You are on page 1of 7

BAITANG 10 Paaralan Munting Ilog Integrated National High School Antas 10

Daily Lesson Log (Pang- Gng. Haydee A. Narvaez Filipino


Guro Asignatura
araw-araw na Tala sa
Pagtuturo) Nobyembre 07, 2023 IKALAWA – Unang Linggo –
Araw ng Pagtuturo Markahan
Panitikang Kanluranin - Mitolohiya

APO 8:00 – 9:00 : Lunes- Biyernes


SEKSYON ARAYAT 1:20-2:20 : Lunes, Martes, Huwebes//9:20-10:20 : Miyerkules, Biyernes
HALCON 10:20-11:20 : Lunes – Biyernes
BATULAO 2:20 – 3:20 : Lunes-Biyernes

Ikalawang Araw
I. Layunin

A. Pamantayang Nilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

C. Pamantayang Pagkatuto Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood

D. Mga Layuning 1. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pinanood na mitolohiya.


Pampagkatuto 2. Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan.
II. Nilalaman Mitolohiya – Si Thor at Loki sa Lupain ng mga HIgante
III. Mga Kagamitang Pagkatuto
Filipino 10: Panitikang Pandaigdig – Panitikan ng Bansa sa Kanluran

IV. Dulog at Estratehiya Constructivism Approach


Direct Instruction
TGA( Tell, Guide, Act)
V. Pamamaraan INTRODUCTION (PANIMULA)

a. Pagbati
b. Pagkuha ng Liban sa Klase
c. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng klasrum
d. Pagpapaalala sa health and safety protocol sa loob ng klasrum

A. Pagganyak: Balik- aral:

1. Ano ang mitolohiya?


2. Saan nagmula ang salitang mitolohiya?
3. Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
4. Ano-ano ang naging karanasan nina Thor at Loki sa kanilang paglalakbay sa lupain ng mga higante?
B. Talakayan: DEVELOPMENT (PAGPAPAUNLAD)

TELL

Panuto: Basahin muli at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo na nasa Aralin 1 pahina 5 (Paano Nagkaanyo ang
Mundo). Pagkatapos, Lagyan ng hugis-puso ( ) ang puwang kung ang binabanggit na elemento ay taglay ng binasa at ekis ( × ) kung hindi.
Mga Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan

_________mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan


________mga karaniwang mamamayan sa komunidad

2. Tagpuan

may kaugnayan ang tagpuan sa kaulturang kinabibilangan


sinaunang panahon naganap ang kuwento ng mitolohiya

3. Banghay

maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian

maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari

ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa

tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig

nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas

4. Tema
_______ ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
________ pinagmulan ng buhay sa daigdig
_________pag-uugali ng tao
_________katangian at kahinaan ng tauhan
_________mga aral sa buhay
_________mga paniniwalang panrelihiyon
C. Pagpapalalim: ENGAGEMENT (PAKIKIPAGPALIHAN)
GUIDE

Napanood mo na ba ang pelikulang Thor? Kung hindi pa ay panoorin mo online. Maaaring sa NETFLIX o sa iba pang online streaming site.
Pagkatapos mong mapanood ay buuin ang balangkas sa ibaba. https://youtu.be/E2WocSgJXf8?si=LErlAsLxfWQIUWyS
Nagalit ang ama ni Thor sa kanya dahil nilabag niya
Panimula ang batas sa kanilang kaharian kaya siya ay itinapon
sa lupa, sa mundo ng mga tao.

Papataas na Pangyayari 1

Papataas na Pangyayari 2

Papataas na Pangyayari 3

Kasukdulan

Papababang Pangyayari 1

Papababang Pangyayari 2

Sa mundo ngayon ay umiiral ang inggit, krimen,


Wakas sakit, galit, subalit sa kabila nito’y nariyan din ang
pag-asang kinakapitan ng tao sa panahon ng
kasawian.

D. Sintesis: ASSIMILATION (PAGLALAPAT)


ACT

Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang napanood sa sariling karanasan.

1. Nagdudulot ng kawalang - kapayapaan sa pamilya ang pag-aaway o hindi


pagkakasundo ng magkakapatid. Ano ang magagawa mo sa sitwasyong ito?

2. Ang kayamanan at kapangyarihan ay nagiging dahilan ng pag-aaway ng magkapamilya. Sang-ayon ka ba rito? Patunayan ang
iyong sagot.

E. Evaluation: Pagtataya

Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang _ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng
mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya

2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang .


A. awit B. kuwento C. tula D. talambuhay

3. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.


A. bungo B. kamay C. kilay D.utak

4. Isang matalino at masayahing bata na anak ni Gabi sa isang Aesir god.


A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir

5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _ .


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. tema

7. Ginamit nila ang _ _ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magprotekta upang hindi makapasok ditto ang
mga higante.
A. bungo B. kilay C.paa D.ugat

8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang _ .


A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap

9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang _ ng higante


A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito

10. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo

11. Ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod maliban sa isa.


A. pag-uugali ng tao B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. mga paniniwalang panrelihiyon D. mga pangyayari sa buhay ng isang
tao
12. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay sa maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema

13. Ayon sa mito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglubog at paglitaw ng araw ay
A. ang paghahabulan ng magkapatid na Skoll at Hati
B. hinahabol ni Skoll ang araw at hinahabol ni Hati ang buwan
C. hindi mapakali si Vili
D. namatay si Ymir

14. Tinatawag na mitolohiyang Norse ang mitolohiyang mula sa _ _


A. hilagang Europa B. Mediterranean C. Rome D.timog-silangang
Asya
15. Mula sa mga uod ng katawan ni Ymir ay nilikha ang _
A. araw at buwan B. mga diyos
C. magkapatid na Vili at Ve D.mga duwende

V. Remarks:

VI. Reflection:

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidiation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punong guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

You might also like