You are on page 1of 7

BAITANG 10 Paaralan Munting Ilog Integrated National High School Antas 10

Daily Lesson Log (Pang- Gng. Haydee A. Narvaez Filipino


Guro Asignatura
araw-araw na Tala sa
Pagtuturo) Nobyembre 03, 2023 IKALAWA – Unang Linggo –
Araw ng Pagtuturo Markahan
Panitikang Kanluranin - Mitolohiya

APO 8:00 – 9:00 : Lunes- Biyernes


SEKSYON ARAYAT 1:20-2:20 : Lunes, Martes, Huwebes//9:20-10:20 : Miyerkules, Biyernes
HALCON 10:20-11:20 : Lunes – Biyernes
BATULAO 2:20 – 3:20 : Lunes-Biyernes

Ikalawang Araw
I. Layunin

A. Pamantayang Nilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

C. Pamantayang Pagkatuto Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)

D. Mga Layuning 1. Nasusuri ang nilalaman ng binasa.


Pampagkatuto 2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan.
II. Nilalaman Mitolohiya – Si Thor at Loki sa Lupain ng mga HIgante
III. Mga Kagamitang Pagkatuto
Filipino 10: Panitikang Pandaigdig – Panitikan ng Bansa sa Kanluran

IV. Dulog at Estratehiya Constructivism Approach


Direct Instruction
TGA( Tell, Guide, Act)
V. Pamamaraan INTRODUCTION (PANIMULA)

a. Pagbati
b. Pagkuha ng Liban sa Klase
c. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng klasrum
d. Pagpapaalala sa health and safety protocol sa loob ng klasrum

A. Pagganyak: Nasiyahan ka ba sa iyong mga ginawa sa unang aralin? Marahil ay oo ang iyong sagot. Talagang kasiya-siya naman ang mga gawaing iyon di ba? Balikan nga natin.

1. Alin sa mga Gawain sa aralin 1 ang iyong lubos na nagustuhan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa isang malinis na papel ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. hampaslupa A. magkatotoo sana
2. pusong-mamon B. nanliligaw
3. taingang - kawali C. nagbingi-bingihan
4. dilang- anghel D. mahirap
5. naniningalang-pugad E. mabait

B. Talakayan: DEVELOPMENT (PAGPAPAUNLAD)

TELL

Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo ng ibang kahulugan? Ito ay tinatawag na
kolokasyon.
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan upang makakabuo ng iba pang
kahulugan.Ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ring magkasalungat. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita
kung ito’y kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang
nagsasama-sama paminsan- minsan.

Halimbawa:
buwig ng saging kawan ng ibon
trono ng hari marangyang piging basag-ulo
Basag (pagkasira ng isang bagay ) + ulo (bahagi ng katawan ). Kapag pinagsama ay nagiging basag-ulo na
nangangahulugang gulo o away.

Basahin ang paglalahad tungkol sa mga diyos ng Norse.

Ang mga Diyos ng Norse


Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay
kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng mga Greek
Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na makita. Wala itong ningning ng
kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga diyos na darating
ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang
mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng
mga diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang kanyang asawa ay si Frigga,
isang makapangyarihang diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap.

Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.Si
Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kanyang kamatayan ang maituturing na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga
Aesir. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kanya ring pangalan hinango ang araw ng
Huwebes. Makikitang madalas niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo ay
si Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kanyang
pangalan hinango ang araw ng Martes.

C. Pagpapalalim: ENGAGEMENT (PAKIKIPAGPALIHAN)


GUIDE

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.


Gawain sa Pagkatuto Bilang3.
Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay. Pagkatapos bigyang kahulugan ang salitang mabubuo mula sa dalawang salitang pinagsama.
Maaaring gumamit ng mga pang-angkop sa pagbubuo. Sundin ang nasa halimbawa.

Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Kahulugan


Mabuo

Hal. alsa Balutan alsa-balutan lumayas

1. asal Hudas
2. bago Tao
3. balat Kalabaw
4. nagsaulian Kandila
5. pabalat Bunga
6. mahina ang tuhod
7. makitid ang kumot
8. mahal na tao
9. mahina ang kapit
10. lingon Likod

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangungusap.


1.Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya sa laro. Paliwanag:
_
2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi pa nakatapos sa pag-aaral. Paliwanag:
_
3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na nahiyang naniningalang-pugad sa kanilang dalagang kapitbahay.
Paliwanag:
_
D. Sintesis: ASSIMILATION (PAGLALAPAT)
ACT
PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin ang natutuhan mo sa aralin.
 Natutuhan ko na .
 Napagtanto ko na .
 Kailangan ko pang malaman na .

E. Evaluation: Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Si Razel ay may _ _ na puso


A. bago B. bakal C. bakla D.mabango

2. Si Teresa ay may magandang_ _ mata.


A. pilik B. makapal C. mapungay D. kisap

3. Kapit- ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa harap ng munisipyo.


A. bisig B. ginto C. likod D. tuko

4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang _ mata.


A. kisap B. pilik C. piso D. tambo

5. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na nagtataglay ng kahulugang _
_.
A. mabango B. maramdamin C. pagkain D.rekado sa ulam

6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salita sa iba pang salita
upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula

7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay nangangahulugang _ _ .


A. away o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo

8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.


A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan
9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay ay
A. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C.namatay D. walang karapatan

10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay _


A. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield

11. Diyos ng digmaan at ng kalangitan


A. Aesir B. Asgard C. Jotunheim D. Norse
12. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na
A. Aesir B. Frigga C. Odin D. Zeus

13. Ang pinakamamahal sa lahat ng diyos ay _


A. BalderT B. Freyr C. Frigga D. Thor

14. Siya ang bathala ng mga diyos at lumikha ng mga tao


A. Balder B. Odin C. Thor D. Zeus
15. ___________-bunga ang kanyang pakikitungo sa mga panauhin.
A. pabalat B. pakanta C. pakita D. patago

V. Remarks:

VI. Reflection:

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidiation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punong guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

You might also like