You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
Jones West District
JONES RURAL SCHOOL - 300555
Address: Barangay 2, Jones, Isabela 3313

MASUSING BANGHAY ARALIN


PAKITANG TURO
SA ARALING PANLIPUNAN
DECEMBER 25, 2021

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang
pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa na
nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at
kaunlaran.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig: (MELC BASED AP8AKD-IVa-1 week 1-2)
a. Naipapaliwanag ang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig;
b. Nasusuri ang mahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaan.
c. Natataya ang bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
D. NILALAMAN:
Ika-apat na Markahan – Modyul 4: Ang daigdig sa Klasiko at Transisyonal na Panahon
PAKSA: Kabihasnang Maya, Aztec, Olmec at Toltec: Mga kabihasnan sa MESOAMERICA
(MELC BASED AP 8 Q2)

II. MGA KAGAMITANG PAGTUTURO:


Modyul Ng Mag-aaral: ARALING PANLIPUNAN
(Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang daigdig sa Klasiko at
transisyonal na panahon.)

Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat pahina 115-119,


Modyul ng mag-aaral: Pahina 85-91

Iba pang kagamitan : Powerpoint Presentation, mga larawan, cartolina, manila


paper, color pen, pentel pen, tarpapel

III. PAMAMARAAN:
Ikalawang araw ng Ikalawang Linggo (5th week) – Paunlarin

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PAUNANG GAWAIN:
1. PANALANGIN
Bago natin simulan ang ating aralin, hingin natin Pagdarasal
ang presensya ng Panginoon para sa isang
panalangin.

2. PAGSISIYASAT SA KAPALIGIRAN
Bago kayo umupo tingnan muna ang iyong upuan Isasa-ayos ang mga upuan at pupulutin ang
kung maayos ang pagkakapwesto at pulutin ang mga kalat
mga kalat.

3. PAGTATALA NG LIBAN
Sino ang lumiban ngayon? Magaling! Palakpakan
ninyo ang inyong mga sarili dahil kumpleto ang Palakpakan
inyong attendance ngayong araw.

4. PAGGANYAK
Tumayo ang lahat para sa isang laro na
pinamagatang “WISH KO, HAWAKAN MO
AKO” Susunod sa palaro
Panuto: Ang bawat isa ay tatayo, at susunod sa
akin, kung ano ang hinahawakan kong parte ng
katawan ko ay susundin ninyo at kung anong
babanggitin ko, ay siyang ituturo o hahawakan
ninyo.

Naintindihan ba ako? Ngayon, magsimula na


tayo.

Nag-enjoy ba kayo sa ating “Wish ko, hawakan


mo ako”

Anong aral ang natutunan ninyo sa larong ito? Opo maam

Ano pa? Natutunan po namin na dapat nakakasunod sa


mga panuto. Mahalaga din ang pagsunod sa
lider at makinig mabuti sa mga alituntunin.

Gamitin ang isip, maging matalino, aktibo at


dapat laging handa sa kahit anong Gawain na
maiatang at sa kahit simpleng paraan,
Napakagaling! At higit sa lahat, mas masarap kailangang ibigay ang best natin para
namnamin ang tagumpay kung ito ay mapagtagumpayan ang anumang aral o hamon
pinaghihirapan. sa buhay.

B. PAGLINANG SA ARALIN:
AKTIBITI/GAWAIN 1: “NOOD MO, SURIIN MO”
Bago natin ito simulan, papangkatin ko muna kayo
sa tatlong pangkat, lahat ng magaling sa visual at math ay
mgkakasama, ganun din ang mga pangkat ng linguistic at
pangkat naturalistic.
Magpapakita ako ng maikling video clip tungkol sa
pagusbong ng kabihasnan sa Mesoamerica.
Makinig, suriin at intindihin upang makagawa at
makasunod sa mga aktibiti na nakaatas para sa inyo at
malinang ang inyong kakayahan sa araling ito.
AKTIBITI/GAWAIN 2:
1. Pangkat Visual at Math:
Suriin ang heograpiya ng mundo kung saan
umusbong ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica Opo maam.
at maitala ang taon kung kailan sumibol o naitatag
at bumagsak ang mga ito.

2. Pangkat Linguistic
Sa pamamagitan ng isang VLOG ipaliwanag at
ipakita ang mga kahalagahan ng kontribusyon ng Sa Mapa ng MesoAmerica, naipakita ang mga
mga Kabihasnan sa Mesoamerica. Kabihasnan dito at naitala ang taon na
nagsimula at bumagsak ang mga ito.
3. Pangkat Naturalistic
Maiuugnay ang Agrikultura at mga kagamitan
bilang kontribusyon sa pagsulong at pagunlad ng
pamumuhay ng isang lugar. Magba-vlog ang pangkat. Naipapakita at
naipapaliwanag ang mahalagang kontribusyon
Bago kayo magsimula pag-aralan muna ang mga na sumibol sa Mesoamerica.
pamantayan para sa pagbibigay ng inyong grado na
nkflash sa PAMANTAYAN DESKRIPSYON Naitala atPUNTOS naipaliwanag ang agrikultura at
harapan. Nilalaman Wasto at makatotohanan angkagamitan
mga bilang
25 kontribusyon sa pagsulong
impormasyon at pagunlad ng pamumuhay ng isang lugar.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang ginamit 25
Gawin ito sa loob na salita, mga larawan, at simbolo
ng sampung sa ginawang pagpapakita at tugma
minuto hanggang sa paksa.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang 25
labindalawang ginawang pagsasabuhay dahil sa
minuto. ginamit na mga larawan at salita na
nakahikayat sa mamamayan upang
Pagkatapos ay ito ay bigyan ng pansin.
ipakita ito sa Pagkakaisa Lahat nakisalisa sa gawain 15
klase. Oras Nakasunod sa oras 10
KABUAN 100

MAHUSAY! Napakagaling! Sampong bagsak para sa


inyong lahat.
5. ANALISIS

1. Sa pangkat Visual at math – sa naipakitang


video clip at presentasyon ng unang pangkat,
ano ang kaugnayan ng heograpiya sa
pagusbong at pagunlad ng bawat kabihasnan
sa Mesoamerica?
Sumagot ang mag-aaral
Ano ang positibong naidulot ng mga pag-
usbong ng kabihasnan?

