagbahagi ng kaniyang
natutunan sa paksang tinalakay.
III. INTEGRASYON

D. Aplikasyon
 Ang guro ay magsasagawa ng pangkatang
gawain.
 Ibabahagi ng guro ang klase sa dalawang
pangkat.

PANUTO: Bawat pangkat ay magkakaroon ng


pagsasadula na kung saan ay isasabuhay nila ang
mga kaakit-akit na katangian ng mga Diyos at
Diyosa. Ang bawat pangkat ay malayang pumili
mahigit sa dalawang Diyos at Diyosa ang kanilang
isasadula. Maaari silang gumawa ng senaryo at
script ukol sa pagsasadula nito. Maari rin na sila ay
tumula o kumanta. Halimbawa: Gagawan nila ng
tula ang kagandahan at pag-ibig ni Aphrodite.

 “Naintindihan ba ang panuto?” Naiintindihan po, teacher!


 Magbibigay lamang ng sampung minuto
ang guro upang maka pag handa pa ang
mga mag-aaral.
 Pagkatapos ng sampung minuto ay
sisimulan na nila ang pagtatanghal.
 Pagkatapos ng pagtatanghal, magbibigay
ang guro ng isang by pair activity.PANUTO:
Basahin ang akdang pampanitikan na
pinamagatang Cupid at Psyche (Mitolohiya).
Pagkatapos ay sumulat kayo ng sariling
mitolohiya batay sa paksang inyong binasa.

 Ipasa ang ginawang mitolohiya sa Padlet.


Ang link ang ipapasa lamang sa ating group
chat. - Opo, teacher!
 “Naiinditindhn po ba ang gawain?”

E. Pagpapahalaga - Teacher, ang mga alamat po ay may


 “Tapos na nating talakayin ang kaugnayan sa atin ngayon tulad ng sa
kasaysayan ng mitolohiya at ang mga mga sinaunang tao. Sinasagot po ng
Diyos at Diyosa ng Rome. Ngayon, gusto mga alamat ang mga walang
kong malaman kung paano hanggang katanungan at nagsisilbing
napapahalagahan at naiuugnay sa tunay compass sa bawat henerasyon.
na buhay ang mga mitolohiya?” - Nagpapaliwanag rin po ito ng likas at
relihiyosong mga pinagmulan, ang mga
alamat ay nagbigay din sa mga tao ng
kasaysayan ng kanilang mga tao at ng
kanilang mga kapitbahay.
- Ang mga alamat po ay nagbibigay
liwanag sa mga aspeto ng ating buhay
at kung paano tayo naging kung sino
tayo ngayon.

 Palalawakin pa ng guro ang kaugnayan ng


paksa sa ating buhay.
 Magbibigay din ang guro ng mga halimbawa
upang mapalalim ang pang-unawa ng mga
mag-aaral.

F. Generalization - Si Zeus po teacher dahil siya


pinakamapangyarihan.
 “Sa lahat ng mga Diyos at Diyosa, sino
- Si Aphrodite po teacher dahil siya ay
ang paborito ninyo?”
Diyosa ng kagandahan.
- Sa akin po teacher ay si Poseidon
dahil siyaang Diyos ng karagatan at
napanuod ko rin po iyong Aquaman
teacher, humanga po ako sa kanya.

 “Pinahanga niyo naman si teacher sa


mga sagot niyo. Talagang nakinig kayo
sa talakayan natin! At dahil diyan
bibigyan ko kayong lahat ng good job
stickers.”
- Wala na po teacher.
 “May mgakatanungan pa baa ng lahat?”
G. Takdang-aralin - Opo!
 “Dahil wala ng mga katanungan, paki
sulat ng inyong mga takdang-aralin sa
inyong kwaderno. Ipasa ito bukas.
Naiindintihan po ba?”

PANUTO: Magsaliksik ng 3-5 Diyos at Diyosa.


Isulat ang kanilang pangalan, ang kanilang
katangian, at ang kanilang simbolo.

PANGHULING PANALANGIN

Ipinasa ni:

Aireymhel I. Barrios
Princess Jean C. Mendoza
Bachelor of Elementary Education – 3rd Year

Ipinasa kay:

Ms. April Grace Datwin


SPC-TTL 2 (Technology for Teaching & Learning in the Elem. Grades)

You might also like