You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Junior High School Department

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


IKALAWANG MARKAHAN

School: Rizal College of Taal Grade Level: Grade 7


Teacher: Karl Jhaickxeill Josh Leyco Learning Area: Araling Panlipunan

I. Layunin
1. Naisa-isa ang mga katangian ng mga kabihasnan.
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga lambak-ilog sa
pag-uumpisa ng mga kabihasnan.
3. Naipapakita ang mga hakbang upang maging isang
kabihasnan ang lugar gamit ang mga natutunan tungkol sa
mga katangian ng isang kabihasnan.
II. Nilalaman
a. Paksang Aralin Katangian ng mga kabihasnan

b. Sanggunian Aralin para sa mag-aaral pp. 62-70

c. Kagamitan Powerpoint presentation, visual aids, marker at mga


larawan.
III. Pamamaraan
PANIMULANG GAWAIN
a. Panalangin
b. Pagbati ng guro
c. Pagsasaayos ng
Silid
d. Pagtala ng Liban
e. Balitaan HALINA’T MAGBALITA

b. Balik Aral 1. Anong uri ng yaman sa Asya ang mga nangangalaga sa


kalikasan, sa mga nilalang at nakatira sa ibabaw ng
kalupaan?

2. Ibigay ang limang rehiyon sa Asya?


PAGLINANG NG ARALIN GAWAIN 1: ARCHAEOLOGIST AT WORK
a. Gawain (PANGKATANG GAWAIN)
(Activity)
Panuto: Gamit ang kagamitang pinsel, patpat at dulos
bilang arkeologo, suriing mabuti ang mga larawan at
ipaliwananag kung tungkol saan ang ipinapakita nito.

UNANG GRUPO (ISTASYON 1)

IKALAWANG GRUPO (ISTASYON 2)

IKATLONG GRUPO (ISTASYON 3)

GAWAIN 2: PINTO NG KAALAMAN

Panuto: Unawain at basahing mabuti ang bawat


impormasyon na inyong makukuha mula sa pinto ng
kaalaman.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng salitang kabihasnan?


2. Ano ang pinagkaiba ng kabihasnan sa sibilisasyon?
3. Bakit mahalaga ang lambak-ilog para sa mga tao?
PAGTALAKAY KUBONG PAGKATUTO
a. Pagsusuri
(Analysis) Panuto: Gamit ang kubo ng pagkatuto, tukuyin ang
walong katangian ng kabihasnan.

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang walong katangian ng


kabihasnan?

2. Ano ang koneksyon ng walong katangian ng kabihasnan


sa pagkakabuo ng kubo?

3. Sa paanong paraan masasabing nakatutulong ito sa


pamumuhay ng mga Pilipino?
PANGWAKAS NA GAWAIN GAWAIN 3: PANGKATANG GAWAIN
a. Paghahalaw
(Abstraction) TALENTADONG PINOY!

Panuto: Magsagawa ng isang malikhaing presentasyon na


naipapakita ang mga hakbang upang maging isang
kabihasnan ang lugar gamit ang iyong natutunan tungkol
sa mga katangian ng isang kabihasnan.

PANGKAT 1: ROLE PLAYING

PANGKAT 2: VLOGGING

Napaka- Mahusay Nalilinang


husay
Organisasyon 30 puntos 25 puntos 20 puntos
Partisipasyon 30 puntos 25 puntos 20 puntos
Nilalaman 40 puntos 35 puntos 30 puntos

GAWAIN 4: I-TWEET MO!


IV. Paglalapat
(Application) Panuto: Ibahagi kung anong katangian ng mga sinaunang
tao na maaaring meron ka sa iyong sarili upang
mapaunlad ang inyong pamumuhay ng mga tao sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng isang tweet.

 Ano ang katangian ng mga sinaunang tao na kanilang


ginamit upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay na
sa tingin mo ay meron kang taglay para makatulong
upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga tao sa
kasalukuyang panahon?

V. Pagtataya Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng


pangungusap ay makatotohanan at MALI kung hindi
makatotohanan.

TAMA 1. Ang kabihasnan ay nakatuon sa antas ng kultura,


kaayusan, pamahalaan at teknolohiya.
TAMA 2. Ang sibilisasyon ay nakatuon lamang sa antas
ng kapangyarihan, kaalaman, at kaunlaran at teknolohiya.
MALI 3. Madalas gamitin ang salitang ‘’kabihasnan’’ sa
paglalarawan sa isang lugar na maunlad at moderno.
TAMA 4. Ang lungsod ay isang organisadong pamayanan
na may mataas na antas ng pamahalaan at teknolohiya.
MALI 5. Ang pamahalaan ay isang pag-uuri ng mga tao
sa lipunan batay sa kakayahan o kayamanang taglay.

VI.Takdang Aralin Magsaliksik ng iba pang kabihasnan na may kinalaman sa


kabishasnang Asyano at iugnay ang pinag-aralang
kabihasnan sa iyong buhay.

Inihanda ni: Iwinasto ni:


KARL JHAICKXEILL JOSH LEYCO MARCELO A. ENRIQUEZ, LPT
Nagpakitang Turo Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay nina:
NORMA P. BLANCO, Ed.D. JACQUELINE T. MORTEL, Ed.D.
Dean College of Education JHS Principal

You might also like