Mahusay! Sumagot ang mag-aaral

2. Sa pangkat Linguistic – ano ang kahalagahan Sumagot ang mag-aaral


ng kontribusyon ng mga Kabihasnan sa
kasalukuyan? Sumagot ang mag-aaral

Kung ikaw ay babalik sa nakaraan, anong


kabihasnan ang gusto mong balikan at tirhan? Sumagot ang mag-aaral

Magaling! Sumagot ang mag-aaral

3. Sa pangkat ng naturalistic – ano ang


kahalagahan ng agrikultura sa pagsulong ng
ekonomiya?
Ano ang mga dapat isaalang-alang upang
mapanatili ang magandang agrikultura sa Sumagot ang mag-aaral
ating bansa.

Very good!

6. ABSTRAKSYON

1. Integrasyon
Ang isang pinakamahalagang armas na taglay
ng isang tao ay ang kanyang buhay, at isang
sanhi ng pagbagsak ng kabihasnan ay ang
pandemya na dumating sa kanila. Ano sa
tingin ninyo ang dapat mapahalagahan at
mabigyan ng importansya sa panahong
kasalukuyan? Sumagot ang mag-aaral

Tandaaan na sa kabila ng lahat, ano man ang


katayuan mo sa buhay, ano man ang estado
ng iyong karera sa kasalukuyan,
napakahalagang mapangalagaan ang ating
kalusugan, dahil mula pa nung una hanggang
ngayon, masasabi nating“Heath is Wealth”
kaya dapat, bigyan natin ang ating mga sarili
ng pahinga, maging masaya at higit sa lahat
mabuhay ng mapayapa ayon sa kagustuhan
ng Amang lumikha. So, take a break, free
your heart from heartaches, live life to the Sumagot ang mag-aaral
fullest. Be happy and live simply.

2. Pagpapahalaga
Sa isang lugar na maunlad at masagana, ano-
ano ang mga katangiang taglay ng mga
namumuno at mamamayan.

Higit sa lahat ang namumuno ay


mapanindigan ang salitang lider at
isinasaalang-alang lagi ang kapakanan ng Sumagot ang mag-aaral
nakararami. At ang batas ay dapat laging
patas at di tumitingin sa katayuan ng kahit
sinuman. Ang matagumpay na pamumuno at Sumagot ang mag-aaral
mga mamamayan ay walang kinikilingan at
isang lider na handang sumabak sa anumang
giyera o pagsubok nang walang Sumagot ang mag-aaral
pagaalinlangan na gaya sa ating mga guro, sa
gitna ng pandemya, walang babagsak, lahat
nakangiting tatanggap ng mga sertipiko at
diploma. Dahil sa DepEd walang batang Palakpakan
maiiwan, Sulong Edukalidad.

3. Paglalahat
Ano-ano ang mga mahalagang ambag ng mga
Kabihasnan sa Mesoamerica at ang epekto
nito sa kasalukuyan?

Nabibigyan ng importansya ang pangunahing


hanap buhay ng mga mag-sasaka o
agrikultura at nagiging daan ito upang
magpagtagumpayan ang mga
pangangailangan sa araw-araw lalo na ngayon
sa panahon ng pandemya.

7. APLIKASYON

Sa pagkakataong ito, kung may nakita kayong


“star” na nakadikit sa inyong upuan kayo ang
mswerteng magkakamit ng karampatang puntos
kung masasagot ninyo ang aking katanungan

1. Mula sa ating aralin, ano sa tingin ninyo ang


kabutihan at di-kabutihan ng
KAPANGYARIHAN?

Magaling!

2. Ano ang kagandahang naidulot sa atin ng


kaalaman tungkol sa ating aralin ngayon?

Mahusay!

3. Ano ang magandang maidudulot ng pagiging


“MASIPAG” sa buhay?

Very good!
At sa mga walang star, better luck next time. Sa susunod,
kayo naman.
Palakpakan ang inyong mga sarili. Mahusay na talakayan
ang naipamalas ngayong araw.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Maglabas ng ika-apat na bahagi ng papel para sa maikling pagsusulit. Isulat ang A kung ang
sagot ay tama at P kung ang sagot ay mali.

1. Ang mga kabihasnang Maya, Aztec at Mali ay ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa
Mesoamerica.

2. Ang pinakamahalagang Diyos ng mga Aztec ay si Huizilopotchli, ang Diyos ng ulan.

3. Ang sentro ng mga lungsod ng mga Mayan ay may isang pyramid na ang itaas na bahagi ay may
dambana para sa mga Diyos.

4. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang lungsod ng Tenochtitlan.

5. Ang smallpox na epidemyang dala ng mga Espanol ang nagpabagsak sa kabihasnang Azrec.

V. TAKDANG ARALIN:
Basahin at pag-aralan ang Kabihasnang Klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

MIRTEL SHANE A. SALES ROSALINDA S. GUILLERMO


Guro sa AP MT II, Mentor
Ipinasa kay:

LEE ANN B. GADINGAN


MT I, Head LASs Department

Inaprobahan ni:

ANGELIC P. DE VERA, PhD.


Principal IV

You might also like